Friday, March 14, 2025
Friday, March 7, 2025
Believe with Our Hearts
Preparation
Ang tradisyunal na kulay
para sa kuwaresma ay ang kulay ube(purple). Maaring maglagay ng dekorasyon sa
loob ng bahay sambahan na may dominanteng kulay ube.
Prelude
Welcome and Lent
Explanation
Tayon lahat ay inaanyayahan
sa araw na ito bilang mga Kristiyano para sa ating pagtitipon na nakatuon sa
ating paglalakbay sa kuwaresma.
Ang kuwaresma ay panahon
ng ating pagninilay, pag-uusig sa ating mga sarili, at pagsisisi sa ating mga
kasalanan. Ito ay ang pagbabalik tanaw natin sa apatnapong(40) araw ng
pag-aayuno ni Hesus at ang kanyang pagkakatukso sa desyerto. Ang ating
espiritual na paglalakbay na ito ay hinudiyatan natin mula sa mga alabok noong
Ash Wednesday hanggang sa kalulwalhatian sa araw ng Easter Sunday.
Ang panahong ito ay isang pagtawag sa atin
para sa pag-aayuno, pananalangin, at pagkabukas-palad upang magbahagi sa iba.
Pinapaalalahanan tayo sa ating pagiging mahina bilang tao at sa pagtitiwala
natin sa biyaya ng Diyos. Ito ang panahon upang harapin natin ang ating mga
kahinaan, ipagtapat ang ating mga kasalanan, at hanapin natin ang pagpapatawad
ng Diyos at ang pagpapatawad natin sa isat-isa.
Sa araw na ito,
sama-sama tayo sa pagpupuri at batid natin ang walang hanggan na pag-ibig ng
Diyos sa atin, at batid din natin maging ang ating mga kahinaan at pagkukulang.
Sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa panahon ng kuwaresma, hanunin
natin ang mga sa sarili upang palalimin pa ang ating pananampalataya, talikuran
ang mga bagay na siyang naglalayo sa atin sa Diyos, at yakapin natin ang
ispiritu ng pagsisisi at pagbabago.
Call to Worship:
Leader: Ang sinumang nananahan sa
piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Dahil ginawa mong kanlungan
ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol, walang
kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Dahil uutusan ng Dios ang
kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila
upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Ililigtas ko at iingatan
ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko
siya; sa oras ng kaguluhan, asamahan ko
siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
-
Psalm
91:1-2, 9-16, adapted
Hymn of Gathering: Gather Us In CCS72
Opening Prayer
Response/Music Ministry
Lent Scripture Reading and
Reflection
Read Luke 4:1-3
Reflection
Ang talatang ito ay tungkol sa apatnapong araw na pag-aayuno ni Hesus sa
ilang bago ang kanyang pagmiministeryo. Ang pag-aayunong ito ay bilang
paghahanda ni Hesus sa kanyang ministeryo. Ito ay natutulad sa ating
paglalakbay sa panahong ito ng kuwaresma na siyang panahon ng pag-aayuno bilang
paghahanda nating mga Kristiyano.
Hymn of Change: Into My Heart CCS573, Sing twice
Prayer for Peace
Light the Peace Candle
Peace Prayer
Mapagpalang
Diyos,
Sa gitna ng aming buhay
na punong-puno ng pagsubok ng bagyo at kawalan ng kasiguruhan, kami ay narito
upang hanapin ang Iyong kapayapaan. Pagpalain Mo nawa ang aming mga puso ng
kapayapaan, ng kalinawan ang aming mga isipan, at pagkakaisa ang aming mundo. Baguhin
mo ang aming mga hindi pagkakaunawaan sa isang opurtunidad ng pagkakaunawaan at
nawa ang iyong pag-ibig ay siyang magtuturo sa amin sa isang maayos na
pamumuhay, ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ni Hesu-Kristo. Amen.
Sermon Based on Romans 10:8b-13
Hymn of Reflection: 54 IDIAY CRUS
Disciples Generous Response
Scripture
Reading: Deuteronomy 26:1-2
Kapag naangkin na ninyo
ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, at doon
na kayo naninirahan, ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa
basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Dios,
kung saan pararangalan siya.
Statement
Tulad ng sinaunang
panahon, hanggang ngayon dinadala natin sa Diyos ang bawat unang bunga mula sa kanyang
biyaya tuwing linggo.
