Posts

Love Overflows

Image
Second Sunday of Advent (Love) Preparation Praise Prelude Gathering with Carols of the Season: “like a child"   CCS  403 OR “God’s Love Made Visible"  CCS  411 Call to Worship: Luke 1:68-79 Welcome Ito ang ikalawang linggo ng Adbiento. Ating ipagdiwang ang pag-ibig ng Diyos sa atin at ang pag-ibig natin sa isat-isa. Lighting of the Advent Candles Ang panahon ng Adbiento  sa kalendaryon nating mga Kristiyano ay ipinagdiriwang ito sa loob ng apat na linggo bago ang kapaskuhan. Sa wikang Latin, ang ibig sabihin ng Advent o Adbiento ay ang “pagdating” at ito ang tamang panahon upang paghandaan at alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko o Christmas, ang pagdating ni Hesus dito sa ating mundo. Sa linggong ito ating sisindihan ang kandila ng pag-ibig (Love). Light the candle.   Ang pag-ibig ay isang kaloob na maaari nating ibigay mula sa ating mga puso. Tayo ay inaanyayahan upang makita natin ang kahalagahan ng bawat isa at kung papaano natin mamaha...

Joy before Us

Image
1 December 2024 First Sunday of Advent (Joy) Praise Prelude                                                  Gathering with Carols of the Season: “Joy to the World”      CCS  408 Welcome Bilang tradisyon sa Community of Christ, ngayon ang unang linggo sa buwang ito ng Disyembre, tayong lahat ay inaanyayahan upang makibahagi sa sakramento ng komunyon. Invitation to Communion Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang komunyon ay isang sakramento na kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ni Hesu-Kristo sa ating buhay. Sa ating simbahan, ang komunyon ay isa ring pagkakataon upang alalahaning muli ang ating pakikipag-tipan sa Diyos noong tayo ay n...

Paghahanda para sa darating na linggo ng Adbiento

Image
Sa panahon ng adbiento, gumawa ng isang pangunahing tanawin para sa Worship Service. Gumawa ng isang pabilog na maaaring paglagyan ng mga kandila. Lagyan ng luntiang palamuti (greenery) ang isang pabilog kung saan ihahanay ang apat na kandila. Ang luntiang pabilog na ito ang siyang magpapaalala sa atin na ang ating Diyos ay walang hanggan na Diyos, walang simula o hangganan ito. Maghanay sa bilog ng mga apat na (dark colored) o kulay asul/purple na mga kandila para sa apat na linggong worship service sa paghahanda sa darating na pasko. Maaaring ang isa sa apat na kandila ay palitan ng kulay rosas (pink) na siyang sumisimbolo sa kagalakan (joy). Maglagay din ng isang kandilang puti sa gitna ng bilog na siyang kumakatawan o sumisimbolo kay Kristo na siya na namang sisindihan sa worship service sa gabi o desperas ng kapaskuhan, na siya namang sumisimbolo ng kapanganakan ni Jesus. Maaari din naman tayong maghanda o maglaan ng espasyo na katulad nito sa ating mga tahanan.  Para sa detal...

How to Light the Advent Candles

Image
  Sa pagsisimulang muli ng isa na namang taon nating mga Kristiyano mainam na ito ay simulang muli sa pamamagitan ng isang pagdiriwang bawat linggo hanggang sa darating na araw ng kapaskuhan. Para sa detalyadong paghahanda ng gawaing ito, i-click lamang ang  How to Light the Advent Candles

Tomorrow Christ Is Coming

Image
  Call to Worship: Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri . Sa loob ng templo siya'y dalanginan, taas kamay na si Yahweh'y papurihan. Pagpalain nawa kayo ni Yahweh, Diyos na lumikha ng langit at ng lupa; magmula sa Zion, ang iyong pagpapala.                                                                                                                   – Psalm 134, adapted Prelude Welcome Sharing of Joys and Concerns (...

Hold Fast to Hope

Image
  Prelude Welcome Bible sharing, Joys and Concerns Call to Worship Sika laeng, O Apo, ti adda kaniak, ket itedmo amin ti kasapulak; adda kadagita imam ti masakbayak. Isurom kaniak ti dalan nga agturong iti biag; ti kaaddam kaniak, punnoennak iti rag-o, ket ikkannak iti agnanayon a ragsak. Praise Singing: 25 SICAT, SAPSAPULEC Invocation and Payer for Joys and Concerns Response (Music Ministry) Prayer for Peace Light the Peace Candle Prayer Panginoon naming lumikha ng lahat, Hindi lingid sa amin ang mga nakapanlulumong nangyayari sa aming mga paligid at sa buong mundo. Nariyan ang mga delubyo sa kapaligiran, matinding init sa mga ilang lugar, samantalang binabagyo naman sa iba, nariyan din ang kakulangan sa pagkain, polusyon at iba pa. May mga digmaan at mga kaguluhan dala ng pagiging gahaman, mga sistemang may kinikilingan, mga hindi pakakapantay-pantay, kawalan ng hustisiya, mga pang-aabuso sa kapuwa tao at sa sa kalikasan. Papaanong nga ba kami hindi malu...