Friday, March 7, 2025

Believe with Our Hearts


Preparation

Ang tradisyunal na kulay para sa kuwaresma ay ang kulay ube(purple). Maaring maglagay ng dekorasyon sa loob ng bahay sambahan na may dominanteng kulay ube.

Prelude

Welcome and Lent Explanation

Tayon lahat ay inaanyayahan sa araw na ito bilang mga Kristiyano para sa ating pagtitipon na nakatuon sa ating paglalakbay sa kuwaresma.

Ang kuwaresma ay panahon ng ating pagninilay, pag-uusig sa ating mga sarili, at pagsisisi sa ating mga kasalanan. Ito ay ang pagbabalik tanaw natin sa apatnapong(40) araw ng pag-aayuno ni Hesus at ang kanyang pagkakatukso sa desyerto. Ang ating espiritual na paglalakbay na ito ay hinudiyatan natin mula sa mga alabok noong Ash Wednesday hanggang sa kalulwalhatian sa araw ng Easter Sunday.

 Ang panahong ito ay isang pagtawag sa atin para sa pag-aayuno, pananalangin, at pagkabukas-palad upang magbahagi sa iba. Pinapaalalahanan tayo sa ating pagiging mahina bilang tao at sa pagtitiwala natin sa biyaya ng Diyos. Ito ang panahon upang harapin natin ang ating mga kahinaan, ipagtapat ang ating mga kasalanan, at hanapin natin ang pagpapatawad ng Diyos at ang pagpapatawad natin sa isat-isa.

Sa araw na ito, sama-sama tayo sa pagpupuri at batid natin ang walang hanggan na pag-ibig ng Diyos sa atin, at batid din natin maging ang ating mga kahinaan at pagkukulang. Sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa panahon ng kuwaresma, hanunin natin ang mga sa sarili upang palalimin pa ang ating pananampalataya, talikuran ang mga bagay na siyang naglalayo sa atin sa Diyos, at yakapin natin ang ispiritu ng pagsisisi at pagbabago.

Call to Worship:  

Leader: Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

All: Ikaw ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.

Leader: Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.

All: Ikaw ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.

Leader: Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.

All: Ikaw ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.

Leader: Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan,  asamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

All: Ikaw ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.

-          Psalm 91:1-2, 9-16, adapted

Hymn of Gathering: Gather Us In CCS72

Opening Prayer

Response/Music Ministry

Lent Scripture Reading and Reflection

Read Luke 4:1-3

Reflection
Ang talatang ito ay tungkol sa apatnapong araw na pag-aayuno ni Hesus sa ilang bago ang kanyang pagmiministeryo. Ang pag-aayunong ito ay bilang paghahanda ni Hesus sa kanyang ministeryo. Ito ay natutulad sa ating paglalakbay sa panahong ito ng kuwaresma na siyang panahon ng pag-aayuno bilang paghahanda nating mga Kristiyano.

Hymn of Change: Into My Heart CCS573, Sing twice

Prayer for Peace

Light the Peace Candle

Peace Prayer

Mapagpalang Diyos,

Sa gitna ng aming buhay na punong-puno ng pagsubok ng bagyo at kawalan ng kasiguruhan, kami ay narito upang hanapin ang Iyong kapayapaan. Pagpalain Mo nawa ang aming mga puso ng kapayapaan, ng kalinawan ang aming mga isipan, at pagkakaisa ang aming mundo. Baguhin mo ang aming mga hindi pagkakaunawaan sa isang opurtunidad ng pagkakaunawaan at nawa ang iyong pag-ibig ay siyang magtuturo sa amin sa isang maayos na pamumuhay, ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ni Hesu-Kristo. Amen.

Sermon Based on Romans 10:8b-13

Hymn of Reflection: 54 IDIAY CRUS

Disciples Generous Response

Scripture Reading: Deuteronomy 26:1-2

Kapag naangkin na ninyo ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, at doon na kayo naninirahan, ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Dios, kung saan pararangalan siya.

