Friday, August 7, 2026

When Relationships Are Tough


Genesis 37:1-4, 12-28

Additional Scriptures
Psalm 105:1-6, 16-22, 45b; Matthew 14:22–33; Romans 10:5–15 


Prelude 

Hymn of Centering 

Welcome 

Call to Worship Responsive Reading (—Psalm 105:1–3, 5, adapted )

Leader: Magpasalamat tayo sa Panginoon, ipagmalaki natin ang mga ginawa Niya sa lahat ng tao!

People: Kanta tayo ng papuri sa Panginoon; ikwento natin ang mga kamangha-manghang gawa Niya!

Leader: Huwag nating kalimutan ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Diyos, ang mga himala at ang mga sinabi Niyang hatol.

People: Ipagmalaki natin ang banal Niyang pangalan; magpakasaya ang lahat ng naghahanap sa Panginoon!

All: Purihin ang Panginoon!

Hymn of Praise : 39 ITULOYCO LAt’ PANNAGNAC

Invocation 

Response 

Disciples’ Generous Response 

Statement

Kahit Mahirap, Magmahal Pa Rin Tayo 💛

Alam natin na minsan, ang hirap-hirap makisama o umintindi, lalo na kapag subok na subok na ang relasyon natin. Pakiramdam natin, ubos na ubos na tayo at wala nang natitira para sa sarili natin.

Pero alam ba natin? Ang pinakamagandang klase ng pagkabukas-palad (generosity) ay iyong ibinibigay natin ang pag-unawa at pasensya kahit sa mga panahong parang ang hirap nilang mahalin.

“Huwag nating katakutan ang mga alitan; sa halip, tingnan natin ito bilang pagkakataon para magpakita ng wagas na malasakit at pagpapatawad.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Scripture Reading and Reflection: Genesis 37:1–4, 12–28 

Kailan ka huling nagselos o nainggit?
Ano sa pakiramdam ang magselos?
Kung ikaw si Jose, ano ang mararamdaman mo?
Nasaan ang Diyos kapag may nangyayaring masama?
Pano kaya mababago ng pagmamahal ang pagseselos?

Community Hymn/Music Ministry: 37 DIOSCO PATIBKERENNAC

Message Based on Genesis 37:1–4, 12–28 

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Instruction para sa mag-lilead ng prayer: Basahin ang prayer nang dahan-dahan, at huminto sandali sa mga bahaging nakasaad para makapagnilay at totoong makasabay ang lahat. Pakiusapan silang mag-isip-isip at ihandog ang sarili nilang mga panalangin ng tahimik habang binabasa ito.

 

Prayer 

Diyos ng Kapayapaan at Katarungan,

Pinapanalangin namin ngayon ang mga nakaranas ng kawalan ng katarungan;

Pause

At ang mga nasaktan nang malalim dahil sa labis na inggit, o galit.

Pause

Napakasakit ng nararamdaman nila, pero simula na ito ng paghilom sa tulong ng Iyong Espiritu na nag-aayos ng lahat.

Pause

Ipadama Mo po ang Iyong presensya sa mga nasasaktan at pakiramdam nila ay nag-iisa sila.

Pause

Bigyan Mo po ng lakas ng loob ang mga pinipiling maging makatuwiran, at ang mga naglilingkod ng bukas palad bilang kaibigan.

Pause

Mulatin Mo ang aming mga mata para matuto kaming pumili ng mas tamang mga desisyon. Palambutin Mo ang aming mga puso para matuto kaming magmalasakit at makipag-ayos.

Pause

Pinapanalangin namin ang paghilom at kabuuan para sa lahat ng Iyong nilikha.

Pause

Sa pangalan ng Nagturo sa amin ng katarungan, pagkakasundo, paghilom, at pagkabuo—si Hesus.

Pause

Amen.

Hymn of Prayer “Let Us Pray for One Another” CCS 186 

Prayer then Benediction 

Sending Forth: Doctrine and Covenants 154:7b 

Support one another in love, confident that my Spirit will be with you even as I have gone before you and shown you the way.

 Postlude 

When Relationships Are Tough

Genesis 37:1-4, 12-28 Additional Scriptures Psalm 105:1-6, 16-22, 45b; Matthew 14:22–33; Romans 10:5–15   Prelude  Hymn of Centering  ...