Ang walang kapantay na awa
at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan, at muling
pagkabuhay ni Hesus ang siyang pangunahing halimbawa ng pagiging bukas-palad at
biyaya ng Diyos sa atin. Minamahal tayo ng lubos ng Diyos na walang anumang kapalit
o kondisyon. Sa pagbubukas natin ng ating mga puso, at pagbabahagi natin ng
ating mga kaloob, tayo ay tila mga repleksiyon ng kanyang walang hanggan na
pag-ibig at awa sa mundo.
Blessing and receiving
of local and worldwide mission tithes.
Hymn of the Journey: “There’s anOld, Old Path” CCS 244
Closing Prayer
Sending Forth
Postlude
Saturday, March 1, 2025
Seek Spiritual Freedom
Prelude
Welcoming Hymn: “Santo, Santo,
Santo / Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty! CCS 52
Sharing, Joys and Concern
Welcome
Sa araw na ito, sama-sama
tayo sa ating pagpupuri sa Panginoon, sama-sama tayo sa paghahanap ng spirituwal
na kalayaan. Ano ba ito dapat? Ano nga ba ang dapat nating gawin? Ibibigay sa
atin ng Diyos kung ano ang dapat nating gawin. Hindi natin ito kayang kontrolin
maliban sa mga bagay na kaya nating gawin. Hayaan nating gawin ng Diyos ang Kaniyang
gawain. Tayo ay sa Diyos at ang Diyos ay nasa sa atin.
Call to Worship: Psalm
99:9
Purihin ang Diyos na
ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok, dahil ang Panginoon na
ating Diyos ay banal.
Hymn: 85 TIMEC TI APO INCAM
Invocation
Response/Music Ministry
Reflection (Optional)- Tingnan ang kwento
na may pamagat na “Coming”.
Scripture Reading: 2 Corinthians
3:12-4:2
Prayer for Peace
Peace
Hymn: “Spirit, Open My Heart” CCS 564
Light the peace candle.
Peace
Prayer
Diyos naming minamahal,
Tulad ng mga alagad na
hindi na nakapagsalita nang makita nila ang pagbabagong anyo ni Jesus sa tuktuk
ng bundok, hindi sapat ang salita lamang upang mailarawan ang hangarin ng aming
mga puso para sa kapayapaan. Kitang kita namin ang hiwaga ng Iyong kapayapaan
na siyang nagdadala ng ginhawa, ngunit nasaan nga ba ang kapayapaan para sa mga
nagugutom, para sa mga walang matuluyan, para sa mga pinagkaitan? Napakaraming
mga komplikadong sistema na ang aming mga ginawa na minsa'y tila imposibleng
magkakaroon pa ng kapayapaan. Ngunit, ang mga alagad ay nakaranas naman sila ng
isang hiwaga at imposibleng kaganapan sa tuktuk ng bundok. Buhayin Mo kami O
Diyos at magsilbi kami bilang isang gamot sa mundong may sakit, upang magsilbi
kaming prutas para sa mga nagugutom, magsilbi kaming silungan ng mga walang tahanan.
Paalalahanan Mo kami na kahit hindi man namin masambit ang Iyong kapayapaan, may
mga kaya kaming gawin para sa kapayapaan sa aming kapwa at sa aming mga puso.
Sa pangalan ng Siya naming
tanglaw sa aming mga daanan. Amen.
Homily based on 2 Corinthians
3:12-4:2
Sacrament of the Lord’s Supper
Hymn of Preparation: “Come Now, You
Hungry” CCS 227
Communion Scripture:
Luke 22:19-20
19Pagkatapos, kumuha siya
ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay
sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20Pagkatapos nilang
kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at
nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na
pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.
Invitation
to Communion:
Ang lahat ay
inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang huling hapunan ng Panginoon ay
isang sakramento na kung saan ay inaalala natin ang buhay, kamatayan,
pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo sa atin. Sa
ating Iglesia, nararanasan din natin sa sakramentong ito ang isang opurtunidad
upang mapanibago natin ang ating bautismo na siyang nabuo bilang mga alagad na namumuhay
sa misyon ni Kristo. Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi at gawin ito sa
pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.
Blessing and Serving of
the Bread and Wine
Disciples’ Generous
Response
Scripture Reading:
Doctrine and Covenants 162:7d
The call to respond is
urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your
walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a
spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to
share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the
gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.
