Third Sunday of Advent (Hope)
Preparation
Praise
Prelude
Gathering with carols of the
season: “Star-Child” CCS 420
OR “The First Noel” CCS 424
Welcome
Sa ikatlong araw na ito ng Adbiento, ito ang linggo ng Pag-asa (Hope). Simulan
natin ang araw na ito sa pamamagitan ng isang Spiritual Practice na “Holding in
the Light.” Sa ilang sandali, damhin ang katahimikan sa ating kalooban at sa
panlabas na anyo.
Maaari nating isulat sa isang maliit na papel ang pangalan o mga
pangyayaring nangangailangan ng pag-asa. Tayo ngayon ay inaanyayahan para sa
isang tahimik na pananalangin para sa mga kapatid nating nangangailangan ng
pag-asa at nawa sila ay mailagak sa piling ng mapagkalinga at mapagmahal nating
Diyos. At sa ating panalangin, pagmasdan natin sa ating imahinasyon na ang
taong ating ipinapanalangin ay nababalot ng liwanag ng Diyos.
Tiwala tayo na nalalaman ng Diyos ang pangangailangan ng bawat tao, alam
Niya ang ating mga pinagdadaanan kaya naman idinadalangin natin ang kagalingan
ng bawat isa.
Call to Worship: Luke 3:15-17
Hymn
Lighting of Advent candles
Ang panahon ng Adbiento sa kalendaryon nating mga Kristiyano
ay ipinagdiriwang ito sa loob ng apat na linggo bago ang kapaskuhan. Sa wikang
Latin, ang ibig sabihin ng Advent o Adbiento ay ang “pagdating” at ito ang
tamang panahon upang paghandaan at alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko o
Christmas, ang pagdating ni Hesus dito sa ating mundo.
Sa linggong ito ating sisindihan ang kandila ng pag-asa (Hope).
Light the candle.
Ang pag-asa ay isang liwanag upang makita natin ang ating daraanan. Ang PAG-ASA
ay patuloy tayong tinatawag upang magpatuloy sa paglikha ng mas mabuting bukas.
Hymn Response: “Hope is a
Light” Stanza 1 CCS 398
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Peace Prayer
Panginoon Naming Tagapaghasik ng mga Buto,
Ipinangako Mong pakakainin Mo ang Iyong mga inakay tulad ng pagpapakain
ng isang Pastol, titipunin Mo ang Iyong mga tupa, at maingat Mo silang
papangunahan. Sa panahong ito ng madilim na Adbiento, kami ay nariritong
nakaupo at naghihintay sa mga bagay na maaaring dumating. Kami ay nagtitipon
bilang komunidad upang pakinggan ang Iyong mga pangako ng kapayapaan at
pagliligtas. Umaasa kaming sa pagkakataong ito ng kapahingahan ng mundo, ipagkakaloob
Mo sa amin ang kapayapaan.
Dios naming makapangyarihan, buksan Mo ang aming mga mata sa pag-asa para
sa kapayapaan na Iyong dala para sa mundong ito. Tulungan Mo kami magkaisa para
sa mga taong pakiramdam nila ay wala na silang pag-asa, na nawa ay makita nila
ang bagong buhay sa Iyo. Dalhin Mo kaming lahat sa isang lugar kung maaari kami
umasang muli. Mula sa bagong kaalaman namin tungkol sa pag-asa, nawa kami ay
humayo upang ipangaral ang pag-asa at kapayapaan, upang kami ay maging maayos
sa aming kapuwa, at kami ay kumilos para sa mas malaki pang kapayapaan sa mas
malaking mundo. Panginoon, kami ay umaasang muli para sa panahon ng kapayapaan,
Umaasa kami sa pangako ng Iyong kapayapaan sa pamamagitan ni Jesus ay
magkakatotoo, umaasa kami sa mas malalim pang ugnayan namin sa Iyo. Muli, ipagkaloob
Mo ang kapayapaan sa amin. Amen.
Scripture Reading: Philippians
4:4-7
Reading or Poem
“Making Room for
Jesus” Verse
3
A weary hand hammers on the door of an inn
and there is no room!
