For the Healing of the Nations
Prelude
Welcome
Sharing of Joys and Concerns
Pastoral Prayer (Panalangin para sa mga ibinahaging joys at concerns)
Call to Worship: Responsive Reading
Leader: O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan, upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan.
All: Purihin Ka nawa ng lahat ng mga bansa O Diyos; ang lahat ng tao sa kanya’y papurihan ka.
Leader: Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghatol at pagpatnubay sa lahat ng bansa.
All: Purihin Ka nawa ng lahat ng mga bansa O Diyos; ang lahat ng tao sa kanya’y papurihan ka.
Leader: O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa. Umani nawa ng sagana ang mga lupain.
All: Tayo’y pinagpala ng ating Diyos.
Morning Hymn:
Invocation
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Peace Prayer
Dakilang Magulang ng lahat ng sangkatauhan,
Dakila ang iyong pag-ibig sa lahat ng tao - sa bawat lahi, kultura at relihiyon. Hiling namin na kami ay pagpaglain sa araw na ito at isugo mo ang iyong banal na espiritu upang gumalaw sa amin at sa lahat ng ibat-ibang tao dito sa mundo: ang espiritu ng kapayapaan at katarungan ang siyang babago ng aming pang-unawa at kami magkakasundo sa isat-isa.
Nawa ang mga taong walang pagpapahalaga sa iba ay hayaan nilang sila’y hipuin ng mga kalagayan at kondisyon ng mga nagdurusa, at matulungan sila ng iyong Espiritu upang palawakin at palalimin ang kanilang mga pang-unawa sa lahat.
Dalangin namin ito sa pamamagitan ni Hesus, ang prisipe ng kapayapaan. Amen.
Scripture: Doctrine and Covenants 163:4a-cGod, the Eternal Creator, weeps for the poor, displaced, mistreated, and diseased of the world because of their unnecessary suffering. Such conditions are not God’s will. Open your ears to hear the pleading of mothers and fathers in all nations who desperately seek a future of hope for their children. Do not turn away from them. For in their welfare resides your welfare.The earth, lovingly created as an environment for life to flourish, shudders in distress because creation’s natural and living systems are becoming exhausted from carrying the burden of human greed and conflict. Humankind must awaken from its illusion of independence and unrestrained consumption without lasting consequences.Let the educational and community development endeavors of the church equip people of all ages to carry the ethics of Christ’s peace into all arenas of life. Prepare new generations of disciples to bring fresh vision to bear on the perplexing problems of poverty, disease, war, and environmental deterioration. Their contributions will be multiplied if their hearts are focused on God’s will for creation.StatementBagamat tila napakahirap isipin kung papaano magagamot ang sakit ng bawat bansa, hinihiling sa atin na tayo ay tumugon sa ministeryo ni Hesus upang magtayo ng mga kumunidad ng pag-asa, kagalakan, pag-ibig, at kapayapaan. Alalahanin nating mayroon tayong responsibilidad sa isat-isa, sa ating Diyos, at sa ating mga sarili. Ang ating pagbabahagi sa kahit anong makakatulong sa iba ay makakatulong din ito sa paghahanda sa tatahakin ng mga henerasyon patungo sa kapayapaan.Ang biyaya ng Diyos ay hindi nasusukat. Sa ating pagbubukas sa ating mga puso at pagbabahagi natin ng ating mga kaloob, nakikiisa tayo sa gawaing nagtataguyod sa awa ng Diyos sa mundo. Gaya ng siksik na pagpapala ng Diyos sa atin, nawa tayo ay magbahagi din ng may kasaganaan ayon sa ating kakayanan. Patuloy na lumalago ang pagpapala ng Diyos na walang hanggan.
Nawa ay pagpalain tayo ng Diyos at magliwanag ng kanyang mukha sa atin.Nawa ay magalak ang lahat ng mga bansa! Nawa papurihan siya ng lahat ng tao. Pinagpala tayo ng Diyos. Nawa ang pagpapalang ito ay magpatuloy hanggang sa lahat ng dako at sulok ng lupain. Purihin ang Diyos! Amen.