Statement
Sa pagbubukas natin ng
ating mga puso at sa pagiging bukas-palad natin sa pagbabahagi ng ating mga
kaloob sa kahit anong paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos para sa
pagkalinga sa mundo. Sa linggong ito, nagkaisa tayo sa sakramento ng huling
hapunan ni Kristo at ang ating mga kaloob ay siyang pangunahing pagtugon natin
para ating misyong Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Sa
pamamagitan nito, makikita ang materyal na paglago ng pagkalinga ng Diyos.
Blessing and Receiving
of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes.
Closing Hymn: 36 NO TALNA
TI MASARACAC DALANCO
Closing Prayer/Benediction
Sending Forth
Postlude
Friday, February 21, 2025
Make Room for Emerging Life
Prelude
Welcoming
Hymn: “Great and Marvelous Are Thy Works” CCS 118
Call to Worship
Si Amanda Berry Smith
(1837-1915) ay ipinanganak bilang alipin sa Maryland at kalaunan ay nakamtan
niya ang kaniyang kalayaan sa Pennsylvania. Ang mga sumusunod ay hango mula sa kwento
ng kanyang pakakabago.
Preacher: “Kung ikaw
matutulog na sa gabi wala kang kailangang gawin upang ikaw ay huminga habang
natutulog.”
Amanda: “Hindi,” Sabi
ko, “Hindi ko kailan man ito iniisip.”
Preacher: “Sa pagtulog
mo sa gabi, humihinga ka ng buong gabi ng walang ginagawa, gigising ka sa umaga
na wala kang ginawa.”
Amanda: “Tama, tama,
alam ko na, nakikita ko na.”
Preacher: “Wala kang
kailangan gawin para manahan sa’yo ang Diyos: tanggapin mo ng buo ang Diyos at
siya’y mananahan sa’iyo.”
Hymn:
101 ADTOY UMAYAK ITI MADARAS
Invocation
Response/Music
Ministry
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Peace Prayer
Aming Diyos na naghahangad ng pagkakaunawaan,
Kami ngayon na desperado na sa kapayapaan ay lumalapit
sa’yo mula sa mundong sira-sira na ng dahil sa galit, karahasan, at kawalan ng
pag-iingat. Ang mga magkakapatid ay hindi na nag-uusap, magkakapitbahay na
nagtayo na ng napakatataas na bakod sa kanilang pagitan at mga komunidad na ang
dala-dala na nila’y mga sandatang dila at bakal. Mga nagugutom na nagsusumamo sa
kapirasong tinapay, mga nagdadalamhating naghahangad ng kalinga, at mga walang
matuluyan na naghahangad ng unan sa ulo.
Idinadalamhati namin ang mundong naghihinagpis.
Nawa ay matutunan namin na ang aming mga salita ay
masisilbing mga gamot ng sugat. Matutunan nawa namin na ang aming
pagpapatawad ang siyang magtatali sa mga
hibla sa hinahangad naming kapayapaan, sapagkat ang kapatawaran ang siyang gagamot
sa mga luha ng sangkatauhan. Nawa ay makakabuo kami ng mga hibla ng pag-ibig
mula sa mga galit, mga tinupi ng pagiging bukas palad mula sa kagutuman, at
biyaya mula sa kakulangan. Palakasin Mo ang aming mga kami sa paghahabi, sa
paggawa ng malaki, malawat, at magandang tela.
Hinahanap parin namin ang posibilidad ng kapayapaan
kahit sa gitna ng pighati.
Sa pangalan ni Hesus na siyang may akda ng kapayapaan.
Amen.
Hymn:
“He Came Singing Love” CCS 226
Scripture
Reading: 1 Corinthians 15:35-38
Take the time to allow the worshipers to stand and
witness of the times they’ve changed or grown.
Take the time to allow the worshipers to stand and
witness about the times they’ve changed or grown. What is the seed for
you? What seeds do you sow?
“Band-Aid” mime for three people
Needed: One Very Large Band-Aid.
Do not rush. Give observers a chance to take in what is happening.
Person 1 enters, crying with a hurt elbow.
Person 2 comes and puts a Band-Aid on the elbow
and kisses it. Person 2 exits.
Person 3 enters, stumbles, falls, and cries with
a hurt knee.
