Saturday, January 1, 2022

Gladness for Sorrow

 

WORSHIP RESOURCES

 

2 January 2022

Second Sunday after Christmas Day

Jeremiah 31:7-14

 

Additional Scriptures

Psalm 147:12-20; John 1:1-18; Ephesians 1:3-14; Doctrine and Covenants 163:2a

 

Preparation: Maghanda ng maliliit na papel para sa lahat na maaaring sulatan at basket sa harapan na maaaring mapaglagyan sa mga ito.

 

Prelude

 

Invitation

Sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, tayo ay inaanyayahan sa sagradong lugar na ito upang tayo ay “Maging sambahayan ng Templo – sa mga nakakakita ng karahasan ngunit ipinapahayag parin ang kapayapaan, sa mga nakakadama ng hindi pagkakaunawaan ngunit nagiging kasangkapan ng pagkakaunawaan, sa mga humuharap sa pagkakasira at naghahanap ng kaparaanan ng gamutan.”

—Doctrine and Covenants 161:2a

 

Sa ating panalangin ngayon alalahanin natin ang ating mga kapatid mula sa Sierra Leone, isang bangs amula sa West Africa na nasa mga border ng Liberia, Guinea at ang karagatan ng Atlantiko. Ito ang nagsisilbing labasan ng mga libo-libong Afrikano patawid sa karagatan ng Atlantiko upang maging mga alipin. Ang Freetown ay ang kapitulyo nito na siyang itinatag upang maging tahanan ng mga dating naging alipin noon 1787.

 

Prayer for New Beginnings

 

Ano man ang pipiliin natin, ay siyang babago sa atin.

Sino man ang mamahalin natin, ay siyang ring babago sa atin.

Kung papaano man tayo gumawa, ay siyang bago nating itsura.

Saan man tayo nakatira, ay siyang babago sa ating pang-unawa.

 

Kaya sa lahat ng aming pagpili, O Panginoon bigyan mo kami ng talion.

 

Sa lahat ng aming pagmamahal, O Kristo gawin mo kaming masigasig.

 

Sa lahat ng aming paggawa, O Espiritu, bigyan mo kami ng lakas ng loob.

 

Sa lahat ng aming pamumuhay, nawa kami’y  maging buo.

—In Wisdom’s Path, Jan Richardson;

Wanton Gospeller Press, 2012, janrichardson.com

 

Hymn to Welcome the New Year

            558 Take the Path of the Disciple

 

Spiritual Practice—Prayer for Simplicity

Materials: Pieces of paper, pens/pencils.

 

Sa pagsisimula ng bagong taon, madalas gumagawa tayo ng ating mga resulusyon, mga bagong komitment at mga inaasahan sa bagong pagsisimula. Madalas dahil dito nakikita natin ang ating mga sarili na may naparami ng mga responsibilidad na siyang nakakadagdag ng ating mental pressure, at masyadong mataas na expectation sa ating sarili na kailangang magawa o ma-accomplish.

 

Ang pag-seset ng goal ay magandang practice na maaaring makatulong sa atin upang malaman natin ang ating mga purpose sa buhay. At kasama dito ang mga karagdagang expectation sa ating buhay na minsan nakakapagpalabo narin sa tunay nating purpose at intensiyon.  

 

Sa araw na ito, tayo ay inaanyayahan upang manalangin para sa pagiging simple ng ating buhay -at ang pagiging simple ang siyang magbibigay puwang sa atin upang mabibigyang natin ng higit na atensiyon ang pagpapasalamat sa ating Panginoon maging sa mga maliliit na bagay na meron tayo dito sa planeta. Kapag tayo ay nag-slow down upang higit nating ma-appreciate ang ating mga panahon sa kasalukuyan, ito ay simplicity o pagiging simple. Ang Simplicity ay ang kakayanan natin upang bitiwan ang napakarami nating mga iniisip, kailangan nating tanggapin ang mga simpleng bagay na kaloob sa atin ng Diyos – gaya ng pagkain, pagtulog, kakayanang makaamoy sa mga bulaklak, maramdaman at makita ang pagsikat ng araw o ang pagpatak ng ulan, ang pagbibigay ng pagmamahal ng walang kapalit. Ang mga napakalaking pagpapalang ito ng Panginoon ang humihimok sa atin sa kanyang presensiya, at damhin siya sa lahat ng ating nakikita, naririnig at nararamdaman sa pagiging simple.

