Sa panahon ng adbiento, gumawa ng isang
pangunahing tanawin para sa Worship Service. Gumawa ng isang pabilog na maaaring
paglagyan ng mga kandila. Lagyan ng luntiang palamuti (greenery) ang isang pabilog
kung saan ihahanay ang apat na kandila. Ang luntiang pabilog na ito ang siyang
magpapaalala sa atin na ang ating Diyos ay walang hanggan na Diyos, walang
simula o hangganan ito. Maghanay sa bilog ng mga apat na (dark colored) o kulay
asul/purple na mga kandila para sa apat na linggong worship service sa
paghahanda sa darating na pasko. Maaaring ang isa sa apat na kandila ay palitan
ng kulay rosas (pink) na siyang sumisimbolo sa kagalakan (joy). Maglagay din ng
isang kandilang puti sa gitna ng bilog na siyang kumakatawan o sumisimbolo kay
Kristo na siya na namang sisindihan sa worship service sa gabi o desperas ng
kapaskuhan, na siya namang sumisimbolo ng kapanganakan ni Jesus. Maaari din
naman tayong maghanda o maglaan ng espasyo na katulad nito sa ating mga tahanan.
Para sa detalyadong paghahanda ng gawaing ito, i-click lamang ang How to Light the Advent Candles.