Testify to the Truth / Patotohanan Ang Katotohanan/ Magsalita Tungkol sa Katotohanan
Testify to the Truth / Patotohanan Ang Katotohanan/ Magsalita Tungkol sa Katotohanan Welcome Nasa huling linggo na po tayo para taon nating mga Kristiyano na kadalasan tinatawag natin itong “Reign of Christ” o “Ang paghahari ng Kristo”, or “Ang Kristong Hari”. Pagkatapos ng pitong araw, magsisimula na namang muli ang ating paglalakbay kasama si Jesus. Ano kaya ang maaari nating masabi na maaaring kumilala sa pagtatapos at pagsisimula ng bagong yugto ng ating pagiging alagad? Mga kapatid, sa araw na ito tayo ay inaanyayahan upang tingnan ang bahagi ating tekso sa araw na ito kung saan ito ay ang pag-uusap nina Pilato at Jesus. Inaanyayahan tayo upang maging maingat sa relasyon natin sa ating kapwa at higit sa lahat sa ating Diyos. Gayon din na higit sa lahat ng ating ibang mga plano sa paglalakbay ay ang misyon nating "Magsalita Tungkol sa Katotohan" tungkol sa paghahari at kaharian ng Diyos. Muli, tayo ay magsama-sama at damhin natin ang presensiya ng Banal na Espi...