Saturday, February 1, 2025

Love Is…

 


Prelude

Welcoming Hymn: 142  APO CUCUANAC

Welcome, Joys, Concerns and Sharings

Call to Worship and Responsive Reflection: 1 Corinthians 13:4-7

Leader: Ang pag-ibig, madaling sabihin pero mahirap isabuhay. Mula sa salita, mahabang lalakbayin para sa gawa.

All:  Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,

Hymn: “Now Sing to Our God”    CCS 108

Invocation

Response/Music Ministry

PRAYER FOR PEACE

Light the peace candle.

Peace Prayer

Espiritu ng nagmamahalang komunidad,

Salamat sa komunidad na biyaya Mo sa amin! Komunidad na makapangyarihan. Isang komunidad na nagsasama-sama upang alamin ang Iyong kalooban at mga salita na maaaring magdulot ng magagandang pagbabago. Isang komunidad na maaari din namang itaboy ang iba, itaboy ang mga naturingang naiiba sa amin, itaboy ang mga nananakit sa amin. Tulad ni Jesus, itinaboy ng mga naturingang nag-aaral ng Iyong mga salita. Ganon pa man nahanap Niya ang mga grupong tumanggap sa Kanya at tinanggap pa din kahit ang mga naunang nagtaboy sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang sakripisiyo at pag-ibig Niya. Nais ng Diyos na sundin natin ang halibawa ng kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Bago pa man ang kapayapaan ay paghilom.

Bago pa man ang paghilom ay kapatawaran.

Bago pa man ang pagpapatawad ay pag-uusap sa lamesa.

Nawa tayong mga nagmula mula sa ibat-ibang anyo ng buhay na may ibat-ibang opinyon at karanasan sa buhay at magkaisa sa iisang hangarin sa pag-uusap, na siyang magdadala sa kagalingan at paghilom na siya rin namang magdadala sa atin ng kapayapaan. Kami rin naman ay umaasa maliit man o malaki ang aming mga lamesa, nakakabagot o nakakatuwa, matatanda o nakakabata – ay maging isang lamesang makapagdadala ng kapayapaan sa mundo.

Hindi lingid sa amin ang mga pagkakahati-hati mga hindi pagkakaunawaan at pang-aabuso sa kapayapaan sa mundo. Kitang-kita namin ang lahat ng ito, ngunit bilang isang komunidad ng pananampalataya, hindi namin matatanggap ang mga ito. Palakasin Mo kami O Dios upang itaboy ang mga ito mula sa aming mga lamesa, upang kami ay makapagdala ng kagalingan at makapagdala ng kapayapaan.

Sa pangalan ni Hesus, na siyang nagmamahal sa lahat. Amen.

Responsive Reflection

Leader: Madalas may mga ikinakalat ang aking kapuwa na hindi totoo tungkol sa akin, at madalas gusto ko rin gawin ito sa kanila.

All: Pag-ibig, hindi ikinatutuwa ang kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan.

Ministry of Music or Congregational Hymn

Responsive Reflection

Leader: Pakiramdam ko’y wala akong kapahingahan. Masyadong marami ang kailangan kong gawin. Wala man lang akong panahon sa nais kong gawin.

All:  Ang Pag-ibig ay matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

SACRAMENT OF THE LORD’S SUPPER

Confession and Responsive Reflection

Leader: Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig,

All:  Para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting.

Leader:  Kung may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig.

All:  Wala akong kabuluhan.

Leader:  kahit ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig

All: Wala pa rin akong mapapala.           

Silent Prayers of Confession

Scripture Reading: 1 Corinthians 13:1-13

Sharing in the Spoken Word Based on Scripture Reading and the sacrament of Communion

Hymn of Preparation: “Is There One Who Feels Unworthy?”  CCS 526

 Invitation to Communion

All are welcome at Christ’s table. The Lord’s Supper, or Communion, is a sacrament in which we remember the life, death, resurrection, and continuing presence of Jesus Christ. In Community of Christ, we also experience Communion as an opportunity to renew our baptismal covenant and to be formed as disciples who live Christ’s mission. Others might have different or added understandings within their faith traditions. We invite all who participate in the Lord’s Supper to do so in the love and peace of Jesus Christ.

