Year B - Sermon Helps

Unang Linggo ng Adbiyento
Marcos 13:24–37
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Marcos 1:1–8
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Juan 1:6–8, 19–28
Ikaapat na Linggo ng Adbiyento
Lucas 1:26−38
Araw ng Pasko (A,B,C)
Lucas 2:1–20
Unang Linggo Pagkatapos ng Araw ng Pasko
Lucas 2:22−40

Unang Linggo ng Adbiyento
Marcos 13:24–37

Isaias 64:1-9, Mga Awit 80:1-7, 17-19,

I Corinto 1:3-9

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ngayon ay ang unang Linggo ng Adbiyento, na may diin sa inaasahang paghihintay. Ang Ebanghelyo ni Marcos ay hindi kasama ang kuwento ng kapanganakan at maaring tila kakaiba na magsisimula tayo ng  Adbiyento sa isang punto sa kuwento bago pa lamang ang pagdurusa ni Kristo. Gayunpaman, ang mga komento sa katapusan ng panahon ay angkop para sa ating paghahanda sa Adbiyento dahil ito ay tungkol sa pagdating ng Panginoon. Dumating si Kristo, at si Kristo ay muling darating: 2,000 na ang nakalilipas, ngayon, at bukas!

Ang ilan ay tumutukoy sa mga talatang ito sa ika-13 kabanata ng Marcos bilang “ ang maikling pahayag” na may hawig sa maikling pagsusulat ni Juan. Sa parehong salaysay, ang Diyos ay darating sa mundo at maaapektuhan ang sansinukob.  Tayo ay pinayuhan na magsisi, at maghintay nang may inaasahang pag-asa sapagkat ang Diyos ay isang  tapat na Diyos at hinahangad na itatag ang mapayapang kaharian sa Lupa. “Ang hinaharap ng paglikha ay pagmamay-ari ng Prinsipe ng Kapayapaan….Habang  inaasahan natin ang hinaharap na iyan, inilalaan natin ang ating mga sarili na hanapin ang kapayapaan ni Kristo at itutuloy ito.  Hindi natin alam ang araw o oras ang pagdating ni Kristo subalit alam na ang tanging Diyos na iyan ang tapat” (Pagbabahagi sa Community of Christ, 3rd ed.p.16)

Ang mga talatang 24-27 sa pagbasang ito ay inilalarawan ang “mga palatandaan ng mga panahon” gamit ang mga larawan at wika mula sa mga Kasulatang Hebreo (Isaias 13:10, 34:4; Joel 2:10, 3:4, 15; Ezekiel 32:7-8; Daniel 7:13). Karaniwan ang paggamit ng mga larawan ng kalawakan upang ipahiwatig ang mahalagang mga kaganapan. Pinagsamasama ng manunulat ang mga batayan ng paghuhukom mula sa Isaias, Joel, at Ezekiel sa pagdating ng Anak ng Tao na inilarawan sa Daniel. Bilang mga tagapakinig sa mga salitang ito,  alam natin nang walang pag-aalinlangan na may isang mahalagang parating.

Ang mga talatang 28-31 ay naglalaman na maikling talinghaga ng puno ng igos na may larawan ng malambot, bagong buhay na siyang palatandaan ng tag-araw. Maari tayong magkaroon ng pag-asa na malapit na ang Anak ng Tao; ang Diyos ay tapat.

Ang mga talatang 32-37 ay maaring lagumin bilang isang panggising. Hinihimok tayo na maging handa at listo, mag-iisip lampas sa kasalukuyan dahil “ walang nakakaalam ng araw o oras ng pagsapit niyon” (b.32). Kailan darating ang Mesiyas? Ang manunulat ng Ebanghelyo ni Marcos ay pinapayuhan tayo na manatiling gising sapagkat hindi natin alam kung kailan darating ang  Panginoon.

Ang paghihintay ay maaring tignan bilang kusang-loob, tulad ng paghihintay sa isang tren pagkatapos ng trabaho upang dalhin tayo sa ating bahay. Ngunit tayo ay sinabihan na sanayin ang ibang paghihintay----naghihintay nang may tuwa tulad ng paghihintay sa isang tren na magdadala sa isang minamahal sa atin. Maghihintay at aabangan natin ang pagdating ng Panginoon na may pag-asa at isang pakiramdam na hindi natin mahuhulaan kung kailan ito mangyayari. Makikiisa tayo sa mga taong nabuhay bago ang kapanganakan ni Hesus na matapat na umaasa sa pagdating ng Mesiyas.

Sa pamamagitan ng pagtuon sa simula ng Adbiyento sa pagbabalik ng Anak ng Tao, tayo ay aktibong maghihintay sa pakikiisa sa mga nauna at nakarinig, kasama nila, ang hamon ng pananatiling gising at pag-aabang sa Panginoon. Samantalang maari nating isipin na  alam natin kung paano magwawakas ang kuwento, ang tekstong ito ay nagdudulot sa atin na maunawaan ang kabalintunaan ng pamumuhay sa pagitan ng “naganap na” (dumating na si Kristo) at “hindi pa” (Ang paghahari ng Diyos sa Lupa ay hindi pa ganap).  Hindi natin alam ang araw kung kailan maysasakatuparan ang paghahari ng Diyos. Kailangan nating mapaalalahanan na si Kristo ay darating. Kailangan nating  maging handa. 

Buod

  • Tapat ang Diyos. Maghihintay tayo nang may pagtitiwala at pag-asa na darating ang paghahari ng Diyos.   
  • Ang adbiyento ay panahon ng paghihintay---isang bagay na mahalaga ang mangyayari.
  • Ang inaasahang paghihintay ay saklaw ang pamumuhay na tila nalalapit na ang pagbabalik ni Kristo.

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

  1. Anong patotoo ang mayroon ka sa katapatan ng Diyos ?
  2. Paano mo gagamitin at ng iyong kongregasyon ang Adbiyentong ito bilang isang panahon ng pagsusuri sa sarili? Handa ka ba?
  3. Ang mga manggagawa kung minsan ay magbibiro “magkukunwaring abala, parating na ang boss!” Nakakakita ka ba ng anumang pagkakahawig sa pagitan nito at sa teksto sa araw na ito”?
  4. Paano tayo naihahalintulad sa mga lingkod (bb.32-37), ipinagkatiwala ang gawain habang malayo ang panginoon. 
  5. Ano ang maari mong gawin bilang isang kongregasyon na magbago mula sa kusang-loob na paghihintay sa paghihintay na may tuwa para sa pagdating ng Mesiyas?
  6. Ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa para maisakatuparan ang paghahari ng Diyos sa Lupa?


Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Marcos 1:1–8

Isaias 40:1-11, Mga Awit 85:1-2, 8-13,

2 Pedro 3:8-15a

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang Ebanghelyo ni Marcos ay kuwento ng isang paglalakbay. Ito ang “mabuting balita” ng paglalakbay ni Hesus mula sa kanyang bayan ng Nasaret patungong Jerusalem, at sa dakong huli sa krus. Ang manunulat ng ebanghelyo ay binabalangkas ang lahat ng ating nabasa  dito  sa kaalaman na ang kuwento ay magwawakas sa Jerusalem; naintindihan din ni Hesus na ang kanyang buhay at paglilingkod ay dadalhin siya roon.  Ang mga alagad na sumama sa kanya sa daan ay magsisikap na unawain ang paglalakbay na ito, hanggang sa wakas.

Ang Ebanghelyo ni Marcos ay ipinapaalam sa atin mula sa pasimula kung sino ang mabuting balita-----si Hesu Kristo, ang Anak ng Diyos. Ang Ebanghelyong ito ay walang salaysay tungkol sa pagsilang, tulad ng makikita sa Lucas at Mateo, sa halip nagsisimula ito sa panahon bago magsimula ang paglilingkod ni Hesus.  Para kay Marcos ang paglalakbay ni Hesus o ang daan, ay ang pinakamahalagang tampok sa kuwento.  Nagsimula siya sa pamamagitan ng pagbanggit kay Isaias at nagsasabi sa atin ang tungkol kay Juan Bautista at ang kanyang tungkulin sa paghahanda ng daan para kay Hesus.

Si Juan ay isang natatanging tao. Siya ay umalis sa mga  pamantayan ng lipunan at lumipat sa kanayunan kung saan siya ay nagsusuot ng damit at kumakain ng pagkain na nagbukod sa kanya mula sa tao araw-araw.  Gayon pa man, marami ang pumupunta sa kanya upang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at malinis o mabautismuhan, at mapatawad.  Ano ang naghimok sa pangyayaring ito? Lininaw ng Ebanghelyo na hindi mismo si Juan ang umakit sa mga tao, ang kanyang mensahe tungkol sa  Isa na ipinahayag niya.  Ang mga tao sa buong lugar ay hinahanap ang Mesiyas na magpapabago ng kanilang mundo, at ang tungkulin ni Juan ay ang ihanda sila sa kanyang pagdating at pagsabi  na darating bilang isang resulta ang Banal na Espiritu. Ang pag-asa ng mga bagong posibilidad ay pinuno ang himpapawid habang si Juan ay nagsasalita tungkol sa Isang darating.

Ito ang ikalawang Linggo ng Adbiyento at tayo ay nasa panahon din ng paghahanda at pag-asa. Tulad ng mga naunang tagasunod, narito tayo ngayon upang marinig ang mabuting balita kung ano ang darating. Ngunit alam natin ang natitirang bahagi ng kuwento, alam natin ang tungkol sa paglalakbay ni Hesus at kung saan siya humantong .

Hindi katulad ng mga dumating upang marinig ang pangangaral ni Juan, at  mga unang alagad,  alam at nauunawaan natin na “ang daan” ay humantong sa krus. Hindi ibig sabihin nito na ang pagpili nating  lumakad kasama si Hesus ay mas madali.  Sa katunayan, ito ay malamang na mas mahirap. Nauunawaan natin na kapag sinusunod natin ang daan, tayo, tulad ni Juan, ay kailangang mabuhay ng kakaiba. Tayo ay tatawagin na mabuhay salungat sa kultura, isipin muna ang iba, at magsalita tungkol sa Isa na mas dakila kaysa sa atin.

Samantalang hindi natin kailangang harapin ang pagpapako sa krus, ang ating mga krus ay hindi madali. Gayunpaman,  mas handa tayo dahil alam at naranasan natin ang Banal na Espiritu na siyang sinasalita ni Juan.  Alam natin hindi tayo maglalakbay nang nag-iisa,  ngunit sa kaalaman ng pagpapala at pag-ibig ng Diyos. Ang daan ay naihanda para sa atin. Ipagdiwang natin ang mabuting balita na darating ngayong Pasko.

Bubuksan natin ang ating sarili sa Espiritu ni Kristo, upang maranasan ang kapatawaran ng mga kasalanan, tulad ng ipinangaral ni Juan Bautista ang pagsisisi sa mga kasalanan.  Pinipili nating sumunod kay Hesus; nakahanda na ang daan.

Central Ideas

  • Ang buhay at paglilingkod ni Hesus ay isang paglalakbay, na humantong sa Jerusalem at  magwawakas sa krus.
  • Tayo, tulad ng mga unang alagad, ay tinawag upang sumama kay Hesus sa daan na ihinanada para sa atin. 
  • Ang pagiging nasa daan natin kasama si Hesus ay tinatawag tayo  na kunin ang sarili nating mga krus at mabuhay at kumilos ng kakaiba. 
  • Inaasahan natin ang pagsilang ni Hesus na magdadala sa atin sa Banal na Espiritu na magbibigay aliw sa paglalakbay na ito.

Question for the Speaker

  1. Kailan mo nadama ang tawag ng pagiging nasa daan ka kasama si Hesus?
  2. Paano ihinanda ng Banal na Espiritu ang daan para sa iyo?
  3. Paano ka tinawag na mabuhay salungat sa kultura ang pagsunod kay Kristo?
  4. Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus  ngayon?

Ikatlong Linggo ng Adbiyento

Juan 1:6–8, 19–28

Isaias 61:1-4, 8-11, Mga Awit 126,

I Tesalonica 5:16-24

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang tungkulin ni Juan Bautista sa sinipi ngayon at ang  tatlong iba pang  Ebanghelyo ay ang paglilingkod ng paghahanda: “ Maghanda para sa darating na Mesiyas---ang pinili ng Diyos, ang hinirang na hari!” Si Juan ang nauna, ang tagapagbalita para sa darating na malaking kaganapan. Si Juan ay tunay. Si Juan ay mahusay sa pagkuha ng pansin sa mga tao sa kanyang mensahe ng pagsisisi. Ang mga tao ay tumutugon at nabautismuhan. Sa bautismo, binubuo ng mga tao ang kuwento ng paglabas ng Israel iiwanan ang pagkaalipin sa Egipto at tatawirin ang Ilog Jordan tungo sa Lupang Pangako. Ang bautismo ay isang bagay na ginawa ng mga Gentil nang dumating sila sa pananampalatayang Hudyo. Sa paggamit ni Juan ng bautismo,  ay nagsisimula muli ang mga Hudyo, upang tunay na magbalik loob.

Ang darating na Mesiyas ay mabuti, ngunit ang nakakagambalang mga panahon ay  nauuna. Ang hari ng Diyos, ang Mesiyas, yayanigin ang mga imperyo tulad ng Roma at mga  hindi makatarungang kaharian tulad ang kay Herodes. Ibabalik niya ang Jerusalem at Isarael sa katarungan at kapayapaan, isang ilaw sa mundo. Napakahusay ni Juan sa pagpapanumbalik sa mga pinunong Hudyo mula sa Jerusalem at sila ay napagalaw. Silaý nag-aalala  na kailangang dumating at malaman kung ano ang nangyayari.  “Sino ka kung gayon? ” masigasig silang nagtanong.

Sumagot si Juan sa Juan 1:23, sinipi ang Isaias 40:3

“Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,

‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’”

Sa sinaunang mundo, kapag ang hari o emperador ay darating, ang mga manggagawa ay magpapabuti sa daan, na kadalasan ay isang landas lamang. Mapapabuti ba natin ang ating “daan” ng Adbiyento? Paano natin aalisin ang mga balakid sa ating buhay na hahadlang sa pagdating ng Mesiyas, si Hesus, sa ating mga puso sa mas malalim, at mas matinding paraan? Ang mga balakid ba ay mga maling mga prayoridad, pagkagumon, mga bagay na hindi tama sa ating buhay? Ang Paskong kinakalakal , pamimili para sa Pasko, ay maaring makuha sa kung ano ang mahalaga sa kuwento ng Pasko.

Ang tradisyunal na kuwento ng Pasko, tulad ng nasabi sa ibang mga ebanghelyo, ay tungkol sa hindi - makatarungang pamahalaan, isang mahirap na pamilya na magsisilang ng sanggol sa kuwadra. Ang Mesiyas ng Diyos ay hindi isinilang sa isang palasyo, ngunit sa  sabsaban ng isang kamalig.  Nang magsimulang patayin ni Haring Herodes ang lahat ng mga batang lalaki sa Betlehem, ang mga miyembro ng pamilya ay kailangang tumakas para sa kanilang buhay sa Egipto bilang mga takas, salat na mga banyaga, mga dayuhan.  

Si Juan Bautista, sa sinipi ngayon, ay isang tinig sa ilang ng mga makabagong kalituhan, tinatawag ang ating pansin sa tunay na kahulugan ng Pasko. Ang Mesiyas ng katarungan at kapayapaan, ang magpapabago sa mundo, ay darating!   Walang Mesiyanikong kapayapaan kung walang Mesiyanikong pagkamakatuwiran sa ating buhay----kasama ang katarungan para sa mahihirap.

Lahat ng apat na ebanghelyo ay sinipi ang Isaias 40:3 upang ipaliwanag ang tungkulin ni Juan bilang isang tagahanda  para sa darating na Mesiyas. Basahin ang buong sinipi sa Isaias 40:1-5. Malinaw si Juan. Hindi siya ang darating na Mesiyas.  Hindi siya karapat-dapat man lamang na magkalag sa tali ng panyapak ng Mesiyas----ang gawain ng isang alipin.

Tanging ang Mesiyas ang makikita sa patotoo ni Juan. Si Juan ay tagapagpauna lamang. Si Juan ay bumulong, “Ang Mesiyas ay narito na, sa inyo, ngunit  hindi ninyo  siya nakikilala. Kaya tumingin! Maging listo!” ang mga Hesus para sa atin ngayong Pasko ay    maaring ang pulubi sa kalye, ang batang gutom, o mga mukha sa katalogo ng Outreach International.

Ang Adbiyento ay paghahanda para sa pagkakatawang-tao; ang Salita ay naging tao. Tinatawag tayo ni Juan Bautista na maghanda, “ Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!”

Central Ideas

  • Tulad ni Juan, hindi tayo ang ilaw ngunit magpatotoo tungkol sa ilaw.
  • Ang Mesiyas ay darating. Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon. Ihanda ang iyong  puso!
  • Tayo ay maging tulad ni Juan sa ating mga pamilya at sa mga kaibigan at katrabaho upang matulungan ang mga tao na maghanda sa tunay na kahulugan ng Pasko.

Question for the Speaker

  1. Ang tanong sa panahong ito ay hindi “ Handa ka na para sa Pasko?” kundi “Handa ka ba para sa Mesiyas?”
  2. Paano natin malinis ang daan para kay Hesus, ang Mesiyas, na lalong lumapit sa ating buhay ngayong Pasko? Ano ang balakid sa isang mas malalim na buhay bilang isang alagad?
  3. Paano ako magiging tunay na patotoo ni Hesu Kristo ngayong Pasko? Ano ang maari kong gawin upang yakapin ang mensahe ng kapayapaan at katarungan ng panahon?
  4.  Paano makapagpapatotoo ang iyong kongregasyon sa ilaw sa ating kapitbahayan?

Ikaapat na Linggo ng Adbiyento

Lucas 1:26−38

2 Samuel 7:1-11, 16, Mga Awit 89:1-4, 19-26, Roma 16:-25-27

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ngayon ay ang ikaapat at huling Linggo ng Adbiyento, ang panahon ng paghahanda para sa at inaasahang pagdating ng Mesiyas. Gayunpaman, ang teksto sa ngayon ay hindi ang ulat tungkol sa kapanganakan ni Hesus tulad ng inaasahan natin; sa halip, ito ay  ang hula sa kapanganakang iyon. Huwag tayong magmadali tungo sa Pasko; nasa Adbiyento pa lamang tayo.

Matatagpuan ang maraming mga pangunahing tampok  sa teksto ngayon mula sa Lucas. Dinalaw ang anghel na si Gabriel  ang isang karaniwang babae sa liblib na bayan (Nasaret), sa isang hindi kilalang lalawigan ng Emperyong Romano. Si Maria ang babae, ay naipagkasundo, subalit hindi pa kasal kay Jose, na isang inapo kay Haring David. Sinabi ni Gabriel kay Maria na siyaý pinagpala ng Diyos at magsisilang sa isang sanggol na papangalanang Hesus na tatawaging “Anak ng Kataas-taasan” (b.32). Tulad ng inaasahan, hindi tanggap ni Maria ang balitang ito ng mabuti, sa una.  Hindi pa siya kasal at isa pa siyang birhen. At ano ang iniisip ni Jose tungkol sa lahat ng ito?

Sinabi ng anghel kay Maria na huwag matakot sapagkat ang mangyayari sa kanya ay gawain ng Diyos. Ang kanyang sanggol ay ipapanganak sa Banal na Espiritu. Gayunpaman, maaring isipin  natin na si Maria ay hindi madaling kumbinsihin. Ito ay isang malaking pagkagulat, at maaring madaling makasira sa kanyang paghahanda para sa pagpapakasal niya kay Jose. Nagpatuloy si Gabriel sa pagsabi kay Maria na ang kanyang kamag-anak na si Elisabet na lampas na sa gulang ng pagdadalang-tao ay buntis din at winawakasan sa pagpapatibay na walang imposible sa Diyos.

Tinanggap ni Maria ang kamangha-manghang balita (b.38). Siya ay halos walang oras  upang marinig kung ano ang sinabi ng anghel,  pabayaan   na isaalang-alang ang mga implikasyon nito, at sumang-ayon siya. Sa pagtanggap na ito, ipinakita ni Maria sa atin kung paano tumanggap ng pinakamagandang kaloob sa lahat. Ang kanyang tugon ay “Oo,” at ang oo na ito ay babaguhin ang mundo magpakailanman.    

Si Lucas ay palaging nagsasalita tungkol sa Espiritu. Nagsisimula siya sa pangako ngayon mula sa anghel na ang sanggol ni Maria ay ipapanganak sa Espiritu ng Diyos. Ang mga susunod na kabanata ay ilalarawan ang presensya at tungkulin ng Espiritu sa mga pangunahing pangyayari sa buhay at paglilingkod ni Hesus, kasama ang kanyang bautismo, pagsubok sa ilang, unang paglilingkod sa Galilea, at pagpapahayag ng kanyang misyon sa sinagoga ng Nasaret. Tulad ng pagpapahintulot ni Hesus sa  kanyang sarili na pangunahan at patnubayan ng Espiritu, ang siya ring Espiritu ang naghahangad ng pagtanggap at pagkilala sa buhay ng bawat tao. Ang Espiritu na ito  ay nagpapanatili sa ating mga buhay na nakatuon kay Hesus, na  ang misyon ay inaangkin natin bilang ating sarili. Kung tatanungin natin ang ating mga sarili, o tatanungin tayo ng ibang tao, ano ang magbibigay tuon sa ating buhay, nawaý lagi tayong sumagot sa salita at  gawa, “ Ang pangalan niya ay Hesus!”

Ang ating teksto para sa ngayon ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay palaging nanggugulat sa mga tao, nakakagulo sa buhay  kung sa palagay natin ay naplaplano na ang lahat. Kahit sa panahong ito ng Adbiyento, kapag ang Diyos ay nagnanais sa atin na maging handa upang matanggap ang pinakamangha-manghang kaloob sa lahat , tayo ay lubhang abala---ang ating mga buhay ay punong-puno ---upang makahanap ng lugar para kay Hesus. Ang ating paghihintay at inaasahan ay naging napakalakas sa lahat ng iniisip natin na kailangan nating magawa upang maging handa para sa Pasko. Ang mundo ay nagsasabi sa atin na may ilan pang natitirang  araw para sa pamimili. Ngunit ang Diyos ay nagsasabi sa atin na mayroon pang ilang araw na magdahan-dahan at gumawa ng puwang sa ating mga buhay para sa Tagapagligtas.

Central Ideas

  • Ang Adbiyento ay panahon ng paghahanda at pag-asa.
  • Ang Diyos ay patuloy na nanggulat sa mga tao, ginugulo ang kanilang mga plano.
  • Walang imposible sa Diyos.
  • Ang Espiritu ng Diyos ay naroroon kahit mula sa pasimula.
  • Ang tuon ng  ating buhay ay si Hesus.

Question for the Speaker

  1. Ano ang mga pinakamahalagang katangian ng tekstong ito na dapat mong isama kapag mangangaral ka ngayon?
  2. Kailan ka ginulat ng Diyos at ginulo ang “mayapa” mong buhay?
  3. Kailan mo binuksan ang iyong sarili sa patnubay ng Espiritu? Paano nakaapekto ito sa iyong buhay?
  4. Paano mo gagamitin ang natitirang mga araw ng Adbiyento? Paano mo aanyayahan ang kongregasyon na gamitin ito?

Araw ng Pasko (A,B,C)

Lucas 2:1–20

Isaias 9:2-7, Mga Awit 96, Tito 2:11-14

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang siniping ito ay nagpapakita ng hindi pangkaraniwang kapanganakan ng isa pang bata sa kahirapan, sa isang masikip na nayon.  Ang mga magiging magulang pa lamang ay inutusan ng kautusang Romano na umalis sa  kanilang bayan ng Nasaret at maglakbay patungong Betlehem, ang bayang sinilangan ng ama, upang maging opisyal na maibilang at nakarehistro.  Ipinapalagay natin na isang mahirap na paglalakbay ito para kay Maria at Jose, at isaalang-alang ang pagbubuntis ni Maria. Subali’t bilang mga taong naaapi, kakaunti ang mapagpipilian, sila ay inuutusan na sundin ang kautusan.

Sa isang mas malalim  na antas, ang isang layunin ng tekstong ito ay para sa mga mambabasa na gumawa ng ugnayan sa pagitan ng angkan ni Jose sa angkan at sa lahi ni David (nakasentro sa Betlehem) at ang  hinulaang pagdating ng Mesiyas (Mikas 5:2). Isa pang layunin  sa simula  ng kuwento ay upang matulungan tayo na mag-isip at unawain ang hindi makaturangang pampulitikang kapaligiran kung saan nakatira sina Maria at Jose.  Ang abang tagpo ng kuwentong ito ay patuloy habang ang mga pastol na nasa parang ay nagalak sa mensahe ng anghel. Ang pagpapastol ay itinuring na pinakamababa sa mga propesyon-----isang  kakaibang pagpili para sa mga magpapatotoo sa bagong silang na Mesiyas.  Maliban kay Maria at Jose, ang kalagayan at katayuan sa lipunan ng mga pastol ay mga  mungkahi sa pabaliktad na kaharian ng Diyos---“ang mahuhuli  ay mauuna, at ang nahuhuli ay mauuna” (Mateo 20:16).

Sa loob ng salaysay na ito, ang mga pastol ay nasaksihan ang maluwalhating kaganapan at magpatotoo sa kahalagahan  kung ano ang naganap.  Habang pumupunta ang mga magpapatotoo, ang mga pastol ay hindi mangyayaring nasa unahan ng listahan kaysa mga may kredibilidad at kahalagahan.  Bagama’t ang mga kasali sa teksto sa Lukas ay itinuturing na mahihirap at mapagpakumbaba, ito ay hindi binabawasan ang kanilang kagalakan at papuri kung ano ang ginawa ng Diyos. Tulad ng ginawa ng hukbo ng kalangitan, ang mga pastol ay umuwi, “dinadakila at pinupuri ang Diyos sa lahat ng narinig at nakita nila”(b.20)—isang pagdiriwang sa pagsilang ni Hesus, ang Mesiyas. Ang Diyos ay pumupunta sa karaniwan at inaasahan na may isang mensahe ng pagkakatawang-tao na dinala ng mga kahalok na  hindi katanggap-tanggap ng lipunan.

Ang pangalang “Emanuel” ay nagpapahiwatig na “Sumaatin ang Diyos.” Habang alam natin na dumating si Kristo sa mundo bilang Tagapagligtas ng bawa’t isa, lumalabas na ang Diyos ay piniling mamuhay kasama ang mapagpakumbaba, itinakwil, at mahihirap sa panahong iyon at lugar.  Ito ay pahiwatig sa paglilingkod ni Hesus, na pipiliin din niya ang lumakad kasama ang mga mahihirap, inaapi, at itinakwil. Sa katauhan ni Hesus, ang Diyos ay pinagpapala ang mundo ng isang mensahe ng pag-asa, at hindi pinapanigan ang mga karapatang kapanganakan, edukasyon, o tagumpay pangmundo. Si Hesus ay “Nakita Ang Pag-ibig ng Diyos !” (lola Brubeck,Community of Christ Sings 411) para sa lahat ng tao.

Central Ideas

  • Sina Maria at Jose ay mga miyembro ng inaaping tao at kultura.  Ang mga pastol ay ang mga nasa ilalim na uri sa lipunan.
  • Ang pagsilang ni Hesus ay naglalarawan ang pagpili ng Diyos na “maniharan kasama” ang mga mahihirap, itinakwil, at inaapi; ang kahulugan ng Emanuel ay “ Sumaatin ang Diyos .”
  • Si Hesus ay dumating upang dalhin ang pag-asa para sa lahat ng tao. Siya ang Diyos na nakita ang pag-ibig.

Question for the Speaker

  1. Kilalanin ang mga pinahihirapan at inaapi sa mundong ito sa ngayon. Paano ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo nangungusap sa kanila tungkol sa pag-asa?
  2. Paano ang tekstong ito magiging halimbawa ng baliktad na kaharian?
  3. Sa anong mga pamamaraan ang kuwentong ito ipapaliwanag ang salita sa imno na: “Likas na katahimikan, handog binigay na!”( “O Little Town of Bethlehem” Community of Christ Sings 434)?
  4. Bakit mo iisipin na sina Maria, Jose at mga pastol ang mga  makapangyarihang  kasali sa kuwento?
  5. Sa araw ng Pasko na ito, anong mensahe ang maari mong ibahagi sa mga nagsusumikap, nagluluksa, at sirang-sira ang loob? Ano ang magandang balita na magpapasaya sa lahat sa sabsaban?

Unang Linggo Pagkatapos ng Araw ng Pasko

Lucas 2:22−40

Isaias 61:10, 62:3, Mga Awit 148, Galatia 4:4-7

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang teksto ngayon ay nakatakda sa templo sa Jerusalem. Si Hesus ay dinala nina Jose at Maria doon upang tuparin ang mga kinakailangan sa kautusang Hebreo. Ang nakaraang talata (Lucas 2:21) ay tumutukoy sa pagtutuli ni Hesus, ang seremonya na kinakailangan para sa lahat ng bagong panganak na lalaki. Ngunit sa templo mababasa natin sa pagpapakilala kay Hesus bilang unang ipinanganak na lalaki, para sa paglilingkod sa Diyos, isang seremonya na kinakailangan din sa kautusang Hebreo. Kasama ang kinakailangang handog. Ang mga mas mararangyang mag-asawa ay nagdadala ng isang tupa, ngunit dinala ng mga magulang ni Hesus ang katangap-tanggap na handog na “mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati”(b.24), marahil nagpapakita ng mababang katayuan ng pamilya.

Matapos matupad ang mga inaatas na ito, inilalarawan ng teksto  ang mga salita at pagkilos ng dalawang tao na nasa tagpo sa panahong iyon. Siyam na talata (bb.25-34) ang nakatuon kay Simeon, na, ayon sa teksto, ay ginabayan sa templo sa araw na iyon ng Espiritu---isang mahalagang paksa para kay Lucas. Ngunit si Simeon ay hindi lamang karaniwang tagamasid. Tiniyak sa kanya ng Espiritu na mabubuhay siya hangga’t hindi niya nakikita ang Isa na sinugo ng Diyos para sa kaligtasan ng mundo. Kinilala niya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, ang sanggol na si Hesus ay ang tagapagligtas. Binasbasan ni Simeon si Hesus at ang kanyang ina at ama.

Ang ibang tao na nagbigay pansin kay Hesus sa pagkakataon na iyon ay isang matandang balo, si Ana. Siya ay  nanirahan sa templo sa loob ng ilang panahon, nagpapatuloy sa pag-aayuno at pananalangin. Tulad ni Simeon, kinilala ni Ana kung sino si Hesus at ang kanyang tungkulin na kanyang gagampanan sa pagtutubos.  Ang kahalagahan ng dalawang matatandang pantas ay ang pagkilala at propetikong  pahayag kung sino si Hesus at siya ay sinugo para sa kaligtasan ng mundo. Pinatutunayan nito ang sinabi ni anghel  Gabriel kay Maria at ang kanyang kamag-anak na si Elisabet.

Itinala ng huling talata ang pagbabalik ng pamilya sa kanilang bayan sa Nasaret, kung saan si Hesus ay “lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos”(b.40). Ang paglalarawang ito tungkol sa pagkamasunurin at dedikasyon ni Hesus ay mahalaga dahil wala tayong ibang impormasyon tungkol sa pagpapalaki kay Hesus hanggang sa kanyang pagdalaw  sa Jerusalem sa edad na 12.  

Ang teksto ngayon ay nagbibigay-diin ng pagtupad sa tradisyon at kautusan, kung saan may pangunahing kahalagahan noon. Ngunit sa maraming lugar, sa mundo ngayon, ang pagsunod sa alituntunin ay hindi binibigyan diin. Ang mga seremonyang panrelihiyon ay naging mas karaniwan.    Ang mga tao ay hindi  gaano ang kamalayan sa hiwaga. Matututunan natin ang mahahalagang mga aral mula sa teksto ngayon. Sina Simeon at Ana ay hindi  makapangyarihang mga tao. Tulad nina Jose at Maria ----sa makatuwid si Hesus---sila ay mga karaniwang tao. Gayon pa man ang Diyos, sa pamamagitan ng Espiritu, pinagpala sila ng pananaw, dedikasyon at pananampalataya upang maging instrumento ng pagpapala sa panahong ito sa buhay ni Hesus at ng kanyang mga magulang.

Inaanyayahan tayo ng tekstong ito upang makahanap  ng makahulugang mga seremonya upang ipagdiwang ang presensya ng Diyos sa karaniwang tao at mga karanasan sa buhay. Maaring hindi natin magawa ito sa parehong mga paraan tulad ng ginawa ng ating mga ninuno. Subalit ito ay kasinghalaga para sa ating espiritwal na kagalingan at ang ating paglalakbay bilang alagad ni Hesu Kristo. Kung pahihintulutan natin ang ating  sarili na magabayan ng Espiritu, ipagpapatuloy natin ang ating buhay na nakatuon sa Isa na sinugo upang tubusin ang mundo.

Central Ideas

  • Si Hesus ay isinilang sa isang tradisyon kung saan mahalaga ang pagsunod sa seremonya at kautusan.
  • Pinangunahan ng Espiritu sina Simeon at Ana habang sila ay naging instrumento ng pagpapala ng Diyos kay Hesus at sa kanyang mga magulang.
  • Sa mas sekular na mundo ngayon, tayo ay hinamon na makahanap ng makahulugang mga seremonya na magpapanatili sa ating kaugnayan sa Banal.
  • Kailangan nating buksan ang ating sarili sa patnubay ng Espiritu.

Questionm for the Speaker

  1. Ano ang nakikita mong kaugnayan sa pagtupad sa mga seremonya at kautusan tulad ng inilarawan ng teksto?
  2. Ano sa iyo ang hatid ng mga pangunahing katangian  ng pagpapala nina Simeon at Ana?
  3. Paano mo nadama ang pinatnubayan  ng Espiritu?
  4. Paano mo hahamunin ang kongregasyon na gabayan ng Espiritu?

 


Unang Linggo Pagkatapos ng Paghahayag,


Marcos 1:4–11


Genesis 1:1-5, Mga Awit 29, Mga Gawa 19: 1-17


 

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Bago tumungo sa teksto sa araw na ito, maaring makatulong na dagliang isaalang -alang ang aklat kung saan ito ay nakapaloob. Ang Marcos ay itinuring na pinakauna sa apat na Ebanghelyo, marahil isinulat noong 60 CE (Karaniwang Panahon).  Ang may-akda ay nakatutok sa buong aklat sa tatlong pangunahing tema: (1) mapagtiis na paglilingkod ni Hesus, (2) ang pagkatao at kapangyarihan ni Hesus, at (3) ang kabuuang pangako na nakapaloob sa buhay bilang isang alagad. Gayunpaman, ang pangunahing alalahanin, ay ang pagpapahayag kung sino si Hesus.

Bagamat ang kuwento ni Juan Bautista ay nagsisimula sa aklat ni Marcos, ang may-akda ay walang maraming sinabi tungkol sa kanya.  Sa halip, ang tuon ay higit sa paglilingkod ni Juan at ang pagbautismo niya kay Hesus bilang paghahanda  sa patuloy na paglilingkod ni Hesus. Ang Marcos, tulad ng aklat ng Lucas, ay ginagamit ang karanasan ni Hesus sa bautismo upang makagawa ng isang Kristolohikal na pahayag. Si Juan ay  itinuring na nagpakilala kay Hesus bilang “isa na mas makapangyarihan kaysa akin” (b.7). Ang paglalarawan sa Banal na Espiritu kay Hesus na “ bumababa tulad ng isang kalapati” at isang tinig nagmula sa langit nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan” nagpapakita kay Hesus bilang ang Anak ng Diyos(bb.10-11).

Gayunpaman , ang mambabasa ay naiwan upang pag-isipan ang tanong, “Kung si Hesus ay Anak ng Diyos at sa makatuwid tila walang kasalanan, bakit kailangan niyang mabautismuhan para sa kapatawaran ng kasalanan?” Ang bautismo sa tubig ay isinasagawa noong panahong iyon para sa tiyak na layunin.  Iminumungkahi ng ilang pantas na ang pagnanais sa bautismo ay nagpakita na nais ni Hesus na maging kaisa sa mga tao sa pamamagitan ng seremonyang ito at, sa pamamagitan nito, patatagin ang katangian ng kanyang bahaging tao.  Sa paghahanap sa aklat ng Mateo, matutuklasan ang mas maraming mungkahi na si Hesus ay nais ipakita ang kanyang pagkakakilanlan at pakikiisa sa sangkatauhan.  Binanggit niya na siya ay kailangang mabautismuhan , “upang matupad ang kalooban ng Diyos”(Mateo 3:15). Ito ay parang sinasabi niya , Isa ako sa inyo at, samakatuwid, kailangan kong maranasan ang iyong karanasan.” Sa wakas, ito ay nagmumungkahi ng isang bagay sa pagiging mapagpakumbaba ni Hesus ; isang katangian ni Hesus na mahalagang tularan bilang kanyang mga alagad.  

Sa kabila ng anumang matagal na mga tanong, lininaw ng teksto ngayon ang kabuluhan, kahalagahan, at   pagkakaugnay ng kapwa bautismo sa tubig at bautismo sa Banal na Espititu.  Ang mga tagasunod ni Hesus  ay gumagamit ng makamundong paraan (tubig) upang ipakita ang kanilang pagpayag na sumuko nang lubusan sa at makipag-ugnay sa Banal at sa nagbibigay suportang pamayanan.  Ang Diyos ay gumagamit ng espiritwal na paraan, (Banal na Espiritu) upang makipag-ugnay sa mga tao at sa binuong pamayanan, kaya nakumpleto ang isang tipan.  

Si Hesus ay inihanda ng  karanasang ito upang harapin ang tukso sa ilang na sumunod kaagad. Ito rin ang tanda ng simula ng kanyang paglilingkod sa Lupa. Ang pagkasunod-sunod na ito ay hindi nawala sa maingat na mambabasa--- ang bautismo sa tubig at sa espiritu ay isang panimula, at hindi sariling wakas nito.  Tulad ng pagkahanda ni Hesus sa kanyang paglilingkod sa lupa, gayon din, tayo ay inihanda ng sakramento ng bautismo at kompirmasyon upang lubos na makibahagi sa misyon ni Hesu Kristo na siyang “pinakamahalaga sa paglalakbay para sa hinaharap” (Doktrina at mga Tipan 164:9f).

 


Pinakabuod

1.   Ipinakita si Hesus  bilang Anak ng Diyos sa karanasan na may kaugnayan sa teksto ngayon.

2.   Ipinakita ni Hesus ang kanyang ugnayan at pakikiisa sa sangkatauhan at ihinalimbawa ang kahalagahan ng bautismo para sa lahat na sumusunod sa kanya.

3.   Ang bautismo sa tubig at espiritu ay kumakatawan sa isang tipan sa pagitan ng isang tao at Diyos at magiging tanda ng simula sa buhay ng taong iyan bilang isang alagad kaysa wakas.

 


Mga katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Ano ang iyong naaalala  tungkol sa iyong sariling bautismo sa tubig at espiritu na kinakailangang ibahagi sa kongregasyong ito at sa araw na ito?

 2.  Anong lakas o kapangyarihan ang hatid ng bautismo sa tubig at espiritu sa ating pang-araw-araw na buhay bilang mga alagad?

 3.  Paano dapat baguhin ang ating mga prayoridad at pangako sa buhay ang bautismo sa tubig at espiritu  ? Paano ka nabago sa pamamagitan ng iyong sariling karanasan sa bautismo?

