Prelude Share, Care, Announcements, and Bible Sharing Praise: 645 The Trees of the Field Welcome and Lent Reflection Tayong lahat ay nagtipon-tipon sa sa araw na ito bilang isang komunidad ng mga Kristiyano upang magpatuloy sa ating paglalakbay sa panahong ito ng kuwaresma. Sa araw ding ito inaalala natin ang ika-59 taon ng pagkakatatag ng Community of Christ dito sa Pilipinas. Isang pagkakataon upang pasalamatan ang Diyos sa kanyang patuloy na paggabay at pagpapala sa kanyang simbahan sa paghahayag ng Magandang Balita. Ito ay isang anibersaryo sa matagumpay pamamahayag at sa patuloy ng pagtawag ng Diyos sa atin na ang Misyon ni Kristo ay ang Misyon Natin. Ang panahong ito ng kuwaresma ay isang pagkakataon upang tayo ay magnilay, at magsisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang sa Panginoon. Ito ay isang pagkakataon na maaari nating sundan ang pag-aayuno ni Hesus sa loob ng apatnapong araw kung saan siya’y tinukso sa disyerto. Sinimulan natin ang ating sama-samang i...
Prelude Welcoming Hymn: 142 APO CUCUANAC Welcome, Joys, Concerns and Sharings Call to Worship and Responsive Reflection: 1 Corinthians 13:4-7 Leader : Ang pag-ibig, madaling sabihin pero mahirap isabuhay. Mula sa salita, mahabang lalakbayin para sa gawa. All: Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, Hymn: “Now Sing to Our God” CCS 108 Invocation Response/Music Ministry PRAYER FOR PEACE Light the peace candle. Peace Prayer Espiritu ng nagmamahalang komunidad, Salamat sa komunidad na biyaya Mo sa amin! Komunidad na makapangyarihan. Isang komunidad na nagsasama-sama upang alamin ang Iyong kalooban at mga salita na maaaring magdulot ng magagandang pagbabago. Isang komunidad na maaari din namang itaboy ang iba, itaboy ang mga naturingang naiiba sa amin, itaboy ang mga nananakit sa amin. Tulad ni Jesus, itinaboy ng mga naturingang nag-aaral ng Iyong mga sal...
Ti Kari iti Kappia Welcome Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Isaias na kung inilalarawan nito ang ilang mga hayop na payapang nagsasama-sama kasama isang bata. Ipinapaalala sa atin nito ang ating logo o seal sa Community of Christ na binubuo ng isang imahe ng leon, karnero at ng isang bata na may salitang kapayapaan “peace” isa ibaba nito. Patuloy na ang focus ng Community of Christ ay ang kapayapaan. Ang pagpupursigi para sa kapayapaan (Shalom) ay isa sa mga Enduring Priciples nito. Ipinapaalala nito sa atin na kailangan nating kumilos at magbahaginan sa kapayapaan ng Diyos at sa isat-isa. Ninanais natin ang isang mapayapang mundo para sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan tayo sa araw na ito na magpatuloy sa pasusumikap na maging taong mapayapa na ibinabahagi ang kapayapaan ni Jesu-Kristo sa iba. Scripture Reading: Isaiah 11:1-10 The Peaceful Kingdom (Divide the scriptures fo...