Statement

Tulad ng sinaunang panahon, hanggang ngayon dinadala natin sa Diyos ang bawat unang bunga mula sa kanyang biyaya tuwing linggo.

Ang walang kapantay na awa at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus ang siyang pangunahing halimbawa ng pagiging bukas-palad at biyaya ng Diyos sa atin. Minamahal tayo ng lubos ng Diyos na walang anumang kapalit o kondisyon. Sa pagbubukas natin ng ating mga puso, at pagbabahagi natin ng ating mga kaloob, tayo ay tila mga repleksiyon ng kanyang walang hanggan na pag-ibig at awa sa mundo.

Blessing and receiving of local and worldwide mission tithes.

Hymn of the Journey: “There’s anOld, Old Path” CCS 244

Closing Prayer

Sending Forth

Postlude

Saturday, March 1, 2025

Seek Spiritual Freedom

 

Prelude

Welcoming Hymn: “Santo, Santo, Santo / Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty! CCS 52

Sharing, Joys and Concern

Welcome

Sa araw na ito, sama-sama tayo sa ating pagpupuri sa Panginoon, sama-sama tayo sa paghahanap ng spirituwal na kalayaan. Ano ba ito dapat? Ano nga ba ang dapat nating gawin? Ibibigay sa atin ng Diyos kung ano ang dapat nating gawin. Hindi natin ito kayang kontrolin maliban sa mga bagay na kaya nating gawin. Hayaan nating gawin ng Diyos ang Kaniyang gawain. Tayo ay sa Diyos at ang Diyos ay nasa sa atin.

Call to Worship: Psalm 99:9

Purihin ang Diyos na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok, dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.

Hymn: 85  TIMEC TI APO INCAM

Invocation

Response/Music Ministry

Reflection (Optional)- Tingnan ang kwento na may pamagat na “Coming”.

Scripture Reading: 2 Corinthians 3:12-4:2

Prayer for Peace

Peace Hymn: “Spirit, Open My Heart” CCS 564

Light the peace candle.

Peace Prayer

Diyos naming minamahal,

Tulad ng mga alagad na hindi na nakapagsalita nang makita nila ang pagbabagong anyo ni Jesus sa tuktuk ng bundok, hindi sapat ang salita lamang upang mailarawan ang hangarin ng aming mga puso para sa kapayapaan. Kitang kita namin ang hiwaga ng Iyong kapayapaan na siyang nagdadala ng ginhawa, ngunit nasaan nga ba ang kapayapaan para sa mga nagugutom, para sa mga walang matuluyan, para sa mga pinagkaitan? Napakaraming mga komplikadong sistema na ang aming mga ginawa na minsa'y tila imposibleng magkakaroon pa ng kapayapaan. Ngunit, ang mga alagad ay nakaranas naman sila ng isang hiwaga at imposibleng kaganapan sa tuktuk ng bundok. Buhayin Mo kami O Diyos at magsilbi kami bilang isang gamot sa mundong may sakit, upang magsilbi kaming prutas para sa mga nagugutom, magsilbi kaming silungan ng mga walang tahanan. Paalalahanan Mo kami na kahit hindi man namin masambit ang Iyong kapayapaan, may mga kaya kaming gawin para sa kapayapaan sa aming kapwa at sa aming mga puso.

Sa pangalan ng Siya naming tanglaw sa aming mga daanan. Amen.

Homily based on 2 Corinthians 3:12-4:2

Sacrament of the Lord’s Supper

Hymn of Preparation: “Come Now, You Hungry” CCS 227

Communion Scripture: Luke 22:19-20

19Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Invitation to Communion:

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang huling hapunan ng Panginoon ay isang sakramento na kung saan ay inaalala natin ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo sa atin. Sa ating Iglesia, nararanasan din natin sa sakramentong ito ang isang opurtunidad upang mapanibago natin ang ating bautismo na siyang nabuo bilang mga alagad na namumuhay sa misyon ni Kristo. Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7d

The call to respond is urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.