Blessing and Serving of the Bread and Wine

DISCIPLES’ GENEROUS RESPONSE

Hymn of Generosity: “We Lift Our Voices”

Statement

Sa pagbubukas natin ng ating mga puso at sa pagiging bukas palad natin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang ipadama ang Kaniyang awa sa mundo. Sa linggong ito, nagkaisa tayo sa isang sakramento, at ang ating mga kontribusyon ay siyang tutugon sa Pinangungunahan nating misyon na ang Pagpuksa sa Kahirapan at Tapusin ang Kahirapan. Ito ang kaparaanan ng Diyos upang maipakita ang Kanyang dakilang awa at biyaya na patuloy na lumalago sa mga bagay-bagay.

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Responsive Reflection

Leader:  Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata. Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat.

All:   Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig.

Closing Hymn: 10 O JESUSCO A NAAYAT

Benediction

Unison Sending Forth

All: ...ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Postlude


Friday, January 24, 2025

Members of One Body

 


Prelude

Announcements, Share and Care

Welcome

Call to Worship

Ang araw na ito ay banal sa ating Panginoong Diyos... sapagkat ang kagalakan ng Panginoon ay ang inyong kalakasan. – Nehemiah 8:9-10, adapted

Hymn: “ All Are Welcome” CCS 276

Invocation

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Prayer: (Maglaan ng panalangin para sa kapayapaan at pagbangon ng mga nasalanta ng Wildfire sa bahagi ng California sa Estados Unidos.)

Dios naming maawain,

Ikaw na pinagmumulan ng aming lakas at pag-asa. Kami ay dumudulog sa Iyo ngayon para aming mga kapatid na dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa Wildfire ngayon California. Libu-libu na ang mga nawalan ng tahanan, ari-arian, hanap-buhay at komunidad. Ilan sa kanila ay nawalan ng mga minimahal.  

Kami po ay dumadalangin ng kapayapaan para sa kanilang mga puso, kaligtasan para sa kanilang buhay, at proteksiyon para sa mga patuloy na dinaraanan ng sunog na ito. Gabayan Mo po ang mga bumbero at mga tagapagligtas, bigyan Mo sila ng lakas at tapang na magpatuloy sa kanilang misyon.

At sa mga nawalan ng ari-arian, ala-ala at mahal sa buhay, mawa’y madama nila ang Iyong pagmamahal at kasiguruhan sa kabila ng kanilang pagdadalamhati. Pagkalooban Mo po sila ng tibay ng loob at pag-asa na bumangon at magsimulang muli. Gisingin mo ang mga damdamin ng kahit sino na may kakayanang tumulong sa kahit anong paraan upang maging Iyong kasangkapan sa paghahatid Mo ng Iyong pagkalinga sa lahat ng biktima ng sakunang ito.

Ito po ang aming panalangin, sa ngalan ng Iyong anak na aming tagapagligtas na si Hesus. Amen.

Hymn: 77 UMAY KAYO AMIN

Scripture Reading: 1 Corinthians 12:12-31a

            Reader 1:         1 Corinthians 12:12

            Reader 2:         1 Corinthians 12:13

            Reader 1:         1 Corinthians 12:14-17

            Reader 2:         1 Corinthians 12:18-21

            Reader 1:         1 Corinthians 12:22-25

            Reader 2:         1 Corinthians 12:26

            Both:               1 Corinthians 12:27  

Sermon based on 1 Corinthians 12:12-31a

Reflection on Enduring Priciples: Blessings of Community

Disciples’ Generous Response

Scripture: Doctrine and Covenants 165:2a

Free the full capacity of Christ’s mission through generosity that imitates God’s generosity.

Statement

Kung ang ating buhay ay hihipuin ng matindi ng Diyos, mas lalo nating nanaisin na ang ating pamumuhay ay natutulad kay Kristo. Bilang mga alagad ni Kristo, kinikilala natin ang pagmamahal at biyaya ng Diyos sa ating mga buhay. Sa pagtanggap natin ng Kanyang biyaya, nangangahulugan din ito ng pag-aalay natin ng ating buong buhay bilang tapat Niyang mga alagad. Inaanyayahan tayo sa isang panghabambuhay na tagapangalaga bilang pagtugon sa napakalaking biyaya ng Diyos sa ating buhay habang binubuo natin ang isang komunidad ng may galak, pag-asa, pag-ibig at kapayapaan.

Blessing and Receiving of Mission Tithes

Hymn of Community: “In Christ There Is No East or West” CCS 339

Prayer and Benediction

Response

Portlude

276 All Are Welcome

 

Let us build a house where love can dwell
and all can safely live,
a place where saints and children tell
how hearts learn to forgive.
Built of hopes and dreams and visions,
rock of faith and vault of grace;
here the love of Christ shall end divisions:

 

All are welcome, all are welcome,
all are welcome in this place.