 

Hindi naman laging madali ang pagbitaw sa mga bagay-bagay – sa gawaing ito maaaring maihahalintulad ito sa pagkabigo, pakawala, at pagkaantala o pagkagulo. Maaari ding ito ay isang napakalaking pagbabagong magaganap sa personal na buhay natin. Sa araw na ito, tayo ay inaanyayahang upang bumitaw ng kahit isang bagay sa atin upang maibigay natin ang ating buong presensiya para sa ating reslasyon sa Diyos.

 

Sa ating panalangin ngayon para sa pagiging simple, mag-isip ng isang bagay na bibitiwan mo para sa mas pinagpalang buhay na meron ka. Maaari nating isulat sa isang papel at ihulog sa basket sa ating harapan.

 

Prayer

 

Kamangha-manghang Diyos,

Kami ngayon ay naghahanap ng simpleng katotohanan. Alam naming na sa pamamagitan ng pagiging totoo, honest, at pagtitiwala kami ay mas higit na napapalapit sa Iyo, at kami ay umaayon sa hangarin Mo para sa aming mga buhay.  

 

Pause.

 

Sa aming mga napaka-busy na buhay, kami ngayon ay dumadalangin upang bitiwan ang mga bagay na nagpapabigat sa amin. Sa bawat bahagi ng aming buhay, iisipin namin kung ano ang mga pumipigil sa aming kagalakan, sa aming layunin, at sa aming kapayapaan. Ngayon kami ay magsisimula sa aming paglalakbay sa aming pagbibitiw sa mga bagay-bagay.

 

Pause.

 

Kami nananlangin na nawa ang pagiging komplikado ng aming buhay ay mawala na. Sana ay mahanap namin kung papaano naming matatanggal ang aming matataas na expectation sa aming mga sarili. Nawa ay iisipin namin kung ano ang maaaring magdala sa amin sa presensiya ni Kristo, and malaman namin kung papaanong mabigbigyan namin ng mas mahabang panahon ito.

 

Pause.

 

Nawa kami ay pagpalain Mo ng pagiging mas simple. Nawa’y tanggapin namin ang mga maaaring idulot nito, at haharapin namin sa pamamagitan ng iyong biyaya at pagiging totoo. Nawa kami ay magtiwala sa presensiya ni Kristo na siyang gagabay sa amin sa kalaliman ng buhay, na ang aming mga puso ay nauukol sa ritmo ng Diyos.  

 

Sa Kapayapaan ni Kristo,

Amen.

 

Hymn of Reflection (instrumental only)

“Come and Find the Quiet Center”                                                    CCS 151

 

Scripture Reading

            Jeremiah 31:7-14

 

Prayer for Peace

          Light the Peace Candle.

          Scripture of Peace: Doctrine and Covenants 163:2a

 

Prayer

Let us Pray.

Banal na Espiritu,

Aming Panginoon at pinagmumulan ng buhay, banal na presensya, banal na kapangyarihan, banal na karunungan, banal na buhay, banal na Pag-ibig. Mapagpalang Espiritu, nawa’y pumarito ka at kami ay mananalangin para sa aming mga buhay. Tulungan mo kaming maglakad sa aming mga pananampalataya gaya nina Abraham at Sara. Nawa’y sumibol sa amin ang kapayapaan, na siyang magdadala sa amin ng pang-unawa. 

Sana ay maging isang bukal ka sa amin ng tubig ng buhay, at pawiin mo ang aming mga pusong uhaw. Gamutin mo kami sa pagiging makasarili at maging malaya kaming tumingin sa aming mga kapit-bahay at maging sa aming mga kaaway. Palayain mo kami sa pagiging mapagmataas at ang pagiging mapagmahal ni Kristo ang ilagak mo sa amin. Mamagitan ka sa amin sapagkat kami ay higit na mahina kaysa sa aming inaakala. Baguhin mo ang aming mga buhay at ipagkaloob mo sa mundo namin ang larawan ng iyong kaharian. Pagpalain mo ang lahat ng iyong bayan, upang ang lahat ng tao ay gumawa ng pawang kabutihan at katarungan. 

Punuin mo kami ng kagalakan ng langit, at ang iyong kalooban aming mga gawain sa lupa. Nawa’y kami ay maging ukol sa gawain ngayon at ihanda mo kami para sa buhay sa hinaharap. Ito ang aming dalangin sa pangalan ni Jesu-Kristo. Amen.