Statement

Sa pagbubukas natin ng ating mga puso at sa pagiging bukas-palad natin sa pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anong paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos para sa pagkalinga sa mundo. Sa linggong ito, nagkaisa tayo sa sakramento ng huling hapunan ni Kristo at ang ating mga kaloob ay siyang pangunahing pagtugon natin para ating misyong Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Sa pamamagitan nito, makikita ang materyal na paglago ng pagkalinga ng Diyos.

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes.

Closing Hymn: 36 NO TALNA TI MASARACAC DALANCO

Closing Prayer/Benediction

Sending Forth

Postlude

Friday, February 21, 2025

Make Room for Emerging Life


Prelude

Welcoming Hymn: “Great and Marvelous Are Thy Works”   CCS 118

Call to Worship

Si Amanda Berry Smith (1837-1915) ay ipinanganak bilang alipin sa Maryland at kalaunan ay nakamtan niya ang kaniyang kalayaan sa Pennsylvania. Ang mga sumusunod ay hango mula sa kwento ng kanyang pakakabago.

Preacher: “Kung ikaw matutulog na sa gabi wala kang kailangang gawin upang ikaw ay huminga habang natutulog.”

Amanda: “Hindi,” Sabi ko, “Hindi ko kailan man ito iniisip.”

Preacher: “Sa pagtulog mo sa gabi, humihinga ka ng buong gabi ng walang ginagawa, gigising ka sa umaga na wala kang ginawa.”

Amanda: “Tama, tama, alam ko na, nakikita ko na.”

Preacher: “Wala kang kailangan gawin para manahan sa’yo ang Diyos: tanggapin mo ng buo ang Diyos at siya’y mananahan sa’iyo.”

Hymn: 101 ADTOY UMAYAK ITI MADARAS

Invocation

Response/Music Ministry

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Aming Diyos na naghahangad ng pagkakaunawaan,

Kami ngayon na desperado na sa kapayapaan ay lumalapit sa’yo mula sa mundong sira-sira na ng dahil sa galit, karahasan, at kawalan ng pag-iingat. Ang mga magkakapatid ay hindi na nag-uusap, magkakapitbahay na nagtayo na ng napakatataas na bakod sa kanilang pagitan at mga komunidad na ang dala-dala na nila’y mga sandatang dila at bakal. Mga nagugutom na nagsusumamo sa kapirasong tinapay, mga nagdadalamhating naghahangad ng kalinga, at mga walang matuluyan na naghahangad ng unan sa ulo.

Idinadalamhati namin ang mundong naghihinagpis.

Nawa ay matutunan namin na ang aming mga salita ay masisilbing mga gamot ng sugat. Matutunan nawa namin na ang aming pagpapatawad  ang siyang magtatali sa mga hibla sa hinahangad naming kapayapaan, sapagkat ang kapatawaran ang siyang gagamot sa mga luha ng sangkatauhan. Nawa ay makakabuo kami ng mga hibla ng pag-ibig mula sa mga galit, mga tinupi ng pagiging bukas palad mula sa kagutuman, at biyaya mula sa kakulangan. Palakasin Mo ang aming mga kami sa paghahabi, sa paggawa ng malaki, malawat, at magandang tela.

Hinahanap parin namin ang posibilidad ng kapayapaan kahit sa gitna ng pighati.

Sa pangalan ni Hesus na siyang may akda ng kapayapaan. Amen.

Hymn: “He Came Singing Love”    CCS 226

Scripture Reading: 1 Corinthians 15:35-38

Take the time to allow the worshipers to stand and witness of the times they’ve changed or grown.

Take the time to allow the worshipers to stand and witness about the times they’ve changed or grown. What is the seed for you? What seeds do you sow?

“Band-Aid” mime for three people

Needed: One Very Large Band-Aid.
Do not rush. Give observers a chance to take in what is happening.

Person 1 enters, crying with a hurt elbow.

Person 2 comes and puts a Band-Aid on the elbow and kisses it. Person 2 exits.

Person 3 enters, stumbles, falls, and cries with a hurt knee.

Person 1 takes off their Band-Aid and puts it on Person 3’s hurt knee and kisses it.