No
room, God of Hope, for hope to be born.
Oh,
how we need your gift of hope!
Hope that finds the holy in a blade of grass,
a bird’s song, an infant’s cry.
Hope that makes the future now,
that looks beyond what is and yearns for what can be.
Surely
there is room for hope?
Hope sprinkling its promise
on
the dark night of the soul?
Hope for harmony! Hope for one more try!
Hope that justice will have its day.
—Danny
Belrose in Wave Offerings, Herald House 2005.
Used with permission.
Ministry of Music or
Congregational Hymn of Hope
Proclamation of the Word (Message
Based on Philippians 4:4-7)
Disciples’ Generous Response
Statement
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Ang Generosity ay ang ispiritu sa buhay Kristiyano. Ang pag-share natin
sa kung ano ang mayroon tayo para sa iba ay hindi isang pabigat. Sa halip ito
ay isang pagpapakita na nasumpungan natin ang magpakailanmang katangian ng Dios
at ang ating mga puso ay hango kay Kristo na siyang nag-alay ng Kaniyang sarili
pasa lahat ng mga nilalang.
Sa ating iglesia sa Community of Christ, gustong-gusto nating inaawit
ang awiting “Freely, freely you have received, freely, freely give.” Ang “God
Forgave My Sin in Jesus Name,” CCS 627, ay inilalarawan nito ang tuloy tuloy na
ating Pag-bibigay at Pagtanggap. Punong-puno tayo ng pagmamahal ng Diyos sa
atin na walang anumang katapat at ito ang bumubuo sa atin; papaano nga ba tayo
hindi magagalak at hindi magkakaroon ng pusong mapagbigay?
Ang pagbibigay natin ng pinansiyal, panahon, at mga personal na kaloob
ay mga ispiritual na gawaing mahalaga tulad ng panalangin o pakikibahagi sa
isang sakramento. Tulad ng mga iba pang gawaing ispirituwal, ang disiplina sa
pagbabahagi ay hindi para tayo’y makapag-ipon ng grasya; ito ay biyaya ng pag-ibig
ng Diyos, na sa pamamagitan natin ay naisasagawa sa ating mga buhay para sa
buhay ng ating kapuwa. Ang Generosity o pagiging Bukas-Palad ay isa lamang sa
mga gawaing ispirituwal para sa pabibigay natin ng ating mga ikapu, ito ay isa
ring katangian ng pag-ibig ng Diyos. Walang anumang FORMULA o panuntunan sa
pagbibigay ng ikapu. Sa halip ito ay pagbibigay ng ating kaloob mula sa ating
tunay na kakayanan, na siyang tunay na pagpapakita ng pag-ibig. Sa Bagong Tipan,
sumasallungat ang pag-ibig sa takot: sa ating takot sa mga maaaring mawala sa
atin, sa pagkatakot na maaaring wala tayong kasapatan, takot tayo sa kakulangan,
tako tayo sa mga hindi natin makontrol.
Sa Lukas 12:32 sinabi ni Jesus na huwag kayong matakot, dahil
ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Patuloy na ibinibigay ng Diyos sa atin ang lahat. Kung gayon, maaari
tayong magtiwa at manalangin, “Give us this day our daily bread,” at alam nating
ito mangyayari upang kahit ang iba ay magkaroon din naman sila ng tinapay.
Sa panahon ng adbiento, pinapaalalahanan tayo sa lubos na pagpapala ng
Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang anak na si
Hesus. Habang pinagninilayan natin ang kaloob niyang ito, nawa tayo
mapaalalahanan na tayo man ay tinawag din upang maging pagpapala sa iba sa
pamamagitan ng pagbabahagi sa anumang biyaya ng Diyos sa atin. Sa ating
pagbabahagi sa ating mga kaloob, tayo ay nakikibahagi upang maiabot ang awa ng
Diyos at mabigyan ng pag-asa ang mundo.
Blessing and Receiving of
Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes
Closing Hymn: “God Forgave My
Sin in Jesus Name,” CCS 627
Benediction
Sending Forth: Isaiah 12:2-6
Postlude