 

Message

            Based on the sacrament of Communion and Jeremiah 31:7-14

 

Disciples’ Generous Response

            Receive God’s Gifts

Sa ating panalangin para sa ating pagiging simple, tayo ay inaanyayahan upang bitiwan ang mga hindi natin kailangan upang magkaroon tayo ng puwang sa ating sarili na maaaring pasukan ng Diyos sa ating buhay.

 

Ayon sa isang manunula na si Wendell Berry, isinulat niya na hindi natin kailangan ng bagong lupa o langit, ang ating kailangan ay nandito na.

 

Ang mga salitang “ang ating kailangan ay nandito na” ay may mga mahahalagang paalala sa atin. Madalasa sa ating sarili may mga namimis tayong magagandang panahon o may mga inaaasahan tayong bagay sa hinaharap, bagamat alam natin na ang buhay na Diyos ay naririto sa atin ngayon. Ang kailangan natin ay nandito na. Ito rin ay nagpapaalala sa atin na sa ating mundo kung saan tayo ngayon nakatira ay naririto ang sapat nating kailangan. Ang prinsipiyo para sa ating DGR, “Tanggapin Ang Kaloob ng Diyos,” ang siyang nagtuturo sa atin upang maunawaan na ang lahat ng bagay ay biyaya mula sa ating Diyos. Sa pagtingin sa pinagmumulan ng ating pagiging bukas palad, nawa tayo ay mapaalalahanan na ang lahat ng mayroon tayo at ng ating mga binibigay ay ang Diyos, at ang Diyos ay sa sapat para sa lahat.

 

The first Sunday of the month focuses on Abolish Poverty, End Suffering, which includes oblation ministry.

 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

 

Sacrament of the Lord’s Supper

Invitation to Communion

 

Communion Scripture Reading

            Matthew 26:17-30

 

Hymn of Preparation

“As the Wind Song through the Trees”                                  CCS 42

 

Blessing and Serving of the Bread and Wine

 

Prayers of the People

Sa dakong ito ng ating pananalangin at pagninilay tayo ay inaanyayahan upang manalangin sa bawat bahagi ng katahimikan ng ating gawain. Ang ating Prayers of the People ay magsisimula sa bawat indibiduwal, sa atin bilang grupo, at sa labas ng ating Sangtuwaryo ng kapayapaan kung saan nabibilang ang ating mga kapamilya at gayundi ang planetang ating ginagalawan.

Si Jesu-Kristo, ang liwanag ng mundong ito, ay nag-aanyaya sa kanyang presensiya at sa kanyang kapayapaan. Hayaan mong makahinga ka ng malalim at tingnan ang iyong sariling nasa sa kanyang presensiya, yumayakap sa kanyang liwanag habang isinasagawa natin ang panalanging ito ng sangkatauhan.

Pause.

Diyos ng Liwanag, kamil ngayon ay naririto sa iyong presensiya at nagpapasalamat sa dala mong liwanag sa mundong ito; ihinga mo ang iyong Espiritu sa aming katauhan at kalagayan. Nawa ang iyong pag-ibig ay magliwanag sa amin bilang pagpapatunay sa iyong patuloy na biyaya sa iyong mga likha na may kinabukasan at kapayapaan.

Pause.

Isang Nagliliwanag, sa aming pagkakadama ng liwanag sa amin, tulungan mo kaming maging liwanag ng iyong pag-ibig at magliwanag kami sa mga nakapaligid sa amin. Nawa ang aming mga kaibigan, pamilya, katrabaho, at mga kapitbahay ay malaman nila ang liwanag na nagniningning sa amin at gayun din ang liwanag na nagmumula sa kanila, na siyang nagliligtas sa bawat pagkasira at gumagawa ng kapayapaan.

Pause.

Liwanag ng mundo, palawakin mo ang iyong walang hanggang liwanag sa amin, sa aming mga kaibigan at sa lahat ng mga nananahan sa mundong ito. Inaalala namin ang lahat ng bansa, kabilang ang Sierra Leone, ang bansang aming pinapanalangin sa ngayon. Ang mga lugar kung saan may kadiliman, at walang pag-asa, nawa ang liwanag mong nagliligtas ay makawala at magbigay ng pag-asa at kapayapaan.

Pause.