Scripture Reading: Corinthians 15:42-45

* Kailan mo naranasan ang paglago mula sa mga karanasan mong hindi maganganda?

* Bilang isang disipulo o alagad, kailan ka gumawa ng isang bagay na sa tingin mo ay higit pa sa inaakala mong kaya mong gawin?

Scripture Reading: 1 Corinthians 15:46-50

Message or Testimony based from 1 Corinthians 15:35-38,42-45

Disciples Generous Response

Sa linggong ito, ang ating mga kaloob ay magiging kontribusyon natin para sa nalalapit na 2025 World Conference. Mag-alay din tayo ng isang espesyal na panalangin sa ikatatagumpay ng pagtitipong ito, kung dito ay magkakaroon ng sama-samang pagdarasal, pag-pupuri, at isang banal na pagpupulong para sa banal na desisyon sa loob ng simbahan. Mula sa temang “Hope is Here” o “Naririto ang Pag-asa”, ang pagpupulong na ito ay gaganapin mula ika-30 ng Mayo hanggang ika-6 ng Hunyo sa Inpendence, Missouri. Pararangalan din dito ang 20 taong pamumuno ni President Steve Veazey at pagninilayan ang tawag kay kapatid Stassi D. Cramm bilang susunod na ating tagapamuno at propeta ng ating iglesia.

Ang inyong mga kaloob ay isang malaking bahagi para ikatatagumpay ang gawaing ito.

Manalangin tayo...

Blessing and Receiving of Local and Worldwide mission tithes.

Closing Hymn: 108  BENDICIONNA INCA BILANGEN

Prayer and Benediction

118 Great and Marvelous Are Thy Works

Great and marvelous are thy works,
O Lord of hosts, almighty One!
Earth and firmament speak thy praise;
thy name is written in the sun.

Sing of his mighty love, for it is wonderful;
let his praise through all the earth resound;
honor and majesty now and forever be
unto God whose love and mercy have no bound.

Thou hast fashioned with thine own hand
the earth below, the heavens above;
O how wonderful is thy power,
and yet how tender is thy love.

O thou infinite, living God,
upon us now thy Spirit pour;
we would worship thee, laud and praise
thy holy name forevermore.


108 BENDICIONNA INCA BILANGEN
(Count Your Blessing)

No ta pangbiagmo mariribocca,
Ket ta panunot pacapsutennaca,
Bendicionna bilangem a saggaysa,
Agsiddaawcanto ti caaduda.

Coro:
Dayta bendicion mot’ bilangem,
Ayat ti Dios inca kitaen,
Bendicionna inca bilangem,
Adu nga ayatna inna inteden,

Maricnam unay dagsen ta awitmo,
Dayta cruzmo bantotnat’ napalalo,
No bilangem bendicionna nga adu,
Danag pumanaw ragsac sumucatto.

No dagiti dadduma nabacnangda,
Lagipen ti cari ni Cristo kenca,
Paraburna di magatadan kwarta,
Sanicuat’ diay Gloria awan servina.

No adda ka tengngat’ pagbabacalan,
Ti Dios ngad ‘ isu ti inca camangan,
Ti paraburna angeles ammoda,
Ayat ken tulongna di agpatingga.


101 ADTOY UMAYAK ITI MADARAS
(Sweet Promise Is Given)

Adtoy umayac iti madaras,
Kuna ti Apo a napnoan ayat,
Petpetam agengganat umayak,
Balangat a kenca isagsaganac.

Coro:
Petpetam agingganat umayac,
Cari ti Apo a napnot’ ayat,
Sumrecca iti ragsac ti Apom,
Ah! Isu dayta biag nga agnanayon.

Ngarud parayrayen mit’ silawmi,
Tapno yaayna mapadaananmi,
Cancanayon agsalucagcami,
Ti yaayna asidegen ammomi.

