Friday, September 20, 2024

SOW PEACE


Prelude

Welcome

Scripture Reading: James 3:13-4:3, 7-8a

Invitation to Worship

Ang ating tema ngayon ay “Magtanim ng Kapayapaan”, batay sa ating leksiyon mula sa banal na kasulatan. Ang focus ng kasulatang ito, at ng ating pagtitipon, ay ang pagtuklas ng isang daan patungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng mas pamamalagi sa presensiya ng banal na karunungan. Sa madaling salita, hinahanap natin ang mas malalim na pag-unawa sa mga kaparaanan ng pagtawag sa atin ng Diyos kung papaano natin ikakatawan ang kapayapaan.

Sisimulan natin ito sa pamamagitan ng paggising sa kapayapaan. Gustong ibahagi ang mga huling talata ng ating bana na kasulatan sa araw na ito mula sa Santiago 4:8a “'Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo.” Ito ay nagpapakita ng isang konsepto o haligi bilang gabay sa mga pagtitipon natin. Sa ating pagsasama-sama sa isang komunidad, papaano nga ba tayo mailalapit sa Diyos? Papaano nga ba tayo magkakaroon ng banal na karunungan na kung saan inaan-yayahan tayong alamin sa ating paglalakbay sa pagiging mga tagasunod ng may kapayapaang si Hesus?

Maaari nating makita at gawin ang isang kapayapaan sa ating mundo kung mananatili tayong gising presensiya ng Diyos sa atin. Sa ating pagsisimula ng papupuri at pagsamba sa araw na ito, nawa ang mga salita mula sa ating Mission Prayer ang siyang magiging pangunahing imbitasyon sa atin sa gawaing kung saan tayo tinatawag ngayon.

Panginoon, saan ako dadalhin ng Iyong Espiritu ngayon?
Tulungan mo akong maging gising ng lubusan at handang tumugon.
Bigyan mo ako ng tapang na sumubok ng mga bago,
at maging pagpapala ng ‘yong  pag-ibig at kapayapaan. Amen.

Hymn of Welcome and Praise

Invocation

Panginoon, saan nga ba kami dadalhin ng ‘yong Espiritu ngayon?
Tulungan mo kami maging gising ng lubusan at handang tumugon.
Sa aming paghahanap sa banal na pagtawag sa amin sa araw na ito nawa kami ay makahinga ng malalim, at makita at maramdaman namin ang nananatiling presensiya ng ‘yong Espiritu.
Bigyan Mo kami ng tapang upang sumubok ng mga bago sa aming komunidad. Sa aming pagtugon para sa kapayapaan, nawa ay maging handa kami upang sagutin ang mga mahihirap na katanungan. Nawa kami ay maging matapang sa mga pagbabago sa amin bilang mga alagad, at makita namin ang mga ibat-ibang hakbang ng pagtawag sa amin upang lumabas. Nawa kami ay maging pagpapala ng pag-ibig at kapayapaan – sa kailaliman ng aming hininga, iniaalay namin ang aming mga sarili, sa pagpapalang ibinabahagi naming sa isat-isa, sa pagnanais naming makilala ang iba, at sa banal na gawain na kung saan kami tinatawag ngayon. Amen.

Sung Response/Ministry of Music: “Lead Me, Lord”, CCS 450

Prayer for Peace

Statement

Araw-araw sa Community of Christ, tayo ay tinatawag upang lumahok sa isang Panalangin para sa Kapayapaan. Ang gawaing ito ay nabubuhay sa lahat ng bahagi ng simbahan bilang isang personal at pang-araw-araw na gawain, isang sama-samang pagsamba at panata, at imbitasyon upang malaman ang mga pamamaraan at nais ng Diyos para sa kapayapaan sa bawat araw.

Ang ating tema ngayon na “Magtanim ng Kapayapaan”, ay inaanyayahan tayo para sa isang intensiyunal at kapayapaang napapaloob sa atin. Ang pananalangin para sa kapayapaan ay makahulugan at nakasasapat, ngunit katulad ng Panalangin para sa Misyon, papaano nga ba ito magiging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay? Papaanong ang gawaing ito ay magiging isang ritmo na siyang gagabay sa bawat paggising natin?

Light the Peace Candle.