 

Let us build a house where prophets speak,
and words are strong and true,
where all God’s children dare to seek
to dream God’s reign anew.
Here the cross shall stand as witness
and as symbol of God’s grace;
here as one we claim the faith of Jesus:

 

Let us build a house where love is found
in water, wine, and wheat;
a banquet hall on holy ground,
where peace and justice meet.
Here the love of God, through Jesus,
is revealed in time and space;
as we share in Christ the feast that frees us:

 

Let us build a house where hands will reach
beyond the wood and stone
to heal and strengthen, serve and teach,
and live the Word they’ve known.
Here the outcast and the stranger
bear the image of God’s face;
let us bring an end to fear and danger:

 

Let us build a house where all are named,
their songs and visions heard
and loved and treasured, taught and claimed
as words within the Word.
Built of tears and cries and laughter,
prayers of faith and songs of grace;
let this house proclaim from floor to rafter:

 77 UMAY KAYO AMIN
(Come Ye That Love The Lord)
Umaycayo amin,
Nga agayat ti Dios,
Agkantatay’ agtutunos,
Panagdaydayaw ken Jesus,
Nagannat’natan-oc,
Trononat’ nalibnos.
Coro:
Agpagpagnatayo,
Dalan agturong ‘diay ngato,
Diay Sion ayan ti Dios Apo,
Pacasaran ti rag-o.
 Adu a tattao,
Dida ammot’ Apo,
Ngem dacay a macaammo
Naganna iracuracyo,
Buyuganyot’ rag-o,
Buyuganyot’ rag-o.
 Uray payen ita,
A ditay pay dimteng,
Idiay daga namayengmeng,
Mabalinen a say-upen
Ti ayamuomna,
Ti Gloria a taeng.
Ditay’ ngad’ mamingga,
A mangicancanta,
Nagan ni Jesus nangina,
Rigrigat lipaten ida,
Inton madamdama,
Sumrectay’ diay Gloria.

 

339 In Christ There Is No East or West

In Christ there is no east or west,
in him no south or north,
but one great fellowship of love
throughout the whole wide earth.

In him shall true hearts everywhere
their high communion find;
his service is the golden cord
close binding humankind.

Join hands, disciples of the faith;
we are God’s children all.
As fam’ly with the risen Christ,
we share a common call.

In Christ now meet both east and west;
in him meet south and north;
all Christly souls are one in him
throughout the whole wide earth.

Friday, January 17, 2025

Many Gifts, One Spirit

 Prelude

Share and Care

Welcome

Call to Worship: Psalm 36:5-10

Dumanon sadi langit, O Apo, ti di agbalbaliw nga ayatmo; tumukno kadagiti ulep ti kinapudnom.

Natibker a kas kadagiti bantay ti kinalintegmo, kas iti kaadalem ti taaw dagiti pangngeddengmo. Sika, O Apo, ti mangaywan iti animal ken tao.
Nagpateg ketdin, O Dios, ti di agbalbaliw nga ayatmo! Agkamang dagiti tattao iti salinong dagiti payakmo.
Agpennekda kadagiti nawadwad a taraon iti balaymo; painumem ida iti karayan ti kinaimbagmo.
Sika ti pagtaudan ti amin a biag, ket gapu iti silawmo, makitami ti lawag.
Ituloymo kadi nga ayaten dagiti makaam-ammo kenka, ket ipaaymo ti imbag kadagiti nalinteg ti panagbiagda.

Hymn of Praise: 145 APO UMAYNAC CADI TAENGAN

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Scripture Reading: Isaiah 54:10

Peace Prayer

O Banal naming Diyos,

Bigyan Mo nawa kami ng isang malakas na testimonyo ni Hesus, na siyang Mapayapa. Palakasin Mo nawa kami upang maging lubos ang aming pagbabahagi sa aming mga patotoo, ministeryo, sakramento at sa buhay namin sa aming mga komunidad. Sumasa-amin ka nawa sa mga panahong naroroon ang pakikipag-ugnayan namin upang makipagkasundo na kami ay magkaroon ng tamang relasyon sa Iyo, sa aming mga sarili, sa aming kapuwa at sa Iyong mga nilikha. Maihahayag nawa namin at maipapakita ang magandang balita ng kapayapaan. Sa tanging pangalan ni Hesus. Amen.