Person 1 takes off their Band-Aid and puts it on
Person 3’s hurt knee and kisses it.
Scripture
Reading: Corinthians 15:42-45
* Kailan mo naranasan ang paglago mula sa mga
karanasan mong hindi maganganda?
* Bilang isang disipulo o alagad, kailan ka gumawa ng
isang bagay na sa tingin mo ay higit pa sa inaakala mong kaya mong gawin?
Scripture
Reading: 1 Corinthians 15:46-50
Message
or Testimony based from 1 Corinthians 15:35-38,42-45
Disciples
Generous Response
Sa linggong ito, ang ating mga kaloob ay magiging kontribusyon
natin para sa nalalapit na 2025 World Conference. Mag-alay din tayo ng isang espesyal
na panalangin sa ikatatagumpay ng pagtitipong ito, kung dito ay magkakaroon ng
sama-samang pagdarasal, pag-pupuri, at isang banal na pagpupulong para sa banal
na desisyon sa loob ng simbahan. Mula sa temang “Hope is Here” o “Naririto ang
Pag-asa”, ang pagpupulong na ito ay gaganapin mula ika-30 ng Mayo hanggang
ika-6 ng Hunyo sa Inpendence, Missouri. Pararangalan din dito ang 20 taong
pamumuno ni President Steve Veazey at pagninilayan ang tawag kay kapatid Stassi
D. Cramm bilang susunod na ating tagapamuno at propeta ng ating iglesia.
Ang inyong mga kaloob ay isang malaking bahagi para ikatatagumpay
ang gawaing ito.
Manalangin tayo...
Blessing and Receiving of Local and Worldwide mission tithes.
Closing
Hymn: 108 BENDICIONNA INCA BILANGEN
118 Great and Marvelous Are Thy
Works
Great and marvelous are thy works,
O Lord of hosts, almighty One!
Earth and firmament speak thy praise;
thy name is written in the sun.
Sing of his mighty love, for it is
wonderful;
let his praise through all the earth resound;
honor and majesty now and forever be
unto God whose love and mercy have no bound.
Thou hast fashioned with thine own
hand
the earth below, the heavens above;
O how wonderful is thy power,
and yet how tender is thy love.
O thou infinite, living God,
upon us now thy Spirit pour;
we would worship thee, laud and praise
thy holy name forevermore.
108 BENDICIONNA INCA BILANGEN
(Count Your Blessing)
No ta pangbiagmo mariribocca,
Ket ta panunot pacapsutennaca,
Bendicionna bilangem a saggaysa,
Agsiddaawcanto ti caaduda.
Coro:
Dayta bendicion mot’ bilangem,
Ayat ti Dios inca kitaen,
Bendicionna inca bilangem,
Adu nga ayatna inna inteden,
Maricnam unay dagsen ta awitmo,
Dayta cruzmo bantotnat’ napalalo,
No bilangem bendicionna nga adu,
Danag pumanaw ragsac sumucatto.
No dagiti dadduma nabacnangda,
Lagipen ti cari ni Cristo kenca,
Paraburna di magatadan kwarta,
Sanicuat’ diay Gloria awan servina.
No adda ka tengngat’ pagbabacalan,
Ti Dios ngad ‘ isu ti inca camangan,
Ti paraburna angeles ammoda,
Ayat ken tulongna di agpatingga.
101 ADTOY UMAYAK ITI MADARAS
(Sweet Promise Is Given)
Adtoy umayac iti madaras,
Kuna ti Apo a napnoan ayat,
Petpetam agengganat umayak,
Balangat a kenca isagsaganac.
Coro:
Petpetam agingganat umayac,
Cari ti Apo a napnot’ ayat,
Sumrecca iti ragsac ti Apom,
Ah! Isu dayta biag nga agnanayon.
Ngarud parayrayen mit’ silawmi,
Tapno yaayna mapadaananmi,
Cancanayon agsalucagcami,
Ti yaayna asidegen ammomi.
Wen, daytoy isut’ namnamatayo,
Nagloriaan yaay ti Apo tayo,
Ti pacapocpocan ti carina,
Adtoy, umayacon agsalucagca
Friday, February 14, 2025
Practice Resurrection
Prelude
Welcoming
Hymn: “I Will Sing, I Will Sing” CCS 112
Welcome,
Sharing, Joy and Concern
Call
to Worship: Psalm 1:1-3
Hymn:
87 TIMEC INCAM MANGNGEGAN
Invocation
Response/Music
Ministry
Prayer for Peace
Light the Peace Candle.
