Keep Faith
Prelude Welcome Welcome sa sagradong pagkakataong ito ng ating pagnanambahan sa Panginoon. Ito ang pangalawang linggo ng Generosity Cycle. Ang ating tema ay “Keep Faith”, Panatilihin ang Pananampalataya. Sa araw na ito ang ating serbisiyo ay nakatuon sa kung papaano natin aalamin ang koneksiyon ng pananampalataya sa pagiging bukas palad. Ang ating babasahing bahagi ng Banal na Kasulatan ay hango mula sa 2 Timoteo. Binabanggit dito ni Pablo ang isang buhay na ang layunin ay pagtatatag ng mapayapang kaharian ng Diyos. Sa ating Doctrine and Covenants, pinapaalalahanan tayo na, “Napakaraming mga buhay ang naghihintay na marinig ang nakakapligtas na mga salita mula sa Magandang Balita… ngunit sila’y mawawala sa atin kung hindi sa mga mapagpalang pagtugon ng mga alagad na siyang nagbibigay mula sa kanilang kasaganaan nang sa gayo’y nalalaman din nila ang kagalagan sa kaharian.” [Doctrine and Covenants 162:7] Sa pangalawang linggong ito ng Generosity Cycle, ito ay naka-focus sa ...