4.   Magiging kumportable ka ba bilang bahagi ang isang paanyaya na sumama kay Hesus sa bautismo ng tubig at espiritu  ng iyong sermon ?

 


Ikalawang Linggo Pagkatapos ng Paghahayag (Karaniwang Panahon)


Araw ng Karapatang Panlahi


Juan 1:43–51


1 Samuel 3:1-20, Mga Awit 139:1-6, 13-18;


1 Corinto 6:12-20


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang teksto ngayon mula sa unang kabanata ng Juan ay patuloy na nagsasabi tungkol sa buhay at paglilingkod ni Hesus sa mga kuwento na may kaugnayan sa pagsasagisag at kahulugan. Narinig na natin sa pamamagitan ng mga tula ng unang mga talata sa Ebanghelyo ni Juan na si Hesus ay walang hanggan na makabuluhan. Ipinakilala tayo ng may-akda kay Juan Bautista, na siyang nagpakilala kay Hesus bilang  Kordero ng Diyos, at inilagay si Hesus sa kanyang mga unang alagad.

Ngayon makita natin kung paano maaring lumago ang iglesya kapag ang mga tao tulad ni Felipe ay tumugon sa kanilang pakikitagpo kay Kristo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iba. Ito ay maaring maging  isang  magandang panahon upang makipag-usap sa iyong kongregasyon tungkol sa ebanghelismo. Ang sigla ni Felipe para kay Hesus, na pinaniniwalaan niya na siya ang hinihintay na Mesiyas ng Kasulatang Hebreo, ay natugunan ang pagdududa ni Natanael.

Marahil si Natanael ay pamilyar sa mga kasulatan at may pag-aalinlangan sapagkat si Hesus  ay iniulat na nagmula sa Nasaret, isang di kilalang bayan. Ang pilíng relihiyosong tao sa Jerusalem ay tumitingala sa mga tao mula sa lalawigan ng Galilea dahil malayo sila sa sentro ng relihiyon sa Jerusalem at dahil maraming mga dayuhan ang nanirahan at naglakbay sa Galilea. Ngunit si Hesus at ang kanyang unang mga alagad ay mula Galilea. Kahit na siya ay mula sa Galilea, inihahanay ni Natanael ang halaga ng mga tao sa loob ng Galilea, inilalagay ang mga mula sa bayan ng Nasaret sa mas mababang antas panlipunan.  Marahil si Natanael ay isang biktima ng pagtatangi, ngunit nagawa pa rin niya ang magdala ng mga pagtatangi laban sa iba sa loob ng Galilea. Maari tayong matuto mula sa tekstong ito na mag-ingat na huwag hatulan ang iba batay sa kanilang pinagmulan.

Si Natanel ay nagbalik-loob nang ipakita ni Hesus na kilala na siya at nakita si Natanael  sa ilalim ng puno ng igos. Nagpakita si Hesus ng higit sa karaniwang pananaw sa katangian at nakaraan ni Natanael.  Tinawag siyang “ isang Israelita na hindi magdaraya” (b.47) iniugnay siya sa orihinal na Jacob (dating kilala na Israel), na magdamag na nakipaglaban sa anghel ng Diyos, sinasagisag na nakikipagbuno sa Diyos. Si Natanael ay pinupuri ni Hesus nagsasabing nasa kanya ang pinakamahusay na mga katangian ng Israel at hindi manlilinlang tulad ng kanyang ninuno.  Sa pamamagitan ng pag-aalinlangan kay Hesus, si Natanael ay, sa isang kahulugan, nakipagbuno sa Diyos tulad ng ginawa ni Jacob/Israel.

Ang puno ng igos ay isang  paboritong lugar na umupo at mag-aral para sa mga mag-aaral ng banal na kasulatan. Ipinapakita ng mga pahayag ni Hesus  na alam niya ang lahat tungkol kay Natanael.  Kahit naniwala ngayon si Natanael, sinabi ni Hesus na si Natanael ay marami pang dapat matutunan. Siya ay “makakakita ng mas higit na mga bagay”(b.50). Ang nakikita sa Ebanghelyo ni Juan ay tungkol sa pag-unawa  hindi lamang paningin.

Kung gagamitin ang teksto ngayon upang magsalita tungkol sa ebanghelismo, ang tagapagsalita ay maaring ipalabas ang kaisipan na pinalawak ni Felipe ang  paanyaya kay Natanael ngunit ipinagpatuloy ni Hesus mula doon. Si Natanael ay hindi napagbagong loob ni Felipe. Sa halip, si Natanael ay napagbagong loob ni Hesus, at ang kanyang karagdagang pagkahinog bilang isang alagad ay darating habang kanyang yinayakap ang hamon na sundan si Hesus, na darating at makita. Sa huli ito ay hindi magiging maliit na pagpapakita ng  mahiwagang pangyayari na magbubuklod ng isang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo; gagawin ito ng isang habangbuhay na pagiging alagad.

Ang sinipi ay nagwawakas sa pagpapaalala  ni Hesus sa atin sa tagapagtatag ng mga tao ng Israel. Nakatagpo ni Jacob-Israel ang Diyos sa isang partikular na lugar kung saan ang mga anghel ay naglalakbay sa pagitan ng langit at Lupa. Sa panahon ng buhay ni Hesus sa Lupa, ang lugar na iyon ng tagpo ay naging isang banal na lugar para sa mga tao ng Israel. Ang mga tao ay nagpupunta doon para sa banal na paglalakbay. Subalit ngayon, sinasabi ni Hesus kay Natanael at sa atin, na ang lugar upang makatagpo ang Diyos ay si Hesus mismo. Ang  mga anghel sa sagisag, ay aakyat at bumababa mula kay Hesus. Kung ibig nating makatagpo ang Diyos, kailangan nating makilala si Kristo

 


Pinakabuod

1.   Kung ilalapit natin ang mga tao kay Kristo, makakatagpo nila ang isang Kristo na nakakakilala  sa kanila  at inaanyayahan sila sa isang bagong buhay na may kaugnayan sa Diyos at sa iba. 

2.   Maingat na huwag hatulan ang iba batay sa kanilang pinagmulan o batay sa iyong sariling mga inaasahan. 

3.   Ayos lang ang makibaka at mag-alinlangan, ngunit sa huli tayo ay inaanyayahan na mahinog sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus, nakikita at nauunawaan.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Handa ka bang magbahagi ng malinaw na patunay tungkol sa Kristo sa iba?

      2.   Sino ang maaring naghihintay na darating at tignan ang Kristo para sa iyong    

            paanyaya?

3.   Ano ang mga pagtatangi na karaniwan sa  mundo kung saan tayo nabubuhay? Paano ka naging biktima ng pagtatangi? Kailan ka nagtangi ng iba?

4.   Kailan ang pagtatangi humahadlang sa iyo  na makita ang potensyal sa isang tao? 

5.   Kailan ka nag-alinlangan sa Diyos? Naranasan mo ba ang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagsunod?

 


Ikatlong Linggo Pagkatapos ng Paghahayag (Karaniwang Panahon)


Marcos 1:14–20


Jonas 3:1-5, 10; Mga Awit 62:5-12;


1 Corinto 7:29-31


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang siniping ito ng banal na kasulatan ay  nagsasaliksik ng pagpapahayag ni Hesus ng “mabuting balita.” Ang may akda ng Marcos ay nagpapahayag kay Hesus bilang Anak ng Diyos na nagpapakita ng pagmamahal at nanawagan sa mga tao na maniwala. Itinatampok ng siniping ito ang sumusunod na mga pangunahing kaisipan.  .

Sa pamamagitan ng buhay at paglilingkod, ipapakita ni Hesus ang malalim na pagkawili ng Diyos sa sangkatauhan. Tinutulungan niya ang pagpapabuti sa  pag-iisip tungkol sa isang mapagmahal at malikhaing Diyos. Mapanganib ang misyon na ito at kakailanganin ng katangi-tanging pangako. Ang kanyang mga tagasunod ay handang iwan ang kanilang mga pamilya at ari-arian upang sumunod kay Hesus.  Ang siniping ito ay hinihiling sa mga mambabasa na suriin ang kanilang buhay at paglilingkod sa pamamagitan ng lente ng paglilingkod at buhay ni Hesus at suriin kung ano ang mahalaga sa Diyos.

Ang talata 14 ay nagbabahagi ng pag-unawa na ang mahalang misyon na ito ay tunay na mapanganib, na binabanggit sa kamakailang pag-aresto kay Juan. Si Hesus ay ipinahayag ni Juan  bilang Tagapagligtas, nangangaral ng pagsisisi at kapatawaran sa makabuluhang paraan na hindi narinig noon.  Para sa kanyang pangako sa Diyos at kay Hesus, siya ay dinakip at kalaunan pinatay. Para kay Hesus, ito ay isang napakalaking sakripisyo. Ang mga alagad ngayon ay hinihiling na suriin ang kanilang mga buhay at unawain kung ano ang mahalaga

Ang talata 15-20 ay ihinahalimbawa ang patotoo ng paanyaya ni Hesus. Ang mga alagad ay hiniling na iwan ang kanilang lambat at sumunod sa kanya. Ang ulat sa Marcos ay nagpapakita na ang mga unang alagad ay ginawa lamang  iyon. Iniwan nila ang lahat ng pag-aari nila, ang kanilang mga pamilya, at kaibigan upang sumunod kay Hesus sa hindi alam. Nagpakita sila ng pananalig at pangako. Ang karaniwang pag-iisip ngayon ay sila ay mga simpleng  mangingisda lamang na walang maraming maipamimigay upang sumunod kay Hesus. Ang mga mangingisdang ito mula sa mga baybayin ng Galilea ay may mga negosyo, empleyado, at mga pamilya na nakasalalay sa kanila. Ang mga mangingisdang ito ay ipinagsapalaran  ang lahat upang sumunod kay Hesus.

Ang mga unang  alagad na ito ay tatawaging ipahayag ang mabuting balita pagkatapos ng kamatayan ni Hesus at magbabago mula sa pagiging mga tagasunod sa pagiging mga lider. Hindi mahirap isipin na ang mga mangingisdang ito ay gumugol ng maraming panahon sa panalangin upang maunawaan kung paano sila tinawag upang ipagkatiwala ng mas ganap  ang kanilang sarili sa Diyos.  Ito ay ligtas na ipalagay na hindi nila alam ang lawak kung paano mababago ng simpleng mga panalangin ang kanilang buhay at, marahil mas mahalaga, ang kasaysayan.

 Ilang buhay ang napuno ng pag-asa dahil sa kanilang pagsulong sa panganib at patotoo? Paano tayo tinatawag upang makagawa ng kahanga-hangang pagbabago sa ating buhay upang makasunod tayo kay Hesus ngayon? Paano mapalawak ng ating pagsulong sa panganib ang ating tawag na lumikha ng mga pamayanan ng kagalakan, pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan?

Tayo ay tinawag upang makipagbuno sa mga mahihirap na hamon sa pagiging linikha ng Diyos. Tayo ay tinawag upang lumikha ng isang mas mahusay na mundo kasama ang Diyos.    Kung minsan, ang misyon ay magiging mahirap at marahil ay mapanganib. Ngunit ang misyon ay humihingi ng sakripisyo ng pagmamahal. Maaring hindi  natin makita ang pagbabago sa buhay ng ibang tao ngunit ang simpleng pagkilos ng pag-iwan sa ating mga lambat at sumunod kay Hesus ay nakapagpapabago ng buhay.

 


Pinakabuod

Ang buhay bilang isang alagad ay humihiling ng pangako at pagsulong sa panganib para sa kabutihan ng iba.

Ang paglalakbay ay mahirap at nangangailangan ng sakripisyo ng pagmamahal.

Tayo ay tinawag upang anyayahan ang iba sa layunin ni Hesu Kristo at ipahayag ang mabuting balita

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano mo nakita ang pagsulong sa panganib, sa iyo o sa iba, pagbutihin ang buhay ng iba?

Naranasan  mo  ba ang magdamdam dahil sa paghihirap at pagsulong sa panganib? Paano mo nadaig ang mga damdaming ito, at paano nakatulong sa iyo na  maunawaan nang mas malinaw ang Tuon ng Misyon na Anyayahan ang mga Tao kay Kristo? 

Paano magiging “mangingisda ng mga tao” ang iyong kongregasyon?

Ano ang ibig sabihin ang sakripisyong pagmamahal sa mundo ngayon? 

 


 


 


Ikaapat na Linggo Pagkatapos ng Paghahayag (Karaniwang Panahon Time)


Marcos 1:21–28


Deuteronomio 18:15-20, Mga Awit 111,


1 Corinto 8:1-13


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Sa kaugnay na kahulugan ng Ebanghelyo ni Marcos, nasira ang paglikha ng Diyos. Ang demonyo ni Satanas ay nabubuhay sa mga tao. Ang kalikasan ay magulo at nagbabanta. Ang sakit ay nagdadala ng karumihan.  Ang mga pinunong panrelihiyon at pampulitika ay nangingibabaw---sa halip na maglingkod ---sa mga tao. Sa mundong ito, nagdala si Hesus ng mabuting balita: Dumating na ang paghahari ng Diyos, at ang pagpapagaling ay maaring magsimula!

Ang kuwento ng isang lalaki na inaalihan ng masamang espiritu ay ang unang halimbawa ni Marcos kung paano si Hesus, bilang kinatawan ng Diyos para sa paghahari ng Diyos, maibabalik ang pagkabuo. Ngunit sa Ebanghelyong ito, ang mga alagad ay hindi nauunawaan ang pagkakakilanlan o tunay na layunin ni Hesus. Alam ng mambabasa dahil ipinahayag ni Marcos na si Hesus ang napili, ang Anak ng Diyos. Ang mga masasamang espiritu ay kinilala at sinunod si Hesus. Ang dagat at hangin ay kinilala ang kanyang kapangyarihan. Sa huli, kahit ang isang Romanong senturion ay nagpahayag na “ Tiyak na ang taong ito ay ang Anak ng Diyos.” Dito, sa mga talatang ito, inihanda tayo ni Hesus para sa tunay na katotohanan na sa una  kinikilala ng lahat ng nilikha, si Hesus maliban sa mga taong pinakamalapit sa kanya.

Pagkatapos na matukso sa ilang, ipinahayag ni Hesus ang paghahari ng Diyos; tinawag si Simon, Andres, Santiago, at Juan; at nagsimulang nagturo sa sinagoga sa Capernaum. Doon, isang lalaki na inaalihan ng masamang espiritu ang lumapit sa kanya at tinawag siya sa kanyang pangalan, at kinilala siya bilang banal mula sa Diyos.

Sa panahon ni Hesus, ang isang pangalan ay mas higit pa sa isang tatak. Ito ay naninindigan para sa katangian, pagkatao, at kahit ang tadhana ng isang tao. Upang malaman ang pangalan ng isang tao ay kailangan angkinin nila. Naniniwala ang mga tao na kapag alam ng mga kaaway ang iyong pangalan, may kapangyarihan sila  sa iyo.  Kaya nang ang lalaking inaalihan ng masamang espiritu ay pinangalanan si Hesus, sinisikap niyang kontrolin si Hesus.  Pinatahimik siya ni Hesus at inutusan ang masamang espiritu na lumabas.  Ang mga tao ng unang – siglo ay naniniwala na si Satanas ay may kapangyarihan sa mga masasamang espiritu. Ang pagpapa-alis sa masamang espiritu ay isang direktang resulta ng matagumpay na paghaharap ni Hesus kay Satanas sa ilang. .

Ang masamang espiritu sa lalaking ito ay nagpapakita ng lahat ng mali sa mga taong makakatagpo ni Hesus. Ang lalaki ay naroroon sa sinagoga –nagiging tanda ng mga may kapangyarihan sa Galilea at Jerusalem.   Natatakot siya  kay Hesus, tulad ng mga alagad, mga pinunong panrelihiyon , at mga Romano. Sinikap niyang gamitin ang kapangyarihan kay Hesus, tulad ng sinikap na gawin ng mga alagad at mga pinunong panrelihiyon. At ang masamang espiritu ay pumapayag na masira upang iligtas ang sarili at mapatibay ang hinaharap nito.  Sa huli, si Hesus ang nagpakita ng kapangyarihan at nagdulot ng kabuuan at kaligtasan.

Ang mga bagong aral na may bagong kapangyarihan ay nangangailangan ng mga bagong pangako at katapatan.  Marami sa mga naghahangad ay hinanap ang Hesus na ito. Nalilito ang iba o nababalisa sa isang bagong pagpapahayag ng kapangyarihan.  Napansin ng mga maykapangyarihan sa Jerusalem, at nadama nila ang takot.  Tumugon si Simon sa isang paanyaya sa bahay ng kanyang biyanan kung saan siya ay may sakit.   Pinagaling siya ni Hesus. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanyang mga panauhin.  Tinupad niya ang paraan ng paglilingkod ng isang lingkod, ang tungkulin na ginampanan ni Hesus na sinikap niyang ipaliwanag sa kanyang mga tagasunod.

Ang taong pinagaling ba ay naging isang tagasunod? Ang Ebanghelyo ay hindi sinasabi sa atin. Nakaranas siya ng isang sandali ng pagbabago kay Hesus, ngunit ang kanyang tugon ay nakatago sa loob ng kanyang kasaysayan.  

 


Pinakabuod

Ang mundo na nilikha at tinawag ng Diyos na mabuti ay baluktot. Kailangan nito ang mabuting balita ng paghahari ng Diyos na nagdadala ng pagkabuo at pagbabago.

Si Hesus ang kinatawan ng Diyos, nagpapahayag na ang paghahari ng Diyos ay dumating sa mundo at inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng paghaharing iyon.

Takot, pangingibabaw, pangangalaga sa sarili sa pamamagitan ng iba, at paghihimagsik laban sa paghahari ng Diyos ay nagpapakita ng mga sakit ng espiritu na nangangailangan ng pagpapagaling ni Kristo.

Ang bawat tao na nakatagpo ng hipo ng pagpapagaling ni Hesus ay responsable sa pagpili ng pagsunod o hindi pagsunod kay Kristo.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano ang paghahari ng Diyos magdadala ng pagiging ganap sa mundo ngayon? Magbigay ng mga halimbawa.

Paano mo pinahihintulutan upang ilayo ka mula sa paghahari ng Diyos ang takot, pangingibabaw, pangangalaga sa sarili, at paghihimagsik?  Paano mo nadaig ang mga bagay na iyon upang maglingkod?

Sino si Hesus sa iyo? Paano ka tutugon sa hipo ni Kristo sa buhay mo? 

Ano ang sinasabi sa iyo na gawin mo sa buhay  at paglilingkod ng Banal na Espiritu  ? Sa buhay ng kongregasyon? Sa iyong paghahangad sa misyon at sa paghahari ng Diyos?

 


 


Ikalimang Linggo Pagkatapos ng Paghahayag (Karaniwang Panahon)


Marcos 1:29–39


Isaias 40:21-31; Mga Awit 147:1-11;


1 Corinto 9:16-23


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan


 


Ang Ebanghelyo ni Marcos 1:29-39 ay nag-aalok ng dalawang kuwento ng pagpapagaling, isang sadyang oras ng panalangin, at isang pagpapatibay sa misyon ni Hesus. Una, pinagaling ni Hesus ang biyenan ni Simon. Siya ay nakaratay at may lagnat, at hindi makapaglingkod sa mga panauhin.  Nilapitan siya  ni Hesus  at  pinagaling siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay at ibinangon. Pangalawa, ang mga tao mula sa bayan ay pumunta sa bahay ni Simon upang mapagaling ang kanilang mga sakit at pagkaalihan ng demonyo. Pinagagaling ni Hesus ang lahat ng dumarating. Bilang karagdagan, inutusan ni Hesus ang mga demonyo na huwag ipahayag ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.

Nais ng mga alagad na ipagpatuloy ni Hesus ang kanyang mahimalang  pagpapagaling. Sa halip, sa umaga pagkatapos ng mahimalang pagpapagaling, si Hesus ay nagtungo sa ilang na pook upang manalangin.   Nang ang mga alagad ay inanyayahan siya na bumalik sa Capernaum, tumanggi si Hesus. Sa halip, pinagtibay niya  ang kanyang layunin sa misyon at inanyayahan ang  mga alagad na sumama sa kanya. Nilibot nila ang buong Galilea inaanyayahan ang iba na sumama, pakinggan ang mga turo ni Hesus, mapagaling, at ibahagi ang mensahe ng mapagbigay na pag-ibig ng Diyos sa mas maraming tao sa mas maraming pook.

Nang pagalingin ni Hesus ang biyenan ni Simon, ginawa siyang buo. Binago ng kanyang paghawak ang kalagayan ng kanyang karamdaman sa pagiging buo. Ang paghawak ay isang kapalagayang loob na pagkilos sa pagitan ng mga tao. Kapag hinawakan ni Hesus, dinadala niya ang ibang tao sa pakikipag-ugnayan sa kanya.

Tumugon ang babae sa pamamagitan ng paglilingkod bilang isang tapat na alagad. Binati niya, inalagaan, at pinakain ang kanyang mga panauhin. Maaring isipin ng ilan na natupad niya ang kanyang mga tungkulin sa lipunan at tahanan. Sa paghahambing, ituring na tumugon ang biyenan ni Simon sa paanyaya ni Hesus na sumama, mapagaling, at maglingkod. Binuksan niya ang kanyang tahanan sa pamilya, kay Hesus  at sa mga alagad. Siya ay lumikha ng isang pook ng pagtitipon para sa mananampalataya upang makipag-ugnayan sa isa’t-isa. Bukod dito, binuksan niya ang kanyang tahanan sa buong bayan inihalimbawa ang paanyaya ni Hesus na sumama at mapagaling. Tinanggap niya ang handog ng kabuuan at ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng paglilingkod.

Ang mga naunang pamayanang Kristiyano ay madalas magkita sa mga bahay simbahan. Ang mga bahay na ito ay nagbigay ng mga pook upang magbahagi ng mga bagong pang-unawa at upang anyayahan ang iba na marinig ang mga mensahe ni Kristo ng katarungan at kapayapaan. 

Kinaumagahan, bumangon si Hesus at nagtungo sa ilang na pook upang manalangin. Naintindihan ni Hesus kung gaano kahirap na manatiling may kaugnayan sa Diyos. Ipinaaalala sa atin na sundin ang halimbawa ni Hesus. Ang araw-araw na pakikipag-ugnay sa ating lumikha ay isang mahalaga para sa katapatan.  

Hindi nauunawaan ng mga alagad ang kahalagahan ng pang-araw-araw na panalangin at meditasyon sa Diyos.  Sila ay nabigo sa kawalan ni Hesus.  Lalo na si Simon, na nais niyang  bumalik at pagalingin ang mas maraming tao.  Ipinaalala ni Hesus sa kanila ang kanyang misyon na kasama ang pangangaral at pagpapagaling sa buong Galilea. Inaanyayahan ni Hesus ang lahat na sumama at mapagaling.  

Habang tinitignan natin ang teksto sa araw na ito, nakikita natin na si Hesus ay nagdudulot ng kagalingan at kabuuan sa pamamagitan ng paghawak. Kapag titignan natin ang mga sakramento sa Community of Christ, nakikita natin na marami sa kanila ay kabilang sa paglilingkod ng paghawak. Ipinapatong ang mga kamay para sa pagpapagaling ng maysakit. Binabasbasan ang mga bata sa pamamagitan ng paghawak sa kanila. Nagbabautismo tayo sa pamamagitan ng paghawak. Tayo ay nagkukumpirma, orden, at nag-aalay ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pagpapatong ng ating mga kamay sa ulo ng tao.  May kapangyarihan sa pagpapagaling ni Hesus, at kinatawan tayo ni Kristo, at maghahatid ng pagpapagaling ni Hesus sa mundo sa pamamagitan ng mapagmahal na hipo. Ang biyenan ni Simon ay tumugon sa pagpapagaling sa pamamagitan ng pagsama at paglilingkod sa iba. Kapag natanggap natin ang mga pagpapala ni Kristo,  tinawag tayong tumugon sa pamamagitan ng  paghahatid at pagbabahagi ng pagmamahal sa pamayanan.

 


Pinakabuod

1.   Si Hesus ay naghahatid ng kabuuan sa pamamagitan ng kanyang mapagpagaling na hipo.

 2.  Ang tapat na mga alagad ay tumugon sa pagpapagaling ni Hesus sa pamamagitan ng    

      paglilingkod at paglilingkod sa iba.

3.   Ihinalimbawa ni Hesus ang pangangailangan ng sadyang araw-araw na panalangin sa ilang na mga pook.

4.   Ang misyon ni Hesus ay kasama ang pangangaral at pagpapagaling. Inaanyayahan niya ang lahat na sumama at mapagaling.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano ka pinagaling ni Hesus at tulungan kang ihatid ang kabuuan sa iyong buhay?

2.   Ilarawan kung paano ang araw-araw na panalangin at meditasyon iimpluwensiyahan ang iyong buhay espiritwal?

3.   Ano ang iyong ginagawa, o ang iyong kongregasyon, upang anyayahan ang mga bagong tao sa pakikipag-ugnayan kay Kristo?

 4.  Kailan na ang hipo ay naging bahagi ng paglilingkod sa iyong kongregasyon? Ano ang kapangyarihan ng hipo ni Hesus?

 


 



 


Huling Linggo Pagkatapos ng Paghahayag, Linggo ng Pagbabagong Anyo


Marcos 9:2–9


2 Mga Hari 2:1-12; Mga Awit 50:1-6;


2 Corinto 4:3-6


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang mga ugnayan at ang kaisipang si Hesus bilang isang guro ay ilang mga pangunahing tema sa Ebanghelyo ni Marcos.

Ang Ebanghelyo ni Marcos ay naglalarawan ng maraming ugnayan ni Hesus: sa Diyos, sa mga tao, sa mga sumasalungat sa kanya; at sa mga malalapit niyang mga tagasunod, ang kanyang mga “alagad.” Si Hesus ang kaibigan ng mga alagad at guro (rabbi). Ang tema sa linggong ito ay isang tawag sa mga alagad ni Hesus, na nagpapalalim ng kanilang ugnayan sa kanya, upang makinig sa kanya habang patuloy siyang nagtuturo sa kanila kung ano ang kahulugan ng matawag na isang alagad.

Sa unang bahagi sa Ebanghelyo ni Marcos, inanyayahan ni Hesus ang kanyang mga alagad na sumunod sa kanya. Maari lamang nating isipin ang dahilan kung bakit mabilis silang tumugon ay nagpakita si Hesus ng isang pananaw (na tinawag niyang kaharian) sa buhay na napakahusay na wala silang magagawa kundi sumunod sa kanya. Sinusundan ito ng mga sandali ng pagtuturo sa pamamagitan ng halimbawa at pamamagitan ng mga talinghaga. Nang subukan ni Hesus si Pedro upang makita kung gaano siya natutu ay tinatanong niya si Pedro kung sino (Hesus) siya. Tumugon si Pedro kay Hesus  bilang “Mesiyas” o “ang isang napili.”  Tinapos ng pahayag ni Pedro  ang unang bahagi ng Ebanghelyo ni Marcos.

Ang sinipi ngayon ay tanda ng simula ng pangalawang bahagi na nagtatapos sa isa pang pahayag, ang sa tungkol sa senturion na nagpahayag kay Hesus bilang ang anak ng Diyos (Luke T. Johnson, The Writings of the New Testament, rev. ed., Fortress Press, 2002, ISBN 9780800634391, 166). Ang ating kuwento ng kasulatan  ay naganap pagkaraan ng anim na araw pagkatapos ng pag-amin ni Pedro. (b. 2).

Isinama ni Hesus sina Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok, malayo sa mga tao. Ang unang aral ay pag-urong.  Sinanay ni Hesus ang espiritwal na pagsasanay na ito ng maraming beses. “Nagbagong -anyo” si Hesus sa bundok (nagkaroon ng hindi makamundong hitsura). Si Moises at Elias (Juan Bautista) ay nagpakita kasama si Hesus sa ganyang kalagayan. Si Pedro na likas na tao ay nais tandaan ang pagkakataon sa pamamagitan ng paggawa ng kubol sa halip ng pagiging naroon “sa sandaling iyon.” Ang pagiging permanente ng mga iminungkahing mga kubol ay nangangahulugan din na nais ni Pedro ng higit pa kaysa manatili sa pook na iyon.

Nang lumilim ang isang alapaap  na kumakatawan sa presensya ng Diyos, natakot ang mga alagad. Ngunit ang takot na iyon ay mababawasan sa madaling panahon.  Naririnig nila ang tinig ng Diyos na nagpapatunay na minamahal si Hesus at ang presensya ng Diyos sa kanya. Kung minsan, ang mga alagad ay kailangang malaman na sila rin ay minamahal ng Diyos.

Ang teksto ay nagtatapos sa pagbaba ng apat sa bundok. Ipinagpatuloy ni Hesus ang kanyang paglilingkod ng pagdadala ng pag-asa sa buhay ng bawat tao na nakakatagpo niya sa daan. Natutuhan ng mga alagad ang kahalagahan ng pagiging kasama ng Diyos upang tanggapin ang pag-ibig ng Diyos at parehong mahalaga na ibahagi ang pag-ibig na iyan sa paglilingkod sa mga anak ng Diyos.

 


Pinakabuod

1.   Nais ng Diyos na magkaroon ng ugnayan sa mga anak ng Diyos.

2.   Ang pag-urong ay isang ispiritwal na pagsasanay na kung saan nalalaman natin na tayo   ay minamahal din ng Diyos.

3.   Sa katiyakan na ito hindi tayo dapat matakot na nag-iisa sapagkat tayo ay tungkol sa misyon ni Kristo.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano nakatulong sa iyo na maunawaan at pahalagahan ang iyong ugnayan sa Diyos ang panalangin o ang paglahok sa isang ispiritwal na pagsasanay?

 2.  Saan ka tinatawag o ang iyong kongregasyon ng Diyos? Anong paglilingkod ikaw o ang kongregasyon tinatawag? 

3.   Mayroon ka bang karanasan sa tuktok ng bundok na mahirap umalis? Bakit kinakailangan ang pag-alis?

4.   Paano mo malalaman kung nariyan ang Diyos?

 


 


Miyerkules de Senisa


Mateo 6:1-6, 16-21


Joel 2 :1-2, 12-17 ; Mga Awit 51 :1-17 ;


2 Corinto 5 :20b -6 :10


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan


            Nagsisimula ang Miyerkules de Senisa sa panahon ng Mahal na Araw. Ang Mahal na Araw ay ang 40-araw na panahon bago ang Muling Pagkabuhay na inilalaan para sa pagninilay-nilay at pagtatatag ng mas matibay na ugnayan sa Banal, kapwa bilang mga indibidwal at bilang mga    pamayanan. Ang Miyerkules de Senisa at Mahal na Araw ay nagtatampok ng panawagan sa pagsisisi – isang panibagong pagbabalik-loob tungo sa Diyos upang ang ating pakikipag-ugnayan ay tunay.


            Ang teksto sa ngayon ay mula sa karaniwang tinatawag na Sermon sa Bundok (Mateo 5-7). Ang pagbasa sa araw na ito ay linaktawan ang tinatawag nating Panalangin ng Panginoon. Ang tatlong paksa na tinukoy sa pagbasa ay ang paglilimos, panalangin at pag-aayuno. Ang tatlong ito ay mga saligang espirituwal na kasanayan ng mga Hudyo at, nang isulat ang Ebanghelyong ito, maaring isa ring itinuturing na mahalaga sa pamayanang Kristiyano.


            Ipinapalagay ni Hesus na ang kanyang mga alagad ay makikilahok sa mga pangunahing espirituwal na gawain, na sinasabing, “tuwing kayo….” hinihiling ni Hesus sa kanyang mga alagad na pag-isipan ang kanilang pag-uudyok sa kanilang pakikilahok sa mga gawain na ito. Ang salitang Griyego na “hypokrites” o “mapagkunwari” sa sinipi ngayon ay tumutukoy din sa isang artista sa entablado. Sa pamamagitan ng paggamit ng salitang ito, hinahamon ni Hesus ang kanyang mga tagapakinig upang maiwasan ang mga espirituwal na pagsasanay sa hayagang pagtatanghal. Ang layunin ay hindi upang makatawag pansin mula sa mga kaibigan. Sa halip, ang mga pagsasanay na ito ay bilang tugon sa biyaya at pagkamapagkaloob ng Diyos.


            Kapag tapat na isinagawa, ang mga espirituwal na pagsasanay na ito ay pinapa-unlad ang ating hanay bilang mga alagad, gayundin sa misyon ni Kristo. Hindi ito mangyayari kung tapos na ang mga ito upang mapahanga lamang ang isang walang malay na tagapanood. Ang mga tagapanood ay maaring malinlang ng mga artista. Ang mga kaibigan ay maaring malinlang ng mapagkunwari. Sa pamamagitan ng pagmumungkahi na gamitin ang mga espirituwal na gawain  na ito ay dapat isagawa para sa mga layunin ng Diyos, hinahamon ni Hesus ang mga alagad na maging tapat at lubos na makilahok.  Ang Diyos ay hindi malilinlang. Nauunawaan ng Diyos ang ating totoong kakayahan at tinatawag tayo sa patuloy na  pagsusuri sa sarili. Ang tanong ay hindi gaano tungkol sa kung ang mga gawaing ito ay dapat gawin sa publiko kung tungkol sa kung  gagawin pa rin  natin ang mga ito kung alam natin na wala tayong  tagapanood.


            Ang texto ay hindi gaano tungkol sa paglilihim kaysa tungkol sa katapatan. Dapat tayong  gumawa para sa kayamanang tunay na mahalaga. Ang palakpakan at paghanga ng mga kaibigan ay hindi  magtatagal kaysa salapi. Ang ating udyok para  sa pakikilahok sa mabubuting gawa at espirituwal na gawain ay dapat makalangit at hindi makalupa.  Nagtatapos ang sinipi  na may inaasahang pangako. Kung  tapat tayong makikilahok sa mga gawain na ito, ang ating mga puso ay susunod sa  tunay na kayamanan, at mapapalapit tayo sa iba at sa Diyos at sa banal na layunin.


     


Pinakabuod


1.      Ang panahon ng Mahal na Araw ay isang panahon para sa  pagninilay-nilay, pagsisisi, at pagbabago.


2.      Ang mga espirituwal na gawain  tulad ng pananalangin at pag-aayuno ay mahalaga sa ating pananampalataya.


3.      Ang mga espirituwal na gawain ay makakatulong sa ating tumugon sa biyaya at pagkamapagkaloob ng Diyos.


4.      Ang ating tapat na pakikilahok sa mga espirituwal na gawain ay hinuhubog tayo  bilang mga alagad, pinalakas  upang makilahok sa misyon ni Kristo.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


1.      Paano naglilimos ang mga miyembro ng kongregasyon ( kawanggawa para sa mga mahihirap)? Anong mga pagkakataon ang ipinagkakaloob ng iyong kongregasyon para sa paglilimos?


2.      Anong mga espirituwal na gawain ang nakakatulong upang  hubugin ka bilang isang alagad?


3.      Paano sama-samang nakikilahok ang kongregasyon sa mga espirituwal na gawain?


4.      Ano ang gumagawa sa  panalangin na maging tapat sa pagsamba at buhay kongregasyon? Ano ang ginagawa ng iyong kongregasyon upang ituro ang panalangin bilang isang espirituwal na gawain?


5.      Isaalang-alang  ang pag-aayuno bilang isang paraan ng muling pagbibigay-tuon sa katarungan ng Diyos (tingnan ang Isaias 58). Paano ang mga miyembro ng kongregasyon o  kongregasyon sa kabuuan nakikilahok sa tapat na pag-aayuno?


6.      Sa pagninilay-nilay  sa ating tunay na kakayahan, ano ang maari nating gawin bilang  indibidwal o bilang isang kongregasyon, sa panahon ng Mahal na Araw, upang maging tapat sa ating espirituwal na mga gawain? Sa anong mga espirituwal na gawain maari tayong makilahok sa panahon ng Mahal na Araw upang ang ating mga puso ay mapalapit sa Diyos?


 



 


Unang Linggo sa Mahal na Araw


Marcos 1:9–15


Genesis 9:8-17; Mga Awit 25: 1-10;


1 Pedro 3:18-22


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Mayroon bang mabuting balita? Kami ay takot para sa ilang mabuting balita. Ano ang mabuting balita? Kailangan nating marinig ang mabuting balita. Ang mga tao sa kuwento ngayon ay takot para sa mabuting balita. Noong 70 Karaniwang Panahong Galilea,  ang mga katutubong Hudyo ay  nasusuklam laban sa mga manunupil ng Roma. Ang Jerusalem ay linulusob. Ang mga tao ay nabigla, nabitag sa pagitan ng mga nag-aalipusta sa  pananakop, at mga terorista sa sariling bansa. Malamang na ang halaga ng mga pangunahing kalakal sa buhay ay tumataas na hindi maabot ng mga karaniwang tao. Mataas ang  tensyon at ang Diyos ay malapit nang gumawa ng isang bagay!  Ayon kay Marcos “Nang mga araw na iyon ay dumating si Hesus…” (b. 19). Ang malinaw na hangarin ng Diyos ay malapit nang ipahayag.

Dumating si Hesus kay Juan Bautista upang mabautismuhan. Pagkaahon sa tubig nabuksan ang kalangitan at bumaba sa kanya ang Espiritu. Pinagtibay ng Espiritu na ang Diyos ay naroon sa sandaling iyon.  Ang mga kamangha-mangha bang pangyayari na ito ay sa katuparan ng mga sinaunang pangyayari sa propesiya o ang salaysay ba na ito ay batay sa kung ano ang nais ni Marcos na malaman natin tungkol kay Hesus? Tatlong beses na malinaw na sinasabi ni Marcos sa atin kung sino si Hesus----ang Anak ng Diyos (bb. 1:11, 9:7, at 15:39). Ito ay isang mahalagang mensahe ng Ebanghelyo ni Marcos. Sa bautismo ni Hesus nakita natin ang kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos at ang paghihirap na hahantong sa krus. Ano ang kahulugan sa atin para maintindihan si Hesus ay ang Anak ng Diyos at sundin ang kanyang halimbawa ng pagsunod sa Diyos?

Pagkatapos ng kanyang bautismo siya ay pinapunta sa ilang kung saan siya ay tinukso ng apatnapung araw.  Pagkatapos dakpin si Juan  si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral “ang Mabuting Balita mula sa Diyos” (b.14). Si Hesus, na ipinahayag bilang  Anak ng Diyos, ay ang mabuting balita.

Sa gitna ng pakikibaka sa buhay at mga hirap na dala nito, ang Diyos sa anyo ni Hesus ay nagsasabi sa atin na may mabuting balita. Ang buhay ay maaring maging  mahirap at ang mga tao ay maaring mag-isip na walang pag-asa. “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos, magsisi kayo at maniwala sa mabuting balita” (b.15). Ang kaharian ay  bago.  Ito ay isang ibang paraan upang mabuhay. Narinig ng mga tao ang pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan (bautismo ni Juan). Dito sinasabi ni Hesus na ang presensya at paghahari ng Diyos ay naririto. Kumikilos ang Diyos at kailangan mong lumayo sa kung ano ang iyong ginagawa at maniwala sa katotohanang ito. Ang mga tao ay naghahanap ng mabuting balita at narito ito.