Scripture Reading: 1 Corinthians 12:1-11

Ministry of Music

Message Based on 1 Corinthians 12:1-12

Hymn of Reflection: 174  CAS PASTOR NGA MANGIDALAN

Disciples Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 147:5a
Stewardship is the response of my people to the ministry of my Son and is required alike of all those who seek to build the kingdom. The spiritual authorities are urged to so teach with renewed vigor in recognition of the great need, and let nothing separate them from those who have more specific responsibilities in the temporal affairs of the church.

Statement

Tayo at ang lahat ng nasa atin ay ipinagkaloob ng Diyos.  Ating tuklasin kung papaano natin maibabahagi  ang anumang ating tinatanggap mula sa Kaniya bilang pagpapakita ng ating pananampalataya at pasasalamat sa Diyos na siyang nagbibigay ng lahat sa atin. Sa pamamagitan ni Kristo bilang ating modelo, tayo ay tinawag upang gamitin ang lahat ng ipinagkaloob ng Diyos sa atin gaya ng ating talento, yaman,  panahon at mga patotoo bilang paglilingkod sa Diyos at sa ating kapuwa.

Tunay na ang kabutihan ng Diyos ay walang hanggan. Sa pagbubukas ng ating mga puso upang maging matapang sa ating pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, tayo ay nakikilahok sa gawain ng Diyos na maihatid ang kanyang kabutihan sa mundo. Ang biyaya ng Diyos ay lubos, ibahagi natin ito sa iba ng may katapatan at kasaganaan at ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos ay lalago ng walang hanggan.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Spirits Gifts: 618 We Lift Our Voices

Responsive Closing Prayer

Leader:            Many gifts, one Spirit,
All:                  Many songs, one voice.

Leader:            Many reasons, one promise,

All:                  Many questions, one choice.

Leader:            O God, we pray for unity,

All:                  give guidance from above.

Leader:            In our differences unite us

All:                  in the circle of your love.

Leader:            O God, remind us

All:                  we are not alone.

Leader:            Help us learn to love one another,

All:                  show us ways to understand.

Leader:            We are members of one family,

ALL:               growing strong by joining hands.

Leader:            Take our many ways of working,

ALL:               blend the colors of each soul

Leader:            into the beauty of a rainbow.

ALL:               Give us life, Lord, make us whole. Amen.


 

145 APO UMAYNAC CADI TAENGAN
(Abide With Me)
Apo umaynac cadi taengan,
Sumipngeten dinac cadi bay-bay-an,
Tulong ti sabali diac awagan,
Sica laeng umayco camangan.
Ti biag ditoy a daga ababa,
Ragragsac aggibus a nalaca,
Amin a makitac agrupsada,
O Apo, Caniaccad’ tumaengca.
Awan sabali tarigagayac,
Di agsarday coma taengannac,
Cas cadagiti inad-adalam,
Espiritum dica ipaidam,
Inoran oras a masapulca,
A mangmangted caniac iti pigsa,
Sicsica la ti macaatipa,
Iti sairo nga ingget damca.
174  CAS PASTOR NGA MANGIDALAN
(Savior like a shephered)
Cas pastor a mangidalan,
Apo aywanannacam,
Cararuamit’ taraonam,
Pammatimit’ degdegam,
Apo Jesus cagasatan,
Daram sinubbutnacam’,
Apo Jesus cagasatan,
Daram sinubbutanacam.
Gayyemca a caimbagan,
Innacam, cad’ taengan,
Basolcad’ ilisi nacam’,
Innacam cad’ idalan,
Apo Jesus cagasatan,
Cararagmit’ imdengam.
Apo Jesus cagasatan,
Cararagmit’ imdengam.
Carim nga awaten nacam,
Uray dakescam unay,
Paraburmot’ macaanay,
A mangwaya cadacam,
Apo Jesus cagasatan,
Kenca incam cumamang,
Apo Jesus cagasatan,
Kenca incam cumamang.

618 We Lift Our Voices

We lift our voices,
we lift our hands,
we lift our lives up to you;
we are an offering.

Lord, use our voices,
Lord, use our hands,
Lord, use our lives, they are yours;
we are an offering.

All that we have,
all that we are,
all that we hope to be,
we give to you,
we give to you.

We lift our voices,
we lift our hands,
we lift our lives up to you;
we are an offering,
we are an offering.