Wen, daytoy isut’ namnamatayo,
Nagloriaan yaay ti Apo tayo,
Ti pacapocpocan ti carina,
Adtoy, umayacon agsalucagca

Friday, February 14, 2025

Practice Resurrection

 


Prelude

Welcoming Hymn: “I Will Sing, I Will Sing” CCS 112

Welcome, Sharing, Joy and Concern

Call to Worship: Psalm 1:1-3

Hymn: 87  TIMEC INCAM MANGNGEGAN

Invocation

Response/Music Ministry

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Peace Prayer

Panginoon Naming Manggagamot,

Napapagod na po kami sa mga kaguluhan at karahasan. Napakahirap pagmasdan ang aming mga kapatid na nahihirapan at nasasaktan. Napakahirap tingnan ang aming mga anak na natatakot. Napakahirap makita ang mga taong nagdurusa. Ang kaguluhan ay isang bagay na mahirap tingnan at danasin.

Ngunit maging ang gumawa para sa kapayapaan ay mahirap din. Tulad ito ng isang doktor na nag-oopera para tanggalin ang bukol ng isang pasyenteng may kanser. Ang pag-gawa para sa kapayapaan ay kailangang hanapin ang ugat ng problema. Sa paghahanap ng ugat,  minsan kailangan hiwain kahit ang malulusog na bahagi para lamang makita ito.

Panginoon, patawarin Mo kami kung kami’y tumatanggi sa isang matinding gamutan na siya sanang babago sa aming kalooban. Paalalahanan Mo kami na kailangan namin ang kagalingan. Ipaalala Mo sa amin na Ikaw laging nariririto. Nawa ay maaari naming ilagak ang aming mga puso sa ikagagaling ng mundo, sa gayon nawa kami ay magsisimulang lumapit sa isang tahanan. Tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyong kalooban, at magtiwalang ang kagalingan ng mundo ay kalakip ng pagbabago sa aming mga puso na ito’y nauukol sa Iyo. At sa aming pagbabago, kami ay gagawa sa ngalan ng kapayapaan.

Sa pangalan ni Hesus, ang kaganapan ng aming pananampalataya. Amen.

Scripture Reading: 1 Corinthians 15:12-20

Sharing the spoken words based on 1 Corinthians 15:12-20

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang dakilang awa at pag-ibig sa buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli ni Hesus ang siyang ganap na halimbawa ng pagiging bukas-palad ng Diyos. Ang Kaniyang pag-ibig ay lubos at walang anumang kundisyon. Sa pagkakaroon natin ng lakas ng loob sa pagbibigay ng ating kaloob sa kahit anumang paraan, pagnilayan natin ang dakilang pag-ibig at awa ng Diyos sa mundo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn: 256 I WILL SING OF MY REDEEMER

Closing Prayer

Sending Forth

Live the meaning of your baptism daily as you grow in the skills and qualities of discipleship. —Doctrine and Covenants 164:3b

Go, and practice resurrection!

Postlude



112 I Will Sing, I Will Sing
English
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
I will sing, I will sing a song unto the Lord.
Alleluia, glory to the Lord.

Allelu, alleluia, glory to the Lord…


256 I WILL SING OF MY REDEEMER

I will sing of my Redeemer,
And His wondrous love to me,
On the cruel cross He suffered,
from the curse to set me free.

Chorus:
Sing, O sing…..of my Redeemer!
With His blood He purchased me,
On the cross…..he sealed my pardon,
Paid the debt and made me free.

I will tell the wondrous story,
How my lost estate to save,
In His boundless love and mercy,
He the ransom freely gave.

I will sing of my Redeemer,
And his heav’nly love to me,
He from death to life hath brought me,
Son of God with Him to be.

87 TIMEC INCAM MANGNGEGAN
(Jesus Saves)

Timec incam mangngegan, ni Jesus mangispal,
Ti damag iracurac, ni Jesus mangispal,
Intay ngaruden ipan, tunggal daga ken taaw,
Maibaga di agcurang, ni Jesus mangispal.

Mangiyaweng ti taaw, ni Jesus mangispal,
Managbasol bagaan, ni Jesus mangispal,
Purpuro incantayo, ket taaw, sungbatanyo,
Toy lubong napnot’ rag-o, ni Jesus mangispal.