Para sa atin ngayon, ang mapayapang paghahari ng Diyos ay maaring maging isang katotohanan kung naniniwala tayo at kikilos patungo dito. Maari itong humiling ng sakripisyo (binabago ang ating mga prayoridad) mula sa atin, ngunit ang kaharian ay tumatawag. Panahon na upang ibahagi ang mabuting balita na ang kaharian ng Diyos ay maaring maging isang katotohanan ngayon. Upang maisagawa ito makibahagi tayo sa misyon ni Kristo. Paano mo aanyayahan ang mga tao sa isang ugnayan kay Kristo? Paano natin aalisin ang kahirapan at wawakasan ang di -kailangang pagdurusa? Paano tayo magsasanay ng mga alagad na maglingkod? Paano natin mararanasan ang ating kongregasyon sa misyon? Habang nakikita natin ang mga sagot sa mga katanungang ito at tumugon sa misyon ni Kristo, ang paghahari ng Diyos ay magiging totoo.  Malapit na ang Diyos.

Sa buong Ebanghelyo ni Marcos  ipinakita sa atin ang kahulugan ng pagsunod kay Hesus, ang Anak ng Diyos, ang Mesiyas. Ito ay humahantong sa paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay.  Hindi madali ang sumunod kay Hesus ngunit ang layunin ay mahalaga.

 


Pinakabuod

1.   Si Hesus ay ang anak ng Diyos. Ang minamahal ng Diyos, na ating susundin.

2.   Ang bautismo ni Hesus ay pinagtibay ang kanyang pagsunod na isuko ang kanyang kalooban sa Diyos.

 3.  Panahon na upang ibahagi ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos.

4.   Kinakailangan na tignan natin ang ating mga prayoridad kung ang paghahari ng Diyos ay maging katotohanan.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Ano ang kalagayan ng iyong pook? Ano ang pag-uusap na gusto mong marinig?

      2.   Anong pagkilos ang gagawin mo upang ipahayag si Hesus na Anak ng Diyos?

3.   Paano mo aanyayahan ang mga tao sa bautismo, na siyang babago sa mga tao sa pagiging mga alagad ni Hesus?

4.   Anong pagpapahayag ng kaharian ng Diyos ang sinimulan mong makita?

      5.   Ano ang iyong magagawa upang ang mapayapang kaharian ng Diyos maging isang    

            katotohahan sa iyong pook?

 


 


Ikalawang Linggo sa Mahal na Araw


MARCOS 8:31–38


Genesis 17:1-7, 15-16; Mga Awit 22:23-31;


Roma 4:13-25


 


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Nagsisimula ang pagbasa ngayon sa unang babala ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magdusa at mamatay. (Tignan din ang Marcos 9:30-32 at Marcos 10:33-34.) Ang maikling babala na ito ay laging nagtatapos sa katiyakan na siya ay mabubuhay muli (b.31).

Sa mga talata bago ang sinipi ngayon, ipinahayag ni Pedro na si Hesus ang Mesiyas. Sa wakas, naunawaan ng mga alagad kung sino si Hesus. Sa halip na papurihan si Pedro, inutos ni Hesus “na huwag sasabihin kaninuman kung sino siya”(b.30). Ang pahayag ni Pedro  ay tanda ng pagbabago. Iniwan ni Hesus ang kanyang paglilingkod sa Galilea upang maglakbay papunta sa Jerusalem, alam niya na ang mga nasa kapangyarihan ay tututulan siya.  Ang kapalaran ni Juan Bautista ay mahuhulaan. Si Hesus ay maaring pumili ng iba, at tumigil sa pangangaral sa isang saglit. Ngunit ipinagpatuloy niya ang mabuting balita at binalaan ang kanyang mga alagad sa darating niyang kamatayan

Si Pedro ay lubos sa pagtanggi at sinaway si Hesus. Para kay Hesus, mayroong lamang dalawang pananaw sa katotohanan: paraan ng Diyos at paraan ng tao.  Ang mga tao ay madalas nakatuon sa mapaghimala, kapangyarihan, at dominasyon. Ang pagtitiis sa paghihirap, sa halip na gamitan ng kapangyarihan upang maiwasan ito, ay isang kagulat-gulat at salungat na kaisipan. Narinig ni Jesus sa pagtutol ni Pedro ang isang alingawngaw sa tukso na kanyang nadaig sa ilang, kaya pinagsabihan niya si Pedro. “Umalis ka sa harapan ko” ay isang paraan lamang ng pagsasabi, “Lumayo ka!” Ang pagtawag kay Pedro na Satanas ay kinikilala ang tukso na tanggihan at iwasan ang paraan ng pagdurusa.

Si Hesus ay maingat sa kanyang pagtuturo upang magamit ang mahigpit na mga salita: “Kung ibig ninuman….,” Ang naghahangad na….,” Ang mga nais….” Ang mga tagapakinig ay maaring magpasya para sa kanilang sarili kung ang mahigpit na salita ay nalalapat. Dito muli, nakikita natin ang limitasyon ng kapangyarihan ni Hesus.  Wala siyang kapangyarihan na pilitin ang sinuman upang sumunod. Maari lamang siya mag-anyaya at ituro ang daan.  Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang tungkol sa kanyang pagdurusa at kamatayan, ngunit binalaan niya ang mga tao tungkul sa maaring resulta ng pagsunod sa kanya. Ito ay kasanayan para sa nahatulan  na dalhin ang kanilang krus sa lugar ng pagpapakuhan. Isinulat ni Marcos pagkatapos ang nakakahiyang pagpapapako ni Emperador Nero sa mga Kristiyano sa Roma, at ang mga tagapakinig ay nabubuhay sa ilalim ng panganib ng kamatayan. .

Lininaw ni Hesus na ang daan sa hinaharap ay isang paraan ng paghihirap at paglilingkod.  Ang kaluwalhatian ay nakalaan para sa panahon kung kailan ang  Anak ng Tao ay darating muli.  Ito ay hindi bahagi ng kasalukuyang kontrata; ngunit sa mundo ni Marcos, inaasahan ito sa lalong madaling panahon—habang buhay sa mambabasa.

Ang hula ng kamatayan ang nagbibigay tuon sa paghihirap, hindi ang muling pagkabuhay. Iyan ay naayon sa orihinal na pagtatapos ng Ebanghelyo ni Marcos, na mabilis at mahiwagang nakikipag-usap sa mensahe ng libingang walang laman. Ang pinakamatandang manuskrito na nagtatapos sa mga kababaihan na tahimik na umalis, natatakot na sabihin sa sinuman ang mabuting balita. Ang mga tagapakinig ay dapat magpasya kung sila ay, mananatiling tahimik at takot. O haharap ba sila sa maaring pagdurusa at kamatayan upang ipahayag ang mabuting balita?  

Ang pagbibigay diin ni Hesus sa paglilingkod ng isang lingkod ay isang tema sa buong Ebanghelyo ni Marcos. Naglilingkod si Hesus sa mga taong hindi makapagbibigay sa kanya ng kapalit.  Siya ay naglilingkod sa pamamagitan ng kanyang kapayapaan ng isip at lakas. Ang pagbibigay ng kanyang buhay para sa paghahari ng Diyos ay nagbibigay halimbawa para sundan ng iba. Ang buhay ay nagmumula sa Diyos. Maari nating piliin kung paano gugugulin ang buhay na iyon, ngunit wala tayong kapangyarihan na mawala o iligtas ito.  Iyan ay kapangyarihan ng Diyos.

 

Pinakabuod

1.      Ang pahayag ni Pedro na si Hesus  ang Mesiyas ang nagsara sa kanyang paglilingkod sa Galilea. Kaagad na sinimulan ni Hesus ang paglalakbay patungo sa Jerusalem at pagkapako sa krus.


2.      Itinalaga ni Hesus ang kanyang buhay sa pagpapahayag at pagpapakita sa kaharian ng Diyos. Ang pagkaalam sa kamatayan ay ang resulta, hindi siya tumalikod.


3.      May mga maaring negatibong resulta ng pagsunod kay Hesus, ngayon tulad noon. Ang mga tagasunod ay may palaging pagpipilian tungkol sa patuloy na pananampalataya o pag-urong sa takot.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


1.      Paano mo uunawain ang pagkamatatag  ng matibay na paghihirap at papawiin ito sa  pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan? 


2.      Paano mo gagamitin ang buhay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos---para sa mga layunin ng Diyos, o para sa kapakinabangan ng tao, katanyagan, o kapangyarihan?


3.      Ano ang mga uri ng panloloko, kahihiyan o pag-uusig ang naranasan mo dahil ikaw ay tagasunod ni Hesu-Kristo?


4.      Sino si Hesus sa iyo? Ano ang ibibigay mo o mananatili sa tunay na pagsunod? 


 


 


 


Ikatlong Linggo sa Mahal na Araw

Juan 2:13–22


Exodo 20:1-7; Mga Awit  19; I Corinto 1:18-25


 


Pagsasaliksik sa Bana na Kasulatan

Ang tagpo ay Jerusalem bago ang Paskwa ni Yahweh. Si Hesus ay dumalo sa pagdiriwang sa Jerusalem ngunit natagpuan niya ang kanyang  sarili na nagsasalita ng mga masasakit na mga salita na may galit ng mga pagkilos. Sa halip na ang karaniwang paglalakbay, ang paglalakbay ni Hesus ay kabilang ang mapropesiyang tinig at pagkilos na tumututok sa mga kawalang-katarungan.   

Itinuro ni Hesus ang kanyang masigasig na pag-atake (binanggit ni Juan na may panghagupit)  tungo sa pagsasagawa ng pagbebenta ng mga hayop sa paghahandog sa mga manlalakbay at pagpapalitan ng mga barya ng Roma na nagdala ng imahe ng emperador. Samatalang ang templo ay naihayag upang makamit ang mga layunin nito, ang masusing pagsusuri ay nagpahayag na ang mga tao ay nalimutan ang tungkulin nito.

Ang patyo ng templo ay nagmukhang tulad ng isang pamilihan. Ang mga pamilihan ay maiingay na pook. Ang mga hayop ay nagdadagdag ng mga ingay at amoy. Ang mga tao ay maingay na nakikipagkasundo sa pinakamahusay na presyo. Ang mga barya ay pabalik-balik sa pagitan ng bumibili at nagbebenta.  Wala sa mga ito ang sumusunod sa pang-unawa ni Hesus sa layunin ng templo.

Nakita ni Hesus na ang banal na pook ay hindi nagagamit sa magandang paraan at siya ay nainis. Ipignagtataob  niya ang mga hapag at lininis niya ang pook. Ang mga pamamaraan ng  mundo ay unti-unti ng sumasakop, marahil ay hindi sinasadya, naglilingkod sa ibang bagay maliban sa banal na layunin.  Iminumungkahi ng mga salita at gawa ni Hesus  na ang mga nagpapatakbo sa templo ay   sumasalungat sa layunin ng Diyos.

Nagsasalita si Hesus, ang kanyang mga salita ay hindi nauunawaan, at ibinigay ni Juan ang kinakailangang paglilinaw at sulyap sa kung ano ang maaring dumating. Nagbabala si Juan laban sa panganib ng pag-iisip na nauunawaan natin si Hesus. Kadalasan, ang “Hesus” na sa palagay nating nauunawaan  ay isang “Hesus” sa ating katha. Naging komportable tayo sa gayong pang-unawa.  Ngunit ano kung may mas higit pa sa kanyang mga salita kaysa kung ano ang naririnig natin, higit pa sa kanyang kalooban kaysa ginagawa natin?

Habang nagpapatuloy tayo sa ating paglalakbay sa Mahal na Araw, ito ay isang magandang panahon upang isaalang-alang kung naglilingkod ba tayo ng isang bagay maliban sa banal na layunin.  Marahil ay kailangan nating ibagsak ang mga lugar sa ating mga buhay na ginagamit natin bilang kalooban ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ay pinaglilingkuran ang sarili o nakatali sa kultura. Hindi nauunawaan ng mga naunang mga alagad  ang mga salita ni Hesus. Hindi pa nila alam ang kuwento ng krus at muling pagkabuhay. Paano tayo? Tayo ay may kaalaman kung ano ang darating. Maaari ba nating gamitin  ang kaalamang iyon upang makatulong na mabago at gawing muli  ang templo ng ating buhay?

 

Pinakabuod

Madalas nating itinutuon ang ating mga buhay sa paglilingkod sa sarili, mga prayoridad sa kultura sa halip na kalooban ng Diyos.

Ang Mahal na Araw ay nag-aalok ng isang pagkakataon upang muling suriin ang ating templo (banal na pook), ang tahanan ng Diyos sa loob natin, at gagawa ng mga pagbabago.

Tulad ng mga naunang mga alagad , maaring naging komportable tayo sa ating pang-unawa kay Hesus at sa kanyang misyon.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Ano ang ibig sabihin ang maging iglesya ni Hesu-Kristo?

Kung minsan  ang marahas na pag-uugali at mga salita ay kinakailangan. May maisip ka bang mga sitwasyon sa iyong pamayanan na kailangang linisin tulad ng paglinis ni Hesus sa templo?

Ano ang makikita ni Hesus kung lumakad siya sa ating kongregasyon sa Linggo? Gusto ba niyang itaob ang isang bagay?  

May maisip ka bang mga komportableng pag-uugali na maaring hindi tunay na kumatawan  sa misyon ni Kristo sa mundo?  Paano sila maaring mabago?

Kailan ang galit matuwid? Paano ito maiuugnay sa kawalang-katarungan?

 


 


 


Ikaapat na Linggo sa Mahal na Araw


Juan 3:14-21


Mga Bilang 21: 4-9; Mga Awit 107: 1-3, 17-22; Efeso 2: 1-10


 


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan…” ay isa sa pinakakilala at madalas ipinapahayag na teksto sa Bibliya. Pinatunayan ng ilang  pantas na ang Kristiyanismo ay hindi umiiral nang wala ang paniniwalang ito.

Ang pakikipag-usap ni Hesus sa isang marunong na Pariseo na nagngangalang Nicodemo (Juan 3:1-7) ay humahantong sa tandang ito ng dakilang pag-ibig ng Diyos. Ipinaalaala ni Hesus kay Nicodemo ang kuwento sa Bilang 21 tungkol sa mga makamandag na ahas na pumatay sa mga Israelitas.  Nagdasal si Moises para sa mga tao. Sinabi ng Diyos sa kanya na gumawa siya ng ahas na tanso, ilagay sa isang poste, itaas upang pangalagaan ang buhay ng mga tao  at sa huli magbibigay ng kaligtasan. Si Juan ay gumawa ng mahalagang ugnayan kay Hesus. Tulad ng pagtaas ni Moises sa ahas na tanso “gayon din ang Anak ng Tao” na maitaas sa krus para sa kaligtasan  at buhay na walang hanggan sa mga maniniwala. Upang maisagawa ang kanyang misyon si Hesus ay dapat sa pamamagitan ng banal na pangangailangan, pinili ang kamatayan sa krus upang mailigtas ang mga tao.  

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo ang dahilan ng kanyang kamatayan ay “upang ang bawat isa na maniniwala sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang pagkakatawang tao ay ang batayan ng teolohiya ni Juan.  Ang pagkakatawang tao ay nangangahulugan na sa pamamagitan ni Hesus “ ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling natin” (Juan 1:4).  Upang maligtas, ang mga tao ay dapat maniwala sa Diyos at kay Hesu-Kristo. Ang  paniniwala ay mahalaga kay Juan na nailarawan  sa kanyang paggamit ng pandiwa na “maniwala,” na matatagpuan ng 99 na beses sa ebanghelyo ni Juan. Ang paniniwala o pagtitiwala sa Diyos ay humahantong sa buhay na walang hanggan.

Upang maunawaan ang buhay na walang hanggan dapat malaman ang tungkol sa pang-unawang Hudyo ng tatlong beses o kapanahunan: ang panahon bago ang paglikha, ang kasalukuyang panahon, at ang panahon na darating. Ang panahon na darating ay magsisimula sa pagdating ng Mesiyas, o Hesu-Kristo at walang katapusan.

Para kay Juan, ang paniniwala sa Diyos at kay Hesus ay nangangahulugan ng pagbibigay ng walang pasubaling pagtitiwala o pananampalataya sa Diyos at kay Hesus. Ang paggawa nito ay masiguro ang mas mabuting buhay para sa mananampalataya dahil sinabi ni Hesus, “ Naparito ako upang magkaroon sila ng buhay, isang buhay na ganap at kasiya-siya” (Juan 10:10). Ang katangian ng buhay para sa mananampalataya ay mas mataas at mas kasiya-siya  sapagkat ang Diyos ay walang pasubaling  “inibig ang mundo” o lahat ng tao sa mundo—ang mabuti at masama,  makatarungan at di-makatarungan, kagiliw-giliw at hindi kanais-nais. Ang walang pasubaling pagmamahal ay katangian ng Diyos na naipahayag sa buhay ni Hesus na nagmamahal sa lahat ng tao. Ipinahayag ng buhay ni Hesus ang ganap na pagpapala at pagkamapagkaloob ng Diyos.  Ang Diyos ay bukas-palad na pagmamahal.

Hindi lamang iniibig ng Diyos ang bawat isa, ngunit ibinigay ng Diyos ang Anak bilang isang mabuting kaloob sa lahat ng tao. Sa pagbibigay sa kanyang Anak, nais ng Diyos “na ang mundo ay maligtas sa pamamagitan niya”(b.17). Ang pag-ibig ng Diyos kay Hesu-Kristo ay masigla, nagpapanumbalik, at patuloy na maging masigla sa buhay ng mga mananampalataya.  

Ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus ay nagdadala ng kaligtasan sa halip na paghatol o pagtuligsa.  Lininaw ni Juan na ang kaligtasan ay nagmumula sa pananampalataya o paniniwala. Ang mga naniniwala ay hindi hinahatulan.

Gayunpaman, ang mga hindi naniniwala, ay nahatulan na. Gumamit si Juan ng pangkasalukuyang pandiwa upang ipakita na siya ay nagsasalita sa kasalukuyang katotohanan. Para sa mga hindi naniniwala at nagtitiwala sa Diyos at kay Hesus ang kanilang buhay ay mas mahirap sapagkat wala sa kanila ang kapayapaan ni Kristo upang sumama sa kanila sa mahirap na mga panahon gayon din sa mabuting mga panahon.

Ang mga taong nabubuhay sa permanenting kalagayan ng kawalang paniniwala sa Diyos at kay Hesus ay nakaramdam ng paghatol o nabubuhay sa kadiliman kaysa sa liwanag. Ang tinutukoy ni Juan ay ang sariling pagpapasya o kadiliman na pinili ng mga tao kapag hindi sila naniniwala. Ang pagpili ng kadiliman sa halip na ang liwanag ay ang mabuhay sa labas ng pag-ibig ng Diyos, na malayang inaalok. Ang mga taong pipili na maniwala sa katotohanan ni Hesus ay katulad ni Hesus “ upang maihayag na ang kanyang ginagawaý pagsunod sa Diyos” (b.21). Ang mga mananampalataya ay nabubuhay “bukas-palad na ibahagi ang paanyaya, mga paglilingkod, at mga sakramento kung saan makatagpo ng mga tao ang Buhay na Kristo na  nagpapagaling at nakikipagkasundo sa pamamagitan ng mapanubos na ugnayan sa banal na pamayanan” (Doktrina at mga Tipan Seksyon 163:2b).

 

Pinakabuod

1.      Ang katangian ng Diyos ng walang pasubaling pagmamahal ay naihayag sa buhay ni Hesu-Kristo.


2.      Ang pagtanggap sa  pag-ibig ng Diyos ay nagdadala ng kaligtasan sa buhay na ito sa halip na paghatol o pagtuligsa.


3.      Ang paniniwala kay Hesu-Kristo, ang katawang tao ng Diyos, ay pinangungunahan ang mananampalataya na ibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa iba.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Naniniwala ka ba “ Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”?

Ano ang nagawang kakaiba ng paniniwalang ito  sa iyong buhay at sa iyong paglilingkod?

Paano mo at ang iyong kongregasyon ipinapakita kung ano ang pinakamahalaga sa Diyos  at Hesu- Kristo?

Kung ikaw o ang iyong kongregasyon ay nagmamahal ng walang pasubali tulad ng Diyos at Hesu-Kristo, anong kakaiba ang ginagawa mo sa iyong mga kapitbahayan at mga lungsod?


5.       


Ika- Limang Linggo sa Mahal na Araw


John 12:20–33


Jeremias 31:31-34; Mga Awit 51:1-2;


Hebreo 5:5-10


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ito ay ang pagdiriwang ng Pista ng Paskwa. Bago pa lang ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, binuhay niya si Lazaro mula sa mga patay at tinanggap niya ang mamahaling pabangong binuhos ni Maria. Mga Griyego, mga alagad, mga tagasuporta, mga kritiko, at mga taong laban sa kanya ay ang mga nakapaligid sa kanya. Ang “oras” ng kanyang kamatayan ay palapit na.

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad kung ano ang mangyayari. Ibig niyang maunawaan nila ang kanyang layunin,  kanyang misyon, at kung ano ang kahulugan nito ---na ito ay isang gawa ng pag-ibig at pinakahuling sandali ng kanyang buhay. Nagsasalita siya  nang may pagkabalisa, gayunpaman ang kaibhan sa ibang mga salaysay ng ebanhelyo, ay ipinapahayag niya na hindi niya hihilingin na siya ay maligtas. “…. Ito ang dahilan kung bakit ako naparito…” 

Natutunan natin ang dalawang kaisipan sa sagutang ito. Una, binibigyang kahulugan ng iba ang pagkilos ni Hesus sa krus bilang isang kabayarang alay ng walang salang dugo na kinakailangan ng isang Diyos na humihiling ng katubusan para sa katarungan. Gayunman sa marami, ang pagpapakahulugan na iyon ay hindi naayon sa likas na katangian ng Diyos na inihayag sa buhay at paglilingkod ni Hesus. Ang Diyos na ihinayag kay Hesus ay isang walang hanggang pag-ibig at biyaya, nakapagpapagaling na awa at kapayapaan. Ang pagkilos ng Diyos sa mapagmahal na pagpapagaling ay umaabot sa pamamagitan ni Hesu-Kristo upang maipagkasundo ang lahat ng nilalang sa Diyos. Hindi sa galit,  kundi sa likas na walang pag-iimbot na pagmamahal.

Ikalawa, sa pamamagitan ng kanyang kilos, itinuro ni Hesus ang makapangyarihang huwaran ng buhay bilang isang alagad at kung ano ang kinakailangan upang sumunod sa paraan ni Kristo. “Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, itoý mamumunga nang marami.” Gamit ang pamilyar na larawan ng agrikultura, si Hesus ay nagsasalita mula sa puso ng  mapagtiis na pag-ibig, namamatay na sarili, pagbabago, at bagong buhay. Ito ay hindi kinakailangang paghihirap, ngunit paghihirap alang-alang  sa iba para sa pagmamahal na nagpapakita ng larawan ng Diyos na nakikita sa mukha ni Kristo. Sa paraang ito, maari tayong manindigan ng matatag sa mga taong hindi kinakailangang maghirap dahil sa kahirapan at iba pang mga uri ng walang katarungang pamamalakad.

Tinutukoy ni Hesus ang pagkakaiba sa pagitan ng isang malalim na ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa sarili, na nasaktan sa pamamaraan ng mundo. Ang una ay isinasalaysay ang pagkaugnay-ugnay ng lahat ng nilalang sa pamamagitan ng pagbibigay- buhay, nakapagpapabagong gawain ng pag-ibig,  pinapalakas ang bawat kasapi ng lahat. Ang pangalawa ay nakatuon sa mga sistema ng mundo ng kapangyarihan  sa iba, isang bumagsak na mundo ng mga nanalo at natalo, na sa kalaunan ay sinakal ang buhay at hawak ang mundo na bihag sa kawalang katarungang sistema na puno ng kahirapan, karahasan, takot at  “kaisipan” ng lahat ng uri. 

Ganito ang pangwakas na kamatayan, sa kaibahan sa kamatayan na magdadala sa bagong buhay. “Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan.”  Ipinahayag ni Hesus ang likas na katangian at layunin ng Diyos sa ating mundo.  Nagbigay si Hesus ng matinding komentaryo sa pag-aabuso ng kapangyarihan at humantong sa kawalang ugnayan mula sa mapagmahal na Diyos na nagnanais na ilapit ang mundo sa  malawak na mapagpabagong pagmamahal.

Ipinaliwanag ni Hesus na ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan niya ay alang-alang sa sanlibutan. Ito ay para sa lahat ng mga bansa at mga tao sa Lupa, na kinakatawan ng presensya ng mga Griyego sa karamihan ng mga tao pati na rin ang salitang kanyang ibinabahagi.  “ Ipinaparinig ang tinig na ito dahil sa inyo, hindi dahil sa akin…At kung ako ay maitataas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao” (b.30,32).

Habang tayo ay mamatay at sumusunod kay Hesus na walang pasubali hanggang sa krus,  inilalarawan natin ang katangian at pag-ibig ni Hesu-Kristo. Sa kanya, maiisip natin ang pagbabago,  pagpapagaling, at pagkakasundo ng sangkatauhan.  Ang labis na pagmamahal ay nakakaapekto sa  bawat ugnayan, habang tayo ay naging iisa sa pamayanan at iisa kay Kristo. 

 


Pinakabuod

Sa pamamagitan ng walang pag-iimbot na gawa ni Hesu-Kristo, nakikita at nararanasan natin ang labis na katangian ng pagmamahal ng Diyos at nais na magdala ng pagpapagaling at pagkakasundo sa lahat ng sangkatauhan.

Ang pagsunod kay Hesus sa buong buhay natin ay nagangahulugan ng pagpapaubaya sa sarili.

Ang pagsunod kay Hesus ng buong buhay ay nangangahulugan ng pagpapaubaya sa sarili at pagmamahal sa Diyos at sa iba ng walang pasubali.  

Sa pamamagitan ni Hesus, ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos at biyaya ay  inaanyayahan ang lahat sa grupo ng kapayapaan at pagkakasundo.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano mo naranasan o ang iyong kongregasyon ang mapagtiis na pag-ibig, mamatay sa sarili, pagbabago, at bagong buhay?

Paano tayo binihag ng “pamamaraan ng mundo” at dinala sa “kamatayan” isa-isa at sama-sama?

Paano tayo (mga alagad, mga kongregasyon, Community of Christ) magiging halimbawa ng mapagtiis na pagmamahal na magbubunga, na magdadala ng pagbabago at bagong buhay?


4.       


Linggo ng Palaspas


Marcos 11:1–11


Mga Awit 118:1-2; 19-29


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang pagbubunyi ni Pedro kay Hesus bilang ang Mesiyas sa Marcos 8:29 ay isang punto ng pagbabago sa kanyang kuwento ng Ebanghelyo. Dalawang pagbabago ang nagyari: 1) Nagsimulang sabihin ni Hesus sa kanyang mga alagad  ang tungkol sa kanyang darating na  kamatayan, at 2) sinimulan niya ang paglalakbay patungo sa Jerusalem na magtatapos sa pagkapako sa krus. Ang sinipi ngayon ay salaysay ni Marcos sa pagdating at pagpasok ni Hesus sa Jerusalem. 

Ipinapahayag ng Zacarias 14:4 na sa araw ng Panginoon, “ang kanyang mga paa ay tatayo sa Bundok ng mga Olibo.” Tiyak ang pagbanggit ni Marcos sa Bundok ng mga Olibo, nagbabalangkas sa pagpasok bilang isang pagpapahayag sa mahabang panahon na paghihintay sa araw ng Panginoon.  Isinaayos nang maaga si Hesus para sa kanyang pagpasok, kasama ang mga tagasuporta na hindi alam ng kanyang mga alagad. Tulad ng ibang bahagi ng Ebanghelyong ito, sila ay walang malay; ngunit sinusunod ang mga tagubilin ni Hesus. Sa gitna ng nagbabantang kapaligiran may mga  tagasunod si Hesus na naghanda ng batang asno at lininis ang daan para sa kanyang pagpasok.

Ipinakita ni Hesus ang kanyang pagdating bilang isang kapansin-pansing talinghaga para sa Mesiyas na siya ay magiging. Ang mga tao ay may iba’t-ibang inaasahan sa Mesiyas.  Walang tumugma sa pang-unawa ni Hesus, at lahat ay isang banta sa kapangyarihan. Kung ang Mesiyas ay dumating bilang isang mandirigmang hari, tulad ni David, ito ay isang banta sa awtoridad ng Roma. Kung ang Mesiyas ay isang sinaunang propeta, tulad ni Elias, banta nito ang  kapangyarihan ng mga awtoridad sa templo na magsalita para sa Diyos. Kung ang Mesiyas ay isang dakilang pari, na lilinisin ang relihiyon at magtatakda ng bagong pamantayan ng pagkamakatarungan, nagbabanta ito sa mga awtoridad ng templo at mga Pariseo.

Sumakay si Hesus  sa asno papasok sa Jerusalem upang magdala ng mensahe ng pagpapakumbaba at kapayapaan. Hindi siya sumakay sa kabayo, na simbolo ng digmaan, pribilehiyo, at  kapangyarihan. Hindi niya binigyan ang mga Romano ng dahilan upang arestuhin siya. Nagpapakita siya  ng isang mapayapang kaharian, sa pagkakaisa sa mahihina at inaapi. Sa sitwasyong ito lamang, ang mga pinuno ng Israel ang mga nang-aapi sa kanilang mga tao, ay natakot sa kanya.

Sa wakas naunawaan ng mga alagad na si Hesus ay ang Mesiyas, ngunit hindi nila alam kung ano ang kahulugan nito. Ang pagpapahayag ni Hesus sa isang napakahalagang paghahari ng Diyos ay binago ang  pag-asa  ng mga pagsubok sa ngayon ng katuparan.  Ngunit mukhang naiiba mula sa kanilang mga inaasahan na hindi sila maaring tumugon nang maayos sa katotohanan.  Naglagay sila ng balabal at mga sanga ng  kahoy sa daan, isang kaugalian na nakalaan para sa hari (2 Mga Hari 9:13 ). Ang sigaw, na “hosanna,” ay nangangahulugan ng “ O iligtas mo kami!” Ang sigaw ng pagpupuri na ito mula sa Mga Awit 118:25-26, ay ginamit sa maharlikang prusisyon upang ipahayag ang pag-asa ng pagpapalaya sa labanan. Ang mga tao ay naghahanap ng digmaan hindi kapayapaan---paghahatol, hindi biyaya. Inihayag nila ang pagdating ng paghahari ni David, hindi ang Diyos. Katahimikan ang tanging tugon ni Hesus.  Ang  pagpasok niya sa Jerusalem ay matagumpay lamang sa tingin ng kanyang  mga tagasunod at mga tao.

Iniharap ni Hesus ang mga tao ng mapagpipilian . Susupurtahan ba siya sa isang alternatibong mapayapang kaharian ng Diyos? O tatanggihan ba nila  ang kanyang mensahe ng kapayapaan at pagbabago? Para kay Hesus, ang pagsakay ay maaring nakakabigo.

Nang nasa loob na ng lungsod, tumuloy kaagad si Hesus sa templo at tinignan ang kapaligiran. Hindi katulad ng salaysay sa Mateo at Lucas,  hindi kumilos si Hesus laban sa mga negosyo sa gabing iyon. Gumawa lamang siya ng puna at bumalik sa Betania upang magpalipas ng gabi.  Ang kanyang pagkilos sa sumunod na araw ay pagkatapos ng isang gabi ng pag-iisip. 

 


Pinakabuod

1.      Ang pagtaas na popularidad ni Hesus ay nakikita bilang isang banta sa mga hanay ng mga pinunong panrelihiyon sa kanyang panahon.


2.      Ipinakita ni Hesus ang kanyang pagpasok bilang pagpapakita ng kababaang-loob at paglilingkod, hindi maharlikang prebilihiyo at lakas militar.


3.      Inaasahan ng mga tao ang isang haring mandirigma na magliligtas sa kanila sa pang-aapi. Tumanggi silang tanggapin ang mga sagisag na kanyang pinilli.


4.      Ang kanyang pagpasok sa Jerusalem ay matagumpay lamang sa paningin ng mga tao. Ang tahimik na karangalan ay nakikilala sa nakatagong kamaharlikahan sa tahimik na haring ito.


5.      Dapat tayong lumampas sa “hosanna” at mapusok na pagpapahayag upang mabatid kung saan kumikilos ang Diyos sa mundo at pagkatapos sumunod.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Kailan nalimutan o hindi- naisakatuparan ang iyong inaasahan kay Hesu- Kristo?

Paano ang mga tao at mga kongregasyon mahusay na sinasalamin ang kababaang loob at kapayapaan  na nilayon ni Hesus sa kanyang pagpasok sa Jerusalem?

Ngayon ay ang araw ng pagkilos at katuparan.  Paano mo nanaising manirahan sa kaginhawaan sa “ibang panahon”?

Saan mo nakikita ang Diyos sa mundo na kumikilos upang dalhin ang kaharian?


 


Linggo ng Pagdurusa


Marcos 14:1—15:47


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang tekstong ito ay hindi ang tradisyunal na kuwento ng huling pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kasama ang maraming tao na sumisigaw ng “Haleluyah!” Sa halip, dadalhin tayo ng banal na kasulatan sa puso ng Linggo ng Pagdurusa , na kalaunan naghatid kay Hesus at ang kanyang krus sa daan na kilala bilang Via Dolorosa.

               Ang Via Dolorosa ay isang ruta na sumusunod sa landas ni Jesus patungo sa Jerusalem hanggang sa kanyang pagkapako sa krus. Magsisimula ito sa lugar kung saan siya ay hinatulan ni Pilato at nagtapos sa libingan ni Kristo sa Simbahan ng Banal na Sepulcher. Ang paglalakad na ito ng 2,000 talampakan sa pamamagitan ng mga paikot na kalye ng Lumang Jerusalem ay isang makasaysayang paglalakbay para sa mga Kristiyano. Ngayon, kung lalakad ka nito makikita mo ang 14 na debosyonal na istasyon  na malinaw na nakasulat sa mga dingding, lima sa mga ito sa loob ng Banal na Sepulcher. Ang ruta na ito ay nasa lugar mula pa noong ika-18 siglo. Gayunpaman, ang isang madre na Espanyol sa simbahan ng Byzantine ay unang nagtala ng paglalakbay ni Hesus patungong krus noong ika-apat na siglo. Ang mga dako sa ruta ay nagbago sa mga siglo at naging paksa ng maraming debate tungkol sa kung saan magsisimula at alin ang tigilan upang maisama.


               Habang maiugnay natin ang isang tunay na Via Dolorosa na naglalarawan ng pisikal na paglalakbay ni Hesus sa krus  sa teksto ngayon, isang espiritwal na Via Dolorosa (Latin para sa "Daan ng Kalungkutan") ang mag-uugnay sa atin sa siniping ito. Ang mga kabanata 14 at 15 sa Marcos ay ang puso ng Ebanghelyo. Ang lahat ay nangunguna sa puntong ito at higit pa. Ito ang pinakamaikling Ebanghelyo, at ang may-akda ay kilala dahil sa kanyang kakulangan ng detalye. Mayroon itong dalawang mahabang kabanata na naglalarawan sa paglalakbay ni Hesus sa krus. Ang mga salaysay na ito ay susi upang maunawaan kung sino si Hesus.


               Ang tanyag na karanasan ng Linggo ng Palaspas ay mabilis na naging paglalakbay ng pagdurusa at pagdalamhati na hinarap ni Hesus sa Linggo ng Pagdurusa. Ang Via Dolorosa ay isang daan na pinili ni Hesus na maglakad nang ipahayag niya ang kanyang misyon. Pinili niya ang isang paraan ng pagdurusa dahil pinili niyang magmahal tulad ng pagmamahal ng Diyos. Pinili niyang maging mahina upang magsalita at mabuhay sa katarungan at kapayapaan ng Diyos para sa kapakanan ng lahat.


               Ang kuwento ng pagdurusa, bilang hindi komportable, ay hindi bahagi ng buhay ni Hesus na maaari nating pansinin. Inilalapit tayo ng mas malalim sa kuwentong dapat tayong mabuhay. Ito ay kuwento ng isang taong nagmamahal tulad ng pagmamahal ng Diyos. Ito ay isang kuwento na nagpapalawak ng katarungan at pagpapala ng Diyos sa buhay ng mga nasira at nawala. Kung ito ang ating kuwento, nangangahulugang tayo, ay maaari ring magdusa at magdalamhati para sa kapwa. Ngunit ang kuwento ng pagdurusa ay hindi nagtatapos sa pagdurusa at kalungkutan. Ang kuwento ay dinadala tayo sa wakas sa kamalayan ng pag-asa, kagalakan, pagpapagaling, at buhay na walang hanggan — lahat ay posible sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay.


               Habang nagbabasa at nagmumuni-muni tayo sa paglalakbay ni Hesus sa krus, marami tayong magagawa higit pa sa pag-alala lamang  ng kuwento. Nakikipag-ugnay tayo kay Hesus at ang kanyang katapangan upang harapin ang kanyang kapalaran,  na alam na ang Diyos ay kasama niya. Ito ang kanyang tungkulin, ang kanyang misyon. Tayo rin, ay maaaring magkaroon ng lakas ng loob na harapin bawat araw, na alam natin na ang Diyos ay kasama natin, naglalakbay sa Via Dolorosa. Ang mabuting balita para sa ngayon ay ang Via Dolorosa ay hindi magtatapos sa pagdurusa. Nagtatapos ito sa kagalakan, pagpapagaling, at buhay na walang hanggan.


 


Pinakabuod

 


     1.Hindi natin maiwalang bahala ang kuwento ng pagdurusa ni Cristo.   


            Ito  ang susi sa pag-unawa kung sino si Hesus at kung sino tayo         


            bilang mga alagad ni Hesus.


2.      Pinili ni Jesus ang paraan ng pagdurusa nang pinili niyang magmahal   


tulad ng pagmamahal ng Diyos, upang magsalita at mabuhay sa katarungan at kapayapaan ng Diyos para sa lahat.


3.      Ang Diyos ay kasama ni Hesus sa Via Dolorosa, at ang Diyos ay    


kasama natin kapag tayo ay nagdurusa at nagdadalamhati.


4.      Ang kuwento ng pagdurusa ay hindi nagtatapos sa pagdurusa at    


kalungkutan. Dinadala tayo sa wakas ng kuwento sa kamalayan ng pag-asa, kagalakan, pagpapagaling, at buhay na walang hanggan na nagawa sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay.


 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kung titingnan mo ang iyong tungkulin bilang isang indibidwal, pamilya, o kongregasyon, anong pagdurusa ang naranasan mo sa daan? Paano mo nakita ang presensya ng Diyos sa iyo?

      2. Habang nangangaral ka sa Via Dolorosa, ano ang mga paraan na   


          matutulungan mo ang kongregasyon na makiugnay sa paglalakbay ni Hesus    


          sa krus?


3.Habang naglalakbay ka sa Mahal na Araw nitong huling pitong linggo,  


paano lumalim ang iyong espirituwal na buhay? Natagpuan mo ba si Hesus sa mga bagong paraan? Nakakuha ka ba ng espirituwal na pananaw na bumago sa iyo o kung paano mo nakikita ang iba at ang mundo sa paligid mo?



 


Huwebes Santo


JUAN 13:1–17, 31b–35


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang pamilyar na teksto na ito ay paborito kapag nangangaral sa paksa ng pagpapakumbaba at paglilingkod. Ang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng mga alagad ay nagpapakita ng kung paano siya namuhay araw-araw sa paglilingkod sa iba, pagbibigay ng sarili, pagtugon sa mga pangangailangan ng lahat. Ito ang ebanghelyo na kumikilos. Ang pag-amin lamang na dapat tayong mabuhay sa ganoong paraan ay isang mahalagang mensahe upang maibahagi lagi sa iba. Gayunpaman, kung gugugol tayo ng kaunting oras upang matuklasan ang kalaliman ng siniping ito ng banal na kasulatan, makakahanap tayo ng higit  na pag-unawa sa mensahe at buhay ni Hesus.