Kabanalan, na lumikha ng dilim at liwanag, pagpalain mo ang lahat nang ‘yong nilikha sa pamamagitan ng kapangyarihan nagmumula sa iyong liwanag. Patuloy nawa ang iyong pagpapala sa lahat ng may buhay – sa lahat ng nakikita at hindi nakikita, sapagkat ang kaligtasan ng iyong mga nilikha ay naroroon ang kaligtasan ng lahat ng nasa lupa at maging ang kanilang kapayapaan.

Pause.

Nawa’y ang siyang nagsalita ng liwanag sa kadiliman at ang nagbibigay sa gitna ng kawalan ay mapakinggan ang aming mga panalangin. Nawa ang liwanag sa aming paligid at sa lugar na aming tinitirhan ay lumawak pa sa lahat ng dako at sulok. Amen.

 

Closing Hymn

“Sent Forth by God’s Blessing”                                                                     CCS 648

 

Sending Forth

Ang ating kailangan ay naririto na.  

Idilat natin ang ating mga mata at ang ating mga puso upang tayo makita at malaman natin ang mga biyaya sa atin ng Diyos, sa kanyang kabutihan at pagmamahal na siyang naririto na sa atin.

 

Postlude

 


42 As the Wind Song through the Trees

As the wind song through the trees,
as the stirring of the breeze,
so it is with the Spirit of God,
as the heart made strangely warm,
as the voice within the storm,
so it is with the Spirit of God.
Never seen, ever known
where this wind has blown, bringing life,
bringing power to the world,
as the dancing tongues of fire,
as the soul’s most deep desire,
so it is with the Spirit of God.

As the rainbow after rain,
as the hope that’s born again,
so it is with the Spirit of God,
as the green in the spring,
as a kite on a string,
so it is with the Spirit of God,
making worlds that are new,
making peace come true,
bringing gifts, bringing love to the world,
as the rising of the yeast,
as the wine at the feast,
so it is with the Spirit of God.

558 Take the Path of the Disciple

Called by God to make the journey
in community, with Christ,
learning, sharing, reconciling,
seeking justice, peace, and light.

Take the path of the disciple,
join the journey to new life!
Seek the ways that God would lead us,
the community of Christ.

Though the way will not be easy,
and we sometimes feel alone,
breaking bread, our eyes are opened,
and we meet Christ on the road.

On the path we go together,
let the Spirit gently lead.
We proclaim Jesus as Savior
and find joy, hope, love, and peace!

648 Sent Forth by God’s Blessing

Sent forth by God’s blessing
our true faith confessing,
the people of God from this dwelling take leave.
The supper is ended;
oh, now be extended
the fruits of our worship in all who believe.
The seed of the teaching,
receptive souls reaching,
shall blossom in action for God and for all.
God’s grace did invite us,
and love shall unite us
to work for God’s kingdom and answer the call.

With praise and thanksgiving
to God ever living,
the tasks of our everyday life we will face.
Our faith ever sharing,
in love ever caring,
embracing God’s children of each tribe and race.
With your grace you feed us,
with your light now lead us:
unite us as one in this life that we share.
Then may all the living
with praise and thanksgiving
give honor to Christ and his name that we bear.

Friday, December 24, 2021

A Child Is Born for Us

 

25 December 2021

Christmas Day

Isaiah 9:2-7

 

Preparation

Instrumental Prelude

Christmas Welcome

Christmas Carols
“O Come, All Ye Faithful” CCS 431

Advent Readers Theater and Lighting the Christ Candle

Advent Hymn of Light 
“Hope Is a Light” CCS 398

Christmas Prayer                                                   

Prayer for Peace
Light the Peace Candle.
Prayer      

Experience Light
Divine Light

Ngayon ay sinindihan natin ang kandila ni Kristo at ito ang nagpapaalala sa atin na dala-dala din natin ang liwanag ni Kristo. Bawat isa sa atin ay inaanyayahan upang gamitin ang liwanag na ito upang palakasin ang ilaw ng iba. Kasama natin si Kristo, sama-sama nating gamutin ang sakit ng mundong ating ginagalawan. Nakikita ba natin ang Mesias sa araw na ito?

Responsive Reading

Leader: Liwanag ng pag-asa. Liwanag ng pag-ibig. Liwanag ng  Kagalakan. Liwanag ng Kapayapaan. Ang iyong liwanag ay nasa sa akin. Sa bawat araw ay ipinapaalala mo na:

Congregation:
Ako ay nagagabayan ng kabanalan at pinapapalakas.
Nakikita ko ang liwanag ni Kristo at gumagawa ako upang palakasin ito para sa lahat.