Sa ating pagtugon sa pagtawag sa atin upang magtanim ng kapayapaan sa mundo, inaanyayahan ko kayong manalangin tayo.

Prayer

Diyos ng karunungan at kapayapaan,

Alam namin na ang mga kaugalian sa mundong ito ay sumasalungat sa sagradong kaugalian na iyong ninanais para sa amin. Ang aming kultura ay madalas hango mula sa pakikipagkompetensiya, pansarili, metalidad ng kakulangan, at pagdududa sa iba. Ang mga makamundong pagtingin na ito ay nauugnay sa karahasan, panghuhusga, pagdurusa, at pag-uugaling walang pakialam sa kapuwa sa malapit man o malayo.

Ituro mo sa amin ang kapayapaang gagabay para sa iyong ninanais sa kinabukasan. Ilagak mo sa amin ang mga pag-uugaling may pakikisama, komunidad, masagana, at may pagtitiwala sa aming puso at isipan. Gabayan mo kami aming pagbuo ng isang komunidad na siyang magiging simbolo ng isang mas malawak na mundo, nagliliwanag, ipinapakita ang iyong pangitain para sa kapayapaan hindi lamang posible ngunit ito ay totoong naririto sa mundo.

Buksan mo ang aming mundo O Dios. Madalas ang alam namin ay ang kapayapaan ay para lamang sa mga malalayong lugar. Tulungan mo kaming makita na ang kawalan din ng kapayapaan sa aming buhay. Gabayan mo kami upang maiwaksi namin ang mga pag-uugaling nakakasakit sa aming kapuwa. Baguhin mo ang aming mga buhay sa pamamaraan ng ‘yong kapayapaan.

Nawa ay malaman namin na ang karunungan ni Kristo ay mayroon sa bawat pagkakataon. Nawa ay huwag na naming hintayin pa kapayapaan. Sa halip, makita namin na ito patuloy na tumatawag sa amin upang makita sa aming pamumuhay kay Kristo.

Sa kapayapaan ni Kristo. Amen.

Hymn of Peace: “Lord, Make Us Instruments”, CCS 364

Message based on James 3:13-4:3, 7-8a

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7a

7 a. There are many lives waiting to hear the redeeming words of the gospel, or to be lifted from hopelessness by the hands of loving servants.

Statement

Ang imahe ng kasaganaan ay isang bagay na mayroon tayong ibat-ibang pakahulugan. Ang iba sa atin ay nakikita ang mga kaloob na meron sa ating buhay. Yung iba naman, tingin nila mas marami ang meron sa iba keysa sa meron sila. Sa isang mundong punong-puno ng pakikipagkompetensiya at pag-iisip sa kakulangan, ito ay sinasalungat ng isang paniniwala sa kasaganaan at pagpapasalamat, isang kamalayan na kung gagamitin natin ang mga resources na naaayon sa kalooban ng Diyos, may kasapatan sa lahat ng nabubuhay.

Sa pamamagitan ng Disciples’ Generous Response, maaari nating sandalan ang banal na imahe ng kalupaan mula sa napakaganda, masagana at bukas palad. Sa ating pagbabahagi ng anumang meron tayo, isa itong pagpapatotoo sa paniniwalang anumang mayroon tayo ay hindi natin pag-aaari sa halip ito ay sa lahat ng nilikha. Gumagawa tayo ng mga hakbangin patungo sa ninanais ng Diyos na ang lahat ay may kaugnayan, pagmamahal at mapayapang sangkatauhan.

Sa ating pagbibigay ng ating mga kaloob, gamitin natin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang Dios sa napakarami niyang kaloob na tinatanggap natin sa ating buhay. Ang ating mga puso ay lumalagong angkop sa Diyos kung tayo’y nagpapasamat at tapat na tumutugon sa pamamagitan ng pamumuhay sa misyon ni Kristo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tihes

Hymn of Sending Forth

Sending Forth

Humayo kayo at magtanim ng kapayapaan,
Ikalat ang bukas na pagtanggap sa kanino man,
Mapalakas sa banal na karunungan,
Pinapatnubayan ng pagpapahalaga sa bawat isa,
at lumalagong may pangitain sa banal na kapayapaan.
Humayo kayo sa kapayapaan.

Postlude

Popular Posts

Hello more...