               Ang isang mahalagang katanungan na tatanungin kapag  nag-aaral ng isang sinipi sa banal na kasulatan ay, "Paano maiintindihan ito ng mga orihinal na mambabasa o mga tagapakinig?" Ilagay ito sa ibang pananalita, "Kung nakikinig ako ng una o ikalawang siglo na pandinig, paano ko maririnig na naiiba ang tekstong ito? "


               Ang isang paraan upang gawin ito ay upang suriin ang teksto tulad ng nasulat sa Griyego. Kapag titingnan natin ang partikular na bahagi kung saan hinugasan ni Hesus ang mga paa ng mga alagad, at suriin ang mga salitang Griyego, ang sinipi ay  may mas malalim na kahulugan. Sinasabi sa atin ng sinipi na si Hesus ay, "kinuha ang kanyang panlabas na balabal" (v. 4) bago hinugasan ang kanilang mga paa. Ang salitang Griyego ay maaari ding nangangahulugang "Ibigay ang buhay ng isang tao." Ang sinipi pa ay nagsasabi na nang hinugasan ni Hesus ang kanilang mga paa, pinahiran niya ng tuwalya. Ang salitang ginamit ng may-akda para sa pagpahid ay nangangahulugang "pahid," ang sagradong gawa ng paggamit ng langis bilang isang simbolo ng presensya ng Diyos, isang gawa ng pagpapabanal.


               Ang orihinal na tagapakinig o mambabasa ng siniping ito ay maaaring inilarawan si Hesus na tumayo at naghubad ng kanyang balabal, hinugasan ang mga paa ng mga alagad at pagkatapos ay pinatuyo ito ng isang tuwalya. Ngunit, maaari rin silang magkaroon ng iba pang mga imahe sa kanilang isipan, kung naiintindihan nila ang dobleng kahulugan ng mga salitang naglalarawan kung paano tumayo si Hesus, ibinigay ang kanyang buhay para sa mga alagad, hinugasan ang kanilang mga paa at pinahiran sila - pagpapabanal at dalhin sila sa presensya ng Diyos. Ang pag-unawa na ito ay nagdadala ng isang magandang sinipi tungkol sa paglilingkod at lalo pang pinalalalim ang ating pag-unawa sa kahulugan ng pagiging isang lingkod sa iba. Ang simpleng gawa ng mapagpakumbabang paghuhugas ng mga paa ay naging isang mensahe ng pagbibigay ng buhay para sa isa pa, upang maunawaan ang pag-ibig at biyaya ng Diyos. Ilang sandali matapos ang salo-salo, ipinakita ito ni Hesus nang mas malinaw, habang naglalakad siya sa krus bilang pangwakas na pagpapahayag ng pagpapala ng Diyos para sa lahat.


               Ang maliit na bahagi ng mas mahabang sinipi, ay ipinapahayag ang mensahe na ibinahagi ni Hesus. Hindi natin malilimutan ang pagtatapos ng sinipi nang hinamon ni Hesus ang kanyang mga alagad (noon at ngayon) upang mabuhay ang mensaheng ito. Nagbibigay siya ng isang bagong utos na kakailanganin ng mga alagad na "ibigin ang bawat isa. Tulad ng pag-ibig ko sa inyo ”(b. 34). Ipinakita ni Hesus ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng paghuhugas sa mga paa ng mga alagad. Hiniling niya ngayon sa kanyang mga alagad na ipahayag ang parehong pag-unawa sa iba. Ganito kung paano malalaman ng lahat na sila ay mga alagad ni HesuKristo - sa pamamagitan ng kanilang  paglilingkod.


               Ang salitang Maundy ay nag-ugat  sa salitang Latin, mandatum, na mayroong maraming kahulugan kasama ang mandato, tagubilin, utos, at patakaran. Ang pangalan para sa Mahal na Araw Huwebes ay batay sa bagong utos na ibinahagi ni Hesus sa salusalo ng Paskuwa ni Yahweh.


 


“Pinakabuod

1.   Ang paglilingkod na kumikilos ay ang tawag ng alagad.

2.     Ang buhay ni Hesus ay isang mapagpakumbabang paglilingkod sa iba.

3.     Ang Huwebes ng Mahal na Araw ay tinatawag na “Maundy” (mandato, tagubilin), na tumutukoy sa bagong utos, Ibigin ang isa’t-isa. Tulad ng pag-ibig ko sa inyo.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

   1. Gaano tayo kahanda na “Ibigin sa isa't isa. Tulad ng pag-ibig  ko sa inyo ”?


   2. Makilala ba tayo ng iba bilang mga  alagad ni Hesus sa ating mga  kilos?


   3. Paano mo "huhugasan ang mga paa ng isa pa" sa mundo ngayon?


   4. Ang mga kongregasyon ay madalas na nagsalo-salo sa pagkain. Ano ang  mga  


       pagkakatulad sa pagitan ng mga pagkaing ito at Huling Hapunan?


5.      Isipin ang mga nagpapakita ng mapagpakumbabang paglilingkod. Ano ang mga katangian ng kanilang paglilingkod?



 


Biyernes Santo


JUAN 18:1—19:42


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang Ebanghelyo ni Juan ay nagpapakita ng pagdurusa ni Hesus mula sa kanyang pagkadakip, pagtatanong sa harap ni Anas, ang pagtatwa ni Pedro, at ang paglilitis sa harap ni Pilato, hanggang sa pagkamatay at paglibing kay Hesus. Maraming mga detalye na matatagpuan sa mga salaysay ni Mateo, Marcos, at Lucas na wala sa Juan: Simon ng Cerene, panalangin ni Hesus ng kapatawaran, pagsisisi ng "mabuting magnanakaw," maraming mga kasabihan mula sa krus, tabing ng santwaryo, at Senturyon. Ang pangkalahatang tema ay na si Hesus ay ganap na namamahala sa kanyang buhay at ang kanyang kamatayan. Ang Kristo ni Juan ay hindi nagtiis sa paghihirap. Hindi siya nakikibaka sa Getsemani o sumisigaw sa krus. Tinanggap niya ang kamatayan bilang kalooban ng Diyos at isang paraan upang ibalik sa Diyos ang tagumpay.


               Sa buong salaysay, pinamamahalaan ni Hesus ang pagkilos. Napaurong at nabuwal sa lupa ang mga dumadakip sa kanya (Juan 18: 6). Ipinakahulugan niya ang mga tanong sa kanyang paglilitis. Itinanggi niya ang pag-angkin ni Pilato ng kapangyarihan sa kanya (19:11). Binigyang diin ni Juan na namatay si Hesus, na walang tulong ng tao.


               Sa paglilitis ni Hesus, pinilit ng mga pinuno ng mga Hudyo si Pilato na ipahayag ang parusang kamatayan kay Hesus. Nang hinamon ng mga pinuno ang tungkol sa inskripsiyon, binaligtad ni Pilato ang kanilang plano sa pamamagitan ng pagpapatunay na ang akusasyong kanilang isinampa laban kay Hesus. Sa gayon ipinagtapat niya sa publiko ang kapangyarihan ni Hesus, habang ang mga punong saserdote ay patuloy na tinatanggihan ito.


               Inilarawan nang detalyado ni Juan kung paano pinaghati-hatian ng mga sundalo ang kasuotan ni Hesus at nagsapalaran para sa walang tahi na tunika. Sa pamamagitan ng pagbanggit sa Awit 22:18, ipinapahiwatig ng ebanghelista ang mga sundalo na nagpako sa krus kay Hesus na tinupad ang hula. Ang ilang mga pantas ay nagmumungkahi ng diin ni Juan sa pagpapanatili sa walang tahi na tunika na simbolo ng pagkakaisa ng mga tagasunod ni Hesus. Hindi masisira ng mga sundalo ang kung ano ang kay Hesus.


               Sa krus, si Hesus ay napapaligiran ng mga sundalo, pinuno ng mga Hudyo, at isang matapat na pamayanan ng mga kaibigan, tagasunod, at kanyang ina. Mula sa kanila ay bumubuo siya ng isang bagong pamilya na mag-aalaga sa isa't isa. Sa wakas, ipinahayag niya na ang lahat ay natapos na - ang kanyang pagpapahayag ng kaharian, ang kanyang paglalakbay bilang Anak ng Diyos, ang bagong ugnayan ng pananampalataya sa pagitan ng kanyang pisikal na pamilya at pamayanan ng alagad. Ang wikang panalanging matatagpuan sa Awit 69:21 tungkol sa pagkauhaw, maiintindihan ngayon tulad ng ipinahayag sa Juan 18:11, "... Hindi ba ako iinom sa saro na ibinigay sa akin ng Ama?" Hindi lamang uminom si Hesus sa saro, siya patuloy na nauuhaw dito, umiinom hanggang ang lahat ng hinihiling sa kanya ay nakumpleto.


               "Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga" (19: 30b). Kahit sa kamatayan, si Hesus ang namamahala. Walang nakakakuha ng kanyang espiritu mula sa kanya. Siya lamang ang magbabalik nito sa Diyos.


               Mula una hanggang sa huli, sa buhay at kamatayan, si Hesus ang nagpapakilos at tagapamahala ng parehong kasalukuyan at hinaharap. "Iniaalay ko ang aking buhay ... upang ito ay kunin kong muli" (Juan 10: 17–18). Sa Ebanghelyo ni Juan, si Hesus ay nagwagi, nagtagumpay sa sakit at kamatayan, na tinutupad ang kanyang itinalagang katungkulan  ng Mesiyas habang siya ang gumawa sa kanyang sariling wakas.


               Paano natin maiintindihan ang kahulugan ng kanyang kamatayan? Alam nating ipinahayag at inihalimbawa ni Hesus ang kaharian ng Diyos, isang kaharian ng pagpapala at pagkahabag sa lahat. Maiiwasan niya ang kamatayan. Ang kailangan lang niyang gawin ay tanggihan ang kaharian at sumabay sa kaayusang panlipunan ng panahon. Sa halip, ipinakita niya ang kanyang mukha na matapang patungo sa Jerusalem, at nagpatuloy na isagawa ang kaharian kahit na nanganganib sa pagpatay. Namatay si Kristo para sa atin, para sa kadahilanan ng kaharian na kanyang inihayag. Paano tayo tutugon sa patuloy na pagtawag upang ipahayag ang kaharian ng Diyos ngayon?


 


Pinakabuod

1.   Nagsusulat si Juan sa kanyang makasaysayang pamayanan sa pgtatapos ng unang siglo. Dapat nating marinig ang kuwento ng krus ayon sa kultura ng Romano-Griyego at Hudyo, at ang layunin ng Ebanghelyo ni Juan: upang ipahayag ang kapangyarihan ni Kristo at dalhin ang mga tao sa pananampalataya.

 2.    Bagaman tayo ay isang pamayanan na nahihiwalay mula sa panahon ni Juan ng 2,000 taon, hindi tayo tinanggal mula sa nagbibigay-buhay at pagliligtas ni Kristo.

3.     Ang krus ay maraming kahulugan. Ang isang paraan ng pag-unawa sa kahalagahan nito ay ang mapagtanto na si Hesus ay namatay para sa kaharian ng Diyos, na nagbanta sa makapangyarihan sa kanyang panahon.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano naa-angkop sa iyong teolohiya ang pag-uugali ni Hesus na namamahala sa kanyang sariling kamatayan?

2.     Paano maririnig ng mga tao sa kongregasyon ang tapat na salaysay ni Juan tungkol sa pagbibigay buhay at pagliligtas ni Kristo ngayon?

3.     Paano mo maipapabatid ang hangarin ni Kristo na mailapit ang lahat ng tao sa kanya sa krus ng kalbaryo? Ano ang kahulugan nito sa mga alagad ngayon?

4.     Ano ang iyong pag-unawa sa paggamit ng salitang mabuti ( tulad ng sa Biyernes Santo) sa paglalarawan sa araw na ito at teksto?


 


Araw ng Pasko ng Pagkabuhay, Muling Pagkabuhay ng Panginoon


Juan 20:1–18


Mga Gawa 10: 34-43; Mga Awit 118:1-2, 14-24;


I Corinto15:1-11


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ipinapakita ng Ebanghelyo ni Juan si Hesus bilang ang nabubuhay na Panginoon, ang Mesiyas, at ang Anak ng Diyos; na dapat tayong magkaroon ng pananampalataya. Ang salaysay ng muling pagkabuhay ay ang rurok ng pahayag na iyon at, para kay Juan, ang pangwakas na patunay ng pagkakakilanlan ni Hesus.  Ang banal na kasulatan ay nagsasabi ng dalawang  magkahiwalay na mga tradisyon ng patotoo sa muling pagkabuhay: ang isa ay ang libingan na walang laman; ang isa ay ang ulat ng Buháy na Kristo.  Ang ilan ay nakita lamang ang libingang walang laman. Ang iba ay hindi nasaksihan ang libingan, ngunit naranasan ang Nabuhay na Kristo.  Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ni Juan na kapwa nakita ni Maria Magdalena. Hindi ang libingang walang laman  ang lumupig sa kanyang pananampalataya ngunit  ang tunog ng tinig ng kanyang guro.

Sa salaysay ni Juan sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay, iba’t-ibang tao ang dumating sa pananampalataya kay Kristo sa iba’t-ibang paraan:

Ang minamahal na alagad ay tumingin sa libingang walang laman, at naniwala kaagad. Ano ang naunawaan niya nang nakita niya ang libingang walang laman? Ano ang pinaniniwalaan niya? Si Juan ay hindi nagbigay sa atin ng sagot, ngunit sinasabi lamang na ang pananampalataya  ang resulta.

Nakita ni Pedro ang libingang walang laman at damit na pamburol kung saan inilagay ang katawan. Ngunit, hindi katulad ng minamahal na alagad, si Pedro ay umuwi nang walang pananampalataya o pang-unawa.

Si Maria Magdalena ay nakita ang libingang walang laman, ngunit nauunawaan na katawan lamang ang nawawala. Ninakaw? Dinala sa ibang lugar? Ang libingang walang laman ay hindi nag-udyok sa kanya na maniwala sa muling pagkabuhay. Nakita niya ang dalawang sugo ng Diyos sa loob ng libingan, ngunit iyon ay hindi humantong sa pananampalataya. Nakatagpo niya ang Nabuhay na Kristo, ngunit inakala niya na siya ang hardinero. Nabuksan lamang ang kanyang mga mata nang tawagin niya ang kanyang pangalan, nagugunita ang isang pamilyar na ugnayan ng pag-ibig at pag-aalaga “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Nakikilala ko sila…” (John 10:27). Ang Buháy na Salita at ang isang salita, ang kanyang pangalan, ang nagdala kay Maria sa pananampalataya at pagsasaya.

Simula sa puntong iyon, ang ugnayan ang pinakamahalagang tema ng kuwento. Nang may kamangha-manghang pagbabawas ng mga salita  sa talata 17-18, binalangkas ni Juan ang mabilis na pagsasayaayos ng mga ugnayan.

Sinabi ni Hesus kay Maria na huwag siyang hawakan. Ang salitang hawak sa Griyego ay nagpapahiwatig ng “ may kaugnayan sa ” sa diwa, humahawak. Maaring mangangahulugan ito : “Huwag mo akong yakapin”; Huwag kang masyadong malapit sa akin”, Huwag maging umaasa sa akin”; Huwag mong asahan ang ugnayan na ito na maging katuloy ng luma.” Binago ng Muling Pagkabuahy ang lumang ugnayan sa isang bagay na

bago.  

“Ako’ay aakyat ….sa aking Diyos at inyong Diyos.” Ang kaugnayan sa Diyos ay dapat na prayoridad, sa kamatayan at muling pagkabuhay tulad ng ginawa nito sa buhay. Ngunit sa karagdagan, sinasabi ni Hesus  na ang  kanyang mga tagasunod ay maaring tamasahin ang katulad na kaugnayan sa Diyos na kanyang tinamasa. Ang mga alagad, bilang mga kapatid ni Hesus, ay maaring umangkin sa Diyos bilang Ama sa isang bagong ganap na kaugnayan.

Sinabihan ni Hesus si Maria na pumunta at sabihin sa mga alagad. Sa kabila ng pagkakanulo, pagtanggi at  dahil sa takot, at kawalan ng suporta, ang mga alagad ay alagad pa rin ni Hesus. Inaangkin niya sila. Ang kanyang kaugnayan sa kanila ay mas malapit kaysa dati.

Ang kaugnayan ni Maria sa panahon ay nagbago. Siya ay nakatuon sa nakaraan at kung ano ang nawala. Itinuro siya ni Hesus sa hinaharap at kung ano ang maaring maging. Habang nagmamadali siya upang sabihin sa mga alagad ang nakita niya, siya ay naging “apostol sa mga apostol,”

Ang mga nakasaksi sa paglathala ng muling pagkabuhay ay hindi nanahimik. Sila ay nabago. Mula sa kanilang patotoo ay dumating ang isang kilusan na lumago at binago ang mundo. Patuloy na nakakatagpo ng mga tagasunod ang Nabuhay na Kristo sa iba’t-ibang mga paraan sa loob ng mga siglo. Ang pagbabahagi sa patotoong iyan ay gumagawa pa rin ng isang pagkakaiba sa mundo, nagdadala ng bagong buhay. Ang muling pagkabuhay, sa gayon ay hindi minsan lang na kaganapan na dumating at umalis. Ito ay pang-araw-araw na kaganapan  habang ang mga tao ay tumatanggap ng pagpapala, pag-ibig, at bagong buhay sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Yakapin ang bagong buhay.

 


Pinakabuod

1.   Marami sa dumating sa libingang walang laman ay hindi naniwala sa nakita nila. Ang pananampalataya ay tinatahak ang ibat-ibang mga landas, ngunit madalas na ito ay  dahil sa kaugnayan na siyang nagsasalita sa atin tungkol sa Banal.

2.     Ang pakikipagtagpo sa Buhay na Kristo ay isang makapagpapabagong karanasan na

      nagpapabago ng mga ugnayan at nagtuturo sa atin patungo sa isang hinaharap na tumatawag sa atin sa misyon ni Kristo.

 3.    Ang bawat tao ay maaring makaranas ng araw-araw na pagkabuhay muli habang siya ay nabubuhay sa pag-ibig at pagpapala ng Diyos.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kailan mo nakatagpo ang buhay na Kristo? Ano ang nag-udyok sa iyo na maniwala?

2.     Paano mo naranasan ang pagtawag sa iyo ng Diyos sa iyong pangalan? Paano binago nito ang iyong kaugnayan sa Diyos? Sa iba?

3.     Sa anong landas lumawak ang iyong personal na pananampalataya tungo sa misyon?

4.     Paano naranasan ng iyong kongregasyon ang muling pagkabuhay at bagong buhay na umaapaw tungo sa misyon?

 


Option two for Easter 2018

Araw ng Pasko ng Pagkabuhay, Muling Pagkabuhay ng Panginoon

MARCOS 16:1–8


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ang mga tao ay darating na umaasang makarinig ng mga kuwento sa muling pagkabuhay ni Kristo. Inaasahan ng ilan ang pag-alala kung paano nag-agahan si Hesus kasama ang mga alagad sa tabi ng dagat, o naririnig ang isang pag-uusap kasama ang nabuhay na Kristo sa hardin sa labas ng bukas na libingan. Gayunpaman, ang teksto sa ngayon ay hindi tumutukoy sa anumang pagkain sa dagat o payapang tanawin ng hardin kasama si Hesus. Ang sinipi na ito mula kay Marcos ay hindi kasama ang mga pagpapakita ng muling pagkabuhay, at malamang na ang orihinal na teksto ni Marcos ay hindi kasama ang nasabing mga pagpuna.


               Ang pag-aaral sa pinakaunang mga manuskrito ni Marcos, maraming mga iskolar ang nagtapos sa orihinal na teksto na natapos sa Marcos 16: 8. Ang pagtatapos na ito ay biglaan at nag-iiwan sa madla na nakabitin sa  nakalulungkot na katahimikan. Hindi pangkaraniwan para sa mga susunod na manunulat o patnugot, na gumawa ng mga pagbabago sa mga teksto na kinopya nila. Samakatuwid, kung ano ang mayroon tayo ngayon bilang "mas maikli" at "mas mahaba" na pagtatapos sa Marcos ay maaaring gawain ng isang patnugot na nagsisikap na magsara ng kuwento sa Pasko ng Pagkabuhay sa Marcos.


               Ang teksto ay nagsisimula sa isang libing, o  pangwakas na paghahanda ng isang bangkay. Ang mga tao ay dumating na umaasang mahanap ang katawan ni Hesus na nabubulok sa libingan. Ang pananaw, misyon, at kilusan upang mabago ang mundo kung saan ang mga kababaihan at iba pa ay nagsisimula upang mag-angkin, umiiyak at  huminto ng tatlong araw bago nito. Ngayon ang lahat ng naiwan upang gawin ay ihanda ang katawan, magdalamhati, at muling mabuhay tulad ng nauna bago nila nakilala si Hesus.


               Ngunit natagpuan nila na walang laman ang libingan at nakarinig ng hindi maunawaan na mensahe tungkol kay Hesus na nasa Galilea. Iniwan ang libingan sa takot, hindi sinabi ng mga kababaihan sa sinuman ang kanilang mga karanasan, marahil dahil hindi nila mapagkasundo ang kanilang mga karanasan sa mga inaasahan na dinala nila sa libingan.


               Ang ating mga inaasahan, ay maaaring maging mga lente at mga salaan  para sa kung ano ang nakikita at naririnig natin. Ang mga alagad at mga kongregasyon ay dapat magtanong, "Sa anong mga inaasahan ang ating tinitingnan at naririnig sa mundo?"


               'Sinabi ng isang binata sa libingan sa mga babae na wala si Hesus doon. Paano ito nangyari? Dito nila huling nakita si Hesus. Dapat naroroon siya dahil doon  nila iniwan siya. Ang mensahe ng kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay ay isang sorpresa, na nangangahulugang hindi laging nakikita si Hesus kung saan natin siya huling nakita. Sa ating buhay kung minsan ay gumagala tayo sa mga lumang lugar na umaasa pa rin na si Hesus ay naroroon na naghihintay sa atin. Minsan ang mga lumang lugar na iyon, kahit na maaaring masakit, ay maaaring maging mas komportable kaysa sa mga bagong lugar kung saan ang nabuhay na mag-uli na si Kristo ay naroroon.


               Umalis ang mga kababaihan; nilamon sila ng takot. Bago siya namatay ay nasaksihan nila kung paano ginalit ang mga paraan ni Hesus  ang mga pinuno ng relihiyon at pamayanan. Ngayon ay nagtagumpay siya sa kamatayan at sinabihan silang salubungin siya sa Galilea. Gaano pa kaya karadikal  ang maaaring nabuhay na mag-uli na si Hesus? Posible bang ang takot ay mula sa hindi pagkabagot sa pagsasaalang-alang kung ano ang maaaring gawin niya ngayon sa Galilea at kung ano ang maaari nilang gawin?


               Marahil ang orihinal na biglaang pagtatapos ng Marcos ay ang pinaka-angkop na paraan upang sabihin ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Patuloy ang kuwento, at bilang mga alagad na naniniwala sa isang muling nabuhay na si Kristo tinawag tayong isabuhay ang susunod na kabanata ng kuwento na iyon. Ang susunod na kabanata ay tungkol sa ating pagkikita sa Galilea ng ating mga pamayanan.


 


Pinakabuod

1.   Ang Pasko ng  Pagkabuhay ay tungkol sa sorpresa.

2.   Ang ating inaasahan ay nakakaimpluwensya sa nakikita at naririnig natin.

3.   Tinawag tayong lahat upang tumulong na isulat ang susunod na mga kabanata ng kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay.

 4.  Ang nabuhay na mag-uli na si Kristo ay nasa ating mga pamayanan na naghihintay sa atin upang makatagpo siya roon.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Nakikita ba natin ang mundo sa pamamagitan ng mga lente ng muling pagkabuhay o sa pamamagitan ng mga lente ng isang hindi maipaliwanag na walang laman na libingan?

2.   Ano ang mga walang laman na libingan sa ating buhay na kung saan tayo nananatili at kumakapit?

 3.  Bakit kung minsan  ay mas komportable na manatili sa paligid ng libingang walang laman kaysa sa paghahanap kay Hesus sa Galilea?

5.      Ano ang katibayan na ikaw at ang iyong kongregasyon ay sumusunod sa Buháy na Kristo tungo sa  “Galilea”?


 


 



 


Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


Juan 20:19–31


Mga Gawa 4: 32-35; Mga Awit 133; I Juan 1:1-2:2


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang Ebanghelyo ni Juan ay naisulat  maraming taon matapos ang muling pagkabuhay ni Hesus.  Ito ay nanatiling isang makapangyarihang patotoo sa lahat ng nangyari at pinagtitibay ang epekto sa mga nanatiling tapat. Linilinaw at tinutugunan nito ang maraming  pag-aalala ng mga may-akda para sa naunang nagpupunyaging  iglesyang Kristiyano.

Isang susi sa pag-unawa sa sinipi sa linggong ito ay ang kanyang ugnayan sa nakaraang mga  bahagi sa Ebanghelyo ni Juan. “Sa araw ding iyon” sa pambungad na talata (Juan 20:19) ay iniuugnay sa patotoo ni Maria sa Pasko ng Pagkabuhay bago pa man ( Juan 20:1-18).  Nakikita natin ang pagkakaparehas sa pagitan ng dalawang kuwento, halimbawa, may mga alagad (dalawa) sa unang sinipi at mga alagad (10) sa pangalawa; Maria Magdalena sa una, at Tomas sa teksto ngayon. Ang bawat tauhan ay nakakaranas ng ilang bahagi ng muling pagkabuhay, at bawat kuwento ay naglalarawan ng pananampalataya, pati na rin ang paniniwala na nagdudulot ng pag-aalinlangan.

Ang mga alagad, na puno ng kalungkutan at walang pag-asa, ay nasa kwartong nakapinid. Ang kanilang matalik na kaibigan ay kamamatay pa lamang at ang kanilang mundo ay nabaliktad. Sama-sama,  natatakot sila para sa kanilang sariling kaligtasan habang ang kanilang mga puso ay nakapigil sa pagitan ng tapat na pag-asa at isang walang lakas na  nanalig na kaisipan.  

Pagkatapos, sa kabila ng nakapinid na pinto, naroon siya. Si Hesus ay kasama nila, binibigkas ang mga salita ng kapayapaan, tinutupad ang lahat ng mga pangako niya bago siya umalis. (Tignan ang panayam ng pamamaalam sa Juan 14-17.)  Ang mga salita na sinabi ni  Kristo sa mga alagad  ay pinapalakas at hinihikayat sila, at paglaon ang nagsisimulang iglesya ng unang siglo. Ang kanyang mga salita ay nagpapaalala  sa bawat henerasyon mula noong tayo ay nabibilang kay Kristo anuman ang kalagayan, takot, o pag-aalinlangan, --sa buhay pati na rin sa kamatayan. Sa kahalagahan ng Pentekostal nagsasalita siya ng kapayapaan, inuutusan ang mga alagad na humayo, at pagkatapos ay ipinagkaloob ang kaloob ng Banal na Espiritu.  Ang ipinangakong Tagapagligtas ay kasama nila ngayon at sa iglesya; hindi sila nag-iisa. Pinapalakas ng Diyos ang paglilingkod at ang patotoo ng lahat ng mga alagad mula sa araw na iyon pasulong.

Si Hesus ay nakaalis nang dumating si Tomas, at kahit ang mga alagad ay nagbigay ng detalyadong ulat sa presensya ni Hesus, si Tomas ay hindi maniniwala hangga’t hindi niya makikita.    Pagkatapos ng isang linggo nagpakita uli si Hesus, hinihikayat si Tomas na maniwala. Ang pahayag ni Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” (b.28) ay nagiging patotoo ng darating na mga henerasyon,  “ mga hindi nakakita” ngunit “maniniwala”(b.29).

Ang mga alagad ng ika- dalawampu’t-isang siglo ay nakakaugnay sa maraming bahagi sa kuwento ng kasulatan ngayong araw.  Kapag ang mga bagay ay nagiging mahirap tutungo tayo sa paghahanda para sa pinakamahirap sa pamamagitan ng pagtataguyod sa isa’t-isa magkakahiwalay sa mundo. Kung hindi tayo maingat maari tayong maging sarado na simbahan, kung saan pupunta sa lugar ng pulong, magmamadali sa loob, gawin ang ating programa sa Linggo, lalabas, at magmamadaling paalis.  

Bagaman tayo’y kumakanta nang may pananampalataya at ipinapahayag si Hesu Kristo, maari din tayong mag-alinlangan, tulad ni Tomas. Nagtatago tayo ng mahabang listahan ng mga tanong tungkol sa Kristiyanismo, banal na kasulatan, pangako, kung paano tayo umangkop, ang mga paghihirap sa buhay, paghahanap sa Diyos, at kung ano ang ginagawa ng iglesya upang gumawa ng kakaiba sa mundo.  

Si Juan ay nagsasalita sa atin tungkol sa  paniniwala tungo sa pagkilos. Para kay Juan, ang paniniwala ay hindi isang bagay na mayroon tayo, ito ay isang bagay na gagawin. Upang maniwala sa mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay ang magtiwala sa nakapagpapagaling na pagkilos ng Diyos sa mundo at mabuhay na parang totoo. Sa wakas, ang pananampalataya ay nangyayari sa buhay at lahat ng mga pag-aalinlangan nito. Ang tiwala ay dumaraan at dumarating tayo sa nakikita, na siyang nagdadala sa atin sa isang punto ng pagkilos habang lumalabas tayo nang may pananampalataya upang sumunod kay Kristo isang hakbang sa isang panahon.  Iyon ay kapag tayo ay naging mga taong inilarawan ni Hesus habang nakikipag-usap siya kay Tomas, “Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita at gayon pa man ay kailangang maniwala”(b.29).

 


Pinakabuod

1.   Habang inilalagay natin ang ating pagtitiwala sa Diyos na naipahayag sa pamamagitan ni Hesu Kristo, at nagpasya na maglakbay nang may pananampalataya, unti-unti matutuklasan natin ang kahulugan ng muling pagkabuhay. 

2.     Sa pamamagitan ng patuloy na presensya ng Banal na Espiritu, dumarating si Hesus sa atin sa bawat pangyayari sa buhay.

3.     Sa halip ng kawalang katiyakan, ang pananampalataya ay isang paglalakbay ng pag-aalinlangan at pagtitiwala na magpapabago sa paniniwala  sa pagkilos ng pagtatayo ng kaharian.

4.     Ang bawat henerasyon ay dapat matuklasan ang kahulugan ng muling pagkabuhay at kung ano ang ibig sabihin ng maging bayan ng Diyos sa bawat panahon at lugar.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.     Sa buhay ng iglesya ngayon, paano at kailan tayo  minsan ikinukulong ng  ating mga sarili mula sa mundo ng takot o kawalan ng katiyakan? 

2.     Paano ka (o isang tao na kakilala mo ) nakikipaglaban sa mga pag-aalinlangan at kawalang katiyakan sa iyong paglalakbay ng pananampalataya, ngunit dumating sa isang lugar ng pagtitiwala at paniniwala?

3.     Paano maaring ang muling pagkabuhay at ang kaloob ng Banal na Espiritu ay ang simula ng “pamumuhay sa kaharian” kung saan ang propetikong tao ay maging handa na talikuran ang katiyakan ng paniniwala para sa kawalang katiyakan ng pananampalataya?

 4.    Paano ka, o isang tao na kakilala mo, naranasan ang pagpapala ng pagiging isa “sa mga  hindi nakakita ngunit  maniniwala”? (b.29)


 


Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


Lucas 24:36B–48:2-19


Mga Gawa 3:12-19;Mga Awit 4; I Juan 2:1-7


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Sa mga sinipi sa banal na kasulatan ngayon, may dakilang tema na ang tapat na presensya ng Diyos ay nagpapatuloy sa muling pagkabuhay ni Hesus. Ang may-akda, si Lucas, ay malinaw na ipinakita ang muling nabuhay na si Hesus  bilang isa na may katawan at naglalakad, nagsasalita, at kumakain. Ang nag-iisang  kaisipang ito ay hinihiling na buksan ang ating mga isip na  tanggapin ang kaisipan na sa at sa pamamagitan ni Kristo isang bagay ay bago at naiiba. May mga posibilidad na hindi natin isinaalang-alang o nauunawaan.   Tayo ay inanyayahan na saliksikin ang ating paglalakbay sa pananampalataya.

Sa siping ito, si Hesus ay ipinako sa krus at ang mga alingawngaw ng mga tao na nakakita sa kanya ay mabilis na kumalat sa mga bayan at lungsod.  Ang kanyang mga tagasunod ay nakakarinig ng mga alingawngaw na siya ay buhay at hindi nila nauunawaan. Paano makikita si Hesus na naglalakad dito at doon? Siya ba ay isang multo o ispiritu? Gusto nilang maniwala na siya ay buhay, ngunit ito ay hindi magkakaroon ng kahulugan sa kanila.

Nang si Hesus ay nagpakita sa kanyang mga alagad, napansin niya ang  kanilang mga takot at sinabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan” (Lucas 24:36b).  At pagkatapos ay tinutugunan niya ang bawat pinagmulan ng kanilang mga pag-aalinlangan at takot. Ipinakita niya ang kanyang mga kamay at paa upang makita nila ang mga peklat, inanyayahan sila na hipuin siya, at humingi siya ng pagkain at kumain ng isda.  Sa bawat  pagkilos na ito ang mga takot ng mga alagad ay  nababawasan.

Ngayon na ang takot at pag-aalinlangan ay nabawasan, ang mga alagad ay umupo kasama si Hesus para sa pag-aaral ng banal na kasulatan.  Mayroon silang bagong sanggunihan upang marinig ang banal na kasulatan---ang muling pagkabuhay. May buhay pagkatapos ng kamatayan. At may bagong buhay ngayon, sa pamamagitan ni Hesus. Naririnig ang banal na kasulatan sa pamamagitan ng mga puso na nakaranas sa buhay na Mesiyas. Ang mga salita ng mga propeta ay naisakatuparan!

Pagkatapos binago ni Hesus ang tawag ng pagiging alagad ng mga alagad nang sinabi niya sa kanila na “sila ang mga saksi sa lahat ng mga bagay na ito” (b.48). Ang kanilang naranasan ay hindi para sa kanila lamang, ngunit ang mensahe ay ipahayag sa lahat ng mga bansa.  

Ang mensahe ng pag-asa na ito ay atin ngayon. Ang Diyos ay patuloy na naroroon sa ating buhay, sa pamamagitan ng ating mga takot at pag-aalinlangan, habang binubuksan natin ang ating mga  isipan at puso upang tanggapin ang muling pagkabuhay. 

 


Pinakabuod

1.   Ang Diyos ay patuloy na naroroon sa ating mga buhay kahit na may mga  pag-aalinlangan at takot tayo.

 2.  Kung maari nating itabi  ang ating mga takot, maari nating marinig at matanggap ang banal na kasulatan sa mga paraan na magdadala ng mga bagong pag-unawa.

3.   Tayo ay tinawag na mga mensahero ng pagsisisi, pagpapatawad, at muling pagkabuhay.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kailan ka pinigilan ng takot at pag-aalinlangan  sa pagkilala sa Banal na Espiritu na kumikilos sa iyong buhay?

2.   Paano mo naranasan o nasaksihan ang muling pagkabuhay?

3.   Saan mo makikita ang iba na lumahok sa mga pagkilos ng muling pagkabuhay? (magdadala ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa)?

 


 


Ikaapat na Linggo ng  Pasko ng Pagkabuhay


Juan 10:11–18


Mga Gawa 4:5-12; Mga Awit 23; I Juan 3:16-24


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Marami ang nagpapangalan ang ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay bilang Linggo ng Mabuting Pastol. Ang teksto ng Ebanghelyo ngayon at ang Awit 23  ay nagbibigay ng matinding larawan ni Hesus, ang pagkatawang- tao ng Diyos bilang ang Salita ay naging laman, bilang ang mabuting pastol para sa mga bata sa  Lupa. Sa pamamagitan ng ating modernong paningin madalas nating hinahamak ang tungkulin ng pastol. Ito ay isang walang pasasalamat na gawain. Nangangailangan ito ng malalim at walang hanggang pagmamahal  sa mga tupa.  Ang pagiging isang pastol ay nangangailangan ng isang pangako na lampas sa isang kaswal na ugnayan. Kabilang dito ang isang walang pag-iimbot na pagpayag na isuko ang buhay para sa kawan.

Ang salitang Griyego na , kalos---isinalin bilang “mabuting” pastol--- ay higit pa sa kabaligtaran ng “masama” sa orihinal na wika nito. Ang salita ay nangangahulugan din na “modelo.” Si Hesus ay hindi lamang isang mabuting pastol ngunit isang modelong pastol din para sa atin. 

Sa ilang maikling talata, ang talinghagang ito ay kumakatawan sa kalalimang ginagawa ni Hesus para sa bayan ng Diyos.  Itinataguyod nito ang karaniwang katangian sa tawag ng buhay bilang isang alagad. Ipinapakilala nito ang malawak na katangian sa paanyaya ni Hesus sa lahat na makikinig. Ipinahihiwatig nito ang tungkulin ng isang alagad sa pagsunod sa modelo ni Hesus sa paghahatid ng sakripisyo para sa lahat.

Inaanyayahan ni Hesus ang lahat sa pakikipag-ugnayan sa Banal at sa isa’t- isa anuman ang dahilan. “Hinahangad ng Diyos na palapitin ka…”(Doktina at mga Tipan 163:10a). Sa huli magpapasya tayo kung tatanggapin natin ang paanyaya.

Samakatuwid, upang marinig ang paanyaya kailangan nating maging bukas at nakikinig. Kailangan nating makibahagi sa mga pagkakataon na magpapahintulot sa atin na marinig ang tinig ng Diyos.  Nangangahulugan din ito na kailangan nating magtuon kay Kristo upang makilala at maunawaan ang paanyaya ni Kristo mula sa mga ibang mga tinig na tumatawag sa atin (tignan  “Hark! The Voice of Jesus Calling” CCS 592).

Nabubuhay tayo sa isang abalang mundo kung saan maraming mga pangangailangan para sa ating pansin. Sa ating kaabalahan, tayo ay pagod, sira ang loob, naligaw at nawala. Ang teksto sa araw na ito  ay nagpapaalala sa atin na ang mabuting pastol ay palaging tinatawag ang ating mga pangalan,  sinusubukan na panatilihin sa atin ang landas, nagbibigay  suporta at pagpapalakas, at inaanyayahan tayo sa pakikipag-ugnayan sa kanya at sa iba pa sa pamayanan ng mananampalataya. 

            Nagsisimula ang misyon kapag nakatagpo natin ang Banal. Ang misyon ay pagsasamahan---ang ating mga pakikipagtagpo sa Diyos ay nagdudulot sa atin ng kaugnayan sa Banal at pagkatapos ay sa iba.  Ang tunay na ugnayan sa Diyos at sa isa't isa ay nagbibigay ng pundasyon para sa paglalakbay na magkakasama sa pag-unawa at misyon. Upang marinig ang tinig ni Kristo nang isa-isa at sama-sama, kailangan nating lumikha ng mga pagkakataon para sa pakikipagtagpo at pagtatayo ng ugnayan. Ang ibinahaging espirituwal na mga gawain sa loob ng grupo ay tumutulong sa "kawan" na manatiling konektado sa isa't isa at sa pastol.