Hymn or Ministry of Music
“Star-Child” CCS 420

Spiritual Practice

Disciples’ Generous Response
Statement
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Celebration
“Joy to the World!” CCS 408                                       

Prayer of Blessing

Postlude

HYMNS

 


408 Joy to the World!

Joy to the world! The Lord is come;
let earth receive her King;
let every heart prepare him room,
and heav’n and nature sing,
and heav’n and nature sing,
and heav’n, and heav’n and nature sing.

Joy to the world; the Savior reigns;
let all their songs employ
while fields and floods, rocks, hills, and plains
repeat the sounding joy,
repeat the sounding joy,
repeat, repeat the sounding joy.

He rules the world with truth and grace,
and makes the nations prove
the glories of his righteousness
and wonders of his love,
and wonders of his love,
and wonders, wonders of his love.

431 O Come, All Ye Faithful

O come, all ye faithful,
joyful and triumphant,
O come ye, O come ye to Bethlehem;
come and behold him,
born the King of angels;

O come, let us adore him,
O come, let us adore him,
O come, let us adore him,
Christ, the Lord!

O sing, choirs of angels,
sing in exultation,
O sing, all ye citizens of heaven above!
Glory to God, all glory in the highest;

All hail! Lord, we greet thee,
born this happy morning,
O Jesus, to thee be all glory given;
Word of the Father, now in flesh appearing;

398 Hope Is a Light

Hope is a light,
hope is a light.
Hope is a light to show the way,
hope is a light to show the way.
Light the candle of hope,
light the candle of hope.

Peace is a prayer,
peace is a prayer.
Peace is a prayer that starts with me,
peace is a prayer that starts with me.
Light the candle of peace,
light the candle of peace.

Joy is a song,
joy is a song.
Joy is a song for all to sing,
joy is a song for all to sing.
Light the candle of joy,
light the candle of joy.

Love is a gift,
love is a gift.
Love is a gift our hearts can give,
love is a gift our hearts can give.
Light the candle of love,
light the candle of love.

Jesus is born,
Jesus is born.
Jesus is born in us today,
Jesus is born in us today:
Christ, the light of the world,
Christ, the light of the world.


420 Star-Child

Star-Child, earth-Child,
go-between of God,
love Child, Christ Child,
heaven’s lightning rod:

this year, this year
let the day arrive
when Christmas comes
for everyone, everyone alive!

Street child, beat child,
no place left to go,
hurt child, used child,
no one wants to know:

Grown child, old child,
mem’ry full of years,
sad child, lost child,
story told in tears:

Spared child, spoiled child,
having, wanting more,
wise child, faith child,
knowing joy in store:

Hope-for-peace Child,
God’s stupendous sign,
down-to-earth Child,
Star of stars that shine:


Disciples’ Generous Response

Statement

Ang kuwento para sa DGR natin ngayon ay ibinigay ni Apostol Janné Grover na naglilingkod sa Central USA Mission Field.

 

Sa bahaging ito ng ating Disciples’ Generous Response, naka-focus tayo sa pag-align ng ating mga layunin sa mga layunin ng Diyos, pag-align ng ating puso sa puso ng Diyos.

Ipinagdiriwang natin ngayon na ang pag-ibig ng Diyos ay makikita sa anyo ng tao. “Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang sanggol!” Ang pagkabukas-palad ng Diyos o ang kanyang biyaya ay nag-anyong tao at nagpapatuloy sa tuwing tayo ay tumutugon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aalay sa ating sarili at sa mga gawain ng pagiging bukas-palad.

 

Isipin kung papaano nabago ang iyong buhay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng Diyos. Naaalala mo pa ang mga sandali noong ito ay nangyari sa iyo? Para kay Jenn, noong mga panahong nawawalan na siya ng pag-asa, at wala na siyang mapupuntahan, siya ay nanalangin. Ang kanyang panalangin ay nasagot sa pamamagitan ng isang van ng simbahan at ng mga miyembro at pastor ng Chattanooga noong sila ay huminto upang tumulong. “Nagdasal ako at narinig ako ng Diyos. Pinadalhan ako ng Diyos ng tulong nang hindi ko na kaya ang aking sarili ko. Ang mga tulong na ito ay mula sa Chattanooga Community of Christ. Ito na ngayon ang aking pamilya. Ito ay kung saan welcome ako sa kahit anumang mga nangyari sa akin. Ito ang aking matatag na paniniwala na ang Diyos ay totoo. Narito ang simbahang ito upang tulungan ang iba na makahanap ng pag-asa. Ang pag-asa ay bahagi ko. Ang pananampalataya ay bahagi ko. Ipinakilala sa akin ang tunay pag-ibig."

