Thursday, September 10, 2026

How Often Should We Forgive?

 
Gaano Ba Kadalas Dapat Ang Pagpapatawad?

Additional Scriptures 
Exodus 14:19-31; Psalm 114; Romans 14:1–12 



Prelude 

Welcome 

Call to Worship: Matthew 18:21-35 

21Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?”

22Sumagot si Hesus, “Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.

23“Sapagkat ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang hari na ipinatawag ang kanyang mga alipin para singilin sa kanilang mga utang. 24Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon. 25Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, para mabayaran ang kanyang utang.

26“Nagmamakaawang nagpatirapa ang aliping iyon sa hari, ‘Bigyan nʼyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ 27Naawa sa kanya ang hari, kaya pinalaya siya at pinatawad na lang sa kanyang utang.

28“Ngunit pagkaalis ng aliping iyon, nakasalubong niya ang isang kapwa alipin na may utang sa kanya ng ilang libo. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabi, ‘Bayaran mo ang utang mo sa akin.’

29“Nagpatirapa ang kapwa niya alipin at nagmakaawa, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kita.’

30“Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ipinakulong niya ang kapwa niya alipin hanggang sa makabayad ito. 31Nang makita ito ng iba pang alipin, sumama ang loob nila, kaya pumunta sila sa hari at isinumbong ang lahat ng nangyari.

32“Ipinatawag ng hari ang alipin at sinabi sa kanya, ‘Napakasamá mong alipin! Pinatawad kita sa utang mo dahil nagmakaawa ka sa akin. 33Hindi ba dapat naawa ka rin sa kapwa mo alipin gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ 34Sa galit ng hari, ipinakulong niya ang alipin hanggang sa mabayaran nito ang lahat ng utang niya.

35“Ganyan din ang gagawin ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo buong pusong magpapatawad sa inyong kapwa.”

Ang Banal na Kasulatan na ating focus sa araw na ito ay tungkol sa pagpapatawad. Ang pagiging maawain natin ay isang pagpapakita ng ating pagiging alagad. Diyos ang naunang nagpakita nito sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawad sa ating mga kasalanan. Ang ating himnong “God Forgave My Sis in Jesus’ Name,” ay nagpapaalala sa atin tungkol dito at ng ating pagtugon.

Hymn of Forgiveness : “God Forgave My Sin in Jesus’ Name” CCS 627 

Invocation 

Manalangin at mapasalamat tayo sa mapagmahal at maawaing Diyos dahil sa Kanyang mga biyaya at habag sa atin. Ipanalangin natin na nawa ang ating mga puso at isipan ay maging bukas sa Kanyang presensiya. Manalagin tayo...

Response 

Scripture Reading: Psalm 114 

Confession 

Ipagtapat nating minsa’y tayo’y katulad ng dagat at ilog Jordan.

Sumandaling tayo’y manahimik at pa-isipan natin ang mga katanungang ito:

·       Kailang ka tumakas at nagpakalayo-layo sa Panginoon?

·       Kailan naging maawain ang Diyos sa Iyo?

Silence 

Time for meditating on the scripture and questions. 

Hymn of Confession 

Focus Moment 

Ang AWA ay isang katangiang nagpapakita ng kabaitan, pakikipagkapwa-tao, at pagpapatawad.

Para sa facilitator: Magbigay ng ilang mga halimbawa o pangyayari ng pananakit na ang naging tugon ay pagpapatawad, halimbawa; may isang tutang nangagat ngunit sa halip na paluin, maingat mo itong sinaway, o isang kaibagan na nang-aasar, subalit kalaunan humingi din ito ng paumanhin, o isang kapatid na nakasagi o umapak sayo na hindi naman sinadiya pero mas pinili mong manahimik at ngumiti sa halip na saktan o bulyawan siya.

Maaari ba tayong magbigay ng isang pangyayari sa atin na tayo’y nasaktan at kung papaano tayo tumugon ng mahinahon at may kabaitan?

Mahalaga rin na malaman na ang pagpapakita ng awa ay hindi nangangahulugang babalewalain na lang ang kasalanan. May mga nakakasakit na bagay na kailangang pag-usapan para hindi na ulit mangyari.

Maaari pa rin nating ayusin ang mga bagay-bagay sa mabait at may malasakit na paraan, habang malinaw na ipinapaunawa na hindi tanggap ang ganitong uri ng gawi. Ito ang tunay na pagpapakita ng awa.

Have the group listen for examples of mercy in the sermon. Invite them to share what they heard after the sermon. 

Sermon Based on Matthew 18:15–20 

Disciples’ Generous Response 

Statement 

Read the text of “As Saints of Old,” CCS 620 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Moment of Silence 

Prayer 

Sa aming mapagmahal na Panginoon at kaibigan,
Hina-hanap Ka namin sa katahimikan dahil nag-sasalita Ka sa aming mga puso. Hina-hanap Ka namin sa iyong magandang mundo dahil marami pa kaming dapat matutunan. Hina-hanap Ka namin sa bawat tao dahil kailangan naming matuklasan ang mga daan ng kapayapaan. Hina-hanap Ka namin sa aming trabaho at gawain dahil tinatawag mo kaming maglingkod. Tanggapin mo ang aming papuri sa iyong kasaganaan at kabutihan. Pagpalain Mo ang aming pinakamabuting hangarin para sa kapayapaan habang ginagabayan Mo kami na matuklasan ang Iyong mga pamamaraan. Ito ang aming dalangin sa ngalan ng Prinsipe ng Kapayapaan. Amen.—Darlene Caswell 

Hymn  “If by Your Grace I Choose to Be” CCS 587 

Sending Forth 

O Panginoon naming Diyos, maawa ka nawa sa amin at kami’y pagalingin sa aming mga pananampalataya kay Kristo.
—Alma 10:99, adapted. 

Nawa’y magkaroon tayo ng lakas, kabutihan, at katapangan upang tumugon na may awa.

Postlude 


How Often Should We Forgive?

  Gaano Ba Kadalas Dapat Ang Pagpapatawad? Additional Scriptures  Exodus 14:19-31; Psalm 114; Romans 14:1–12  Prelude  Welcome  Call to ...