               Madalas nating nakikita ang espirituwal na pagsasanay bilang isang bagay na pribado at pansarili. Ang talinghagang ito ay nagpapaalala sa atin ng karaniwang katangian  ng pagiging alagad at pag-unawa. Kapag nagtutulungan tayo upang marinig ang tinig ni Kristo, higit na natutuklasan natin ang mga layunin ng Diyos para sa Lupa at ang ating bahagi bilang isang kongregasyon upang makatulong tungkol sa pagdadala ng pananaw ng Diyos sa shalom. Ang ibinahaging espirituwal na mga kasanayan ay nagbibigay ng disiplina sa ating karaniwang pagtutuon at pakikinig.


               Ang pagdinig sa tinig ni Kristo ay nakakagambala sa ating buhay. Kinikilala natin ang mga pagkakataon sa paligid natin kung saan matutulungan natin ang paglutas ng kawalan ng katarungan at pagkakasira. Tayo ay hinahatak ---isa-isa at sama-sama-sa labas ng ating mga gawain at kaginhawaan at sa misyon ni Kristo. Si Hesus, ang ating modelo ng mabuting pastol, ay sinusugo tayo upang maging mabuting pastol para sa iba.


 


Pinakabuod

      1.Si Hesus, ang mabuting pastol,  ibinigay ang kanyang buhay upang anyayahan tayo       


         sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.

2.   Upang marinig ang tinig ni Kristo at ang kanyang paanyaya, kinakailangan tayong huminto at makinig.

3.   Upang makilala at marinig ang tinig ni Kristo at paanyaya, dapat tayong makipag-ugnayan sa kanya.

      4.   Ang tunay na ugnayan  sa Diyos at sa isa't isa ay nagbibigay ng  pundasyon para sa      


            paglalakbay na magkakasama sa pag-unawa at misyon.


5.   Ang Espiritwal na pagsasanay ay tinutulungan tayo na palalimin ang ating ugnayan kay Hesus, sa Diyos at sa iba.

6.   Ang pakikinig sa pastol, ay sinusugo tayo na maging mabuting pastol para sa iba.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

      1.   Ano ang ibig sabihin ng pagsisimula ng misyon sa pakikipagtagpo at kaugnayan?


2.   Anong espiritwal na kasanayan ang tumutulong sa atin na marinig ang tinig ni Kristo pansarili at sama-sama?

3.   Sino ang mga ibang “tupa” na kailangang makarinig sa tinig ni Kristo?

4.   Paano mo aabutin ang iba at tulungan silang makinig?

 


Ika-Limang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


Juan 15:1–8


Mga Gawa 8:26-40; Mga Awit 22:25-31;


I Juan 4:7-21


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

            Ang Ubuntu, isang Swahiling salita, ay isa sa mga salitang hindi mo maaaring isalin sa isang salita sa ibang wika. Si Desmond Tutu ang Arsobispo ng Timog Africa ay ina-alok ang kahulugang ito: Ang isang tao na may Ubuntu ay bukas at magagamit sa iba, pagtitibayin ang iba, at hindi mararamdaman ang takot na ang iba ay may kakayahan at mabuti. Ang Ubuntu ay batay sa isang tiwala sa sarili na nanggagaling sa pag-alam na ang isa ay  nabibilang sa isang mas malawak na kabuuan. Tinutulungan tayo nito na mapagtanto na tayo ay lumiliit kapag ang iba ay napapahiya, pinahihirapan, o inaapi.

            Karagdagang inilarawan ni Tutu ang Ubuntu bilang ang diwa ng pagiging tao. Ang Ubuntu ay iniuugnay lalo na sa mga kaisipan na ang isa ay hindi maaaring mabuhay  na nag-iisa. Ito ay nagsasalita sa ating  pagkakaugnay-ugnay at pagtutulungan. Iniisip natin ang ating sarili na kadalasan bilang mga tao lamang, hiwalay sa isa't isa. Sa kabaligtaran, lahat tayo ay magkapalagayang-loob. Ang ginagawa natin ay nakakaapekto sa buong mundo. Kapag magagawa natin ito ng mabuti, ang ating impluwensya ay kakalat at pagpapalain ang buong pamayanan ng tao.

            Ayon kay Nelson Mandela, ang huling presidente ng Timog Africa, ang Ubuntu ay nangangahulugan na ang mga tao ay hindi dapat tignan ang para sa kanilang sarili lamang. Sa halip, ang  kasamang katanungan sa kanilang mga motibo ay dapat: "Gagawin ko ba ito upang pahintulutan ang pamayanan sa paligid ko na  mapabuti? Makakatulong ba ang aking mga layunin at dahilan na lumikha ng isang maingat at maunlad na kapaligiran  sa hinaharap sa aking nayon? "

               Tulad ng Ubuntu, ang ating sinipi ngayon ay nagsasabi ng marami tungkol sa pagiging isa at pagsunod kay Kristo. Ang teksto ay nagpapatunay na mayroon at dapat maging isang higit sa karaniwang  kahulugan kung saan ang Kristiyano ay na kay  Kristo at si Kristo ay nasa Kristiyano. Kumikilos  si Hesus sa pamilyar na mga larawan at kaisipan na bahagi ng buhay at kultura ng mga Hudyo.


               Ang Israel ay inilalarawan bilang  puno ng ubas o ubasan ng Diyos. Ang ubasan ng Panginoon ay ang sambahayan ng Israel (Isaias 5: 1-7). Ang puno ng ubas ay naging simbolo ng bansa ng Israel. Tinawag ni Hesus ang kanyang sarili na tunay na puno ng ubas. Ang punto ng larawan ng Israel ay ang ubasan ay naging kagubatan.


               Sinasabi ni Hesus sa mga Hudyo na manatili sa kanya dahil ang bansa ay isang masamang ubas. Ang pagiging isang Hudyo ay hindi makapagliligtas sa isang Hudyo. Ang makapagliligtas sa isang Hudyo ay ang pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan kay Hesus, sapagkat si Hesus ang tunay na puno ng ubas ng Diyos at ang Israel ay dapat na mga sanga na nakiisa kay Hesus. Ipinaliwanag ni Hesus na ang pananampalataya sa kanya, at hindi dugo ng  Hudyo, ang daan para sa kaligtasan ng Diyos. Walang panlabas na katangian ang maaaring magtakda sa isang tao na may karapatan sa Diyos; ang paniniwala lamang kay Hesu-Kristo ang maaaring gawin iyan.


               Samakatuwid, tayo ay tinawag upang maki-isa kay Kristo dahil pinili tayo para sa kagalakan at pagmamahal. Tinawag tayo ni Hesus upang maging kanyang mga kaibigan, kasama, at mga kinatawan. Kapag tayo ay makiki-isa kay Hesus, makakaranas tayo ng isang mahalagang bukal ng pamumuhay ng buhay na mabuti sa kabila ng kapaligiran kung saan tayo nakatira. Kung mayroong mga tensyon o sirang ugnayan sa pagitan ng mga tao o mga pamayanan, ito ay tumutulong sa lahat ng tao sa paghahanap ng mga kapwa-tanggap na pagpapagaling na magpapalakas ng mga buhay at ugnayan. Ang pakiki-isa kay Kristo ay tumutulong sa atin na maunawaan na ang ating kapakanan ay nakasalalay sa kapakanan ng iba. Ang paraan ng pamumuhay na ito ay huhubugin, at gagabayan ang ating pag-uugali at pagkatao.


               Kapag tayo ay naki-isa kay Kristo, ito ay malalim na nakakaimpluwensya sa ating karanasan sa kultura ng Komunidad ni Kristo at nagpapahayag ng isang may-katuturan at di-napapahintulutang pangako ng Ubuntu na tumatawag sa atin na sumali  sa misyon ni Kristo sa pagpapabago ng mga buhay at pamayanan. Dahil iisa tayo, ginagamit ni Kristo ang ating kakayahan at kahinaan upang baguhin ang mga buhay at pamayanan kung saan tayo nakatira at matutuklasan natin kung paano maging mga tao sa pamayanan. Ang ating pansarili at pangpamayanang kalagayan ay nakasalalay sa isa't isa. Tayo ay magkakapatid na lalaki at  babae na pinagpapala ang isa't isa. Ang ating kaligtasan- ang kaligtasan ng mundo-ay kinakailangan at mahalaga sa pamayanan. Hindi tayo maaaring  nag-iisa.


               Ang mga alagad sa Komunidad ni Kristo ay pinayuhan na ang Diyos ay tumatawag para sa isang propetikong pamayanan na lilitaw. Ang pamayanan ay dapat na manggaling mula sa mga bansa sa mundo at inilalarawan sa pamamagitan ng isang di-pangkaraniwang debosyon ng pag-ibig, pagkahabag, at kapayapaan ng Diyos na ipinahayag kay Hesu-Kristo (Doktrina at mga Tipan 163: 11a). Tayo ay iisa. Tayo ay ginawa para sa pagtutulungan. Ginawa tayo para sa pamilya. Sama-sama, maaari nating simulan na paliitin ang malaking puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap. Maaari tayong magbigay ng mga makapangyarihan at pagpapalakas na mga pagkakataon para sa epektibo, estratehikong pag-unlad ng tao sa ngalan ng mahihina at mahihirap. Ang ating pagpupursige upang Buwagin ang Kahirapan, Ang Pagwasak ng Paghihirap ay tumutulong na lumikha ng mga ugnayan ng paggalang sa isa't isa na katulad ng mga nasa loob ng Ubuntu.


 


Pinakabuod  

1.Ipinaaalala sa atin ng Ubuntu na magkakaugnay tayo sa isang pandaigdigang    

pamayanan; kapag ang isang bagay ay mangyayari sa ilan, ito ay mangyayari sa lahat.

2. Tinutulungan tayo ni Hesus na maunawaan na hindi lamang tayo nagkakaugnay sa isa't isa, tayo ay iisa sa kanya.

3. Bilang mga kasapi ng Komunidad ni Kristo, tinatawag tayo na maging madamdamin tungkol sa pagbabahagi ng kapayapaan ni Hesu-Kristo dahil kapag gagawin natin, maaari nating baguhin ang mundo sa pamamagitan ng ating pagkaugnay-ugnay sa pamamagitan ng Ubuntu.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


 


1. Mayroon bang mga panahon na ang Ubuntu ay naging tunay sa iyo? Paano mo nakita ito sa iyong buhay?


 


2.Paano mo matutulungan ang mga kasapi ng iyong kongregasyon na kumonekta sa kaisipan na kapag ang isang tao ay nagpupunyagi, nagpupunyagi tayo; kapag ang isa ay nagagalak, nagagalak tayo?


 


3. May maisip ka bang isang  makabagong  pagkakatulad na nauugnay kay Hesus bilang puno ng ubas at sa atin bilang mga sanga?


 


4. Ano ang mga paraan para sa iyo at sa iyong kongregasyon na maibahagi ang kapayapaan ni Hesu- Kristo?


 

 


Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


Juan 15:9–17


Mga Gawa 10:44-48;Mga Awit 98; I Juan 5:1-6


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang Ebanghelyo ni Juan, kabanata 15 ay nagsisimula sa isang talinghaga tungkol kay Hesus bilang ang puno ng ubas at ang kanyang tagasunod bilang mga sanga. Ang sipi sa araw na ito ay nagpapatuloy sa talinghaga na ito bilang tawag sa mga alagad sa pag-ibig na katulad sa pag-ibig ni Kristo sa isa't isa. Ang mga kaisipan ng "pagsunod" kay Kristo at "mamumunga" ay nasa diwa ng paliwanag ni Hesus sa ating tawag bilang mga alagad na "magmahalan sa isa't isa." 

               Kinikilala ni Hesus kung paano ang kanyang pagmamahal sa mga alagad ay dumadaloy mula sa pag-ibig ng Diyos para sa kanya. Inaanyayahan at hinihikayat ni Hesus ang mga alagad na "manatili" sa kanya (v.9). Sinasabi niya sa atin na sa pagsunod sa kanyang mga kautusan ay mananatili tayo sa kanyang pagmamahal. Ang ilang mga diksyunaryo ay naglalarawan sa manatili bilang "tanggapin, tiisin, o kumilos alinsunod sa." Nangangahulugan ito na si Hesus ay at ina-aanyayahan tayo na unang tanggapin ang kanyang pag-ibig at pagkatapos ay kumilos ayon sa kanyang pagmamahal (tingnan ang "Called by Christ to Love Each Other” CCS 577).


               Nagpadala rin si Hesus ng mga alagad upang humayo at mamunga. Ang pamumunga ay maaaring tumutukoy sa pag-ibig sa isa't isa ngunit malamang kabilang din ang paggawa ng mga bagong alagad. Bahagi ng sakripisyo ng likas na katangian ng pag-ibig na tulad ng pag-ibig ni Kristo ay nais nating buksan ang ating mga grupo ng mga pagkakaibigan higit pa sa mga pagkakaibigan na madaling dumating. Makikipag-ugnay tayo sa iba na hindi natin katulad  at ipaabot ang pag-ibig na katulad ng pag-ibig ni Kristo (tingnan ang "On the Journey to  Emmaus" CCS 272).


               Kinikilala natin na hindi tayo maaaring mamunga nang mag-isa. Ang ating tawag na mahalin ang isa't isa at dalhin ang iba sa mga ugnayan sa pag-ibig ni Kristo ay maaari lamang mangyari habang mananatili tayo sa pag-ibig ni Kristo. Minamahal tayo ni Hesus tulad ng pagmamahal ng Diyos sa kanya. Mamahalin  natin ang iba tulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin. Ang iba ay tinatanggap ang pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan natin at ibinabahagi ito sa mas maraming tao at  ang grupo ng kaharian ay lumalaki.


               Kabilang sa siping ito ang limang mga sanggunian sa kautusan o utos. Pinipigilan nito ang kaisipan ni Hesus na gagawa ng kahilingan at  pangakong may kondisyon  laban sa tinatawag tayong  gumawa ng mga responsableng pagpili at ipinaaabot sa atin ang bukas-palad na mga pagpapala. Ang mga tao kung saan orihinal na isinulat ang  Ebanghelyong ito  ay  malamang  nakakaranas ng malaking kahirapan mula sa parehong  mundo ng  Hentil at Hudyo. Ang kanilang kaligtasan bilang isang pamayanan ay nakasalalay sa kanilang kakayahan na kumapit sa isa't isa at sa Diyos sa gitna ng malaking kaguluhan. Samakatuwid, madaling maunawaan ang utos ng tinig  na ginamit ng manunulat ng Ebanghelyo para sa grupo na mahalin ang isa't isa. Ang palagay na gusto ng grupo upang mabuhay at sundin ang halimbawa ni Hesus ay kakailanganin.


               Sa kabila ng posibleng pagtutol sa mga utos,  kung totoong nararanasan natin ang pag-ibig ng Diyos, mapipilitan tayong ibahagi ito. Hindi natin matutulungan ang ating mga  sarili. Ang ibig sabihin nito ay magkakaroon tayo ng mga ugnayan sa iba na tutulong sa ibang tao sa pagtupad sa kanyang kakayahan na ibinigay ng Diyos. Ipinaliliwanag ni Hesus na inililipat  niya tayo higit pa sa kaugnayan ng panginoon at lingkod. Inaanyayahan tayo ni Hesus  sa isang ugnayan sa kanya na magpapahintulot sa atin na maging magkatulad bilang mga magkaibigan kung saan tayo ay bahagi ng paglilingkod ni Hesus sa Lupa. Ito ang magdadala   sa atin upang maging handang magsakripisyo sa ating pangangailangan na maging patnugot sa iba sa pamamagitan ng mga pagkilos tulad ng pagbabahagi ng kapangyarihan, pagbuo ng pahintulot, o pagtuklas kung ano ang pinakamahusay sa kabuuan.


               Habang pinag-aaralan at tinatanggap natin ang kahulugan ng pag-ibig na tulad ng pag-ibig ni Kristo, maiintindihan natin na ito ay isang sakripisyong pag-ibig na  kinikilala ang halaga at kakayahan ng isang tao bilang anak ng Diyos. Ang pag-ibig na tulad ng pag-ibig ni  Kristo ay hindi batay sa pagkakaroon ng magandang pagkakatugma sa iba o hindi ito ang resulta ng pagkakaroon ng magkatugmang katauhan. Ang pag-ibig na tulad ng pag-ibig  ni Kristo ay maaaring mamalagi  para sa iba kahit  ang isang tao ay ayaw sa ibang tao. Ito ang tutulong sa atin na buwagin  ang mga pader at ibahagi ang pag-ibig na katulad ng pag-ibig ni Kristo sa lahat.


 

Pinakabuod

1.   Ang pag-ibig ng Diyos para sa atin na ipinahayag sa pamamagitan ng buhay at paglilingkod ni Hesus ay isang modelo para sa kung paano natin dapat mahalin ang iba

2.   Ang pag-ibig natin sa isa’t-isa  ay maging sakripisyo tulad ng pag-ibig ni Kristo.

3.   Ang ating pag-ibig ay nanggagaling sa ating ugnayan sa pamamagitan ni Kristo bilang kasalungat sa iba’t-ibang uri ng pag-ibig na umusbong sa pamamagitan ng pagkakatugma at tugmang katauhan.

 4.  Ang pag-ibig natin sa isa’t-isa ay lumalawak habang inaanyayahan natin ang iba na makipag-ugnayan kay Kristo.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Ano ang natutuhan natin tungkol sa katangian  ng pag-ibig habang tinitignan natin si Hesus bilang modelo?

2.   Paano naiiba ang pag-ibig ng Kristiyano sa iba pang mga  uri ng pag-ibig?

3.   Anong mga halimbawa ang nasaksihan mo sa sakripisyong pag-ibig ng paglilingkod sa iba?

4.   “Saan tayo sinugo na “humayo at mamunga” (v.16) sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mabuting mga balita ng pag-ibig tulad ng pag-ibig ni Kristo sa iba?

 


 


Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Pag-akyat ng Panginoon (A,B,C)


Lucas 24:44-53


Mga Gawa 1:1:11; Mga Awit 93; Efeso 1:15-23


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan


            Ang sinipi sa araw na ito ay bahagi ng mas mahabang salaysay sa Lucas 24 na kinakabilangan ng walang laman na libingan at ang pagtatagpo ng dalawang alagad kasama  ni Kristo sa daan patungo ng Emaus. Ang mga kuwentong ito ay katugma ng buong mensahe ni Lucas na si Hesus ay dumating upang dalhin ang pagpapanumbalik sa Israel. Sa madaling salita, ang misyon ni Hesus ay tuparin ang pangako ng Diyos.


            Sa partikular, ang teksto ay sumasaklaw ang pagpapakita ni Kristo sa Jerusalem kabilang ang pagpapala ni Kristo at ang kanyang pag-akyat. Ayon sa  layunin ng may akda, ang mga talatang 44-53 ay nagbibigay ng pagpapatuloy sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, pagkatapos ay lumipat  patungo sa hinaharap. Sa talata 44 isinangguni ni Hesus ang mga alagad sa mga kautusan ni Moises, mga propeta, at mga awit. Binigyang diin ni Hesus ang ugnayang ito sa nakaraan. Ang Diyos ay kasama mula sa simula. Ang Diyos ay tapat at kabahagi sa kasaysayan.


            Ang mga tao sa modernong kultura ay may gawing maliitin ang nakaraan. Subalit mahalagang kilalanin na ang tradisyon at kasaysayan ay may malaking maitutulong. Nakaranas ng Banal na Espiritu ang marami na nauna sa atin. Hindi tayo ang naunang pinagpala ng Diyos. Magagawa nating mabuti ang makinig sa kanilang mga kuwento at mga patotoo tungkol sa kanilang mga pakikipagtagpo sa Banal.


            Sa talata 45 binuksan ni Hesus ang kanilang mga isip. Sa mga sumusunod na talata nasaksihan ng mga alagad kung saan kumikilos ang Diyos sa kanilang partikular na panahon sa kasaysayan. Inilarawan ang mga banal na pangyayari na kanilang nasaksihan. Ito ay isang katotohanan para sa kanila. Alam nila ito bilang  katotohanan.  Ngayon, na kay Kristo ang kanilang pansin. Hinahamon niya silang  ipahayag ang pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan sa lahat.


            Bilang mga alagad, kinakailangan ding  nating malaman kung saan kumikilos ang Diyos sa ngayon. Kapag  hahayaan natin ang biyaya ng  Diyos na pumasok sa ating mga buhay, ang pagbabago ay mangyayari. Kapag sumasamba tayo, nagdarasal, nag-aaral, nakikinig sa Salita, at nakikibahagi sa mga sakramento, ang Diyos ay lilitaw at magpapala. Tayo ay tinawag upang ibahagi ang mabuting balita sa mundo.


            Pagkatapos, sa teksto, dinala ni Hesus ang kinabukasan sa kuwento. Sinabi ni Hesus sa mga alagad na  ipapadala niya ang ipinangako ng Diyos. Inatasan sila na manatili sa Jerusalem hanggang magkaroon sila ng kapangyarihang mula sa itaas. Ang kapangyaring matatanggap nila ay hindi sa kanila. Sa halip ito ay kapangyarihan ng Diyos. Ito ay isang kaloob. Ang kapangyarihang ito ay magmumula sa Banal. Dahil  kailangan nila itong hintayin, tumaas ang kanilang nadaramang pagnanais at pananabik. Isang bagay ang mangyayari. Paano maihahayag ang kapangyarihan?


            Sa mga talatang 50-53, pinamunuan ni Hesus ang kanyang mga tagasunod sa Betania at pinagpala sila bago siya umakyat. Ang salitang Griyego na ginamit ng may akda para sa pagpapala ay nangangahulugan ng “magsalita ng mabuti.” Kaya, sa tekstong ito, si Hesus ay nagsasalita ng mabuti sa kanila at pinupuri sila. Hiniling niya  sa Diyos na tulungan silang magkaroon ng kapayapaan, kabutihan, at pagiging ganap. Tayo rin, matatanggap ang pagpapala ni Kristo. Bilang mga alagad, tinawag tayo upang  ibahagi ang pagpapalang iyon sa iba. Marami  sa atin ang nangangailangan ng pagpapala. Kailangan natin ang  “magsalita  ng mabuti” sa kanila at hilingin sa Espiritu ng Diyos na bigyan sila ng kapayapaan at pagiging ganap.


            Sa teksto, pagkatapos pagpalain ang mga alagad ay sumamba kay Hesus. Sila’y bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan at patuloy ang kanilang “pagsasalita ng mabuti”  sa Diyos (t. 52-53). Ang ating mga pamilya, mga kongregasyon, at pamayanan ng pananampalataya ay dapat ding  patuloy na puno ng kagalakan at papuri. Sa araw na ito tayo ay magsasalita ng “maayos  sa Diyos” dahil sa ating karanasan na ang walang hangganang pag-ibig ng  Diyos at walang-pasubaling biyaya ay sumasaklaw sa lahat.


 


Pinakabuod


1.      Dumating si Hesus  upang tuparin ang lahat ng nakasulat tungkol sa kanya sa Kautusan ni Moises, sa mga propeta, at sa mga awit.


2.      Ang kapangyaringhan na natanggap natin ay mula sa Diyos. Ito ay isang banal na handog na gagamitin natin  sa layunin ng Diyos. Hindi ito  kapangyarihan na gagamitin para sa sariling kapakinabangan.


3.      Tayo ay tinawag upang maging mga saksi – mga tagapahayag ng pagsisisi at kapatawaran  ng mga kasalanan – sa lahat ng mga bansa. Ang misyon ni Kristo ay ang ating misyon.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


1.      Paano ipinapakita  ng mga tradisyon sa iyong kongregasyon ang presensya ng Diyos? (nakaraan)


2.      Kailan na  ang iyong “isip ay nabuksan sa banal na  kasulatan”? (kasalukuyan)


3.      Nakaramdam ka  ba ng pananabik na umasam na tumanggap mula sa Diyos? (hinaharap)


4.      Ano ang ilang mga paraan sa iyo at sa iyong kongregasyon ang nasaksihan  at  ipahayag ang Nabuhay na Kristo?


5.      Paano mo ipapaliwanag  ang pag-akyat ni Hesus sa isang bagong alagad?


 



 


Araw ng  Pentekostes/Linggo ng Pagkakaloob


Juan 15:26–27; 16:4–15


Ezekiel 37:1-14; Mga Awit 104:24-34, 35b;


Roma 8:22-27


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang banal na kasulatan ngayon ay bahagi ng pahayag ng pamamaalam ni Hesus sa Ebanghelyo ni Juan. Mula sa kabanata 14 hanggang kabanata 16:33 Si Hesus ay nagpapaalam sa kanyang mga alagad. Upang maunawaan ang mga talata ngayon ay dapat na maunawaan ang mga ito bilang bahagi ng huling tipan na ito. Ang pagsasalita na ito ay  magandang nag-uugnay sa mga tema  mahalaga sa manunulat ng Juan at ng kanyang pamayanan. Una ay ang pangako ng patuloy na presensya ni Hesus. Ikalawa, may pangangailangan para kay Hesus na bumalik sa Ama. Ikatlo ang kahigitan ng naniniwalang pamayanan. Ikaapat ay ang kahalagahan ng pagmamahal. Idinagdag sa mga tema na ito ay isa pang mahalagang paksa: ang Espiritu (o Paraklit-literal na pagsasalin ay ang isang “tinatawag na kaagapay). Ginagamit ng New Revised Standard Version ang salitang Tagataguyod. Binibigyan diin ng manunulat ng Juan ang salitang ito, Paraklit, sa limang pagkakataon sa huling panayam na ito.


               Ang Espiritu, isang mahalagang bahagi ng pananalita ni Hesus, ay mayaman sa kahulugan. Walang iba pang Ebanghelyo na ang Banal na Espiritu ay napakahalaga sa pagtuturo ni Hesus. Ipinaliliwanag ng manunulat kung paano nakikilahok at sinusuportahan ng Tagataguyod na ito ang pagtuturo ni Hesus. Ang Paraklit ay ang patuloy na presensya ni Hesus sa muling nabuhay na pamayanan at isang patotoo at guro. Ang Paraklit ay may pansarili at mahalagang tungkulin, na hindi natin maaaring bigyan diin sa buhay ng alagad at pamayanan. Sa pamamagitan ng buháy na presensya ni Kristo na ito,   natututuhan ng pamayanang Kristiyano ang tungkol sa pag-asa--hindi iniwan at tinawag na magpatotoo sa pag-ibig ng Diyos.


               Katulad ng mga unang Kristiyano at huling Kristiyanong pamayanan sa buong kasaysayan, ang mensahe ay malinaw para sa atin ngayon. Ang Banal na Espiritu ay pangunahin sa ating buhay Kristiyano sa pamayanan. Ang Paraklit-Tagataguyod, Lingkod, Taga-aliw na ito -ay siyang tagaagapay,  naghihikayat at nagtuturo sa atin ng pag-asa. Hinahamon tayo ng Banal na Espiritu na magsalita ng totoo at magpatotoo tungkol sa nakikita natin sa buhay ni Hesus-isang mapagbigay at maibiging Diyos, na tumatawag sa atin upang maglingkod sa iba. Binabanggit sa talata 15:26 ang "Espiritu ng katotohanan." Ang katotohanang ito ay hindi tungkol sa mga katotohanan, kundi isang paraan ng pamumuhay-ang pinakadiwa ng ating pagkatao, pagpapakita ng pagiging bukás, pagkamangha, at paglilingkod. Ang buháy na presensya ng Banal na Espiritu na ito ay nagbibigay ng Kristiyanong pag-asa. Sinasanay natin ang pag-asa sa panahon ng ating aktibong buhay bilang mga alagad. Bilang mga alagad, sumasamba tayo, mananalangin tayo, magtipontipon tayo sa pamayanan, at ibabahagi natin ang mga sakramento.


               Bukod pa rito, bilang mga Kristiyano, tinawag tayong magbigay ng mabuting pakikitungo sa dayuhan, paglingkuran ang mga nangangailangan, pakakainin ang nagugutom, pagaanin ang paghihirap, at pagpapalaya. Ang lahat ng mga gawaing ito ay tumutulong sa atin na makipagkasundo at magpatawad, na nagbibigay sa atin ng kapayapaan ng Diyos. Anuman ang maaaring dalhin ng hinaharap, ang Paraklit ay nagtuturo sa atin at sa ating pamayanan na ang tunay na pag-asa ng Kristiyano ay ang magbahagi ng masaya sa mabuting balita ni Hesu-Kristo. Dapat tayong magpatotoo sa kaloob ng pagpapala at kabutihang-loob ng Diyos na may walang-hangganang pagmamahal. Dapat nating labanan ang karahasan at hindi pagkakapantay-pantay, upang makisama sa lahat ng nagdurusa, at harapin ang mga panganib para sa kalayaan, kapayapaan, at katarungan para sa lahat. Ang tunay na pag-asa ng Kristiyano ay pagkilos na kung saan tayo ay buong-puso na kumikilos patungo sa kaganapan ng buhay sa pakikipag-isa sa Diyos at sa lahat ng sangnilikha. Sa Linggo ng Pentekostes na ito, ang mga talatang ito sa Juan ay nagpapaalala sa atin na  ang Paraklit, ang Banal na Espiritu, ang siyang gumagabay sa atin na magsalita ng katotohanan at magbukás ng ating sarili sa biyaya at kagandahan ng sangnilikha. Ang Tatlong Diyos ay kumikilos at mapagmahal sa ating mga buhay at mundo. Tinawag tayong sumunod sa Banal na Espiritu, makiisa sa paglilingkod, at upang makibahagi sa  pag-asang Kristiyano ang mga biyaya ng Diyos sa sangnilikha.


 

Pinakabuod

   1. Ang Espiritu ay nagtuturo sa mga alagad at ng pamayanang Kristyano na maging saksi    


          ng katotohanan.


6.      Ang Tagataguyod ay nagbibigay inspirasyon sa espirituwal na pananaw at lakas ng         


loob.


7.      Ang Paraklit ay nagpapakita sa presensya ni Kristo at inilalarawan ang isang pag-asang Kristiyano na ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Tatlong Diyos-upang kumilos kasama ang Banal.


 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano nakikinig ang iyong kongregasyon sa Espiritu?

Paano ka tinuruan ng Banal na Espiritu?

Paano ang diwa ng katotohanan nananahan sa iyong buhay?

8.      Nadama mo ba ang umaasam na tumanggap ng pagpapala ng Banal na Espiritu?


9.      Maari ka bang magbigay ng mga halimbawa kung paano ibinahagi ng iyong kongregasyon ang patotoo ng Paraklit?


Paano mo inilalarawan ang pag-asang Kristiyano?

Nagsasabi ba ng katotohan ang iyong kongregasyon?

 


 

 

Unang Linggo Pagkatapos ng  Pentekostes, Linggo ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos (Karaniwang Panahon)


Juan 3:1–17


Isaias 6:1-8; Mga Awi 29; Roma 8:12-17


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               “Ipanganak muli!” Ang talakayang ito sa pagitan ni Hesus at ni Nicodemo ay tinutukso tayo na pahintulutan ang mga pag-uusap at pagpapalaganap ngayon ng mga “ipinanganak  muli" na mga Kristiyano na makaimpluwensya sa ating pag-iisip at makaligtaan ang kahalagahan na nais ni Hesus na maunawaan natin. Ang kuwentong ito sa banal na kasulatan ay tungkol sa pagkabukas-palad ng Diyos. Ang Diyos ang nagbigay sa mahalagang handog na ito, si Hesus, ang bugtong na Anak ng Diyos. At kapag tayo ay "ipananganak  muli," ito ay "sa Espiritu." Sa Linggo ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos, ang karanasan ni Nicodemo ay ipinapaliwanag ang kaisipan na "Ang Diyos ay isang pamayanan ng tatlong persona at isang walang hanggang nilalang" (Ng Tubig at Espiritu, p. 11) "... Ang katauhan ng Diyos [ay] ipinahayag sa tatlong pangalan ... Diyos na Tagapagbigay Magpakailanman, ang Handog, at ang Pagbibigay: Ang Banal na Pamayanan na ang diwa ay pag-ibig." (Understanding the Way, pp. 37-38 ).


               Ang pagiging "ipanganak  muli" ay hindi isang pangangatwiran upang magbigay ng suporta sa isang partikular na kahulugan ng Kristiyanismo. Kay Hesus, inihahayag ng Diyos ang likas na katangian ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos  sa atin ay walang hangganan. Kung handa tayong tanggapin ang pag-ibig na ito, tanggapin ang buhay na walang hanggan, ang ating buhay bawat araw ay magkakaroon ng bagong layunin at pag-ibig na huhubog sa "katauhan" na nais ng Diyos para sa atin.


               Si Nicodemo ay dumating kay Hesus nag-iisa at sa gabi tulad ng marami sa atin. Paano natin lalapitan ang ating mapagmahal na Diyos? Alam ni Nicodemo na may isang bagay tungkol kay Hesus na hindi niya maipaliwanag. Tinawag niya siya na "rabbi" at kinilala niya siya bilang isang "guro mula sa Diyos." Ano ang iniisip natin tungkol sa Hesus na ito? Guro, mangangaral, o tagapagligtas sa ating buhay?


               Si Nicodemo ay nalilito sa pahayag ni Hesus tungkol sa pagiging "ipanganak  muli." Iniuugnay lamang niya ito sa pisikal na paraan ng pagiging ipinanganak. Gayunpaman, hinamon ni Hesus si Nicodemo na "ipanganak  muli" sa espirituwal na paraan ng pamumuhay na magpapakita ng malalim at matatag na pag-ibig ng Diyos para sa kanya.


               Ang paglapit ni Nicodemo kay Hesus ay isang pagkilos ng pagiging alagad. Tinatanong ni Hesus ang bawat isa sa atin araw-araw (tulad ng ginawa niya kay Pedro), "Mahal mo ba ako? Hahanapin mo ba ako at tatanggapin ang pag-ibig ng Diyos na mayroon ako para sa iyo? At pagkatapos, "Pakakainin mo ba ang aking mga tupa?" Ang pagkilos ni Nicodemo ng pagiging alagad ay nagbibigay ng huwaran para sa atin. Lumalapit tayo araw-araw sa ating mapagmahal at mapagkaloob na Diyos, naghahangad na maunawaan at maramdaman ang mapagpabagong  biyaya na nagmula sa pagiging isang alagad ni Hesu- Kristo. Nagpapasalamat tayo sa presensya ng Espiritu sa ating mga buhay. Bilang mga alagad na nakaugnay sa banal na Pamayanan ng Tatlong Persona na ito, tiyak na mararamdaman natin na  manguna lampas sa mga pader ng iglesya tungo sa mundo upang itaguyod ang misyon ni Kristo.


 

Pinakabuod

Ang Diyos ng Tatlong Persona ay mapagkaloob.

Bilang pamayanan ng tatlong persona, ang ugnayan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos ay nagiging halimbawa ng isang pamayanan ng walang hanggang pagmamahal.. 

Tinatawag tayo ni Hesus na “ipanganak muli.” Ngunit ginawa niya ito mula sa ispiritwal na pang-unawa  at hindi mula sa tunay na pisikal  na karanasan ng pagiging “ipanganak muli.”

 


Mga katanungan para sa Tagapagsalita

Paano ang iyong paglalakbay tulad ni Nicodemo sa landas ng alagad?

Ano ang iyong  pagkaunawa kung sino si Hesus habang ipinapahayag siya ng Diyos sa mundo?

Ano ang ibig sabihin ng pagiging “ipanganak muli”?

Paano naging mapagkaloob ang Diyos sa iyong buhay? 

Gaano kadali o kahirap ang tumanggap ng kaloob ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo sa araw-araw?


 


Karaniwang Panahon (Proper 4)


Marcos 2:23—3:6


Deuteronomio 5:12-15; Mga Awit 81:1-10;


2 Corinto 4:5-15


 

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang pangingitil ng butil habang sila ay naglalakad ay itinuturing na isang paglabag sa kasanayan sa Araw ng Pamamahinga. Ang tanong na tinanong kay Hesus ay tungkol sa pagsisikap ng  pangingitil sa butil, hindi ang kahalagahan ng pagkain. Ito ay isang katanungan ng wastong galaw ng pang-araw-araw na buhay.


               Ang pakikipag-usap kay Hesus habang naglalakad ay sagradong oras para sa mga alagad, tulad ng kanilang paniniwala na ang oras sa templo sa Jerusalem ay sagrado. Sa siniping ito, ang sagradong oras at sagradong lugar ay magkasalungat, at si Hesus ay hiniling na lutasin ang alitan: Ang paglalakad at pangingitil ng butil ba ay isang paglabag sa sagradong gawain? Ang problema ay hindi ito isang paglabag sa Araw ng Pamamahinga, kundi isang paglabag sa kanilang interpretasyon kung ano ang tamang galaw sa Araw ng Pamamahinga.


               Sa Isaias 58, ang propeta ay malinaw na nagpapaliwanag ng pagkabigo ng Diyos sa mga tao kapag sinasabi nila ang isang bagay sa isang paraan, ngunit kumilos nang iba. Ang galaw ng pag-aayuno para sa pagkilala ay salungat sa inaasahan ng Diyos kung paano pakikitunguhan ang mga tao sa pamayanan at sa loob ng mga pamilya. Sa katulad na paraan, sinabi ni Hesus sa mga nagtatanong sa kanya: Sa palagay mo ay naisip mo na ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paraan na iyong binibigyang kahulugan ang tama. Ang tunay na sukatan ng iyong pag-unawa ay kung paano mo isasagawa ang iyong paniniwala sa mga nangangailangan, sa mga naghahanap, sa pag-aalaga sa iba at sa pamilya.


               Ang butil ay matutuyo kung hindi ito magagamit o ginamit para sa mga layunin nito. Ang inosenteng pagkilos ng paghawak ng ilang piraso ng butil ay ipinapakahulugan bilang isang paglabag. Ngayon, sa gitna ng sagradong lugar, kaharap ni Hesus ang isang lalaking may tunay na limitasyon. Tinatawag ni Hesus ang mga tagamasid at mga tagapuna at tinatanong sila kung ang pagpapagaling sa isang tao sa isang sagradong lugar sa sagradong araw ay isang paglabag; ang kanilang sagot ay katahimikan. Ang tugon ni Hesus ay pagkabigo at pagkahabag. Sa pagtatapos ng sinipi, ang pagkahabag sa isang nangangailangan ay tumatanggap ng pagpapala sa presensya ni Hesus.


               Ang Araw ng Pamamahinga ay isang sagradong modelo ng biyaya at pagkahabag. Ito ay isang handog na natatanggap natin kapag isinasantabi natin ang ating interpretasyon sa kung ano ang mahalaga, at paggugol ng panahon na magiliw sa ating sarili, kumuha ng panahon upang makapagpahinga, tumanggap, at mabuhay na may kahabagan. Mula sa simula ng paglikha, ang Diyos ay nagbibigay ng sagradong modelo sa sangnilikha upang magpahinga at tumugon sa kahabagan sa mga pangangailangan na kinakaharap natin sa ating araw-araw, banal na galaw. Ang inaasahan ng Diyos sa Araw ng Pamamahinga ay para sa pagiging ganap, pagpapanumbalik, pagbabago, pagpapagaling, at nagbibigay buhay na kapahingahan para sa lahat ng ating mga ugnayan at sa atin; ito ay isang modelo ng pagpapala.


 

Pinakabuod

1.   Ang pag-iingat sa Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang modelo ng katatagan.  


      Ang trabaho, pahinga at habag ay hindi paligsahan.


2.      Ang Araw ng Pamamahinga ay nakaangkla sa pag-aalaga sa iba at sa sarili.


3.      Ang pagbagal upang tumanggap ng kapahingaan, pagbabago, at pananaw ay mahalaga sa modelo ni Hesus sa paggalang sa Araw ng Pamamahinga at sa mga pangangailangan ng mga tao.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


      1.   Sa ilang mga paraan, ang siniping ito ay naglalarawan sa isang hindi pagkakasundo ng       

            mga inaasahan. Paano mo titimbangin ang mga inaasahan ng paglilingkod at Araw ng  

            Pamamahinga? Kailan ka naharap  sa isang hindi pagkakasundo sa kung ano ang 

            inaasahan sa iyo, at  nadama mo ang pangangailangan na huminto at magpahinga?