 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

 

 

 

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Prayer 

Mapagpalang Dios,

Kami ngayon ay nagdiriwang nang dahil sa kapanganakan ni Jesus na siyang nagmulat sa amin ng totoong kahulugan ng galak, pag-asa, pag-ibig at ng kapayapaan!

Si Jesus na siyang liwanag sa kadiliman, ang kapayapaan sa gitna ng galit sa mundo, ng takot at pagkakabaha-bahagi. Nawa ay masindihan ang aming mga kandila mula sa kandila ni Kristo, at protektahan mo ang aming mga ilaw, at maibahagi namin ito sa buong mundo may kadiliman. Tunay ngang nakakamangha kapag ang isang kandila ay sinindihan ang isa pa at magiging dalawa na ang may sindi at liwanag! Hindi na magiging mahina ang ilaw o liliit pa, itoy magiging mas maliwanag kaysa dati, at mas magliliwanag pa ito! Bigyan mo kami ng inspirasyon ung magliwanag, at ikalat ang liwanag sa lahat ng sulok ng kadiliman ng aming mga komunidad.

Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus, na siyang tagapagdala ng kapayapaan, at ang liwanag sa mundo! Amen.    

            —Tiffany and Caleb Brian

 

 


 

Spiritual Practice

Receiving and Blessing

Project or print these words:

I receive hope.        I hold hope.      I am hope.         I bless with hope.

I receive love.          I hold love.       I am love.          I bless with love.

I receive joy.            I hold joy.          I am joy.            I bless with joy.

I receive peace.       I hold peace.      I am peace.       I bless with peace.

I receive the light.  I hold the light.  I am the light.  I bless with the light.

 

This Advent season reminded us of the blessings we have received and are fortunate to share.

 

I invite you to join me in a Christmas spiritual practice.  We will read aloud the words that are presented while using these arm movements.

 

Demonstrate reading the words with the motions one time.

 

I receive… arms outstretched wide

I hold… pull arms in and cross over chest

I am… pat crossed arms on chest three times

I bless with… arms straighten and reach forward

 

Please join me…

Pause after each sentence throughout for about 3 seconds.

I receive hope.        I hold hope.            I am hope.       I bless with hope.

I receive love.          I hold love.         I am love.        I bless with love.

I receive joy.            I hold joy.           I am joy.           I bless with joy.

I receive peace.       I hold peace.       I am peace.      I bless with peace.

I receive light.         I hold light.         I am light.        I bless with light.

 

Thank you. 

 


 

Readers Theater

by David Loy

 

Christmas: Lighting the Christ Candle

 

Reader 1 – Merry Christmas!

Reader 3 & Reader 2 – Merry Christmas!

Reader 2 – So, napag-usapan na natin ang tungkol sa kandila ng Hope, Joy, Love and Peace.  Ano nga ulit ang pang-limang kandila?

Reader 1 – Ito ay patungkol kay Jesus.

Reader 3 – Hmmm, mukhang napakalaking usapin na yata ito, pwede mo bang simplehan para sa akin?

Reader 1 – Pointing to the candles. Pwede, mukhang kaya ko. Ito ay tungkol sa mga yan!

Reader 2 – Sa mga kandila? Ano naman ang kinalaman ni Jesus sa mga kandila?

Reader 1 – Hindi, ito ay kung ano ba ang naibibigay sa atin ng mga kandilang yan…

Reader 3 – …Liwanag? Nagbibigay sila ng liwanag!

Reader 1 – TAma!

Reader 2 – Naguguluhan ako. Nagbibigay si Jesus sa atin ng liwanag ng mga kandila?

Reader 1 – SAbi ng ani Jesus, “Ako ang liwanag ng mundo.”

