Proclaim Jesus Christ, Be Persistent!

 


Prelude

Welcome

Welcome sa sagradong lugar na ito ng ating pagsamba. Ang ating tema sa araw na ito ay Proclaim Jesus Christ, Be Persistent! Ipahayag si Hesukristo, Maging Matiyaga! Ito rin ang unang linggo ng ating Generosity Cycle, na siyang nag-aanyaya sa atin upang alamin ang nakakapagpabagong kapangyarihan ng pagiging bukas-palad ng isang alagad. 

Sa ating  banal na kasulatan sa araw na ito mula sa 2 Timoteo, pinapaalalahanan tayo sa kahalagahan ng pagdadala sa ating pananampalataya, aral, kaalaman pagpapala na siyang ibinahagi sa atin. 

Ang pagkabukas ay yumayakap sa pagmamahal na siyang ibinuhos sa ating mga buhay. Itoy isang makapangyarihang bagay na siyang bumibigkis sa atin bilang isang komunidad. Hindi ito tungkol sa pagbibigay lamang ng isang bagay o materyal mula sa atin, sa halip ito ay tungkol din sa pagbabahagi natin ng ating panahon, kabutihan, at kalinga.

Sa mga sumusunod na anim na lingo, bahagi ng ating Generosity Cycle, titingnan natin ang mga paraan ng ating pagiging mabagbigay na siyang nagpapakita ng ating pagiging alagad o disipulo ng Diyos at ng kanyang pagmamahal sa ating buhay. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagninilay at sa Disiciples’ Generous Response natin.

Nawa ay maging bukas tayo sa paggabay ng Espritu, at hayaan nating buoin tayo upang maging mga tapat na alagad na may pusong bukas sa pagiging mapagbigay at bigyan tayo ng inspirasyon na magpatuloy sa pagtahak natin sa ating pananampalataya.

           

Call to Worship: Psalm 119:97-104

 

Hymn of Calling: “Take the Path of the Disciple” CCS 558

 

Opening Prayer

 

Response

 

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Panalangin para sa kapayapaan ng mga biktima ng lindol sa Cebu at Davao, at sa lahat ng biktima ng mga kalamidad:

Maawain at mapagmahal naming Diyos,

Sa gitna ng sakit at pagsubok na dulot ng mga indol at ng lahat ng kalamidad sa aming bayan, kami ay dumudulog sa Iyo at inilalapit ang mga kapatid naming naging biktima na nakakaranas ng kahirapan dulot ng mga ito.

Hinihiling namin ang Iyong kapayapaan na siyang hihipo at magpapagaling sa puso at diwa ng lahat ng mga biktima at kanilang pamilya. Ibigay Mo po ang Iyong Liwanag, sa mga nagluluksa, na bigyan mo ng lakas ang mga sugatan, at pag-asa para sa lahat ng nawalan ari-arian, tahanang masisilungan, kabuhayan at maging mga mahal nila sa buhay.

Patuloy Mo po kaming samahan, patnubayan, at bigyan ng pagkakaisa upang magtulungan at bumangon.

Sa Iyo nagmumula ang lahat ng awa at pagmamahal.

Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pangalan ni Jesus. Amen.

Scripture Reading 2 Timothy 3:14—4:5

Testimony

Morning Message Based on 2 Timothy 3:14—4:5

Disciples’ Generous Response

Statement

Wala nang iba pang kompletong halimbawa ng pagiging bukas palad maliban sa buhay ni Jesus… Ang dakilang pagkabukas-palad ng Diyos sa buhay ni Jesus ay siyang ganap na halimbawa ng generosity… Magiging buo tayo kung tatanggapin natin ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na ating magpapagtanto na tayo at ang lahat ng mayroon tayo ay mga biyayang nagmula sa Diyos.  

            Reflection and Sharing

·       Papaanong ang buhay ni Jesus ay naging halimbawa ng lubos na pagpapala ng Diyos?

 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

           

Hymn of Sending Forth: 39 ITULOYCO LAT’ PANNAGNAC

 

Prayer and Benediction

 

Sending Forth: Doctrine and Covenants 165:6a-c

6 a. Beloved Community of Christ, do not just speak and sing of Zion. Live, love, and share as Zion: those who strive to be visibly one in Christ, among whom there are no poor or oppressed. b. As Christ’s body, lovingly and patiently bear the weight of criticism from those who hesitate to respond to the divine vision of human worth and equality in Christ. This burden and blessing is yours for divine purposes. c. And, always remember, the way of suffering love that leads to the cross also leads to resurrection and everlasting life in Christ’s eternal community of oneness and peace. Trust in this promise.

 

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

Heal Our Blindness

Love Is…