Idiay pagbabacalan, intay met ipuccaw,
A natay ngem nagungar, ni Jesus mangispal,
Puon ti pagragsacan, puso a napnoan liday,
Icanta di agsarday, ni Jesus mangispal.

Damag puon ti ragsac, intay ngad’ iwarnac,
Ta ditoy lubong immay’ ni Jesus mangispal,
Banbantay agragsac da, ta damag maamoanda,
Rag-o a di mamingga, ni Jesus mangispal.

Thursday, February 6, 2025

Into the Deep Water

 

Preparation: Maghanda ng isang krus na katamtaman ang sukat na maaaring ipatong sa lamesa at sa tabi ng krus, maglagay ng isang mangkok ng tubig. Sa pagpasok at bago ang pagsisimula ng serbisiyo, maghanda at magbigay ng mga ribbon sa bawat papasok sa kapilya.

Prelude

Welcoming Hymn: 57 Capintasan A Lirio Idiay Tay-ac

Welcome, Joys, and Concerns

Call to Worship

Tayong lahat ay tinawag ng Diyos ayon sa kanyang kaloob sa atin. Ano kaya ang ipinagkaloob ng Diyos sa’yo? Paano ka tutugon sa pagtawag ng Diyos sa’yo upang ang banal Niyang misyon ay nasa iyong pamumuhay.

Hymn: 165  SARITAEC A SIAYAT NI HESUS A NASLAG

Invocation

Scripture Reading: Luke 5:1-3

Reflection

Reader 1: Paano tayo maniniwala sa isang bagay na hindi naman natin nakikita?

Reader 2: Ang gawaing ito ay para sa ating lahat pagkatapos na si Hesu-Kristo ay nabuhay na muli at sa paniniwalang si Hesus ay nasa ating mga buhay. Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo ay sumusunod.

Leader:  Sa pamamagitan ng mga hawak nating mga ribbon pumili ng isa at pagnilayan ang ating pananampalataya at kung bakit ka naniniwala. Kung tayo ay handa na, maaari tayo lumapit at itali ang ating mga ribbon sa nakahandang krus.

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Diyos ng pagbabago,

Idinudulog namin sa-Iyo ang aming mga kahinaan bilang tao. Tulad ng mga pastol, natatakot kami sa pagsunod sa Iyong bituwin. Hindi namin natitiyak ang aming mga lalakbayin. Tulad ni Isaiah na ang sabi niya’y “Ako’y lagot na!” habang tinitingnan namin ang kamatayan, pagkawasak, kaguluhan, pasasamantala, at ang mga sistemang hindi makatarungan sa paligid namin dito sa mundo. Patawarin Mo po kami sa aming pag-aalinlangan.

Ngunit gaya din ni Isaias, nawa ay maaari naming sundin ang kaniyang halimbawa at kami ay magsasabing, “Isugo Mo Ako!” bilang pagtugon namin sa Iyong pagtawag. Nawa ay maaari naming sundin ang mga yapak ng mga pastol at dalubhasa na takot man ngunit naging matapang sa kanilang paglalakbay upang masilayan ang batang si Hesus, na tuluyang naghatid ng pagbabago sa kanila.

Ang Iyong pag-ibig ay mas malakas ng higit sa  pang-aabuso, ang Iyong tiyaga ay mas mahaba ng higit sa pagkabagot ng tao, at ang Iyong pagpapatawad ay mas  makapangyarihang higit sa puot ng tao. Nawa kami ay mabago sa pamamagitan ng iyong pag-ibig at pagpapatawad at magsisikap pa ng lalo para sa kapayapaan. Gawin Mo nawa kaming maawain at maging bukas sa Iyong kalooban at kami ay kikilos sa Iyong pangalan. Bigyan Mo kami ng pananalig upang sambitin ang Iyong mga salita sa gitna ng pang-aabuso, at ng kaalaman kung papaano mababago ang mundo mula sa Iyong mga salita.

Sa pangalan ni Hesus, na Siyang pinagsisikapan naming sundin ang kanyang mga yapak. Amen.

