Make Responsible Choices
2 Thessalonians 3:6-13 Additional Scriptures Isaiah 65:17-25; Isaiah 12; Luke 21:5-19; Doctrine and Covenants 161:7; 162:7b Prelude Welcome Inaanyayahan ang lahat para sa ating pagpupuri sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay “Make Responsible Choices” (Gawing Responsible Ang Pagpili), at ang banal na kasulatan para sa araw na ito ay mula sa 2 Tesalonica 3:6-13 kung saan ipinapangaral ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica ang pagsisikap at pamumuhay na nagpapakita ng mga aral ni Kristo. Binigyang diin niya ang pagiging masipag sa pagtatrabaho at pabibigay ng kontribusyon para sa kabautihan ng komunidad. Ito rin ang ika-limang linggo ng ating Generosity Cycle, na kung saan binibigyan natin ng focus ang Responsableng Paggasta, ang pang-anim sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Ipinapaalala din sa atin ni Pablo na ang pagiging bukas-palad ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay, ito rin ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay, ikinakataw...