Posts

Showing posts from March, 2026

Faithfully Reconcile

Image
Romans 5:1-11 Prelude Welcome Ang kuwaresma ay panahon ng paghahanda. Isang panahon patungo sa pagkakapako ni Jesu-Kristo sa krus. Isang panahon para sa seryosong paglapit sa Diyos, upang iiwas at ilayo ang ating mga sarili mula sa mga bagay na gumugulo sa ating mga relasyon sa bawat isa. Ang kuwaresma ay kung saan tayo ay tinatawag upang tumugon na may radikal na pagiging bukas-palad at disiplinang Espiritual sa ating kasunduan sa Diyos na tayo ay mapapalapit sa Kanya. Call to Worship Leader: Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Batong kanlungan at tagapagligtas. People: Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, Leader: Masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. People: Halikayo, lumuhod tayo at sumamba Leader: Lumuhod tayo sa Panginoong lumikha sa atin. People: Sapagkat Ikaw ang aming Diyos, All: at kami ang Iyong mamamayan, ang Iyong mga tupa na kawan at Iyong binabantayan at inaalagaan.      ...