Reader 2 – Talaga?                                                                                        

Reader 1 – Yes, binuo niya ang talatang yan ng banal na kasulatan ng ganito: “Ang sinomang susunod sa akin ay kailan may’ hindi maglalakad sa dilim, bagkus siya ay magkakaroon ng liwanag ng buhay.”

Reader 3 – So ginamit ni Jesus ang liwanag bilang talinghaga?

Reader 2 – Ano?

Reader 3 – Talinghaga. Gaya nito kapag sinabi mong: “Ang kurtina ng takipsilim ay nahulog na sa atin.” Ang takipsilim ay hindi naman kurtina, ngut ito ay ginamit bilang isang simbolo para sa paglalarawan.

Reader 2 – Nakuha ko na, inihalintulad ni Jesus ang kanyang sarili bilang liwanag, pero hindi naman siya isang literal na ilaw o liwanag di ba.

Reader 1 – Magaling. Ipinanganak si Jesus para magdala ng liwanag sa mundo. Nasubukan mo na bang maglakad sa isang napakadilim na lugar at hindi moa lam kung saan ka papunta?

Reader 3 & Reader 2 – Oo naman…

   Reader 3 – …pero noong mayroon nang ilaw, alam mo na kung saan ka tutungo.

   Reader 1 – Perfect! Ang liwanag ang nagbibigay sa atin ng kakayanan upang makapaglakad at pumunta dapat nating puntahan at hindi tayo madadapa.

Reader 2 – Kung si Jesus ay isang liwanag ano ang kanyang iniilawan?

Reader 1 – Tayo. Noong panahon ni Jesus Nakita ng Diyos na ang mga tao ay naglalakad sa kadiliman.

Reader 2 – Parang ganon pero hindi literal di ba?

Reader 1 – Oo, ipinanganak si Jesus dito sa mundo upang bigyan tayo ng liwanag at makita natin kung ano ang Mabuti at tama dito sa mundo sa ating pamumuhay.

Reader 3 – So and liwanag ng mga kandila ay inilalarawan nito ang liwanag ni Jesus sa mga tao noon sa atin sa ngayon.

Reader 1 – Very good. Kailangan din natin ang kanyang liwanag kagaya nila noon.

Reader 2 & Reader 3 – Cool/Got it. Alam na namin.

Reader 1 – TAnong ko lang, paano tumutugma ang liwanag ni Jesus sa apat pang kandila?

Reader 3 – Madali lang yan, ang mundo natin ay kinakailangan ang pag-asa para sa mas mabuting kinabukasan at ang liwanag ang siyang magpapakita dito.

Reader 2 – Ang kaniyang liwanag ang magpapakita sa atin na dapat nating mahalin ang bawat isa.

Reader 1 – … at ang Diyos. Mayroong tayong kapayapaan kung tayo ay nakakakita sa gitna ng kadiliman ng buhay at alam natin ang daang ating tatahakin.

Reader 2 – pero papaano naman yung Galak?

Reader 1 – Ang sabi sa Psalm 97:11, “Light dawns for the righteous, and joy for the upright in heart.” Kung susundin natin ang mga halimbawa ni Jesus, ang kaniyang liwanag ay lalago sa atin at tayo ay magiging halimbawa sa iba.

Reader 3 – …at yan ang magbibigay sa atin ng kagalakan, kapag natulungan natin ang iba para mahanap din nila ang liwanag ng Diyos.

Reader 2 – Alam ko na ngayon. Binigyang liwanag ni Jesus ang kanilang daan noon na siyang sinusundan natin ngayon, at sa pamamagitan nito nabibigyan din natin ng liwanag ang mga iba para tayo ay sundan.

Reader 1 – So, ang ilaw ng kandila ni Kristo ang siyang pinakamahalaga dahil ito ang liwanag ng Joy, Hope, Love and Peace.

Reader 3 – Hey, pwede na ba nating sindihan ngayon?

Reader 1 – Oo naman. Sige kunin natin itong isang kandila at sindihan na natin. All three light the Christ Candle.

Reader 2 – Napakarami kong natutunan nitong apat na linggong nakaraan.

Reader 3 – Ako din.

Reader 1 – Ngayon, nasa saatin na kung saan natin dadalhin ang liwanag ni Kristo dito sa mundo.

Reader 2 – Pwede na nating gawin ng sam-sama?

Reader 1 – Yan din ang naisip, tara gawin na natin.

Reader 1 – Alright, Let’s go. They all walk out to light everyones candle.

Popular Posts

Hello more...