2.      Paano ang pagkilos ng isang taong pilay at patay ang bisig naglalarawan ng pagkilos na iyong naranasan?


3.      Ang inaasahan ng Diyos sa pagiging ganap, pagpapanumbalik, pagbabago, pagpapagaling, at nagbibigay buhay na kapahingaan sa lahat ng ating mga ugnayan ay ang mabuting balita sa araw na ito. Ibahagi kung paano mo naranasan ang mabuting balita sa pamamagitan ng pagtanggap sa kaloob na ito mula sa Diyos. 


 


 


 


Karaniwang Panahon (Proper 5)


Marcos 3:20–35


Genesis 3:8-15; Mga Awit 130; 2 Corinto 4:13-5:1


 


Banal na Kasulatan

               Ang araling ito sa banal na kasulatan ay nagpapakita ng isang balangkas pampanitikan na ginagamit nang karaniwang manunulat ng Marcos. Ang isang kuwento ay nasa gitna ng isang kuwento. Ang panlabas na kuwento-ang simula at ang katapusan ng aralin-ay tungkol sa mga miyembro ng pamilya ni Hesus na naghahanap sa kanya dahil sa palagay nila na  nawala niya ang kanyang isip. Ang kuwento sa gitna ay ang mga eskriba na inakusahan si Hesus na si Satanas dahil nagpapalayas siya ng mga demonyo.


               Dalawang grupo sa siniping ito ay naninindigan  sa paghahambing sa kanilang mga motibasyon ngunit magkatulad sa kanilang mga paratang. Ang mga miyembro ng pamilya ni Hesus, dahil sa pagmamahal at pag-aalala, ay hinahanap siya dahil iniisip nila na ang kanyang pangangaral, pagtuturo, at paggawa ng himala ay salungat na pag-uugali. Kumikilos sila nang may pag-ibig  ngunit sa tingin nila si  Hesus ay nasisiraan ng bait at marahil nakakapinsala sa kanyang sarili at sa iba. Nakikita rin ng mga eskriba si Hesus na nakakapinsala, ngunit kumilos sila dahil sa pagmamataas at paghamak. Ang pagkasira ng bait ay palagay lamang ng kanyang pamilya, ngunit ang paratang ng mga eskriba ay isang legal na pagkakasala na maaaring parusahan ng pagkabilanggo o kamatayan.


               Ang katauhan ni Satanas, na kilala rin bilang Beelzebul, ay nagbago sa buong kasaysayan ng mga Hudyo. Nauna sa mga kuwento ng Hebreo, tulad ng inilalarawan sa Job 1 at 2 at Zacarias 3, si Satanas ay isang makalangit na nilalang na ang tungkulin ay pagsasagawa ng pagsubok sa mga tao sa pangako nila sa  Diyos at pag-uusigin sila sa harap ng Diyos kung sila ay nabigo. Sa panahon ng pamumuhay  ni Hesus, naunawaan ng mga Hudyo si Satanas bilang pinakadakilang kalaban at karibal sa Diyos at sa mabubuting gawa ng Diyos, pati na rin bilang "pinuno ng mga demonyo." Katulad ng ginagawa niya sa iba pang mga kuwento sa mga Ebanghelyo, gumagamit si Hesus ng makatwirang pag-iisip upang ibalik ang mga salita ng mga kalaban laban sa kanila. Ag kapangyarihan lamang ng Diyos, hindi si Satanas, ang nagpapalayas ng mga demonyo


               Ang mga talata 28-30 ay kumakatawan sa ilang mga lugar kung saan nagsasalita si Hesus tungkol sa kasalanan at ang mga epekto nito. Sa halip na magsalita tungkol sa kasalanan, gugustuhin ni Hesus na pag-usapan ang mga makasalanan. Ito ay, pagkatapos ng lahat, isang bahagi ng misyon ni Hesus ay upang matubos ang mga makasalanan.


               Ang ikatlong grupo sa aralin ay mga tagasunod ni Hesus. Sa pagkakataong ito, ang maraming tao ay masigasig na marinig at makita si Hesus na siya at ang mga alagad ay hindi man lang makakain. Sa pamamagitan ng kanyang presensya, ang mga tao ay hinahangad  na gawin ang kalooban ng Diyos. Minamahal ni Hesus ang mga tao para diyan – sa kabila ng pag-ibig, pag-aalaga, at pagmamalasakit niya para sa kanyang  sariling pamilya


               Matututuhan natin ang tatlong alituntunin mula sa araling ito sa banal na kasulatan:


               Una, mahalaga kay Hesus na maunawaan at makita ng mga tao ang kapangyarihan  ng Diyos sa pagliligtas na kumikilos sa kanyang paglilingkod. Ang pagsisikap ni Hesus na iwasto ang mga paratang ng paggawa ng salamangka o kumikilos bilang isang kinatawan ni Satanas ay hindi upang itaguyod ang kanyang integridad o lumabas sa problema. Ang layunin ni Hesus ay upang tiyakin na ang lahat ng nakasaksi sa kaganapan ay alam na ang kapangyarihan ng Diyos ay ang pinagmulan ng himala at paglilingkod ni Hesus. Ang parehas na mensahe ay totoo ngayon. Ang kapangyarihan ng Diyos ay naninirahan pa rin sa ating paglilingkod at mga kilos kapag nakikibahagi tayo sa misyon ni Kristo.


               Pangalawa, lahat ay may halaga. Si Hesus ay karaniwang hindi nakikihalobilo  sa mayayaman, makapangyarihan, o maharlika na tao. Wala siyang kapangyarihan panglipunan at pampulitika tulad ng mga eskriba at malamang wala din sa kanya ang kanilang   pormal na pagsasanay panrelihiyon. Gayunpaman, hindi nagpatalo sa kanila si Hesus. Sa pamamagitan ng paghamon sa mga eskriba, ipinakita niya sa kanyang mga tagasunod at ipinaaalala sa atin na hindi natin kailangan ang kapangyarihang panlipunan at pampulitika upang makibahagi  sa misyon ni Kristo. Kailangan lang nating maging matapat at handang mga alagad.


               Ikatlo, may pagpapala sa pamayanan. Katulad ng pagkaligaw sa kanilang mga pagsisikap, ang mga miyembro ng pamilya ni Hesus ay naghangad ng mabuti nang maglakbay sila upang hanapin siya. Ang kanilang mga kilos ay nagpakita ng pag-aalaga at pagmamalasakit.  Ngunit hindi iyan ang kailangan ni Hesus. Ang kailangan at nakita ni Hesus sa karamihan ay isang matapat na pamayanan ng mga tao na ang mga pag-asa at mga pangarap sa pagsasabuhay sa kalooban ng Diyos ay susuportahan at pangangalagaan  ang bawat isa, tulad ng pamilya.


 

Pinakabood

Ang kapangyarihan ng Diyos ay responsable sa himala at paglilingkod ni Hesus.Ang parehas na kapangyarihan ay mayroon din tayo ngayon.

Ang kapangyarihang panglipunan at pampulitika ay hindi mahalaga sa mga alagad na makibahagi sa misyon ni Kristo.

Ang paglikha ng pamayanan ay nagbibigay ng tulong at suporta sa isa’t-isa sa pagsasabuhay ng isang buhay na tapat sa katarungan at kapayapaan.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano ipinahayag ang kapangyarihan ng kaligtasan ng Diyos sa iyong paglilingkod habang nakikibahagi ka sa misyon ni Kristo?

Kailan mo hinamon ang kawalan ng katarungan, pagpapahayag ng Kahalagahan ng Lahat ng Tao?

Paano ka tinatawag ng Diyos at ang iyong kongregasyon na maglingkod sa mga inaapi?

Paano lumikha ng pamayanan ang iyong kongregasyon? Paano nabubuo ang pamayanan?


 


Karaniwang Panahon (Proper 6)


Marcos 4:26–34


Ezekiel 17: 22-24; Mga Awit 92:1-4, 12-15;


2 Corinto 5:6:17


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang mga mambabasa ng dalawampu't-unang-siglo ay dapat pumasok sa   unang-siglong daigdig ng Galilea upang maunawaan kung gaano nakakagulat ang mga talinghaga ni Hesus. Pinagsama ni Hesus ang pang-araw-araw na mga bagay na may mga larawan mula sa Kasulatang  Hebreo. Ginamit niya ito upang hamunin ang mga naiisip na mga pangyayari tungkol sa paghahari ng Diyos at ang tinanggap na sistema ng kapangyarihan at awtoridad.


               Kasama sa sinipi ngayon ang dalawang maikling talinghaga na gumagamit ng mga binhi bilang pangunahing paglalarawan para sa paglago ng kaharian ng Diyos. Ang Marcos 4: 26-29 ay nagpapakita ng isang imahe ng mahiwagang paglago ng paghahari ng Diyos. Ang pagsisikap ng magsasaka ay napakaliit: itanim ang binhi at antayin itong lumago. Ang kaharian ay pagmamay-ari ng Diyos, at maaari lamang itong dalhin ng Diyos, sa sariling panahon ng Diyos. Kapag handa na ang pag-aani, inaani ng magsasaka ito gamit ng ng isang karit. Gumagamit ang Joel 3:13 ng parehong larawan upang ipahayag ang mga oras ng pagtatapos at paghatol.


               Ang ikalawang talinghaga ay ang kilalang sinasabi tungkol sa butil ng mustasa. Ngunit ang kahulugan ay hindi kinakailangang kilala ngayon. Ang butil ng mustasa ay maliit at itim, mas maliit sa butil ng mga gulay. Lumalaki ito na pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay.  Ito ay matibay, nababanat, at mahirap kontrolin. Noong panahon ni Hesus, pinapanatiling hiwalay  ng mga magsasaka ito mula sa kanilang hardin ng halaman. Kapag natagpuan nila ito lumalaki sa kanilang mga taniman, binubunot nila ito.


               Ang talinghaga ay nagsasalita ng "paghahasik" ng butil ng mustasa, ibig sabihin, ang pagtatanim ng ganitong ligaw, hindi mapigilan na damo nang may layunin. Ang kanyang mga tagapakinig ay maaring matawa. Sinasabi ni Hesus na ang paghahari ng Diyos ay hindi nilayon upang maging hiwalay sa pang- araw-araw na buhay. Dapat nating itanim ito sa gitna ng ating maliit, nilinang na mundo-at antayin na pumalit ito! Lumalaki ito at kumalat sa lahat ng dako, isang damo na maraming nagtatakwil o nagsisikap na sirain.


               Pagkatapos ay idinagdag ni Hesus ang isang larawan mula sa Kasulatang Hebreo na pamilyar sa kanyang mga tagapakinig. Ang maliit na butil na ito ay lumalaki sa isang napakalaking sanga na " pinamumugadan ng mga ibon ang sanga nito" (b.32 ). Inilarawan sa Ezekiel 31: 1-18 ang Asiria bilang isang napakalaking punongkahoy, mapagmataas at matataas na tulad ng mga sedro ng Lebanon, na napakataas sa lahat ng bansa. Ang mga ibon sa himpapawid (ang mga bansa sa mundo) ay sumisilong sa kanyang mga sanga at sa lilim nito nagpapahinga.  natagpuan ang mga sanga nito at nagpahinga sa lilim nito. Pinutol ng Diyos ang Asirya at iniwan ito na sira at patay. Sa katulad na paraan, inilalarawan ng Daniel 4: 10-17 si Nabucodonosor ng Babilonia bilang isang mapagmataas, hindi magagapi na puno. Ang lahat ng mga bansa ay napasakop sa kanya. Binuwal siya ng Diyos, pinutol ang kanyang mga sanga, linagas ang kanyang mga dahon, at isinabog ang kanyang bunga.


               Ang kaibahan ay malinaw. Ang paghahari ng Diyos ay hindi isang mapagmataas, maharlikang puno na nakikipagtunggali  sa kapangyarihan ng Diyos at iba pang mga bansa. Ito ay isang matibay, nababanat na sanga na lumalaki at patuloy na kumakalat sa kabila ng mga pagsisikap upang bunutin ito. Ang mga sanga nito ay malaki at matibay, na kayang paghandaan  ang lahat ng mga bansa (ang "mga ibon") ng mundo na darating at magiging bahagi nito. Ngunit ito ay mapagpakumbaba.


               Para sa mga hindi nakakaunawa sa pagiging mapagpakumbabang paghahari ng Diyos, ang kanyang likas na katangian, at ang lihim na pag-unlad nito, ang mga talinhagang ito ay nakalilito at kakaiba. Ngunit ipinaliwanag ni Hesus ang kanyang mga larawan sa kanyang pinakamalapit na mga tagasunod lamang nang pribado. Ang mga matapat at nakatalaga kay Hesus ay binigyan ng kaalaman tungkol sa likas na katangian ng darating na paghahari ng Diyos. Ang mapanghimagsik na katangian ng kanyang pagtuturo ay nakatago mula sa mga sisira sa kanya at bubunutin ang mga simula ng kaharian.


 


Pinakabuod

1.      Ang kaharian ng Diyos ay pag-aari ng Diyos. Ang Diyos lamang ang mamamahala ng paglago at pag-ani.


2.      Ang kaharian ng Diyos ay hindi hiwalay sa mundo. Nakatanim ito sa gitna nito.


Ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula sa maliliit na paraan, ngunit ang paglago nito ay hindi maaring limitahan o kontrolin. Ito ay hindi sikat, at hindi mapipigilan.

Anumang pagsisikap ng tao na gawing maringal, makapangyarihan, o moderno ang kaharian ng Diyos, ay hindi magtatagumpay.

 


Katanungan para sa Tagapagsalita

1.      Paano mo naiintindihan at ginamit sa maling paraan ang mabuting balita tungkol sa paghahari ng Diyos? Paano mo ito sinubukang pamahalaan o kontrolin ito?


2.      Saan mo nakita ang paghahari ng Diyos na nagsimulang umusbong, lumago at  nagbunga?


Paano natin hindi sinasadya na panatiliing hiwalay ang kaharian ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay at mga gawain?

 Paano ka hinahamon kamakailan na maghasik ng mga binhi ng kaharian?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 7)


Marcos 4:35–41


Job 38:1-11; Mga Awit 107:1-3, 23-32;


2 Corinto 6:1-13


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Sa Marcos 4: 35-41, tinawid ni Hesus ang Dagat ng Galilea kasama ang kanyang mga alagad. Ito ang una sa apat na mga  pagtawid (Marcos 4: 35-41, 5:21, 6: 45-52, at 8:13). Si Hesus ay nagtuturo at naglilingkod sa magkabilang panig ng Dagat ng Galilea, sa mga Hudyo at Gentil. Ang dalawang pinakamahabang sipi, ang pagbasa ngayon at ang kuwento ng paglalakad sa tubig sa Kabanata 8, ay nauugnay sa isang karaniwang tema: Ang kapangyarihan ni Hesus sa dagat at hangin.  Kapwa, ang mga alagad ay natatakot at nagtataka tungkol kay Hesus.


               Matapos ang isang mahabang araw ng pagtuturo ay iniwan ni Hesus ang maraming tao upang tumawid sa Dagat ng Galilea sa teritoryo ng Hentil na kasama ang kanyang mga alagad. Ang ibang mga bangka ay kasama  sa paglalakbay. Si Marcos ay hindi nagsasabi sa atin kung sino ang nasa kanila at hindi muling binanggit ang ibang mga bangka. Isang posibilidad ay si Marcos ay nagbibigay ng katotohanan. Ang iba ay nasa dagat sa araw na iyon at maaaring magpatotoo sa bagyo at biglaang pagpayapa. Ang isa pang posibilidad ay ang pagpapalawak ni Marcos sa kuwento upang isama ang lahat ng tao na nakakaranas ng mga bagyo ng buhay, hindi lamang mga alagad ni Hesus.


               Ang bagyo ay mabilis na lumitaw, tulad ng mga bagyo pa rin sa lugar na iyon. Ang mga detalye ay inilalarawan sa ating isipan. Ang mga alon ay "humampas sa bangka, kaya  ang bangka ay lumulubog na" (talata 37). Si Hesus ay "nakahilig, na natutulog sa mga unan" (38). Sa takot sa kanilang buhay, ang mga alagad ay ginising si Hesus na may mga parirala na nagkakasalungatan sa isa't isa. Sa isang banda, tinawag nila siyang "guro," na nagpapakita ng paggalang, at katapatan. Sa kabilang banda, tinatanong nila ang kanyang katapatan at sa kanila: "Wala ka bang pakialam ...?" (T. 38).


               Ang kaibahan sa pagitan ni Hesus na nakatuon sa tiwala at ang mga alagad na nakikipaglaban sa takot at pagkalito ay nagsasalita sa tagapakinig tungkol sa katangian ng pananampalataya sa Diyos. Ang kalupitan ng bagyo ay maaring gugunitain ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig  na sinundan ng paglikha sa Genesis 1: 2. Ang Diyos ang namahala sa kaguluhan at nagdala ng kaayusan. Ang  Awit 89: 9 at Job 38: 8-11, pati na rin ang iba pang mga sinipi sa Kasulatang Hebreo, inuulit ang katiyakan na kinokontrol ng Diyos ang kalikasan at maaaring magdala ng katahimikan at kaayusan. Pinagtitibay ni Marcos si Hesus bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasalaysay kung paano si Hesus, bilang kinatawan ng Diyos, ay nag-uutos din sa mga pwersa ng kalikasan, at nagdudulot ng kaayusan.


               Tulad ng mga yugto ng pagpapalabas ng mga demonyo, "sinasaway" ni Hesus ang hangin at iniutos ang dagat na maging tahimik at tumigil. Ang ganyang mga salita ay isinalin bilang "Tumahimik ka! Tumigil ka!" sa NRSV na Bibliya. Ang orihinal na mga salitang Griyego ay malakas at makapangyarihan, at may awtoridad. Sa gayunding kapangyarihan,  sinaway ni Hesus ang mga alagad dahil sa kawalan nila ng tiwala at takot. Sa di iniaasahan, ang kapangyarihan ni Hesus sa bagyo ay hindi pinapawi ang kanilang takot. Nagtatapos ang tagpo sa mga alagad na natatakot pa rin- ang oras na ito ni Hesus mismo. Ang takot na ito ay lumabas muli  sa darating na tagpo, nang lumalakad sa mga alon si Hesus papunta sa kanila. Hindi pa rin nila nauunawaan kung sino si Hesus.


               Ang mga nakarinig sa Ebanghelyo ni Marcos ay hinamon din na ipahayag ang kanilang tiwala at pananalig sa Anak ng Diyos, sa halip na umurong sa takot kapag dumating ang mga bagyo. Ang kapangyarihan ni Hesus ay laging mas higit kaysa sa bagyo para sa mga naniniwala at nagtitiwala. Ngunit ang pangwakas na  tanong sa Marcos 4:41 ay patuloy na ginagambala ang mga tagasunod ni Hesus ngayon: "Sino ito, na kahit na ang hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?


 

Pinakabuod

1.      Si Hesus ay nagtuturo at naglilingkod sa mga Hudyo at mga Gentil ng palagian.  


2.      Ang Lumikha, ay hindi katulad ng paglikha. Ang Diyos ay may kapangyarihan sa kalikasan at maaring magdala ng kaayusan mula sa kaguluhan.


Ipinakilala ni Marcos si Hesus bilang kumakatawan sa Diyos, nakapagsasaway sa bagyo at sa hangin at nagdadala ng katahimikan.

Ang parehong katahimikan ay maaring magdala ng katahimikan sa gitna ng pagkawasak sa ating pang-araw-araw na buhay. Tayo ay hinahamon na magtiwala at maniwala.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.      Kailan mo naramdaman na tila ang Diyos ay hindi alam o nagmamalasakit tungkol sa iyong mga problema? Anong ginawa mo upang subukang gisingin ang Diyos?


2.      Kailan ka nagapi ng takot? Paano bumalik ang tiwala at katahimikan?


Kanino mo sasabihin kung sino si Hesus? Bakit mo pinaniniwalaan iyan?

Paano patuloy na kinukulayan ng  nakatagong takot ang iyong paniniwala?

 


 


 


 



 


Karaniwang Panahon (Proper 8)


Marcos 5:21–43


Mga Panaghoy 3:23-33; Mga Awit 30;


2 Corinto 8:7-15


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulata

               Ang sinipi sa araw na ito ay nakatuon sa dalawang pagpapagaling na magkaugnay sa pamamagitan ng isang pamamaraang pampanitikan na madalas ginagamit ng may-akda ng Marcos. Tinatawag na sandwich ng Markan, ang isang kuwento na napuputol o "mapagitna" ng isa pa. Sa kalagayang ito, mayroong pagpapagaling sa loob ng isang pagpapagaling. Ang layunin ay upang bigyan tuon ang bawat kuwento sa pamamagitan ng paggamit ng iba. Samakatuwid, kung maaari, ang mangangaral ay dapat gamitin ang mga kuwento nang sama-sama upang bigyan tuon ang tema.


               Bukod kay Hesus, may dalawang mahalagang mga tauhan na pumukaw sa pagtalakay sa mga gawain ng pananampalataya: Si Jairo, ang pinuno ng sinagoga, at ang walang pangalan na babae na dinudugo. Si Jairo, isang lalaki, ay isang mahalagang pinuno. Siya ay may pangalan at may mahusay na ugnayan sa pamayanan. Sa kabilang panig, ang babae ay walang pangalan at isang itinakwil ng lipunan. Si Jairo ay mayaman at maimpluwensya habang ang dinudugong babae ay mahirap at marumi. Si Jairo ay direktang lumapit kay Hesus habang ang babae ay nagsisikap na lumapit kay Hesus nang lihim at tahimik. Gayunpaman, parehong nawalan ng pag-asa. Ang dalawa ay nagngangalit sa galit at matiyaga.


               Gayundin, sinira ni Jairo at ng babae ang mga kaugalian sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga pagkilos. Si Jairo ay mapagpakumbaba sa harap ni Hesus, nagsusumamo ng paulit-ulit - isang pagkilos na hindi gagawin ng isang tao sa kanyang panlipunang katayuan. Ang babae, marumi at mahirap, ay lumalabag sa pamantayan ng kalinisan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang sarili sa madla at pagtulak sa karamihan. Pagkatapos ay tinawid niya ang mga hangganan ng kasarian sa pamamagitan ng pahipo sa  damit ng isang lalaking guro. Ang pananampalataya ni Jairo at ng babae ay nagpapakita ng tapang, tiyaga, at walang takot.


               Pareho silang pinagpala ni Hesus. Gayunpaman, tandaan na si Hesus, ay nasa daan upang maglingkod sa anak na babae ni Jairo, ay ginambala ng dinudugong babae. Ang bahaging ito ng kuwento ay napakahalaga sa tamang pag-unawa sa sinipi. Pinahintulutan ni Hesus ang kanyang paglilingkod kay Jairo, isang kagalang-galang na miyembro ng pamayanan, upang magambala ng paglilingkod sa pangangailangan ng isang itinakwil walang pangalan na babae sa lipunan. Sa madaling salita ang  teolohikal na mensahe  ay ang mga pangangailangan ng mga pinaka-aba, malulungkot, at nawawala ay hinaharap muna bago ang  mga makapangyarihan at may kaugnayan sa lipunan.


Ang proseso ng paggaling ng babae ay nagbibigay din ng mahalagang pananaw sa ating Kristiyanong paglalakbay. Sa talata 29 lumilitaw na ang pagpapagaling ay lubos. Ang pagdudugo ay tumigil at ang babae ay nararamdaman na siya ay gumaling mula sa sakit. Gayunpaman, si Hesus ay hindi nagpatuloy mula roon. Sa halip, nangangailangan siya ng higit na pakikipag-ugnayan sa gumaling na babae. Gusto niyang makilala siya. Nang nilapitan siya ng babae na may takot at panginginig, si Hesus ay nagbigay ng lubos na kagalingan. Tinawag siya  sa madla  "anak na babae," isang kapaki-pakinabang na katawagan na magdadala sa kanya pabalik sa pakikipag-ugnayan sa iba. Hinihikayat siya ni Hesus na humayo sa kapayapaan (shalom), pinalaya siya mula sa pisikal na pagdadalamhati, at pinagagaling siya nang lubos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng buong pakikisalamuha sa pamayanan.

               Ang buong kahulugan ng kuwento ay hindi ganap nang hindi binabanggit ang 12-taong-gulang na anak na babae ni Jairo. Pinalalalim niya ang kahulugan ng kuwento ng pagpapagaling at paglilingkod ni Hesus. Kapwa ang dinudugong babae at ang batang babae ay walang kapangyarihan. Sila ay mga babaeng mga biktima ng karamdaman at marumi. Ang babae ay dinudugu at ang babae ay patay na.


               Iniuugnay ni Marcos ang dalawa sa pamamagitan ng paggamit ng numero 12, na makabuluhan sa tradisyong Hudyo. Ang babae ay dinudugo sa loob ng 12 taon. Ang batang babae ay 12. Tinawag ni Hesus ang  babae na "anak na babae" at ang isa ay isang anak na babae sa kuwento. Sila ay marumi o patay sa lipunan. Gayunpaman, kapwa silang  pinagaling at naibalik sa buhay at sa pamayanan.


 

Pinakabuod

1.      Ang pananampalataya ay humihiling ng kababaang-loob, pagtitiyaga, pagkakataon, lakas ng loob, at mahihirap na pagkilos sa waring walang pag-asang kalagayan.

2.       Kasama ang buong pakikisalamuha sa pamayanan at isang tamang ugnayan sa Diyos.

3.      Ang paglilingkod ni Hesus sa tekstong ito ay malinaw na nagpapahiwatig na ang isang mataas na prayoridad ay para sa mga taong itinakwil sa lipunan at mga aba.

 

Mga Katanungan para sa  Tagapagsalita

1.   Nagambala ni Jairo si Hesus sa kanyang paglilingkod, at pagkatapos ang babae na dinudugo. Naranasan mo na ba ang nagambala sa iyong paglilingkod upamg gumawa pa ng ibang uri ng paglilingkod?

2.   Ano ang kahulugan ng pananampalataya sa iyo at sa kongregasyon? Ano ang mga katangian ng isang tao na may pananampalataya?

3.   Paano ka kumakapit sa pananampalataya kapag ang iyong pinakamabigat at matibay na kahilingan ay hindi tutugon sa mga sagot na gusto mo?

 4.  Paano ka tinawag na maglingkod sa galit na galit, wala nang pag-asa, at maligalig na tao tulad ni Jairo at ang babaeng walang pangalan?

5.   Mayroon bang pagkakaiba sa panawagan ng pananampalataya sa pagitan ng may kapakinabangan at walang kapakinabangan sa lipunan?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 9)


Marcos 6:1–13


Ezekiel 2:1-5; Mga Awit 123;


2 Corinto 12:2-10


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Nang magturo si Hesus, ang mga nakakilala sa kanya nang husto paglipas ng mga taon ay nahirapan na paniwalaan ang gayong karunungan  mula sa anak na ito ni Maria. Nagsikap silang paniwalaan na maaaring gawin niya ang mga kababalaghang ginawa niya sa ibang lugar, ang paglilingkod na mahusay na tinanggap sa mga lugar ng mga Gentil.


               Nang pumasok siya sa kanyang misyon, si Hesus ay lumabas na sa kalagayan at tungkulin na dati niyang hawak sa kanyang nayon. Bilang isang karpintero, magkakaroon sana siya ng ilang pang-ekonomiyang kaparaanan, ngunit hindi sapat na maibilang siya sa nakapag-aral na uri na maaaring ilaan ang kanilang panahon sa pag-aaral ng batas. Ngayon siya ay nagtuturo sa kanyang mga kamag-anak sa batas, ginagampanan ang isang tungkulin na hindi likas na maging kanya!


               Ang mga tao sa kanyang bayan ay nagkasala dahil nadama nila na si Hesus ay nagpapalagay na higit pa sa nararapat na maging sa pamamagitan ng kanilang mga pamantayan. Ang kanilang kawalan ng kakayahan na makita ang higit pa sa mga inaasahan sa lipunan at sa lalim ng kanyang mensahe ay pinanatili si Hesus mula sa pagsasagawa ng "mga kababalaghan" sa kanyang bayan (b. 2).


               Si Hesus ay isang ganap na tao. Ang pagpupunyagi  sa pagtuklas ng kanyang misyon sa loob ng karanasan ng kanyang mga kaibigan, pamilya, lipunan, at karanasan ay nagpapaalala sa atin na ang pagtugon sa tawag ng Diyos ay hindi dumating nang walang halaga para kay Hesus. Ang pagtugon sa misyon ay kadalasan nagdudulot ng tensyon sa ating mga ugnayan, tulad ni Hesus na alam ang  lahat. Gayunpaman naniniwala siya sa kapangyarihan ng kanyang sariling tawag, at patuloy na pinaaabot ang tawag na iyan  sa iba.


               Inuutusan ni Hesus ang 12-ang mga hinirang-na sumama sa kanya sa pagpapahayag ng pagdating ng kaharian ng Diyos.  Palalawakin nila ang kanyang misyon, at maglingkod bilang mga tagapagpauna sa halip niya. Sa pagpapadala at paghahatid ng kapangyarihan, inaanyayahan ni Hesus ang 12 upang makilahok nang direkta sa kanyang sariling gawain sa pagdadala tungkol sa pamamahala ng Diyos. Nagiging kasama sila sa misyon na tinanggap ni Hesus. Ang gayong pakikipagtulungan ang magbibigay daan  sa kanila sa pagkilos.


               Ang pagtuturo na ibinigay ni Hesus sa mga alagad ay hinihiling sa kanila na magtiwala sa pagkakaloob ng Diyos. Ang mga ito ay umaasa sa mabuting pakikitungo ng iba: para sa pagkain, mga pangunahing pangangailangan, kasiglahan, at silungan. Ang misyon ay tungkol sa pakikitungo, at kapag ang mga alagad ay nakikibahagi sa ganap na  misyon, matutuklasan nila ang pagkakaloob ng Diyos sa pamamagitan ng mabuting pakikitungo ng iba.


               Kahit na ang karamihan sa Ebanghelyo ni Marcos ay nakatuon sa kawalan ng kakayahan ng mga alagad na maunawaan kung sino si Hesus, ang kuwento na ito ay naalaala ang kanilang maagang desisyon na sundan siya at mabuhay sa kanyang mga prayoridad. Ang pag-aalinlangan ay naulit sa maraming mahalagang mga  punto sa Ebanghelyo ni Marcos, ngunit patuloy na tumugon ang mga alagad sa kanilang tawag, sa kabila ng kanilang mga pag-aalinlangan.


               Ang sinipi na ito ay nagpapakita sa atin ng isang sinadyang paghahambing sa pagitan ng dalawang mga kasagutan sa misyon ni Hesus. Sa isang banda, mayroon tayo ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, at mga matagal ng mga kaibigan na  hindi naniniwala sa kanyang mensahe, sinasaraduhan ang kanilang mga sarili sa posibilidad ng pagtubos sa kanila. Sa kabilang banda, nakita natin ang 12, na humayo nang walang kasiguruhan ngunit ang paniniwala na ang mensahe ni Hesus ay mahalagang ibahagi, at habang ginagawa nila ito ay nagdadala ng pag-asa at pagpapagaling sa marami. Ang parehong mga grupo ay nadama ang pag-aalinlangan, subalit ang 12 ay hindi pinahintulutan ang karaniwan at madaling maintindihan! -mga pag-aatubili ng mga tao upang hindi sila makatugon. Tinawag ni Hesus ang bawat isa sa atin sa misyon. Paano tayo tutugon?


 


 


Pinakabuod

1.   Ang Ebanghelyo ay tinatawag ang karaniwang tao sa gawaing panunubos sa misyon ni Kristo sa at para sa mundo.

 2.  Ang misyon ay nakakagambala. Ang pagtugon sa misyon ay maaring magdala sa atin na hamunin ang dating kalagayan at maaring ayusin ang matagal ng mga ugnayan.

3.   Ang paglilingkod ng mga alagad ay karugtong ng sariling misyon ni Hesus. Bilang mga alagad tayo ay tinawag na magbahagi at ipagpatuloy ang misyong ito sa bawat aspeto ng ating buhay.

 4.  Dapat tayong makibahagi sa misyon ni Kristo ng pagpapagaling, kapayapaan, at mabuting balita, na natagpuan natin sa ating  sariling buhay, habang tayo ay ipinapadala sa mundo.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano mo nadama ang tawag ni Kristo sa misyon sa iyong buhay?

2.   Paano ka pinagkalooban ng Diyos nang tinawag kang maglingkod?

3.   Paano tutugon ang iyong kongregasyon sa tawag na makibahagi sa misyon ni Kristo?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 10)


Marcos 6:14–29


Amos 7:7-15; Mga Awit 85:8-13; efeso 1:3-14


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang mga alingawngaw ng mga pagkilos at ang pagtaas ng katanyagan ni Hesus  ay nakarating kay Haring Herodes, na may iba't ibang paliwanag tungkol sa kanyang pagkakakilanlan. Siya ay si Juan Bautista, na muling nabuhay. Siya ay si Elias na nagbalik. Isa siya sa mga sinaunang propeta. Siya ay isang maharlikang huwad. Naniwala si Herodes na siya ay si Juan Bautista: "Si Juan, na aking pinugutan ng ulo, ay nabuhay muli" (b.16). Nang sabihin ni Marcos ang kuwento, ito ay naging ang tanging salaysay sa kanyang Ebanghelyo na hindi malinaw na nakatuon kay Hesus o sa kanyang mga alagad.


               Ang Hudyong mananalaysay, si Josephus, ay nagsulat sa kanyang mga Sinaunang panahon ng mga Hudyo 18.109-110 na si Herodes Antipas ay dumalaw sa kanyang kapatid na si Felipe, sa isang paglalakbay patungong Roma. Sa kanyang paglagi, nagsimula  ang isang ugnayan sa asawa ni Felipe na si Herodias. Pagkatapos ay hiniwalayan ni Antipas ang kanyang asawa at ikinasal kay  Herodias, na naging isang malakas na impluwensiya sa palasyo ni Herodes. May ilang mga katanungan kung ang anak na babae na sumayaw sa harapan ni  Herodes ay pinangalanang Herodias (tulad ng kanyang ina) o Salome, na pinagtitibay ng sumunod na tradisyon. Isinulat ni Josephus na pinatay ni Herodes si Juan Bautista dahil sa  pagtaas ng kanyang katanyagan, hindi dahil sa tinutulan ni Juan ang kasal ni Herodes kay Herodias, tulad ng sinabi ni Marcos.


               Ang mambabasa ay dapat pumasok sa kathang-mundo ni Marcos at tanggapin ang kanyang bersyon bilang isang mahalagang komentaryo sa asal ni Herodes at ang kanyang palasyo. Ang pagkuha ng asawa ng kanyang kapatid ay masama. Ito rin ay itinuturing na hindi tama para sa isang babae na sumayaw para sa mga dayuhan sa labas ng kanyang pamilya. Iniutos ni Herodes na sumayaw ang kanyang anak na babae. Ito ay kahiya-hiya para sa isang lalaki na magnanasa sa isang babae sa publiko. Inilalarawan ni Marcos si Herodes sa gayong paraan. Inalok ni Herodes sa kanya ang kalahati sa lahat ng kanyang pag-aari, ang kalubus-lubusan na pinapahintulutan  ng batas. Ito ay isang pampublikong pangako na dapat niyang igalang upang mapanatili ang tiwala sa kanyang mga opisyal. Si Juan ay namatay para sa lahat ng mga maling dahilan.


               Ang kamatayan ni Juan Bautista ay katulad ng paglitis kay  Hesus sa harap ni Pilato. Kapwa si Herodes at Pilato ay mahihinang mga pinuno, na napagbantaan ng  kabantugan ng isang lalaki sa harapan nila. Ni isa sa kanila ay  naniniwala na ang pagpatay ay wasto. Kapwa ibinagay ang kahilingan ng  bayan. Kinuha ng mga tagasunod ng mga biktima ang kanilang mga katawan at inilagay ang mga ito sa isang libingan. Hindi alam ng mga  unang mambabasa ni Marcos na ang kamatayan ni Juan ay isang pormula na mauulit kay Hesus, ngunit kalaunan ay napansin nila ang mga pagkakahawig.


               Ginagamit ni Marcos ang kuwento upang sabihin ang isang bagay tungkol sa likas na katangian ng buhay bilang isang alagad. Bago ang kuwentong ito, ipinadala ni Hesus ang kanyang mga apostol upang mangaral at magpagaling. Pagkatapos sabihin ang  kuwento, iniuugnay niya ang pagbabalik ng mga tagasunod at ang tagumpay nila. Ang kapalaran ni Juan Bautista ay nagbabala sa mga resulta ng pakikipag-ugnay sa misyon ni Kristo (Marcos 13: 9-13). Sa pamayanan ng mga tagapakinig ni Marcos, ang mga alagad ay pinapatay dahil sa kanilang pananampalataya.


               Ang mga talata na kaagad sumunod kay Herodes at kay Juan Bautista ay gumawa ng isang payak na kaibahan sa kuwento. Ang tagpo ay nagbabago mula sa marangyang palasyo ni Herodes sa isang ilang na lugar. Ang mga palapuri at mga opisyal sa palibot ni Herodes ay naging mga magsasaka at mga tagasunod na sumunod kay Hesus at sa kanyang mga alagad. Ang sobra-sobrang piging at nakakahiyang pagsasayaw ay may paghahambing sa kagutuman at kahirapan sa mga tinurun ni Hesus. Ang kapistahan ni Herodes ay katumbas ng limang tinapay at dalawang isda. Kung paanong ipinakita ni Herodes ang kanyang pagtataguyod sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapistahan para sa kanyang mga palapuri, tulad din ni Hesus, sa pagbibigay ng pagkain para sa maraming tao, ay nagpapahayag ng kanyang pag-aalaga at pagmamahal para sa mga tinuruan niya. Sa parehong mga tagpo, ipinahayag ni Herodes at ni Hesus ang kanilang  moralidad at pagkatao sa pamamagitan ng kanilang mga kilos.


 


Pinakabuod

1.      Ang lumalagong katanyagan ni Hesus ay nadama bilang isang banta sa mga taong nasa politika sa kanyang panahon.


Nagpakita si Herodes ng kahinaan at kakulangan ng integridad ng maimpluwensiyahan siya na putulan ng ulo si Juan.

Ang kamatayan ni Juan Bautista ay babala at magkatulad sa pagkamatay ni Hesus at ng kanyang mga tagasunod.

Ang kasimplihan ng paglilingkod ni Hesus ay kakaiba sa kaakit-akit na pagpapakita ng yaman at kapangyarihan na nagpapakilala sa mga nasa kapangyarihan.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.      Anu-anong mga tanong ang gumagambala sa iyo kapag isinaalang-alang mo kung sino si Hesus noon, ngayon, at maaring maging?


Kailan ka kumilos upang mapasaya ang kahilingan ng madla sa halip na kumilos ayon sa sariling paniniwala? Kailan mo hinarap ang puna ng madla upang kumilos nang may katapatan?

Paano pinipigilan ng pampulitika at panrelihiyon na kapangyarihan ang Ebanghelyo ngayon? Paano winawasak ng Ebanghelyo ang mga sistema ng kapangyarihan at pamamahala?

Ano ang kahulugan ng kamatayan ni Juan Bautista sa iyo? Ano ang kahulugan ng kamatayan ni Hesus sa iyo? Bakit?


5.       