Wednesday, January 8, 2025

Baptized of Water and Spirit



Prelude

Welcome, Announcements, Sharing

Songs of Praise

Call to Worship: Responsive Reading

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nasa katubigan; tila kulog ang Kaniyang kaluwalhatian. 

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig Panginoon ay punongpuno ng hiwaga!

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Maging ang malalaking puno ay mababali at mapipilipit sa tinig ng Panginoon.  

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nagbibigay lakas at kapayapaan sa lahat ng tao!

People: Napakabuti Ng Diyos!

All: Amen!

Hymn of Assurance: 203 NABILEGCA O DIOS

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Scripture Reading: Isaiah 43:1-2, 4-5

 

Peace Prayer with Meditation Time

 

Dios ng kapayapaan na siyang nagpapaunawa,

Naririto kami at nakikinig...

 

 

Ring the bell...

Nakikinig sa presensiya ng Iyong Espiritu na naririto ngayon. 

Kami ay nakikinig sa paggabay Mo kung papaano kami magpapatuloy sa paghubog mo sa aming mga buhay at sa komunidad naming mananampalataya sa kung papaano kami tutugon sa pagpapalaganap ng kapayapaan ni Kristo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell... 

Kami ay nakikinig sa Iyong pagpapatawad kung kami’y nagkukulang bilang iyong mga alagad.
Kami ay nakikinig sa iyong pagpapalakas upang kami ay magpatuloy sa aming mga paglalakbay.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa Ikyong tinig na siyang lumulunod sa tinig ng lipunan na hinahamon ang pangitain ni Kristo na ang Shalom ay lalaganap sa lahat ng dako na aming tinitirhan at pinaglilingkuran.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa patuloy Mong paghahayag sa aming araw at panahon.
Kami ay nakikinig sa patuloy Mong pagbibigay ng inspirasyon kung papaano namin itataguyod ang kapayapaan at upang ang aming pag-asa para Sion ay magkatotoo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa pamamagitan ng aming puso, isipan at kaluluwa.
Kami ay nakikinig, O Dios ng walang hanggang posibilidad sa iyong pangungusap sa amin sa araw na ito.
Sa pangalan ng prisipe ng kapayapaan, ito ang aming dalangin, Amen.

Ring the bell...

Naririto kami at nakikinig...

Scripture Reading: Acts 8:14-17

Morning Message

Hymn of Reflection: Rain Down CCS 260

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang biyaya at pagpapala ng Diyos ay tulad ng isang tubig na dumadaloy mula sa mga batis na nakapaligid sa atin. Para din naman tayong tumalon sa batis kapag pinatuloy natin ang Diyos sa ating buhay, babahain tayo ng Kaniyang pagpapala. Habang pinapatuloy natin ang Diyos sa ating mga buhay, ginigising natin lagi ang mga kaloob ng Diyos sa atin. Kahit ang mga maliliit na bagay at mga simple, ay nakikita natin ang kanilang kahalagahan kung tatanggapin natin ang mga ito bilang mga banal na kaloob ng Diyos sa atin.

Testimony
Maaaring ba tayong magbahagi ng ating mga karanasan kung papaano natin naranasan ang biyaya at pagpapala ng Diyos pagkatapos na tayo ay nabautimuhan at kung papaano din natin naranasan ang biyaya mula ating komunidad?

Kapag ibinabahagi natin ang biyaya ng Diyos sa iba, nagiging katuwang tayo ng Diyos upang maibahagi sa iba ang kanyang awa at pagkalinga at ito lumalago ng walang hanggan.

Blessing and Receiving of Mission Tithes  

Hymn of Commitment: 204 GAGETAN TAY AGTRABAHO

Prayer

Postlude


Friday, January 3, 2025

Tanggapin Ang Biyaya Mula Sa Biyaya

Receive Grace Upon Grace

Prelude

Welcome

Call to Worship

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios.

Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.

Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Dios ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!

Hymn of Praise

Invocation

Sharing of Joys and Concerns

Pastoral Prayer

A Reading of Scriptures

Reader 1: John 1:1-5

Reader 2: John 1:14-18

Reader 3: ... Lumapit kayo kay Kristo, at kayo'y maging ganap sa Kanya, kalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng mga makamundo sa inyo, at kung kakalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng makamundo sa inyo, at mamahalin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng lahat ng nasa inyo, ng buo ninyong isipan, at lakas, ang biyaya ng Diyos ay magiging sapat na sa inyo, na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kayo ay magiging ganap kay Kristo, hindi ninyo maikakaila ang kapangyarihang ito ng Diyos.  - Moroni 10:29, adapted

Communion Message based from today's scriptures.

