Members of One Body
Prelude Announcements, Share and Care Welcome Call to Worship Ang araw na ito ay banal sa ating Panginoong Diyos... sapagkat ang kagalakan ng Panginoon ay ang inyong kalakasan. – Nehemiah 8:9-10, adapted Hymn: “ All Are Welcome” CCS 276 Invocation Prayer for Peace Light the peace candle. Prayer: (Maglaan ng panalangin para sa kapayapaan at pagbangon ng mga nasalanta ng Wildfire sa bahagi ng California sa Estados Unidos.) Dios naming maawain, Ikaw na pinagmumulan ng aming lakas at pag-asa. Kami ay dumudulog sa Iyo ngayon para aming mga kapatid na dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa Wildfire ngayon California. Libu-libu na ang mga nawalan ng tahanan, ari-arian, hanap-buhay at komunidad. Ilan sa kanila ay nawalan ng mga minimahal. Kami po ay dumadalangin ng kapayapaan para sa kanilang mga puso, kaligtasan para sa kanilang buhay, at proteksiyon para sa mga patuloy na dinaraanan ng sunog na ito. Gabayan Mo po ang mga bumbero at mga tagapagligtas, ...