Peace
Prayer
Panginoon
Naming Manggagamot,
Napapagod
na po kami sa mga kaguluhan at karahasan. Napakahirap pagmasdan ang aming mga
kapatid na nahihirapan at nasasaktan. Napakahirap tingnan ang aming mga anak na
natatakot. Napakahirap makita ang mga taong nagdurusa. Ang kaguluhan ay isang
bagay na mahirap tingnan at danasin.
Ngunit
maging ang gumawa para sa kapayapaan ay mahirap din. Tulad ito ng isang doktor
na nag-oopera para tanggalin ang bukol ng isang pasyenteng may kanser. Ang pag-gawa
para sa kapayapaan ay kailangang hanapin ang ugat ng problema. Sa paghahanap ng
ugat, minsan kailangan hiwain kahit ang
malulusog na bahagi para lamang makita ito.
Panginoon,
patawarin Mo kami kung kami’y tumatanggi sa isang matinding gamutan na siya
sanang babago sa aming kalooban. Paalalahanan Mo kami na kailangan namin ang
kagalingan. Ipaalala Mo sa amin na Ikaw laging nariririto. Nawa ay maaari
naming ilagak ang aming mga puso sa ikagagaling ng mundo, sa gayon nawa kami ay
magsisimulang lumapit sa isang tahanan. Tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyong
kalooban, at magtiwalang ang kagalingan ng mundo ay kalakip ng pagbabago sa
aming mga puso na ito’y nauukol sa Iyo. At sa aming pagbabago, kami ay gagawa
sa ngalan ng kapayapaan.
Sa pangalan ni Hesus, ang kaganapan ng aming
pananampalataya. Amen.
Scripture
Reading: 1 Corinthians 15:12-20
Sharing
the spoken words based on 1 Corinthians 15:12-20
Disciples’ Generous Response
Statement
Ang
dakilang awa at pag-ibig sa buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli ni Hesus ang
siyang ganap na halimbawa ng pagiging bukas-palad ng Diyos. Ang Kaniyang
pag-ibig ay lubos at walang anumang kundisyon. Sa pagkakaroon natin ng lakas ng
loob sa pagbibigay ng ating kaloob sa kahit anumang paraan, pagnilayan natin
ang dakilang pag-ibig at awa ng Diyos sa mundo.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Closing
Hymn: 256 I WILL SING OF MY REDEEMER
Closing
Prayer
Sending Forth
Live the meaning of your baptism daily as you grow in
the skills and qualities of discipleship. —Doctrine and Covenants 164:3b
Go,
and practice resurrection!
Postlude
112 I Will Sing, I Will Sing
English
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
Alleluia, glory to the Lord.
Allelu, alleluia, glory to the Lord…
256 I WILL SING OF MY REDEEMER
I will sing of my Redeemer,
And His wondrous love to me,
On the cruel cross He suffered,
from the curse to set me free.
Chorus:
Sing, O sing…..of my Redeemer!
With His blood He purchased me,
On the cross…..he sealed my pardon,
Paid the debt and made me free.
I will tell the wondrous story,
How my lost estate to save,
In His boundless love and mercy,
He the ransom freely gave.
I will sing of my Redeemer,
And his heav’nly love to me,
He from death to life hath brought me,
Son of God with Him to be.
87 TIMEC INCAM MANGNGEGAN
(Jesus Saves)
Timec incam mangngegan, ni Jesus mangispal,
Ti damag iracurac, ni Jesus mangispal,
Intay ngaruden ipan, tunggal daga ken taaw,
Maibaga di agcurang, ni Jesus mangispal.
Mangiyaweng ti taaw, ni Jesus mangispal,
Managbasol bagaan, ni Jesus mangispal,
Purpuro incantayo, ket taaw, sungbatanyo,
Toy lubong napnot’ rag-o, ni Jesus mangispal.
Idiay pagbabacalan, intay met ipuccaw,
A natay ngem nagungar, ni Jesus mangispal,
Puon ti pagragsacan, puso a napnoan liday,
Icanta di agsarday, ni Jesus mangispal.