Scripture Reading: Luke 5:4-6

Reflection

Reader 1: Paano nga ba tayo mamumuhay? Paano nga ba natin malalaman kung ano ang inaasahan sa atin? Paano natin malalaman kung ano ang tama at mali, kung ano ang makakatulong at makakasama?

Reader 2: Makinig mabuti, sa isang mumunting tinig na Siyang nasa Iyong kalooban. Pag-isipan mo kung papaano mo malalaman ang pagpili na may pagiging responsible at ang kung ano ang mga ipinagkaloob sa’yo ng Diyos. Manalig ka na ang pag-ibig ng Diyos ang siyang gagabay sa’iyo.

Leader: Ang mangkok ng tubig sa tabi ng krus ay sumisimbolo ng Tubig na Buhay. Kumuha ng isa pang ribbon at pag-isipan ang mga pangangailangan ng mga nasa paligid Mo. At kung tayo ay handa na, lumapit sa mangkok at ilagay ang ribbon.

Scripture Reading: Luke 5:1-11

Message based on Luke 5:1-11

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 153:9b

My Spirit is reaching out to numerous souls even now and there are many who will respond if you, my people, will bear affirmative testimony of my love and my desires for all to come unto me.

Statement

Hindi nasusukat ang pagpapala at pagiging bukas-palad ng Diyos. Sa ating pagbubukas ng ating mga puso upang at pagiging matapang upang maging bukas-palad din tayo sa ating pagbabahagi ng kahit anumang bagay na mayroon tayo, nakikiisa tayo sa isang kilusan upang mai-abot ang pagkalinga ng Diyos sa mundo. Ang biyaya ng Diyos ay lubos, ibihagi natin ito ng may katapatan sa iba at ang kanyang pag-ibig at pagkalinga ay lalago ng walang katapusan.

Blessing of Mission Tithes

Panginoon naming Diyos, tulungan Mo kaming humakbang sa isang malalim na tubig at magbahagi ng mga pagpapala at kaloob Mo sa amin. Nawa kami ay makapaglaan ng kabutihan para sa iba. Pagpalain Mo po ang aming mga kaloob. Amen.

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Reflection

Reader 1: Saan nga ba tayo nararapat? Kanino nga ba tayo?

Reader 2: Nakalimutan na natin kung sino tayo at ngayon ay kailangang bumalik tayo sa ating pinagmulan. Tayo ay sa Diyos at tayo ay para sa isat-isa. Hindi natin magagawa ito ng mag-isa.

Leader:  Pumili ng isa pang ribbon, pagnilayan kung saan nga ba tayo kabilang. Kung tayo’y nakahanda na, itali ang ribbon sa ribbon ng katabi hanggan sa makabuo ng isang mahabang ribbon ng isang komunidad.

Closing Hymn: I, the Lord of Sea and Sky CCS 640

Prayer and Benediction

Postlude


Saturday, February 1, 2025

Love Is…

 


Prelude

Welcoming Hymn: 142  APO CUCUANAC

Welcome, Joys, Concerns and Sharings

Call to Worship and Responsive Reflection: 1 Corinthians 13:4-7

Leader: Ang pag-ibig, madaling sabihin pero mahirap isabuhay. Mula sa salita, mahabang lalakbayin para sa gawa.

All:  Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,

Hymn: “Now Sing to Our God”    CCS 108

Invocation

Response/Music Ministry

PRAYER FOR PEACE

Light the peace candle.

Peace Prayer

Espiritu ng nagmamahalang komunidad,

Salamat sa komunidad na biyaya Mo sa amin! Komunidad na makapangyarihan. Isang komunidad na nagsasama-sama upang alamin ang Iyong kalooban at mga salita na maaaring magdulot ng magagandang pagbabago. Isang komunidad na maaari din namang itaboy ang iba, itaboy ang mga naturingang naiiba sa amin, itaboy ang mga nananakit sa amin. Tulad ni Jesus, itinaboy ng mga naturingang nag-aaral ng Iyong mga salita. Ganon pa man nahanap Niya ang mga grupong tumanggap sa Kanya at tinanggap pa din kahit ang mga naunang nagtaboy sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang sakripisiyo at pag-ibig Niya. Nais ng Diyos na sundin natin ang halibawa ng kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Bago pa man ang kapayapaan ay paghilom.

