Saturday, March 28, 2020

Breath on Me, Breath of God



Prelude

Community Share, Care, and Prayer

Lenten Reading
Ang ating pagkakahiwa-hiwalay at pagdadalamhati ang siyang bumabago sa atin. Bilang disipulo ng Panginoong Diyos, isang kaugalian na sa atin ang pagiging tapat, mapagpakumbaba, at laging umaasa sa maayos na relasyon natin sa Kanya, sa iba at sa mga nilalang. Nagiging buo tayo dahil sa pagpapanatili nating malusog ang ating relasyon na siyang nakabatay sa hustisiya, kapayapaan at pagkakaintindihan. Ang magandang balita ayon kay Kristo ay nagiging sapat na biyaya sa komunidad. Purihin ang Dakilang Lumikha sapagkat sa pamamagitan Niya may posibilidad ang Shalom para sa lahat. Buksan natin ang ating sarili at tanggaping ganap ang Shalom ng Panginoon.

Opening Hymn

Prayer

Scripture Reflection: Ezekiel 37:1-14

Prayer for Peace
Light the peace candle.

Prayer for peace
Maaari tayong maging bahagi ng panalanging ito sa pamamagitan ng pagdugtong natin sa mga susunod na talata.

O Banal na Diyos, patawarin Mo kami sa aming…
Pause
Bukal ng Buhay, patawarin Mo kami sa aming…
Pause
Nagmamahal sa mga kaluluwa, baguhin Mo kami sa pamamagitan ng…
Pause
Nagpupunan sa mga puso, baguhin Mo kami sa pamamagitan ng…
Pause
Pamantayan ng kapayapaan, pagtibayin Mo kami ng ‘yong…
Pause
Kampeon ng mga nasa ibaba, pagtibayin Mo kami ng ‘yong…
Pause
Banal Na Lumikha, humihingi kami ng kapayapaan para aming…
Pause
Mapagpalang Tagapagligtas, humihingi kami ng kapayapaan para aming…
Pause
Panginoong Diyos na Makpangyarihan, nagmamakaawa kaming ipagkaloob Mo ang Iyong kapayapaan sa ngalan ni Jesus.
Pause
Amen. And amen.

Hymn
          25 SICAT, SAPSAPULEC (I Need Thee Every Hour)

Morning Message or Reflections

Disciples’ Generous Response
Statement: Ang panahon ng kwaresma ay patungkol ito sa biyaya at kaloob ng Diyos na Kanyang ipinamalas sa kaniyang mga nilikha na siya namang ipinagpapasalamat natin dahil sa pagtanggap natin sa mga ito. Ang Matatag nating mga Prinsipiyo ay makakaugnay sa bawat isa at ang Bukas Palad mula sa Panginoon ang siyang pundasyon ng mga ito.

Ang ating prinsipiyong Biyaya at Mapagbigay at ang Patuloy Na Pagkakahayag ay pinagsama upang mailahad ang bahaging: “Ang Biyaya ng Diyos, ay higit na naipamalas sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, kaloob na walang anumang kapalit”

…Ang Biyaya ng Diyos ay patuloy na naipamamalas ngayon na tulad noon. …Ipinagkakaloob natin ang lahat mula sa atin at ang ating mga layunin tulad ng layuning naipamalas kay Jesu-Krito. …Sa pamamagitan ng may kababaang loob ng bawat isa at ng buong komunidad, tayo ay nanalangin at nakikinig upang intindihin ang kalooban ng Diyos sa ating mga buhay, sa ating iglesia, at higit sa lahat sa Kaniyang mga nilikha. …Bukas-palad nating ibinabahagi ang ating mga pagpapatotoo, mga pag-aari, ministeryo at sakramento batay sa ating tunay na kakayanan.”

 Sa bahagi ng ating Disciples’ Generous Response, ang focus natin ay ang paghahalintulad natin sa ating mga layunin sa layunin ng Diyos, paghahalintulad natin ng ating mga puso sa puso ng Diyos.

Blessing of Mission Tithes

Hymn of Transformation

Prayer of Wholeness

Response

Postlude

Popular Posts

Hello more...