Damag puon ti ragsac, intay ngad’ iwarnac,
Ta ditoy lubong immay’ ni Jesus mangispal,
Banbantay agragsac da, ta damag maamoanda,
Rag-o a di mamingga, ni Jesus mangispal.
Thursday, February 6, 2025
Into the Deep Water
Preparation: Maghanda ng isang krus na katamtaman ang sukat na maaaring ipatong sa lamesa at sa tabi ng krus, maglagay ng isang mangkok ng tubig. Sa pagpasok at bago ang pagsisimula ng serbisiyo, maghanda at magbigay ng mga ribbon sa bawat papasok sa kapilya.
Prelude
Welcoming Hymn: 57 Capintasan A Lirio Idiay Tay-ac
Welcome, Joys, and Concerns
Call to Worship
Tayong lahat ay tinawag ng Diyos
ayon sa kanyang kaloob sa atin. Ano kaya ang ipinagkaloob ng Diyos sa’yo? Paano
ka tutugon sa pagtawag ng Diyos sa’yo upang ang banal Niyang misyon ay nasa iyong
pamumuhay.
Hymn: 165 SARITAEC A SIAYAT NI HESUS A NASLAG
Invocation
Scripture Reading: Luke 5:1-3
Reflection
Reader
1: Paano tayo maniniwala sa isang bagay na hindi naman natin nakikita?
Reader
2: Ang gawaing ito ay para sa ating lahat pagkatapos na si Hesu-Kristo ay
nabuhay na muli at sa paniniwalang si Hesus ay nasa ating mga buhay. Sa
pamamagitan ng pananampalataya tayo ay sumusunod.
Leader:
Sa pamamagitan ng mga hawak nating mga
ribbon pumili ng isa at pagnilayan ang ating pananampalataya at kung bakit ka
naniniwala. Kung tayo ay handa na, maaari tayo lumapit at itali ang ating mga
ribbon sa nakahandang krus.
Prayer
for Peace
Light
the peace candle.
Diyos ng pagbabago,
Idinudulog
namin sa-Iyo ang aming mga kahinaan bilang tao. Tulad ng mga pastol, natatakot
kami sa pagsunod sa Iyong bituwin. Hindi namin natitiyak ang aming mga
lalakbayin. Tulad ni Isaiah na ang sabi niya’y “Ako’y lagot na!” habang
tinitingnan namin ang kamatayan, pagkawasak, kaguluhan, pasasamantala, at ang
mga sistemang hindi makatarungan sa paligid namin dito sa mundo. Patawarin Mo
po kami sa aming pag-aalinlangan.
Ngunit
gaya din ni Isaias, nawa ay maaari naming sundin ang kaniyang halimbawa at kami
ay magsasabing, “Isugo Mo Ako!” bilang pagtugon namin sa Iyong pagtawag. Nawa
ay maaari naming sundin ang mga yapak ng mga pastol at dalubhasa na takot man ngunit
naging matapang sa kanilang paglalakbay upang masilayan ang batang si Hesus, na
tuluyang naghatid ng pagbabago sa kanila.
Ang Iyong
pag-ibig ay mas malakas ng higit sa pang-aabuso,
ang Iyong tiyaga ay mas mahaba ng higit sa pagkabagot ng tao, at ang Iyong pagpapatawad
ay mas makapangyarihang higit sa puot ng
tao. Nawa kami ay mabago sa pamamagitan ng iyong pag-ibig at pagpapatawad at magsisikap
pa ng lalo para sa kapayapaan. Gawin Mo nawa kaming maawain at maging bukas sa
Iyong kalooban at kami ay kikilos sa Iyong pangalan. Bigyan Mo kami ng
pananalig upang sambitin ang Iyong mga salita sa gitna ng pang-aabuso, at ng
kaalaman kung papaano mababago ang mundo mula sa Iyong mga salita.
Sa
pangalan ni Hesus, na Siyang pinagsisikapan naming sundin ang kanyang mga
yapak. Amen.
Scripture Reading: Luke
5:4-6
Reflection
Reader
1: Paano nga ba tayo mamumuhay? Paano nga ba natin malalaman kung ano ang
inaasahan sa atin? Paano natin malalaman kung ano ang tama at mali, kung ano
ang makakatulong at makakasama?
Reader
2: Makinig mabuti, sa isang mumunting tinig na Siyang nasa Iyong kalooban. Pag-isipan
mo kung papaano mo malalaman ang pagpili na may pagiging responsible at ang kung
ano ang mga ipinagkaloob sa’yo ng Diyos. Manalig ka na ang pag-ibig ng Diyos
ang siyang gagabay sa’iyo.