Bago pa man ang paghilom ay kapatawaran.

Bago pa man ang pagpapatawad ay pag-uusap sa lamesa.

Nawa tayong mga nagmula mula sa ibat-ibang anyo ng buhay na may ibat-ibang opinyon at karanasan sa buhay at magkaisa sa iisang hangarin sa pag-uusap, na siyang magdadala sa kagalingan at paghilom na siya rin namang magdadala sa atin ng kapayapaan. Kami rin naman ay umaasa maliit man o malaki ang aming mga lamesa, nakakabagot o nakakatuwa, matatanda o nakakabata – ay maging isang lamesang makapagdadala ng kapayapaan sa mundo.

Hindi lingid sa amin ang mga pagkakahati-hati mga hindi pagkakaunawaan at pang-aabuso sa kapayapaan sa mundo. Kitang-kita namin ang lahat ng ito, ngunit bilang isang komunidad ng pananampalataya, hindi namin matatanggap ang mga ito. Palakasin Mo kami O Dios upang itaboy ang mga ito mula sa aming mga lamesa, upang kami ay makapagdala ng kagalingan at makapagdala ng kapayapaan.

Sa pangalan ni Hesus, na siyang nagmamahal sa lahat. Amen.

Responsive Reflection

Leader: Madalas may mga ikinakalat ang aking kapuwa na hindi totoo tungkol sa akin, at madalas gusto ko rin gawin ito sa kanila.

All: Pag-ibig, hindi ikinatutuwa ang kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan.

Ministry of Music or Congregational Hymn

Responsive Reflection

Leader: Pakiramdam ko’y wala akong kapahingahan. Masyadong marami ang kailangan kong gawin. Wala man lang akong panahon sa nais kong gawin.

All:  Ang Pag-ibig ay matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

SACRAMENT OF THE LORD’S SUPPER

Confession and Responsive Reflection

Leader: Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig,

All:  Para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting.

Leader:  Kung may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig.

All:  Wala akong kabuluhan.

Leader:  kahit ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig

All: Wala pa rin akong mapapala.           

Silent Prayers of Confession

Scripture Reading: 1 Corinthians 13:1-13

Sharing in the Spoken Word Based on Scripture Reading and the sacrament of Communion

Hymn of Preparation: “Is There One Who Feels Unworthy?”  CCS 526

 Invitation to Communion

All are welcome at Christ’s table. The Lord’s Supper, or Communion, is a sacrament in which we remember the life, death, resurrection, and continuing presence of Jesus Christ. In Community of Christ, we also experience Communion as an opportunity to renew our baptismal covenant and to be formed as disciples who live Christ’s mission. Others might have different or added understandings within their faith traditions. We invite all who participate in the Lord’s Supper to do so in the love and peace of Jesus Christ.

Blessing and Serving of the Bread and Wine

DISCIPLES’ GENEROUS RESPONSE

Hymn of Generosity: “We Lift Our Voices”

Statement

Sa pagbubukas natin ng ating mga puso at sa pagiging bukas palad natin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang ipadama ang Kaniyang awa sa mundo. Sa linggong ito, nagkaisa tayo sa isang sakramento, at ang ating mga kontribusyon ay siyang tutugon sa Pinangungunahan nating misyon na ang Pagpuksa sa Kahirapan at Tapusin ang Kahirapan. Ito ang kaparaanan ng Diyos upang maipakita ang Kanyang dakilang awa at biyaya na patuloy na lumalago sa mga bagay-bagay.

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Responsive Reflection

Leader:  Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata. Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat.

All:   Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig.

Closing Hymn: 10 O JESUSCO A NAAYAT

Benediction

Unison Sending Forth

All: ...ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Postlude


Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...