Karaniwang Panahon (Proper 11)


Marcos 6:30–34, 53–56


Jeremias 23:1-6; Mga Awit 23; Efeso 2:11-22


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ngayon ay isinasaalang-alang natin ang dalawang pansamantalang  mga sinipi. Ang una ay ang pagbabalik ng mga tagasunod ni Hesus mula sa kanilang misyon. Mag-iiba ito  sa pagpapakain sa 5,000 (na sasaliksikin sa ibang pagkakataon).


               Ang karamihan ng mga  Hudyo ay hindi papahintulutan ang mga alagad na magpahinga. Ang pangalawang sinipi ay nangyari pagkatapos lumakad si Hesus sa tubig (sasaliksikin  sa ibang pagkakataon). Nauugnay ang isang buod ng kanyang paglilingkod sa Genesaret, kung saan ang mga karamihan ng mga Hentil ay dinadala ang mga  may sakit upang mapagaling.


               Sa Marcos 6: 30-34, sa una at tanging panahon, tinawag ni Marcos ang mga alagad bilang "mga apostol," na nangangahulugang mga sinugo. Isinulat ni Marcos ang kanilang misyon nang may pagsang-ayon, isa sa ilang beses na ipinakilala niya sila sa isang positibong paliwanag. Naririnig ni Hesus ang kanilang ulat at hinihimok sila na bumalik sa ilang at magpahinga. Ang karamihan  ng mga tao ay labis na humihiling na si Hesus at ng kanyang mga alagad ay hindi magkakaroon ng pagkakataon upang kumain. Ang komento ay nagpapahiwatig sa pagpapakain sa 5,000.


               Nang umalis ang mga alagad sa pamamagitan ng bangka, inaasahan ng mga tao ang kanilang patutunguhan at nagmadali upang salubungin sila. Sa halip na ipahayag ang pagkabigo, si Hesus "ay nahabag sa kanila, sapagkat sila ay tulad ng mga tupa na walang pastol" (34). Ang karunungan ay nagpapahiwatig na sila ay aalis. Hinihimok sila ng pagkahabag na maglingkod. Pagkatapos, tulad ng ngayon, ang paghahanap ng balanse ay mahirap. Ang tupa ay hindi kailanman huminto sa pangangailangan ng isang pastol.


               Ang larawan ng walang layuning tupa na walang pastol ay matatagpuan sa Mga Bilang 27:17, 1 Mga Hari 22:17, Jeremias 23: 1-4, at Ezekiel 34: 1-16. Ang sinipi sa Ezekiel ay inuulit ang pangako ng Diyos na hanapin ang mga tupa, pakainin sila, painumin sila, at pangalagaan sila. Ang tagapakinig ni Marcos ay pamilyar din sa Awit 23, na nagpapakilala sa Diyos bilang Mabuting Pastol.


               Ang sinipi ngayon ay nagpapatuloy kay Hesus at sa  kanyang mga alagad na muling tumawid sa teritoryo ng Hentil. Si Marcos ay madalas na nagtatakda ng kaibahan sa pagitan ng mga nakakikilala at tumatanggap kay Hesus at sa mga hindi. Nang makita ng mga alagad si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig, hindi  siya nakilala. Ngunit nakilala siya ng mga Hentil sa malayong baybayin at "nagmamadaling  nilibot ang buong rehiyon" (55) upang magkaloob ng mga paakataon para kay Hesus na pagalingin ang mga maysakit. Ang kanilang nais na mahawakan kahit ang mga laylayan ng kanyang damit (ang mga palawit na nakasabit sa mga sulok ng kanyang kapa) ay nagpapakita ng pananampalataya at pagtitiwala sa kalalabasan.


               Ang maikling buod ng pagpapagaling at pagtanggap ay may kaibahan sa susunod na kabanata. Ang mga Hentil ng Genesaret ay sabik na sumunod at maging ganap. Tinanggihan ng mga Pariseo at mga eskriba sa bayan  ni Hesus ang kanyang awtoridad at kapangyarihan. Makikilala ba siya ng mga alagad? Naghihintay ang tagapakinig ni Marcos upang malaman.


 


Pinakabuod

1.      Ang mga pangangailangan para sa paglilingkod ay tapat at walang katapusan. Ang mga nakikibahagi sa misyon ay madalas na nangangailangan ng isang panahon ng pagbabago at pamamahinga upang makapaghanda sa karagdagang paglilingkod.


Kung walang mahabagin at mapagmahal na mga pastol, ang tupa ay walang layon, pagala-gala, at takot. Si Hesus ang Mabuting Pastol.

Ang mga espiritwal na pangangailangan ay  nangangailangan ng higit sa pisikal na pangangailangan. Ang mahalaga sa isang mabuting pastol ay ang pagbibigay ng ispiritwal na pamumuno sa kawan.  

Kung minsan ang mga hindi inaasahan na makaunawa sa mensahe ng Ebanghelyo ang siyang nauunang nakakakilala at tumatanggap nito.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.      Kailan ka nangailangan ng pahinga ngunit tinawag ka  na maglingkod sa halip? Ano ang resulta?


Anong mga ispiritwal na pagsasanay ang nagbibigay sa iyo ng lakas at sigasig upang mapanatili ang paglilingkod?

Ano sa palagay mo ang pinakamaawain at mapagmahal na paglilingkod na kung saan tinawag kang ibigay? Paano ang pagiging tulad ng “pagpapastol?”  

Sino ang  “mga Gentil”  sa iyong mundo? Paano mo “tinawid ang dagat” upang ibahagi ang Ebanghelyo sa kanila?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 12)


Juan 6:1–21


2 Mga Hari 4:42-44; Mga Awit 145:10-18;


Efeso 3:14-21


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang Juan 6: 1-21 ay naglalaman ng dalawang kuwento na pamilyar sa mga taong gumugol ng panahon sa isang pamayanang Kristiyano o sa personal na pag-aaral: pagpapakain ng higit sa 5,000 katao at si Hesus na naglalakad sa tubig. Ang mga kuwentong ito ay nasa lahat ng apat na Ebanghelyo na nagmumungkahi na ang mga ito ay mahalagang mga pangyayari sa buhay ni Hesus at ng kanyang mga tagasunod.


               Habang dumadami ang mga tao, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad kung paano nila mapapakain ang napakaraming tao. Ang halaga ay pang-astronomya. Sinabi ng isang alagad na nakakita siya ng isang batang lalaki na may kaunting dala: anim na tinapay at dalawang tuyo na isda. Pinagpala ni Hesus ang handog na ito ng pagkain at hinati-hati  ito. Si Hesus ay tumingin sa mga tao at nadama ang habag. Nauunawaan niya na ang mga tao ay nagugutom at nangangailangan ng pagkain.


               Kapag mayroon tayong pagkakataon na mag-alok kung sino tayo o kung ano ang mayroon tayo para sa pangangailangan ng iba, pinagpapala ng Banal na Espiritu ang handog na iyon upang dalhin ang mga himala. Tayo ay tinawag upang "magbahagi nang lubusan sa ating mga patotoo, kayamanan, paglilingkod, at sakramento ayon sa ating tunay na kakayahan" (Pagbabahagi sa Komunidad ni Kristo, ika-3 ed., P.12). Kapag nakikibahagi tayo sa mga pagkilos ng pagkahabag gaano man kalaki o kaliit, nagbubukas tayo ng mga pagkakataon para sa pagpapala ng Diyos.


               Sinasabi ng Juan 6:15 nang tipunin ng mga alagad ang mga natira, higit pa kaysa sa dati na dami ng natitirang pagkain. Kapag naghahandog tayo ng habag, ang resulta ay higit pa  kaysa magagawa ng sinuman sa atin o malalaman o maisip. Nang malaman ng mga tao kung ano ang nangyari, pinangalanan nila si Hesus na propeta at nais nilang gawin siyang kanilang hari. Iniwan niya ang maraming tao at nagtungo sa mga bundok. Napagtanto ni Hesus na hindi nila naunawaan na hindi siya isang makalupang hari.


               Nang naglakad si Hesus sa tubig at nagpakita sa kanyang mga alagad na nasa isang bangka, nagulat sila. Tinawag niya sila, "Ako nga; huwag matakot "(v. 20). Sinasabi sa atin ng banal na kasulatan na tinanggap nila siya sa bangka. Itinuro ng ilang mga pantas na ito ay isang napakahalagang sandali sa kaugnayan ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Nang sabihin ni Hesus na "Ako nga," siya ay nagpapahayag na siya ang Mesiyas. At nang tanggapin siya ng mga alagad sa bangka, tinanggap nila siya sa kanilang buhay bilang Mesiyas.


               Ang Efeso 3: 14-21 ay isang makapangyarihang panalangin na bubuo sa Juan 6: 1-21. Sa panalangin na ito, nanalangin si Pablo na ang mga tao ay magsimulang maunawaan  na kapag tinanggap natin si Kristo sa pinakamahalagang bahagi ng ating buhay ito ay nag-ugat at nakabatay sa pag-ibig ng Diyos. Kung gayon ang kaganapan ng Diyos ay masasaksihan ng sanlibutan, tulad ng nasa  burol na may higit sa 5,000 katao.


 


Pinakabuod

1.   Nakita ni Hesus na ang mga tao ay gutom at nahabag siya sa kanila at nais pakainin sila.

2.   Ang kaunting handog ng pagkahabag ay magdadala ng pagpapala sa libo-libo.

3.   Ang mga alagad ay tinanggap si Hesus bilang Mesiyas sa kanilang buhay.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kailan ka tumingin sa isang grupo ng mga tao at nadama ang labis na kahabagan dahil ang pangangailangan ay napakalaki?

2.   Kailan mo nakitang  dumami  ang kaunting mga handog? 

3.   Paano “nag-ugat at nakabatay sa pag-ibig” ang isang alagad (Efeso 3:17)? Anong mga ispiritwal na kasanayan  o gawang ispiritwal  ang maari mong gamitin upang mapalakas ang iyong ugnayan sa Diyos?


 


Karaniwang Panahon (Proper 13)


Juan 6:24–35


Exodo 16:2-4, 9-15; Mga Awit 78:23-29;


Efeso 4:1-16


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Likas sa tao na humugot mula sa mga nakaraang kuwento o karanasan sa ating pagsisikap na magkaroon ng kahulugan ang isang bagay na nangyayari sa kasalukuyan. Sa maraming mga paraan, ito ang nangyari  sa mga naglakbay upang hanapin si Hesus sa Capernaum matapos ang pagpapakain sa 5,000 na nakatala sa Ebanghelyo ni Juan.


               Gustung-gusto ng mga tao ang higit pa sa kanilang naranasan kay Hesus. Ngunit alam ni Hesus na hindi sila sumusunod sa kanya para sa tamang dahilan. Kaya hinarap niya sila dahil hindi niya gustong maging isang handog na gumagawa ng himala mula sa Diyos. Ang kanyang layunin ay mas malaki, mas malalim, at buhay na walang katapusan.


               Ang ating paglalakbay sa pananampalataya ay madalas na puno ng tensyon. Ang tensyon ay umiiral, kung minsan, sa pagitan ng ating limitadong pag-unawa at ang pagsisikap ng Banal na Espiritu upang tulungan tayong makita ang mas malalim na pagpapahayag ng kaloob ng Diyos sa mundo sa buhay at paglilingkod ni Hesus.


               Ang pag-uusap sa pagitan ni Hesus at ang mga tao sa kalaunan ay dumating sa punto kung saan pinipilit ng mga tao si Hesus na magbigay ng tanda upang patunayan ang kanyang karapatan. Ipinaalala nila kay Hesus na ang Diyos ay inialay ang kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ni Moises, isang tanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga tao mula sa langit  upang makain habang nasa ilang.


               Sa sandaling ito ng hamon, inakit ni Hesus ang mga tao sa isang mas malalim na kamalayan na ang Diyos ay nag-aalok ng higit sa pagkain para sa tiyan. Ang tunay na pagkain na nais ng Diyos na ibigay ay ipinadala upang dalhin ang buhay na walang hanggan sa mundo.


               Nang ipahayag ni Hesus sa mga tao, "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay," ang Griyegong "Ako" ay isang malinaw na pahayag kung sino si Hesus sa Diyos. Sa tiyak na pahayag na ito ay namamalagi ang banal na katangian at pagkakaisa na si  Hesus ay nakikibahagi sa Diyos.  Ang pakiki-isa na ito  sa Diyos ang gumagawang posible  ang ganap na  buhay ni Hesus na kanyang ibinigay, ang  kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay.


               Nang inihandog ni Hesus ang kanyang sarili bilang pagkaing nagbibigay buhay, ito ay isang pagpapahayag ng matalik na ugnayan na nais ni Hesus na magkaroon ng lahat. Kapag inaangkin natin ang ugnayan na iyan kay Kristo, tayo ay nagising sa katotohanan na tayo ay nabubuhay nang walang hanggan sa pagpapala, kabutihang-loob, at malalim na pag-ibig ng Diyos. Pagkatapos, sa pamamagitan ng ating buhay, tayo ay ang katawang-tao- ang buhay, tunay na  pagpapahayag- ng ganap na buhay na ibinibigay ni Kristo sa lahat.


               Ang Isa na darating bilang "Pagkaing Nagbibigay Buhay" ay ginagawa ito dahil sa kabanalan ng bawat buhay. Ang Walang Hanggang Alituntunin ng Kabanalan ng Nilikha, kapag isinasabuhay araw-araw, ay pinapasigla tayo kung paano tayo tinitignan ng Diyos. Higit pa, ipinapaalam ito sa atin kung paano pinahahalagahan ng Diyos ang lahat ng buhay sa ating paligid.


               Kailangan pa ba natin ng isa pang tanda upang patunayan na ang Diyos ay nagmamalasakit? Ang isa na dumating bilang ang pagkaing nagbibigay buhay ay patuloy na darating. Si Kristo ay nasa sa atin, handa na mag-alok sa kung ano ang pupuno sa atin ng pagmamahal, kagalakan, pag-asa, at kapayapaan.


 

 

 

Pinakabuod

Ang handog na ibinigay sa atin ng Diyos sa buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo ay isang mahalaga at makabuluhang buhay na nagmumula sa matinding pagmamahal at kapayapaan ng Diyos.

Ipinahayag ni Hesus na siya ang pagkaing nagbibigay buhay, umaasa na mauunawaan natin ang ating tawag na magiging buháy, tunay  na pagpapahayag kung ano ang kanyang iniaalok.

Sa ating likas na katangian, hindi natin lubos na nauunawaan  kung ano ang ginagawa ni Kristo sa atin. Ngunit ang pag-ibig ni Kristo sa lahat ay palaging isang paanyaya sa isang bagong pag-unawa at paraan sa mundo na magdadala ng espiritwal na pagkain.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano si Kristo, bilang isang pagkaing nagbibigay buhay, nagdadala ng mas malalim na kahulugan at layunin sa iyong buhay at paglilingkod?

Kailan mo nakita ang pag-ibig at paglilingkod ni Kristo na kumikilos sa buhay ng iba?

 Paano mo nakikita ang Banal na Espiritu na sinisubukang pakilusin ang kongregasyon sa mas malalalim na ugnayan kay Kristo at sa mas nakatuon na tawag na ipamuhay ang misyon ni Kristo?

Paano nagkakaugnay ang pagkaing nagbibigay buhay at Mga Walang Hanggang Alituntunin ng Kabanalan ng Nilikha?

 Ano ang humikayat sa iyo na ang Diyos ay nagmamalasakit?


 


Karaniwang Panahon (Proper 14)


Juan 6:35, 41–51


I Mga Hari 19:4-8; Mga Awit 34:1-8;


Efeso 4:25-5:2


 


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang Ebanghelyo ni Juan ay madalas na inilarawan bilang isang espirituwal na patotoo kay Hesus bilang Ang Salita ng Diyos na naging tao. Ang may-akda ay hindi kilala, bagaman ito ayon sa kaugalian ay naiintindihan na nakasulat sa ilalim ng awtoridad ni Juan, ang alagad na minamahal ni Hesus. Ang ebanghelyo ni Juan ay nagpapakita sa likas na katangian ng Diyos na naging totoo kay Hesu-Kristo at sa kung ano ang kahulugan  nito para sa mga naniniwala. Nakatutulong na tandaan na ang Ebanghelyong ito ay isinulat ng halos 100 taon pagkatapos ng paglilngkod ni Hesus (KP 95-100).


            Sa panahong ito, ang mga tagasunod ni Hesus sa loob at palibot ng Galilea ay nakagawa ng pagkakakilanlang panrelihiyon na hiwalay sa kanilang makasaysayang mga ugat na Hudyo. Sila ay nagkaroon ng isang karaniwang pag-unawa ng kasulatang Hebreo at pagkakakilanlang pangkultura. Habang nagpapatotoo si Juan kay Hesus bilang Diyos na nagkatawang tao (sa laman), madalas niyang itinuturo ang mga bahagi ng banal na Kasulatan at kuwento ng Hudyo upang ipakita ang banal na katangian ni Hesus. Sa Juan, makikita natin si Hesus na nagpapaliwanag sa kanyang pagkakakilanlan sa "Ako"  na pananalita. Ang paggamit ng pariralang "Ako" ay isang paraan upang ituro ang kanyang banal na katangian. "Ako" ay kung paano nakilala ang Diyos sa Kasulatang Hebreo. Ang mga mananampalataya na may isang Hudyong kasaysayan ay maririnig "Ako" at agad na maunawaan na si Hesus ay nagpapakilala sa kanyang sarili bilang bahagi ng Diyos. Sa siniping ito, sinabi ni Hesus na "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay." Di-tulad ng pagkain (mana) na ipinadala ng Diyos noong una sa mga anak ng Diyos na naglalakbay sa ilang, ang kaloob na ito mula sa Diyos ay nagbibigay ng walang hanggang pagpapala.

               Kagiliw-giliw na nang marinig nila si Hesus na naglalarawan ng kanyang sarili bilang ang pagkain na bumaba mula sa langit, ang ilang mga tao ay tumugon nang negatibo. Sa Kasulatang Hebreo ang mga tao sa ilang ay nagreklamo tungkol sa mana mula sa langit. Sa pamamagitan ng pag-uugnay sa dalawang pangyayaring ito, maihahalintulad ng manunulat ng ebanghelyo ang kaloob na pisikal na pagkain (mana sa ilang) sa kaloob na espirituwal na pagkain (buhay na walang hanggan).


               Sa Ebanghelyo ni Juan, narinig ng mga unang Kristiyano na si Hesus ay nagpakilala sa kanyang sarili bilang handog ng Diyos ng walang hanggang kaligtasan. Mahalaga para sa naunang mga mananampalataya na maunawaan nila ang kanilang mga  sarili bilang mga tumanggap sa kaloob na ito. Ang paniniwala na si Hesus ay nagmula sa banal na mga pinagmulan at  siya ay ang salita ng Diyos sa laman ay mahalaga sa kanila para maunawaan ang katangian ng Diyos at ang  nais ng Diyos na nasa  mapagmahal na ugnayan sa sangkatauhan. Ang ugnayan na ito ay hindi limitado sa ilan na pili. Isinulat ni Juan na sinuman ang kakain sa pagkaing ito, sinumang naniniwala, ay may buhay na walang hanggan


               Ang siniping ito ay nagsasara sa isang maikling pagmuni-muni sa katangian ng sakripisiyo  ng kaloob na ito. Ang pagkain ay ibinigay na alay nang regular. Sa buhay sa templo, ang 12 tinapay na inialay ay tinutukoy bilang banal na tinapay o "handog na tinapay. Ang pagkain sa altar ay pinalitan ng sariwang pagkain; ang panis na tinapay ay ibinigay sa mga pari ng templo."  Ang sakripisyo ng pagkaing nagbibigay buhay ay si Hesus, hindi ibinigay bilang bayad sa utang ng kasalanan kundi bilang isang handog para sa mundo upang makilala ang buhay na walang hanggan.


               Ibinigay ng Diyos ang kaloob ni Hesu-Kristo bilang isang pagkilos ng mabuting pakikitungo. Upang maunawaan si Hesus bilang ang pagkaing nagbibigay buhay ay higit pa sa paniniwala sa mga banal na pinagmulan ni Hesus. Ito ay upang mamuhay sa mga paraan na nagdadala ng banal na presensya ng Diyos sa mga pang-araw-araw na pagkilos. Ang pagkaing nagbibigay buhay ay isang paanyaya sa sinumang darating at sumunod kay Hesus. Binibigyang halaga ng Komunidad ni Kristo ang paanyayang ito sa pamamagitan ng Tuon ng Misyon na Ilapit ang mga Tao kay Kristo.  Kapag ibinabahagi natin ang paanyaya kay Kristo, nakikibahagi tayo sa pagkilos ng pagkamagiliw ng Diyos.


 


 

Pinakabuod

1.   Sa pamamagitan ng paggamit sa pangalan ng Diyos, “Ako,” ipinakikilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang isa na nagmula sa Diyos.


2.   Ang mana sa ilang ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises para sa makalupang pagkain ng mga anak ng Diyos. Sa pamamagitan ni Hesus, ang pagkain mula sa langit,  ihinahandog ng Diyos ang banal na handog ng ispiritwal at buhay na walang hanggan.


3.   Ang handog ng buhay na walang hanggan ay natatanggap sa pamamagitan ng paniniwala at pagsunod kay Hesu-Kristo.


 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano inaanyayahan ng Diyos ang mga tao sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ni Hesus?


2.   Ang ibang mga tao ay nag-aalala at dumadaing sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Hesus sa pagsasabi na siya ang pagkain mula sa langit. Nag-alala ka ba o dumaraing dahil hindi mo nauunawaan ang ipinapahayag ni Hesus sa iyo?


3.   Ang banal na kasulatan ay nagpapahiwatig na ang paniniwala ay pakikinig at pag-aaral. Paano nito pinapatnubayan ng  iyong pag-unawa sa kung ano ang ibig sabihin ng maniwala kay Hesu-Kristo?


 4.  Sa siniping ito sa banal na kasulatan, matatagpuan natin ang handog ng buhay sa pamamagitan ni Hesu- Kristo para sa lahat. Paano maaring kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng ibang pananampalataya upang magdala ng pagpapala sa mundo?


5.   Ang pag-anyaya ng mga tao kay Kristo ay ang pagbabahagi ng iyong patotoo. Paano mo naranasan ang pagbibigay-buhay na kaloob ni Hesus?


 


 


Karaniwang Panahon (Proper 15)


Juan 6:51–58


Kawikaan 9:1-6; Mga Awit 34:9-14; Efeso 5:15-20


 


Pagsasaliksaik sa Banal na Kasulatan

               Ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat para sa mga tagaloob, ang mga alagad na naninindigan sa mga seremonya at mga paniniwala ng pananampalatayang Kristiyano kahit na sila ay mga Hudyo na inilalagay sa labas ng Kinaugaliang pamayanan ng mga Hudyo. Nagdurusa sila ng krisis ng paghihiwalay mula sa kanilang  kapwa at maging mga pamilya. Ang Ebanghelyo ni Juan ay sinadya upang palalimin ang pananampalataya at paigtingin ang pamayanan ng mga alagad habang hinaharap nila ang krisis na ito.


               Para sa mambabasa o mangangaral sa ika-21 siglo, ang ebanghelyo ni Juan ay maaaring maghatid ng katulad na layunin. Ang mensahe ni Juan ng pakikiisa kay Kristo ay matindi sa atin ngayon. Ang ebanghelyo ay nakatuon sa mga seremonya ng simbahan, lalo na ang Sakramento. Bagaman walang paglalarawan ng Huling Hapunan sa Ebanghelyo na ito, ang buong teksto ay binabanggit ang kahalagahan ng hapag at sa pagkain ng Hapunan ng Panginoon. Mula sa unang himala ni Hesus hanggang sa huling sandali sa krus, ang Ebanghelyo ay tungkol sa pamayanan na iisa sa hapag, kumakain ng isang pagkain. Ang pagkain ay kumakatawan sa pisikal na paglilingkod ni Hesus sa kanyang katawan at ang buhay ni Hesus sa kanyang dugo.


Ang teksto sa araw na ito ay maaaring maging kontra sa ating mga pakiramdam, tulad ng sa mga unang tagapakinig ng mga salitang ito. Ang kanibalismo ay bawal para sa mga Hudyo ng unang siglo, tulad ng  sa atin ngayon. Gayunpaman ang matapang na salita at ang mga larawan na ipinapakita ng pagkain ay  maging sanhi ng isa upang saliksikin ng malalim ang teksto upang maunawaan kung ano ang sinusubukang imungkahi ni Juan.  Sa mundo ng kaguluhan at paghihiwalay, ang tukso ng paghihiwalay mula sa mundo at maging sa isa't isa ay malakas. Sinabi ni Hesus sa mga tao na naroroon na ang mga kakain sa kanyang laman at iinom ng kanyang dugo ay mananatili sa kanya at siya sa kanila (nakaugnay nang direkta sa Juan 17). Ang kanyang mga salita ay maaaring ikahulugan ng pisikal, ngunit sa katotohanan, ito ay isang espirituwal na pananahan na kinikilala at pinapayagan na umunlad kapag ang pamayanan ay sama-sama para sa karaniwang pagkain na tinatawag nating Komunyon. Sa panahon ng pag-aalinlangan at kahirapan, may kaaliwan sa pagkilala sa buhay ni Kristo sa atin. Manahan tayo sa kanya sa pamayanan sa pamamagitan ng mga sakramento.

               Ang pangako na kainin ang "pagkain na bumaba mula sa langit" sa sakramento ng Komunyon ay kasama  ang pagnguya, pag-inom, pagtunaw, at pagsasama ng pagkain sa ating buhay. Kapag nakikibahagi tayo sa mga emblema, wala tayong maitutulong kundi dalhin  si Kristo sa mundo habang kumikilos tayo sa pamayanan. Ang banal na pagkain ng Diyos ay nagbibigay-diin sa ating buhay at paghinga.


               Ang buhay na ito na ipinangako ni Hesus ay hindi isang bagay na nangyayari  kaagad. Ito ay isang buhay na nagiging mas ganap at higit na nagpapahayag sa Banal sa ngayon. Ang buhay na ito kay Kristo ay buhay sa mga paglilingkod na ibinigay ni Hesus at patunay ng muling pagkabuhay. Ang pagkain sa tinapay at pag-inom sa alak ay naglarawan kay Hesus sa atin bilang isang tao at bilang isang pamayanan na pinagsama at pinagbigkis sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang maglingkod sa mundo. Ang pangako ay na sa pagiging bahagi ng pamayanan na ito ang mabubuhay tayo magpakailanman. Sa Espiritu na iyon, tayo ay nabubuhay nang walang hanggan bilang bahagi ng malaking ulap ng mga saksi na nagpapahayag, "Siya ay nabubuhay sa atin, at tayo ay nabubuhay sa kanya!"


 

Pinakabuod

Bilang pamayanan ng mga sakramento tayo ay iisa kay Kristo, at sa pamamagitan ng mga seremonyang ito, pinapalakas natin ang ating mga pagbubuklod sa isa’t-isa at sa Diyos.

Si Kristo ay “ang buhay na pagkain na bumaba mula sa langit.” Sa pamamagitan ng pagkain sa tinapay na ito bilang pagkilala at pagpapatunay ng tipan ng kaligtasan kay Kristo, kinakatawan natin ang paglilingkod ni Hesus sa ating buhay at pamayanan. Ito ang buhay na walang hanggan.  

Ang pakikibahagi sa tinapay at alak ay nangangailangan ng kabuuang pakikipag-ugnayan  ng alagad at sa pamayanan.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano pinapaigting ng sakramento ng Hapunan ng Panginoon ang pagbubuklod ng iyong kongregasyon?

Ano ang ibig sabihin ng kumain ng pagkain  na nagmula sa langit?

Paano mo isinasabuhay ang buhay ni Kristo sa iyong buhay?

Paano isinasabuhay ng iyong kongregasyon ang buhay ni Kristo?

Ang Hapunan ng Panginoon ba ay naging karaniwang tradisyon sa iyong kongregasyon, o pagkaing nagbibigay buhay na inihandog ni Kristo para sa buhay ng mundo?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 16)


Juan 6:56–69


Josue 24:1-2a; 14-18; Mga Awit 34:15-22; Efeso 6:10-20


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

            Ang huling siniping ito mula sa ika-anim na kabanata ng Juan ay mayroong maraming mapaghamong tema. Sa naunang mga talata, 1-21, dalawang mahimalang mga karanasan ang naglalarawan ng pagpapakain sa 5,000 at si Hesus na naglalakad sa tubig. Pagkatapos, sa mga talata 25-71, binabanggit ni Hesus ang kahulugan ng mga himalang ito. Sa partikular, sa mga talata 56-69 ay ipinahayag niya ang nakagugulat na larawan ng tinapay at alak bilang talinghaga para sa kanyang laman at dugo. Marami ang tumanggi sa pag-iisip ng pagkain ng "laman" at pag-inom ng "dugo." Bagaman mahirap din ito para sa atin, ang mga tapat na Hudyo na naririnig ang mga salitang ito ay nahihirapan sa ipinahiwatig na paglabag sa kanilang mga batas sa kalinisan.

               Ang reaksyon sa makamundong pahayag ni Hesus tungkol sa laman at dugo ay nakaligtaan ang mas malalim na kahulugan: Si Hesus ang "pagkaing bumaba mula sa langit" (talata 58). Katulad ng karanasan ni Hesus sa pagbibigay ng "tubig na buhay" sa babae sa balon (Juan 4: 1-42), narito siya ang pagkain: "... ang kumain sa pagkain na ito ay mabubuhay magpakailanman" (talata 58). Inihambing ni Hesus ang pagkain na ito sa mana na ibinigay sa mga libu-libong Israelita. Ang mga kumain ng mana ay tuluyang namatay, ngunit ang mga kumain sa pagkain na ito ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ginagamit ni Hesus ang mga simbolo ng tinapay, alak, laman, dugo, at tubig upang magturo sa atin tungkol sa kaloob na buhay.


               Sa pagbabalik-tanaw sa talata 51 makikita natin ang isang buod na pahayag: "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay  na bumaba mula sa langit. Ang sinumang kumain sa pagkain na ito ay mabubuhay magpakailanman; at ang pagkaing ibibigay ko para sa buhay ng sanlibutan ay ang aking laman." Bukod sa pagpapakilala sa larawan ng  pagkaing nagbibigay buhay, tinutukoy ni Hesus ang kanyang papalapit na kamatayan at ang sakripisyo ng kanyang laman at dugo alang-alang sa mundo. Sa mga talata ng banal na kasulatan ngayon, hinahamon ang mga tagasunod ni Hesus sa misyon na nangangailangan ng katulad na mga sakripisyo. Hindi lamang mahirap na marinig ang mga salita ni Hesus, nagiging mas malinaw na ang pagsunod sa kanya ay magiging mahirap.


               Sa talata 63, nagpatuloy si Hesus upang ipaliwanag ang higit pa tungkol sa paggamit niya ng salitang laman: "Ang espiritu ang nagbibigay buhay; ang laman ay walang kabuluhan. Ang mga salita na aking binigkas sa inyo ay espiritu at buhay. "Bagaman may pisikal na dahilan sa mga salita ni Hesus, nais niyang muli tayong maging mas malalim sa ating pagkaunawa. Ang espiritu na nagdadala ng laman sa buhay- pag -iisa ng pisikal at espirituwal.


               Ang Doktrina at mga Tipan 90: 5e (halaw) ay nagpapahayag ng isang matagal na paniniwala sa loob ng Komunidad ni Kristo: "Ang mga elemento ay walang hanggan, at ang espiritu at elemento, ay hindi magkahiwalay,  tumatanggap ng kaganapan ng kagalakan ..."


               Sa Walang Hanggang Alituntunin ng Kabanalan ng Nilikha ay kasama ang  paglalarawan na ito: Espiritu at materyal, nakikita at hindi nakikita, ay magkaugnay "(Pagbabahagi sa Komunidad ni Cristo, ika-3 Ed.)


               Tulad ng mga naunang tagasunod, maaari tayong limitado sa pag-unawa sa mga pisikal o makamundong bahagi ng mga salita ni Hesus. Gayunpaman, ang ating buhay bilang isang alagad ay hindi kumpleto nang hindi maunawaan ang lalim ng espirituwalidad na kasama. Ang kumain lamang ng pagkain ay hindi ginagarantiyahan ang buhay na walang hanggan. Ang kailangan ay ang paniniwala at pananampalataya kay Hesus at sa Isa na nagsugo sa kanya.


               Bakit maraming lumayo kay Hesus sa panahon ng  pag-uusap na ito? Marahil ito ay sa takot- takot sa pagkilos sa labas ng pamantayan. Marahil dahil sa literal na kahulugan ng mga salita ni Hesus na hindi dapat ilagay- ang kabiguan na maunawaan ang teksto sa mas malalim na antas. Marahil ay nagsisimula nang maunawaan ng ilan na ang pagiging alagad ni Hesus ay hindi  isang maginhawang landas.


               Sa pagpapatotoo sa pagkawala ng maraming alagad, tinanong ni Hesus ang 12 kung gusto din nilang umalis. Si Pedro, sa kabila ng "matapang na pananalita" at mahirap na paglalakbay, ay nagpahayag na  si Hesus ay may mga salita ng buhay na walang hanggan at ang "Isang Banal ng Diyos." Saan pa sila pupunta? Ipinahahayag ni Pedro ang paniniwala at pananampalataya sa itinuturo ni Hesus, at ang 12 ay patuloy na bumubuo ng isang pamayanan ng pananampalataya, na  susunod kay Hesus.


               Marahil habang hinaharap natin ang mga badyet, pagbaba ng  pagdalo, pagpapanatili ng gusali, at maraming iba pang mga pisikal na katotohanan, mabuti na tandaan  ang ating pangakong sundan si Hesus na siyang bubuo sa atin sa isang pamayanan ng pananampalataya.


 

Pinakabuod

Si Hesus ay buháy na pagkain. Hindi siya tulad ng mana, na papawi sa isang tunay na pisikal na pagkagutom. Ibinibigay niya ang isang handog ng buhay na mag-uugnay sa pisikal at ispiritwal na katangian ng pamumuhay sa loob ng banal na nilikha ng Diyos.

Ang pagkain sa tinapay at pag-inom sa alak sa Hapunan ng Panginoon ay isinasagisag ang laman at dugo ni Hesus bilang paglalarawan sa kanyang sakripisyo at sa ating pagpayag sa pagpapatuloy sa landas ng pagiging alagad.

Kinakailangan ang pananampalataya at paniniwala upang tanggapin ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus at pagkatapos ay isagawa ang kanyang misyon sa ating pamumuhay.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paano mo nauunawaan ang simbolo ng tinapay at alak? Kailan maaring marinig ng iyong kongregasyon ang nakakayanig na mensahe ng “pagkain ng laman” at “pag-inom ng dugo”?

Ano ang kahulugan ng “buhay na pagkain” sa iyo?

Maari mo bang ilagay ang iyong sarili at kongregasyon sa karamihan ng mga alagad na nakarinig sa mensaheng ito? Ano sa palagay mo ang sasabihin mo sa “matatapang na kasabihan”?

Ano ang mga katangian ni Pedro at ang 11 na nagpanatili sa kanila sa landas ng mga alagad nang ang marami ay lumayo? Ang mga katangian bang ito ay naroroon sa iyong buhay? Sa iyong kongregasyon?

Kapag ang iyong kongregasyon ay nagpupunyagi, paano ang siniping ito maaring magbibigay ng pananaw ng pagiging alagad sa pamayanan na pinagsama ang pisikal at  ispiritwal na katangian sa mas ganap na pamayanan ng mananampalataya? 

Karaniwang Panahon (Proper 17)


Diin sa Pangmundong Kagutuman


Marcos 7:1–8, 14–15, 21–23


 


 

Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang teksto sa araw na ito ay maaaring magbigay para sa isang mahusay na pag-uusap sa pagpapaimbabaw, tradisyon, at pagsasama. Una, nang pinaratangan ng mga eskriba at Pariseo ang mga alagad na kumakain nang hindi naghugas ng kamay, hiniling ni Hesus na suriin nila ang kalagayan ng kanilang mga puso. Ito ay "ang mga bagay na lumalabas  ang nagpaparumi" (talata 15), sinabi niya, hindi kung ano ang pumapasok sa isang tao. Tandaan na hindi isinusumpa ni Hesus ang Hudaismo o mga tradisyon nito sa tekstong ito. Si Hesus, bilang isang mapagmatyag na Hudyo mismo, ay nakilala at sumunod sa mga kaugalian na ito. Hindi niya pinupuna ang kahalagahan ng mga tradisyon, ngunit nag-aalala tungkol sa espiritu kung saan ipinapatupad ang mga tradisyon, nawawala ang mas malaking punto ng paggalang sa kaugnayan sa Diyos.


               Iniwan tayo, bilang mga Kristiyano, na may katulad na tanong. Hahatulan ba natin ang iba dahil sa kung ano ang iniisip natin na dapat nilang gawin kapag kulang tayo ng katapatan sa ating sarili? Patuloy na ipinapakita ni Hesus sa tekstong ito ang kakayahang ibahagi ang kahalagahan ng mga kaisipan at hinahamon tayo kung ano ang pinakamahalaga. Ang lalim at kabutihan ng kung ano ang nangyayari sa kalooban, sa kalagayan ng ating espirituwal na buhay, ay gumagawa ng kaibahan habang ipinamumuhay natin ang ating pananampalataya sa isang magulong mundo.


            Mayroong higit pang bahagyang pagkakaibang pag-uusap na nangyayari sa teksto ngayon tungkol sa pagsasama at pagbubukod. Ang "marumi" ay tumutukoy din sa mga Hentil, na hindi kasama sa pamayanan ng mga Hudyo sapagkat hindi sila sumusunod sa kaugalian ng mga Hudyo. Katulad nito, kadalasan ay ang mga mahihirap ang mahigpit na hindi nakakasunod ng tradisyon  dahil sa kawalan ng tamang mga mapagkukunan. Si Hesus ay naninindigan para  sa  mga inaapi at mahihirap kapag pinupuna niya ang tradisyon para sa kapakanan ng tradisyon na nakakaligtaan ang punto at hindi isinasama ang iba kung kanino nais ng Diyos na magkaroon ng kaugnayan. Ang tradisyon ay hindi likas na masama, ngunit kapag ito ay humahadlang sa kakayahan ng isa na magkaroon ng tamang pakikipag-ugnayan sa iba, ang mahigpit na pagsunod ay nararapat sa isang seryosong pagsusuri.

               Maaaring madali para sa atin ngayon na punain ang tugon ng mga Pariseo at pabayaan ang mga paraan na maaaring maging malupit sa ating paghuhukom at pagpuna, na madalas ay walang kahulugan. Isaalang-alang ang mga magulang na may maliliit na mga anak na gumagawa ng ingay sa simbahan. Bagaman maaaring isipin ng ilan na ang pagsamba ay nangangailangan sa atin ng tahimik na paggalang,  ang sinipi  na ito ay maaaring maging sanhi ng pagtigil sandali at pag-aralan muna kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagsamba bago gumawa ng isang pahayag o isang posibleng nakakasakit na pagkilos. Siguro ang pagkagambala sa nakagawian  ay nagbibigay ng pagkakataon na muling tuklasin ang mas malalim na kahulugan sa pagsamba na maaaring kulang, at upang magbigay  pasasalamat sa pagkakaiba-iba ng edad at mga pagkakataon para sa mapagmahal na pagtuturo.