Leader:
Ang mangkok ng tubig sa tabi ng krus ay sumisimbolo ng Tubig na Buhay. Kumuha ng
isa pang ribbon at pag-isipan ang mga pangangailangan ng mga nasa paligid Mo. At
kung tayo ay handa na, lumapit sa mangkok at ilagay ang ribbon.
Scripture Reading: Luke
5:1-11
Message based on Luke
5:1-11
Disciples’
Generous Response
Scripture Reading: Doctrine and Covenants 153:9b
My
Spirit is reaching out to numerous souls even now and there are many who will
respond if you, my people, will bear affirmative testimony of my love and my
desires for all to come unto me.
Statement
Hindi
nasusukat ang pagpapala at pagiging bukas-palad ng Diyos. Sa ating pagbubukas
ng ating mga puso upang at pagiging matapang upang maging bukas-palad din tayo
sa ating pagbabahagi ng kahit anumang bagay na mayroon tayo, nakikiisa tayo sa isang
kilusan upang mai-abot ang pagkalinga ng Diyos sa mundo. Ang biyaya ng Diyos ay
lubos, ibihagi natin ito ng may katapatan sa iba at ang kanyang pag-ibig at
pagkalinga ay lalago ng walang katapusan.
Blessing of Mission Tithes
Panginoon
naming Diyos, tulungan Mo kaming humakbang sa isang malalim na tubig at magbahagi
ng mga pagpapala at kaloob Mo sa amin. Nawa kami ay makapaglaan ng kabutihan
para sa iba. Pagpalain Mo po ang aming mga kaloob. Amen.
Receiving
of Local and Worldwide Mission Tithes
Reflection
Reader
1: Saan nga ba tayo nararapat? Kanino nga ba tayo?
Reader
2: Nakalimutan na natin kung sino tayo at ngayon ay kailangang bumalik tayo sa
ating pinagmulan. Tayo ay sa Diyos at tayo ay para sa isat-isa. Hindi natin
magagawa ito ng mag-isa.
Leader:
Pumili ng isa pang ribbon, pagnilayan
kung saan nga ba tayo kabilang. Kung tayo’y nakahanda na, itali ang ribbon sa ribbon
ng katabi hanggan sa makabuo ng isang mahabang ribbon ng isang komunidad.
Closing Hymn: I, the
Lord of Sea and Sky CCS 640
Prayer and Benediction
Postlude
Saturday, February 1, 2025
Love Is…
Prelude
Welcoming Hymn: 142 APO CUCUANAC
Welcome, Joys, Concerns and Sharings
Call
to Worship and Responsive Reflection: 1 Corinthians 13:4-7
Leader: Ang
pag-ibig, madaling sabihin pero mahirap isabuhay. Mula sa salita, mahabang lalakbayin
para sa gawa.
All: Ang
taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog
o mapagmataas,
Hymn: “Now Sing to Our God” CCS 108
Invocation
Response/Music Ministry
PRAYER
FOR PEACE
Light
the peace candle.
Peace Prayer
Espiritu ng
nagmamahalang komunidad,
Salamat sa komunidad
na biyaya Mo sa amin! Komunidad na makapangyarihan. Isang komunidad na nagsasama-sama
upang alamin ang Iyong kalooban at mga salita na maaaring magdulot ng
magagandang pagbabago. Isang komunidad na maaari din namang itaboy ang iba,
itaboy ang mga naturingang naiiba sa amin, itaboy ang mga nananakit sa amin. Tulad
ni Jesus, itinaboy ng mga naturingang nag-aaral ng Iyong mga salita. Ganon pa
man nahanap Niya ang mga grupong tumanggap sa Kanya at tinanggap pa din kahit
ang mga naunang nagtaboy sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang sakripisiyo at pag-ibig
Niya. Nais ng Diyos na sundin natin ang halibawa ng kapayapaan ni Hesu-Kristo.
Bago pa man
ang kapayapaan ay paghilom.
Bago pa man
ang paghilom ay kapatawaran.
Bago pa man
ang pagpapatawad ay pag-uusap sa lamesa.