Hymn of Preparation "Here at Thy Table Lord" CCS 517

New Year Reflection

Bawat taon ay maaaring maging yugto upang tayo ay magnilay, humingi ng tawad, at baguhin ang ating sarili. Kung kayo ay komportable maaari nating ipikit ang ating mga mata, at sa ilang sandali ng katahimikan, alalahanin natin ang ating naging pangako noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo, at alalahanin kung ano ang ipinangako sa atin ng Ispiritu Santo sa pamamagitan ng sakramento ng kompirmasyon. 

Ring the chime to draw people back to the group. 

Prayer of Confession

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa hapag ni Kristo o sa ating Komunyon na isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ni Hesu-Kristo sa atin. Sa Community of Christ, ang komunyon ay isa ring pagkakataon kung saan nararanasan natin na muling mapanibago ang ating pakikipagtipan sa Diyos noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo na tayo ay magiging alagad na ipinapamuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may ibang pakahulugan o pagkakaintindi ang mga ibang mananampalataya tungkol dito. Sa ngayon, ang tayong lahat ay inaanyayahan na makibahagi sa hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo. 

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Prayer of Peace

Light the peace candle.

Statement

Sa araw na ito, narinig natin kung papaano iniabot ng Diyos ang kanyang biyaya sa atin, naranasan natin ang kanyang biyaya sa pamamagitan ng Hapunan ng Ating Panginoon, at ipinaalala sa atin na sa ating pagbabalik sa Kanya ay ating mararanasan ang Kanyang pagyakap at kapayapaan. 

Ngunit kung yayakapin lamang natin ang mga bagay bagay sa ating sarili at walang pagmamalasakit sa iba na maranasan din nila ang biyaya ng Diyos, kinakalimutan natin ang opurtunidad na maranasan din ng iba ang pagpapala ng Diyos at ang kapayapaang idinudulot nito. 

Peace Prayer

Mapagpala Naming Diyos,

Kaytagal na po naming ipinapanalangin ang kapayapaan, at ngayon hiling namin na kami ay tulungan upang makita namin ang maaari naming gawin o maitulong upang ang kapayapaang ito ay maging isang riyalidad o tottoo sa aming mga sarili at sa aming kapuwa.  Palawigin mo nawa sa amin ang pagmamahal na itinuro mo sa amin na gaya ng pagmamahal namin sa aming kapuwa, kilala man namin o hindi, upang ang paghahari ng iyong kapayapaan sa mundo ay magkatotoo hanggang sa mga sumusunod pa sa amin. Amen.

Disciples' Generous Response

Statement

Sa pagtitipon natin bilang isang komunidad, ito ang unang linggo ngayong taon ng 2025. Ang taong ito ay tila isang bagong kalendaryo na naman sa atin. Pupunoin natin ito ng mga ibat-ibang gawain tulad ng  worship services, special events, mga pagpupulong, klases, mga kawang gawa sa ibat-ibang komunidad at iba pang mga ministeryo. 

Isa rin itong oportunidad upang pag-isipan natin kung papaano makakatulong sa pamamagitan ng pinansiyal bilang pagsuporta. Maaaring sa pamamagitan ng pagpapatuloy natin sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon o maaari din namang dagdagan natin pa natin ito. Habang pinag-iisipan natin kung papaano pa tayo tutugon sa tawag ng pagiging bukas-palad natin bilang mga alagad, pag-isipan lang muna natin ang ating mga ibibigay na kaloob ngayon, bakit ka nga ba magbibigay, gaano nga ba ito kadalas, at papaano nga ba ito makaka-bless sa lokal at pandaigdigang ministeryo. 

Sa ating pagbubukas ng ating mga puso at pagiging matapang sa pagbabahagi ng ating mga pinansiyal na konribusyon sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang maiabot ang kaniyang awa sa mundo. Sa linggong ito, sa ating pagkikibahagi sa sakramento ng komunyon, ang ating mga kaloob ngayon ay tutugon sa isang pinangungunahan nating misyon na ang Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Ito ang pamamaraan kung papaano lumalago at lumalawak ang pagmamalasakit ng Diyos sa materyal na pamamaraan. 

Blessing and Receiving of Oblation

Hymn of the New Year

Closing Prayer

Instrumental Response

Postlude 

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...