Nawa tayong
mga nagmula mula sa ibat-ibang anyo ng buhay na may ibat-ibang opinyon at
karanasan sa buhay at magkaisa sa iisang hangarin sa pag-uusap, na siyang magdadala
sa kagalingan at paghilom na siya rin namang magdadala sa atin ng kapayapaan. Kami
rin naman ay umaasa maliit man o malaki ang aming mga lamesa, nakakabagot o
nakakatuwa, matatanda o nakakabata – ay maging isang lamesang makapagdadala ng
kapayapaan sa mundo.
Hindi lingid
sa amin ang mga pagkakahati-hati mga hindi pagkakaunawaan at pang-aabuso sa
kapayapaan sa mundo. Kitang-kita namin ang lahat ng ito, ngunit bilang isang
komunidad ng pananampalataya, hindi namin matatanggap ang mga ito. Palakasin Mo
kami O Dios upang itaboy ang mga ito mula sa aming mga lamesa, upang kami ay
makapagdala ng kagalingan at makapagdala ng kapayapaan.
Sa pangalan ni
Hesus, na siyang nagmamahal sa lahat. Amen.
Responsive
Reflection
Leader: Madalas
may mga ikinakalat ang aking kapuwa na hindi totoo tungkol sa akin, at madalas
gusto ko rin gawin ito sa kanila.
All:
Pag-ibig, hindi ikinatutuwa ang kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan.
Ministry of Music or Congregational Hymn
Responsive
Reflection
Leader: Pakiramdam
ko’y wala akong kapahingahan. Masyadong marami ang kailangan kong gawin. Wala
man lang akong panahon sa nais kong gawin.
All: Ang
Pag-ibig ay matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang
lahat.
SACRAMENT
OF THE LORD’S SUPPER
Confession and
Responsive Reflection
Leader: Kung
makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit
wala naman akong pag-ibig,
All:
Para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting.
Leader: Kung
may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat
ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga
bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig.
All:
Wala akong kabuluhan.
Leader: kahit
ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang
sunugin, kung wala naman akong pag-ibig
All:
Wala pa rin akong mapapala.
Silent Prayers
of Confession
Scripture
Reading: 1 Corinthians 13:1-13
Sharing in the
Spoken Word Based on Scripture Reading and the sacrament of Communion
Hymn of
Preparation: “Is There One Who Feels Unworthy?” CCS 526
Invitation
to Communion
All are
welcome at Christ’s table. The Lord’s Supper, or Communion, is a sacrament in
which we remember the life, death, resurrection, and continuing presence of
Jesus Christ. In Community of Christ, we also experience Communion as an
opportunity to renew our baptismal covenant and to be formed as disciples who
live Christ’s mission. Others might have different or added understandings
within their faith traditions. We invite all who participate in the Lord’s
Supper to do so in the love and peace of Jesus Christ.
Blessing and
Serving of the Bread and Wine
DISCIPLES’
GENEROUS RESPONSE
Hymn of
Generosity: “We Lift Our Voices”
Statement
Sa
pagbubukas natin ng ating mga puso at sa pagiging bukas palad natin sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan,
nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang ipadama ang Kaniyang awa sa mundo. Sa
linggong ito, nagkaisa tayo sa isang sakramento, at ang ating mga kontribusyon ay
siyang tutugon sa Pinangungunahan nating misyon na ang Pagpuksa sa Kahirapan
at Tapusin ang Kahirapan. Ito ang kaparaanan ng Diyos upang maipakita ang Kanyang
dakilang awa at biyaya na patuloy na lumalago sa mga bagay-bagay.
Blessing and
Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes
Responsive
Reflection
Leader: Noong
bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa
bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga
ugaling bata. Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit
darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang
ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang
lahat.
All:
Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig.
Closing Hymn: 10 O JESUSCO A
NAAYAT
Benediction
Unison Sending Forth
All:
...ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Postlude
Halika at Humanap ng Kapahingahan
"Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude Welcome Call to Worship Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...
-
Ti Kari iti Kappia Welcome Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal ...
-
Prelude Hymn Celebrating All Saints’ Day All Saints’ Day Para sa kalendaryo ng mga kristiano, ang unang araw ng Nobyembre ay tin...
-
Sapulen Ti Pagtaengan ANNOUCEMENTS Welcome Welcome! Sa lahat ng mga naghahanap ng espirituwal na tahanan, ang Community of Christ ay...