               O ipalagay ang isang bagong miyembro ng pagkaministro na hindi sumusunod sa seremonya ng Paghahanda ng Komunyon sa eksaktong paraan na ginagawa natin. Papayagan ba natin ang pagbabago na ito mula sa tradisyon upang negatibong makakaapekto sa isang sakramento ng pagkakasundo na sinadya upang mapalapit tayo sa isa't isa at sa Diyos? O una sa lahat  magbibigay ba tayo ng pagpapala at mabuhay sa mas malalim na kahulugan ng ating seremonya?


               Ang teksto sa araw na ito ay nagpapaalala sa atin na ang kadalisayan ng puso ay higit na mahalaga kaysa paggawa ng tama sa mga seremonya ng pananampalataya. Nawa'y patuloy tayong lumago na mga alagad na pumupuri sa Diyos sa  labi at sa ating mga puso!


 


Pinakabuod

1.   Ang pinakamahalaga ay kung ano ang nasa kalooban ng isang tao, ang nilalaman ng kanilang mga puso, kung saan ang positibo at negatibo ay layong lalago.

 2.  Nakakaligtaan natin  ang tuon ng ating mga tradisyon kapag ginagamit ang mga ito sa pagbubukod o paghahatol sa iba sa halip na ilapit tayo sa iba at sa Diyos.

3.   Ang tradisyon ay hindi likas na masama, ngunit kapag ito ay hinahadlangan ang kakayahan ang isa na magkaroon ng tamang kaugnayan sa iba, ang mahigpit na pagsunod ay nararapat ang isang mahalagang pagsusuri.

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


1.   Naranasan mo na ba ang isang seremonya o tradisyon na nagbukod sa iyo o sa ibang tao?

2.   Paano ka inaanyayahan ng Diyos, at ang iyong kongregasyon, na lalong lumalim at magbigay karangalan mula sa  iyong puso?

 3.  Ang kadalisayan ba ng puso ay mas mahalaga kaysa mahigpit na pagsunod sa tradisyon?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 18)


Marcos 7:24–37


Isaias 35:4-7a; Mga Awit 146; Santiago 2:1-17


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang dalawang kuwento sa pagbasa ng Ebanghelyo sa linggong ito ay maaaring tila walang kaugnayan, ngunit hindi sila ipagwalang- bahala - sila ay nagsisilbi upang bigyan ng kahulugan ang isa't isa. Kaya, mahalaga na magtrabaho kasama ang dalawang kuwento, kahit nagpapakita sila ng  mga hamon para sa mangangaral.


               Ang bawat kuwento ay nagsisimula sa lugar. Ang Gentil na babae (mga talata 24-30) ay mula sa Sirofenicia, at ang lalaking bingi (mga talata 31-37) ay malapit sa Dagat ng Galilea. Gayunpaman, kung isamapa natin ang ruta ni Hesus tulad ng iniulat ni Marcos, hindi ito nakagagawa ng maraming pang-heograpiyang kahulugan. Ngunit marahil ito ay may teolohikal na kahulugan. Ang sabihin na naglakbay si Hesus sa rehiyon ng Tiro ay sasabihin na tinawid niya ang hangganan mula sa mga lupain ng mga Hudyo hanggang sa teritoryo ng Hentil - tahanan ng mga makasaysayang mapang-api na mga Hudyo sa rehiyon. Dito si Hesus ay ang tagalabas - isang mahalagang pagkakaibang teolohikal. Kung ang bawat tao sa pakikipagtagpo ay tipikal sa populasyon ng lugar, si Hesus ay isang mahirap at ang babaeng taga Sirofenicia ay mayaman.


               Kahit  ang pampulitika at pang-ikonomiyang pagkawala ng pagkapantay-pantay  sa rehiyon ay nakilahok sa isang bahagi,  tayo ay nagulat sa masasakit na tugon ni Hesus sa mga pakiusap ng babae para sa tulong. Sa mga salita ni Amy C. Howe, "si Hesus ay nahuli sa kanyang ... kahabagan" (Feast on the Word Year B, Vol.4, p.44). Tinawag ni Hesus ang babae na isang aso, ngunit ang babae ay tinanggap ang paghamak at ipinagpatuloy ang kanyang katayuan. "Kahit ang mga aso ...," sabi niya (v. 28). Ano ang dapat niyang ibigay para sabihin ito? Mas mahalaga ang kanyang anak na babae.


               Kung ang misyon ay nagsisimula sa pakikipagtagpo, sa makatuwid ito ay tiyak na isang mapropesiyang pagtatagpo. Tulad ni Jacob na nakikipagbuno sa Diyos, hindi niya binitiwan hanggang sa pagpalain siya ng Diyos (Genesis 32: 22-32), ang babae ay  nagpumilit.  Si Hesus, na nakatutok sa kanyang pangunahing misyon- na nauunawaan niya bilang ang presensya niya sa kanyang mga tao- ay ipinahayag ang kanyang tungkulin nang mas malinaw sa bersyon ni Mateo sa kuwentong ito: "Ako ay sinugo lamang sa mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel" (Mateo 15 : 24). Ang kuwento ba na ito ay maaring isang uri ng sandaling pagpapaniwala para kay Hesus, kung saan napagtatanto niya ang higit na katotohanan ng kanyang tugon at mga implikasyon nito para sa kanyang misyon? Ang mapropesiyang tugon ng babae ay binago si  Hesus sa kanyang misyon at binuksan siya sa mas malawak na implikasyon nito.


               Nang mabuksan ang kanyang sarili, si Hesus ay handa na ngayong buksan ang mga pandinig ng taong bingi. Sa unang siglo- kulang sa pag-unawa sa agham-buhay ang mga kapansanan ng kapanganakan - ang pisikal na kapansanan ay madalas na tiningnan bilang bunga ng kasalanan. Ang mga taong ito ay kadalasang walang katayuan at ibinukod mula sa karamihan sa mga institusyong panlipunan at panrelihiyon.


               Sa tuwing nagpapagaling ng tao si Hesus,  pinapagaling niya hindi lang ang katawan kundi pati na rin ang ugnayan sa pamayanan,  pinapanumbalik ang taong iyon sa pagiging ganap. '' Sa kanilang aklat Sa Langit na Walang mga Bagyo: Pagdiriwang ng Liturhiya sa mga taong May Kapansanan, Gijs Okhuijsen at Cees van Opzeeland ay itinuturo na "si Hesus ay nakikipag-usap sa isang bingi at pipi. Isinasapuso niya ang pagdurusa.’’ Sa pamamagitan ng simpleng pahayag na ito maaari rin nating ibaling ang ating mga puso sa mga nagdurusa.


 


Pinakabuod

1.     Ang pakikibahagi sa misyon ni Kristo ay maaring tumawag sa atin lampas sa ating kaginhawaan sa nakakagulat na mga pagtatagpo.

2.     Ang misyon ay personal na ugnayan. Nais ng Diyos na pagalingin tayo sa mga paraan na magpapanumbalik sa atin sa pamayanan sa iba.

3.     Dapat tayong maging bukas sa pagkilos ng Diyos sa ating mga buhay upang epektibong maglingkod sa iba.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.     Nakarating na ba kayo sa ibang lugar, sa labas ng iyong kaginhawaan? Paano ang pakiramdam ang maging taga labas?

2.     Kailan ka naging matapang at nagpupumilit sa paghahangad at pag-aangkin sa mga pagpapala ng Diyos? Ano ang resulta?

’3.   Kailan ka nakatuon sa iyong gawain  na nakaligtaan mo ang pagkakataon ng pagmimisyon sa harapan mo?

 


 


 


 


 



 


Karaniwang Panahon (Proper 19) Araw ng Pamana


Marcos 8:27–38


Isaias 50:4-9a; Mga Awit 116:1-9; Santiago 3:1-12


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang karamihan sa mga pantas ay sumasang-ayon na ang Marcos ay ang pinakauna sa apat na Ebanghelyo, marahil ay isinulat noong mga 60 CE. Ang may-akda ay nakatuon sa buong aklat sa tatlong pangunahing tema: (1) ang paghihirap sa paglilingkod ni Hesus, (2) ang pagkatao at kapangyarihan ni Hesus, at (3) ganap na pangako na kasama sa buhay bilang isang alagad. Gayunpaman, ang pangunahing layunin ay nagpapakita kung sino si Hesus. Tulad ng madalas na pangyayari sa banal na kasulatan, ang teksto ngayon ay may maraming mga bahagi at bawat bahagi ay maraming aspeto. Gayunpaman, ang tatlong tuon ay malinaw na nakikita sa mga 11 talata.


            Ang pagpapalitan ni Hesus at ng kanyang mga alagad, lalo na kay Pedro, ay tumutukoy sa tanong kung sino si Hesus. Ang kanyang mahigpit na utos para sa kanila na huwag sabihin sa sinuman tungkol sa kanya ay isang hudyat na hindi nais ni Hesus na makilala  kung ano ang naunawaan ng mga tao sa araw na iyon tungkol sa likas na katangian ng "Mesiyas." Nagbigay ng hudyat si Hesus sa mahalagang pagbabago sa pag-unawa kung sino at ano ang magiging  Mesiyas. Noong panahon ni Hesus, inaasahang ang taong iyon na maging isang malakas na pampulitika o pangmilitar na lider. Mayroon tayong kapakinabangan ng pagbabalik-tanaw at ang kaalaman tungkol sa pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus. Ngunit para sa kanyang mga alagad, ito ay kumakatawan sa isang malaking pagbabago sa pag-unawa at nangangailangan ng isang makabuluhang lundag ng pananampalataya.

               Ang susunod na nangyari sa teksto ay malinaw na binibigyan pansin ang tuon  tungkol sa paghihirap ni Hesus. Ipinagpapatuloy ni Hesus ang kanyang talakayan sa mga alagad na nagpapaliwanag na ang Anak ng Tao ay dapat "dumanas ng matinding pagdurusa" (31), sa huli ay papatayin, ngunit muling mabubuhay pagkatapos ng tatlong araw. Ang lawak ng reaksyon ng mga alagad ay nakikita sa pagwika ni Pedro kay Hesus na pagkatapos, siya mismo, ay pinagwikaan si Pedro, na tinawag siyang Satanas. Ang susunod na mga salita ni Hesus ay muling ipahayag ang banal na katangian ng Mesiyas habang sinasabi niya kay Pedro na siya (at sa pamamagitan ng pagpapatuloy, ang iba pang mga alagad) ay nag-iisip tungkol sa " tao" sa halip na sa Diyos (33). Sinasabi ni Hesus na ang mga alagad ay hindi lamang nauunawaan kung ano ang tunay na saklaw ng kanyang pagiging mesiyas at kaya nga, hindi niya nais ang mga alagad  na ipinapahayag siya bilang Mesiyas batay sa kanilang maling pang-unawa.


               Ang ikatlong punto sa itaas ay dumating sa pamamagitan ng malakas at malinaw sa mga huling talata ng teksto. Ipinahahayag ni Hesus na ang pagsunod sa kanya ay nangangailangan ng paglimot ang sa ukol sa sarili, pasanin ang sariling "krus," at sumunod sa kanya. Tulad ng inilarawan ng yumaong teologong Aleman na si Dietrich Bonhoeffer sa kanyang aklat sa pamamagitan ng parehong pangalan, mayroong  "Halaga ng Pagiging Alagad."  Ang mga pantas ay nagpanukala sa kaisipang ang pagtanggi sa sarili ay higit pa sa pagsasabuhay sa isang bagay o iba pa tulad sa maaari  sa panahon ng Mahal na Araw. Iminumungkahi nila kung ano ang ibig sabihin ni Hesus na ang pagsunod sa kanya ay nangangailangan ng pag-intindi sa iba  bago ang sarili- isang mahirap na kaisipan sa mga kultura kung saan ang pagkamakasarili at ang "sarili" ay nangingibabaw.


               Ang temang ito ay namamalagi rin sa lahat ng larangan ng buhay at muli ipinapaalala ang  mga salita ni Hesus na "itatakda mo ang iyong isipan hindi sa Diyos kundi sa  tao" (33). Iniba ito ni Apostol Pablo sa kanyang liham sa iglesya sa Roma, "huwag umayon sa takbo ng  mundong ito" (Roma 12: 2). Si Pablo ay tila nagmumungkahi na ang mga alagad ni Hesus ay hindi dapat sumunod sa makamundong paraan o mag-alala tungkol sa kaligayahan  ng sarili, ngunit sa halip ay dapat magtuon sa "banal na mga bagay" at ipamuhay ang mabuting balita sa mundo.


               Ang mga inaasahan ni Hesus sa mga alagad ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng sakripisyo. Kabilang sa kanyang payo ang pangako na "ang naghahangad na magligtas ng  buhay para sa akin, at alang-alang sa mabuting balita ay siyang magkakamit niyon." (b.33).


 


Pinakabuod

1.   Ipinapakita ni Hesus ang isang mahalagang bagong pang-unawa kung sino at ano ang magiging Mesiyas; isa na dapat magdusa sa halip na sa tanyag na pang-unawa na ang taong ito ay isang mapanakop na bayaning pampulitika o pangmilitar.

 2.  Upang maging isang tunay na alagad ni Hesus, ang isa ay ibibigay at handa sa mabigat na pasanin, at marahil pagbubuwis sa sariling buhay.

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita


1.   Matapos basahin ang mga talatang ito, bakit gusto ng sinuman na maging tagasunod ni Hesus?

2.   Ganap ba nating nauunawaan ang kahulugan ng mesiyas ?

3.   Kailan mo naranasan ang pagtanggi sa iyong sarili at pasanin ang isang “krus” bilang isang alagad ni Hesus? Ano ang pakiramdam?

4.   Anong ibig sabihin ng tekstong ito sa iyong kultura kung saan nakatira ang kongregasyon at mga kalahok nito?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 20)


Marcos 9:30–37


Jeremias 11:18-20; Mga Awit 54;


Santiago 3:13-4:3; 7-8a


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang unang tatlong talata (Marcos 9: 30-32) ng teksto sa ngayon ay naglalarawan kay Hesus na nagtataya sa kanyang pagkakapako sa krus at muling pagkabuhay para sa ikalawang pagkakataon. Ang dahilan kung bakit kailangang sabihin ni Hesus sa kanyang pinakamalapit na mga tagasunod kung ano ang sinabi niya sa kanila ay dahil hindi nila ito nakuha sa unang pagkakataon. Sa katunayan, nang unang sinabi ni Hesus sa kanila ang kanyang kapalaran (Marcos 8: 31-33), pinagwikaan siya ni Pedro. Ang ganito ay  ang kakulangan ng pag-unawa ng mga alagad. Ang ikalawang pagkakataon ay hindi naiiba. Ang manunulat ay malinaw: "Hindi nila naunawaan ang sinasabi niya at natatakot na tanungin siya" (32). Ang kawalan ng pag-unawa sa bahagi ng mga alagad ay isang pangkaraniwang tema sa Marcos.  Sa katunayan, inulit ni Hesus ito sa ikatlong pagkakataon sa susunod na kabanata (Marcos 10: 32-35), na nagbibigay ng higit pang mga detalye tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kanya.


               Ang ikalawang bahagi ng teksto sa araw na ito (33-37) ay inilalarawan si Hesus na nagtuturo sa kanyang mga alagad ng mahalagang aral. Habang naglalakbay sila, ang mga alagad ay pinagtatalunan kung sino ang pinakadakila. Ito ay malinaw na pahiwatig na hindi nila isinasapuso ang modelo ng kababaang-loob ni Hesus at ang kanyang pagtuturo na ang maglingkod, dapat ay ilagay ng isang tao ang sarili sa huli. Si Hesus, nakikita ang nangyayari, tinanong niya ang mga alagad kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Tumanggi silang tumugon, siguro dahil sa kahihiyan. Kaya umupo si Hesus  -  hudyat na siya ay magsisimula nang magturo- tinatawag ang 12  at inulit ang sinabi niyang nauna sa kanila: "Ang sinumang nagnanais na maging una ay dapat na maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat" (35).


               Upang mas malakas ang kanyang punto, kinuha ni Hesus ang isang bata at sinabi sa kanyang mga alagad na ang pagtanggap sa isang bata ay katulad ng pagtanggap sa kanya. Ngayon, maaaring isipin natin ang gayong pagkilos na maganda o kawili-wili. Gayunpaman, noong panahon ni Hesus, ito ay hindi pangkaraniwan.


               Ang mga bata ay bihira na nakikita o naririnig. Ginugol nila ang kanilang oras sa mga babae at hindi sa mga lalaki. Wala sanang lugar para sa isang bata sa mahahalagang pag-uusap sa pagitan ng isang rabbi (Hesus) at ng kanyang mga tagasunod. Gayunman, gumawa si Hesus ng isang lugar para sa isang bata-hindi lamang bilang isang tao na naroroon habang nakikipag-usap siya sa kanyang mga alagad, kundi bilang isang halimbawa ng kung ano ang batayan sa pagiging alagad. Ang bata, pinakamababa sa mga tao, ay ginawang pinakadakila ni Hesus habang binabanggit niya ang kababaang-loob at kung ano ang kinakailangan ng isang tunay na lingkod na ministro.


               Nang sabihin ni Hesus sa mga alagad na ang tanggapin siya ay ang tanggapin ang isa na nagsugo sa kanya (Diyos) ay hindi naging kakaiba o nakagugulat sa kanila. Sila ay nagkaroon ng kahit na kaunting pag-unawa na si Hesus ay kumakatawan sa Diyos.


               Nandito tayo upang sundan ang Isa na nagpakita ng pagpapala at awa ng Diyos sa lahat ng tao, kahit na sa mga itinuturing na hindi mahalaga. Ang isang bata ay dapat magsilbi bilang isang tanda ng lahat na maaaring isipin ng mga tao ngayon bilang munti ang halaga. Patuloy nating iginagalang ang ating pamana at tradisyon habang tumutugon tayo sa panawagan ng Diyos na mapagpakumbabang maglingkod sa lahat ng ating makikilala sa ating mga paglalakbay sa buhay. Ang Komunidad ni Kristo ay nagsimula bilang isang kilusan na hinahangad na gawing katotohanan ang paghahari ng Diyos dito at ngayon. Patuloy na ito ang ating tawag at dahilan para sa ating pagkatao.


 


Pinakabuod

1.      Dumating si Hesus upang tiyakin ang halaga ng bawat tao. Ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay tanda ng kanyang katapatan sa paghahari ng Diyos.

2.      Ang pagtatalo tungkol sa kahalagahan ng isa ay salungat sa buhay at turo ni Hesus.

3.   Ang isang bata, o sinumang iba pang itinuturing na hindi mahalaga, ay parehas na mahalaga sa paningin ng Diyos at sa lahat ng iba pa.

4.   Patuloy nating pinagtitibay ang ating tradisyon at pamana habang matapat tayong tumutugon sa panawagan ng Diyos at gawing atin  ang misyon ni Kristo.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kailan ka nabigo na maunawaan ang tunay na kahulugan ng paglilingkod at misyon ni Hesus?

2.   Sino ang maari mong limutin bilang hindi mahalaga?

3.   Kailan ka pinagpala sa presensya o kilos ng isang bata?

4.   Saan mo nararamdaman ang pagtawag sa iyo ng Diyos upang maabot nang may pagmamahal  ang iba?

5.   Anong mga aspeto ng pamana ng Komunidad ni Kristo ang pinakamakabuluhan sa iyong pagiging alagad?


 


Karaniwang Panahon (Proper 21)


Marcos 9:38–50


Mga Bilang 11:4-6; Mga Awit 19:7-14;


Santiago 5:13-20


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Ang Ebanghelyo ni Marcos ay malamang na isinulat bago ang iba pang mga Ebanghelyo-apat na mga koleksyon ng mga kasabihan na pinagsama-sama dahil nagbabahagi sila ng mga karaniwang salita at kaisipan. Ang may-akda ay hindi alam ngunit ang Ebanghelyo ni Marcos ay isinulat sa humigit-kumulang  64 CE. Ang Ebanghelyo ay naglalaman ng serye ng mga aral tungkol sa pagiging alagad at ang kahalagahan ng kababaang-loob at pagkakaisa. Sa unang sulyap ang mga pananalita ay tila walang kaugnayan, kahit na nakahiwalay, ngunit sa maingat na pag-aaral matutuklasan natin na mayroon silang pangkaraniwang tema: Ang mapagkasundo, tahimik na mga ugnayan ay mahalaga sa tunay na pagiging alagad. Ang seksyong ito ng Ebanghelyo ni Marcos ay binibigyan diin ang kahalagahan ng ugnayan (tipan) at tinutuligsa ang kapangyarihan, katayuan, o kahalagahan.

               Ang siniping ito ay nakaayos sa tatlong mga seksyon. Ang unang apat na talata (v. 38-41) ay direktang sumusunod sa talakayan sa mga alagad kung sino ang pinakadakila. Noong una, ang mga alagad ay nakikipagtalo sa isa't isa at pinagsabihan sila ni Hesus.


               Sa mga talatang 38-41, hindi ang pag-aalala kung sino sa kanila ang pinakamahalaga sa halip ang mga alagad ba ay mas mahalaga o higit pang "nagbigay-kapangyarihan" kaysa sa iba? Nagreklamo sila na ang isang taong hindi isa sa kanila ay gumagawa ng pagpapaalis  ng demonyo sa pangalan ni Hesus. Sumagot si Hesus na tulad din nila hindi sila makikipagpaligsahan ng katayuan o lugar sa isa't isa, hindi rin sila dapat magtakda ng mga hangganan  kung sino ang maaaring gumamit sa pangalan ni Hesus at kung sino ang hindi; sino ang itinuturing na taga loob at sino ang taga labas. Ang lahat ng kumikilos para sa kabutihan sa pangalan ni Hesus ay karapat-dapat.


               Sa susunod na seksiyon,  talata 42-48, nagbabala si Hesus laban sa maging sanhi ng pagkakasala ng iba. Ang mga "maliliit " na tinutukoy ay hindi mga bata kundi bago o hindi pa mga hinog na mga alagad. Ang mga alagad ay dapat maingat na magtakda ng mga halimbawa ng mapayapang mga ugnayan. Ang mga orihinal na tumatanggap ng ebanghelyo ay naunawaan ang mga pagputol sa paa at pagdukot sa mata na mga wikang matalinghaga. Ang mga sangguniang ito ay nagpapatibay sa isang pang-unawa sa kultura na ang pagsasakripisyo sa sarili ay lalong kanais-nais higit sa pananakit sa isa pa.


               Malalaman din ng mga unang Kristiyano na ang "impiyerno" o "Gehenna" ay isang lambak sa labas lamang ng timog-kanlurang pader ng Jerusalem. Mga siglo ang nakaraaan bago   ginamit ng mga pagano ang lugar na ito para sa mga seremonya kasama ang pagsasakripisyo ng bata. Sa iba't ibang panahon sa kasaysayan ng Israel, ang mga hari ng Hudyo ay parehong lumalabag sa batas at pinayagan ang mga seremonyang ito. Sa mga kasulatang Hudyo ang lambak ay isang lugar ng kaparusahan at kamatayan para sa mga di-matuwid. Noong panahong isinulat ang Ebanghelyo ni Marcos, ang lambak ay ang tambakan ng lungsod. Ito ay isang lugar ng mga magot (uod) at walang hanggang apoy at usok at nagkaroon ng isang kasindak-sindak na reputasyon sa parehong mga Kristiyanong Hudyo at Gentil. Ang nakasulat na sinipi na ito ay hindi sinadya upang maging literal ngunit ito ay dahilan sa mambabasa na maunawaan ang kahalagahan ng mensahe. Mas mabuti na mabuhay nang mapayapa sa iba kaysa ilagay sa panganib ang mga nasirang ugnayan na pipinsala sa grupo ng mga mananampalataya.


               Ang talatang ito ay nagtatapos sa dalawang talata tungkol sa asin (mga 49-50). Ang asin ay isang mahalagang kalakal na ginagamit na pampalasa at pag-imbak sa pagkain. Ang mga Israelita ay inutusang isama ang asin sa lahat ng kanilang mga panrelihiyong handog. Ang pag-aalay ng asin ay kumakatawan sa diwa ng tipan ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at Israel. Ang asin ay may karagdagan ding kahulugan sa kultura. Mayroong ilang mga Griyegong kasulatan na naghahambing sa asin sa  mabuting pakikitungo at pagkakaibigan. Dapat panatilihin ng mga Kristiyano ang kanilang pagiging asin, upang maisagawa ang mga ugnayan ng magandang pakikitungo, pagkakaibigan, pagkakaisa, at kapayapaan.


 


Pinakabuod

1.   Walang pagkahati-hati sa mga naglilingkod sa pangalan ni Hesus. Ang pananampalataya kay Kristo ay siyang pinakamahalaga.

 2.  Ang mga alagad ni Hesus ay hindi makikipagpaligsahan sa katayuan. Lahat ay may halaga at kahalagahan.

3.   Mabuting pakikitungo, pagkakaibigan, at mapayapang ugnayan sa mga alagad ay mahalaga sa pagsunod kay Hesus. 

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Nakipagtalo ka na ba sa ibang Kristiyano  kung sino ang tama at sino ang mali? Paano maituturo ang gayong pag-uusap upang magtatag ng pananampalataya sa halip na masaktan ang mga ugnayan?

2.   Nagkaroon ba ng panahon na ang iyong pagkilos ay nagpahina sa pananampalataya ng ibang tao? Paano mo ibinalik ang relasyon na iyon sa pagiging ganap?

 3.  Natatandaan mo ba ang isang karanasan na ikaw ay nahuli na naghahanap ng katayuan? Ano ang epekto sa iyong pagiging alagad at paglilingkod?

4.   Paano maibabahagi ng iyong kongregasyon ang kanyang “pagiging asin” (magandang pakikitungo, pagkakaibigan, pagtatatag ng mga ugnayan sa pamayanan) sa mga paraan na magdudulot ng katarungan at kapayapaan?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 22)


Marcos 10:2–16


Genesis 2:18-24; Mga Awit 8; Hebreo 1:1-4, 2:5-12


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang sinipi sa araw na ito ay maaaring hatiin  sa dalawang bahagi. Ang Marcos 10: 2-12 ay tungkol sa pag-aasawa at paghihiwalay. Ang Marcos 10: 13-16 ay tungkol sa pagpapala sa mga maliliit na bata. Dahil ang Ebanghelyo ni Marcos ay maikli sapat  upang mabasa sa isang sesyon, basahin ang sinipi  ngayon sa tagpo ng buong Ebanghelyo ni Marcos.


\              Nagsimula si Marcos sa pagpapahayag ni Hesus ng mabuting balita sa kaharian ng Diyos (Marcos 1: 14-15). Ito ay kaiba sa masamang balita ng Cesar at ng di-makatarungang Imperyo ng Roma, at si  Herodes at ang kanyang malupit na  kaharian sa Galilea at Peraea. (Si Juan ay naaresto at sa kalaunan ay pinatay ni Herodes.) Si Hesus ay nagbabala  ng dalawang beses sa kanyang darating na pagkakapako sa krus sa mga kamay ng mga awtoridad sa Jerusalem (Marcos 8:31, 9: 30-31).


               Sa naunang kabanata, nakita nina Pedro, Santiago, at Juan ang nagbagong-anyo na si Hesus (Marcos 9: 2-8). Ito ay isang karanasan sa bundok. Ngunit bumaba sila sa bundok upang makapasok sa lambak. Ang iba pang mga alagad ay hindi makapagpalayas ng demonyo mula sa isang bata at pagkatapos ay lahat ay pinagtatalunan kung sino ang pinakadakila sa kanila (Marcos 9: 14-29, 9: 33-34).


            Ang kaharian ng Diyos ay may ibang pananaw na hindi pa rin lubos na nauunawaan ng mga alagad. Upang tulungan ang mga alagad, binanggit ni Hesus ang tungkol sa paglilingkod at hindi pagsasapawan, at pagkatapos ay kumuha ng isang maliit na bata, at pinatayo sa harapan nila, at kinalong niya ito at nagsabi: "Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin  ay tumatanggap sa akin ..." (Marcos 9:37) ). Kaya ang sinipi na ito ay dapat basahin sa hanay ng sanggunian ng kaharian ng Diyos kung saan ang mga mamamayan nito ay kukunin ang pinakamababang lugar upang maglingkod at ang mga bata ay pinagpala at tinatanggap. Ang karanasan ni Pedro, Santiago, at Juan sa bundok ay hindi nangangahulugan na itaas sila ngunit upang palakasin sila upang maglingkod sa mga pinakamaliit. Hindi nila inaasahan na maging mga pinuno, na may kapangyarihang mangibabaw at pumatay, kundi maging tagapaglingkod. Ang kaharian ng Diyos ay iba sa mga kaharian ng mundong ito.

               Susunod ay susuriin natin ang unang bahagi ng sinipi ngayon na tumutukoy sa pag-aasawa at paghihiwalay (Marcos 10: 2-12). Pinapayagan lamang ng Kautusang Hudyo ang mga lalaki na hiwalayan ang kanilang mga asawa na walang kapangyarihan na gawin ang naturang pagkilos (Deuteronomio 24: 1-4). Sa kapanahunan ni Hesus, maaaring hiwalayan ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa para sa maliit na dahilan,  iniiwan ang kababaihan na dukha. Sa pamamagitan ng pagbanggit sa orihinal na mga layunin ng Diyos sa paglikha (Genesis 1: 26-27 at 2:24) hiniling ni Hesus na ituwid ang pag-unawa sa mga Pariseo sa pag-aasawa at paghihiwalay. Ang mga babae at lalaki ay parehong ginawa na kawangis ng Diyos. Ang mga babae ay hindi mga bagay o ari-arian na maaaring itapon. Sa halip ang mga kababaihan ay mga taong may pantay na dignidad sa mga kalalakihan,  ginawa na kawangis ng kataas-taasan, ang Banal.


               Sinasabi ni Hesus na ang pag-aasawa ay iba sa kaharian ng Diyos. Sa pagpapalawak ng pagtuturo mula sa naunang kabanata, ang mga mag-asawa  ay hindi dapat nagsasapawan o ina-abuso ang bawat isa. Sa halip dapat nilang paglingkuran at pagpalain ang isa't isa. Sa wakas, wala at walang sinuman ang makapaghihiwalay sa dalawang pinagsama ng Diyos.


               Ang ikalawang bahagi ng sinipi - ang pagpapala sa mga bata (Marcos 10: 13-16) -likas na sumunod pagkatapos ng mga talata tungkol sa pag-aasawa. Ang pag-aasawa ng mga magulang ay dapat maging tapat, at mapagmahal. Ito ang pinakamalaking pagpapala na posibleng ibigay sa isang bata. Ang mga bata, tulad ng mga babae, ay walang kapangyarihan at hindi pinapansin sa unang siglo. Ang dalawang kuwento na ito ay nagpapaalala sa atin sa pag-aalala ni Hesus sa parehong grupo. Ang pag-aasawa, pamilya, at lipunan sa kaharian ng Diyos ay dapat na nakatuon sa mga bata kasama ang mga kalalakihan at kababaihan na may pantay na dignidad at kahalagahan. Ang kaharian ay isang ligtas na lugar para sa lahat ng mga bata.


               Ang Diyos ay sumama sa atin sa tipan ng bautismo. Walang anumang bagay ang makapaghihiwalay sa atin. Maging isang kongregasyon na ituring ang lahat ng tao nang may dignidad at isang kahanga-hangang lugar para sa mga bata.


 

Pinakabuod

1.     Ang pagkapantay-pantay sa pag-aasawa at ang marangal na pagtrato sa kababaihan at mga bata ay inaasahan sa kaharian ng Diyos.

2.     Ang pag-aasawa at buhay kongregasyon ay nabubuhay sa turo ni Hesus.

3.     Ipinapaalala sa atin ni Hesus na tayo ay maging isang pagpapala sa mga bata sa ating kongregasyon at kapwa.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.     Ang pag-aasawa at paghihiwalay ay maseselang mga paksa. Paano tayo makapapangaral sa siniping ito nang hindi nakakasakit at nanghuhusga?

2. Paano natin ihahanda ang mga ministro, lalo na ang mga priest, na magdala ng mapagmahal na paglilingkod sa mga pamilya na may suliranin?

3.     Hinihikayat ba natin ang lahat ng mga ministro na maaring magsagawa ng sakramento ng kasal na tulungan ang mga ikakasal sa pamamagitan ng mga pag-aaral tungkol sa  pag-aasawa upang ihanda sila? (halimbawa, tignan ang FOCCUS Inventory na madalas ginagamit sa Community of Christ sa mundo na nagsasalita ng ingles.)

4.     Paano maging isang lugar ng pagpapala ang ating kongregasyon para sa lahat ng hindi napapansin na mga tao, lalo na sa mga bata?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 23)


Marcos 10:17–31


Amos 5:6-7, 10-15; Mga Awit 90:12-17; Hebreo 4:12-16


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

Magiliw siyang tinitigan ni Hesus, ..." (21).  Ang pariralang ito ay nagtatakda ng kaugnay na kahulugan para sa isang mahalagang pakikipag-ugnayan sa pagitan ni Hesus at ng tao na "umalis na nalulungkot, sapagkat siya ay napakayaman" (22).  Si Hesus, na may kahabagan, ay inanyayahan ang lalaki sa pagiging alagad na lubos na naiiba mula sa naunawaan ng lalaki. Nais ni Hesus na lubos na maranasan ng lalaking mayaman ang katangian ng paghahari (kaharian) ng Diyos. Gayunpaman, ipinasiya ng lalaki na ang ganitong uri ng pagiging alagad ay napakamahal para sa kanya at pinili ang umalis. Sa pamamagitan ng pag-alis, ang mayamang lalaki ay nagpakita ng kahirapan sa pagtalikod sa mga mahahalagang  sistema na itinuturing ng lipunan sa isang nakasentro sa kahalagahan ni Kristo. Ang pakikipag-ugnayan at ang kasunod na pag-uusap sa pagitan ni Hesus at ng mga alagad, ay naninindigan sa isang mahalagang panuntunan sa paghahari ng Diyos "... maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una" (talata 31). Ang mamuhay para sa iba sa pamamagitan ng paglilingkod nang may  kahabagan, at walang pagtuon sa mga gantimpala, ay panimula sa paghahari ng Diyos. Ang kuwentong ito ay nasa lahat ng tatlong sinoptikong Ebanghelyo (tingnan din sa Mateo 19: 16-30 at Lucas 18: 18-30).

               Ang pakikipag-ugnayan ay nagsisimula sa lalaki na iginagalang si Hesus sa pamamagitan ng pagluhod, pagtawag sa kanya bilang "Mabuting Guro," at pagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin upang makamit ang buhay na walang hanggan (mabuhay sa paghahari ng Diyos). Lumitaw ang taong ito upang maghangad ng katuwiran, paninindigan, o kahit paghanga mula kay Hesus, na itinuturing bilang isang taong may awtoridad at pagpapahalaga. Ang lalaking mayaman ay buong tapang na nagpahayag ng kanyang pagsunod sa mga mahahalagang utos tungkol sa pagiging isang matuwid na mamamayan. Siya ay tumupad sa  inaasahan ng lipunan at inasahan si Hesus na ipahayag siya na isang halimbawa ng pagkamatuwid. Hindi sinang-ayunan ni Hesus ang papuri ng lalaki ni ang pagtugon ng lalaki sa pangunahing utos ng Diyos- na ibigin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba tulad ng pagmamahal sa iyong sarili. Sa halip, inaanyayahan ni Hesus ang lalaki sa tunay na pagiging alagad sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pamantayan na umiiral sa lipunan, ipagbili ang kanyang mga ari-arian, pagbibigay sa mga nangangailangan, pagkuha sa mga pamantayan ng paghahari ng Diyos, at pagsunod sa kanya. Ang pakikipag-ugnayan ay nagtatapos sa lalaki  na umalis na namanglaw at nalungkot.


            Ipinaliwanag ni Hesus ang kanyang mensahe sa mga alagad, na sinasabi sa kanila na mas mahirap "para sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos" (talata 25). Ang pagtuturo na ito ay mahirap na maunawaan nila dahil ang mga alagad sa pangkalahatan ay kinilala ang paniniwalang panlipunan  na ang materyal na kalagayan ay nagresulta mula sa mga tao na nagbigay kasiyahan sa Diyos at mayroong pagtatangi at pagpapala ng Diyos. Kung ang mga mayaman at matuwid na mga mamamayan ay hindi matatanggap ang kabutihan ng Diyos, sino kaya ang maaaring makatanggap ang karapatang manirahan sa kaharian ng Diyos? Pinabulaanan ni Hesus ang pamantayan ng lipunan na nauugnay sa kayamanan at sa pagkamakatuwiran.

               Ipinahayag ni Hesus ang pagkukusa ng Diyos sa karanasan ng pagkamakatuwiran at ipinahayag ang naaangkop na tugon ng sangkatauhan  ang isuko ang ating buhay sa mga bagong pamantayan at tuntunin ng moralidad sa paghahari ng Diyos. Ang mayamang lalaki ay nakasalalay sa kanyang katayuan, mga nagawa, at kayamanan upang makamit ang isang karapatan sa presensya ng Diyos. Sa halip, inanyayahan siya ni Hesus na isuko ang kanyang puso at buhay sa pagkamahabagin at pagiging alagad- isang paanyaya na napakahirap tanggapin ng lalaking mayaman. Malinaw na ipinahayag ni Hesus, ang Diyos ang siyang nakakagawa ang tila imposibleng gawain ng pamumuhay at ganap na mararanasan ang paghahari ng Diyos.


               Sa ngayon, madalas nating nakikita ang ating mga sarili, tulad ng lalaking mayaman, depende sa ating sariling mga gawa, kapangyarihan, at kayamanan upang mapahintulutan ng isang lugar sa paghahari ng Diyos. Tinitingnan tayo ni Hesus nang may pagmamahal at  inaanyayahan at tinatawag tayo sa likas na pagiging alagad na nagdadala sa buhay ng pagsuko. Tayo rin, nakakaranas ng pagkabigla, kalungkutan, at pagkalito, ngunit patuloy pa rin ang Diyos na ginagawang possible ang lahat ng bagay. Patuloy na inaanyayahan tayo ng Diyos sa buhay na walang hanggan.


 


Pinakabuod

1.   Ang mayamang lalaki ay umalis na nalulungkot sapagkat hindi niya matanggap ang paanyaya ng uri  ng buhay na walang hanggan na ipinahayag ni Hesus.

2.   Hindi mabibili o makakamit  ng tao ang kaligtasan (ang mamuhay sa kaharian ng Diyos) sa pamamagitan ng  pagsunod sa isang nakatakdang mga alituntunin; ang kaligtasan ay nararanasan kung ang mga tao ay ipinagkakatiwala ang kanilang mga puso na mabuhay kay Kristo at mamuhay para sa kapakanan ng iba.

3.   Ang paghahari ng Diyos ay isang pagbabago, nakatiwarik na pamamaraan ng buhay na ang nauuna ay siyang nahuhuli at ang nahuhuli ang siyang nauuna.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Paano ganap na makikilahok sa paghahari ng Diyos ang mga taong may mga ari-arian?

2.   Ano ang ibig sabihin sa atin ngayon ang “pag-iiwan ng lahat at sumunod kay Hesus”

3.   Paano makukumpleto ni Hesus ang kanyang pangungusap, “kulang ka ng isang bagay…” kung siya ay nagsasalita sa atin ngayon?

4.   Paano ginagawang possible ng Diyos ang pagbabago sa ating mga puso?

 


 


 

 


 


Karaniwang Panahon(24)


Marcos 10:35–45


Isaias 53:4-12; Mga Awit 91:9-16; Hebreo 5:1-10


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Nakatuon ang banal na kasulatan ngayon sa isang patuloy na hindi pagkakaunawaan ng mga alagad. Hindi nila maunawaan  na si Hesus ay magdurusa o hindi nila naiintindihan na dapat din sila. Hiniling ni Santiago at Juan  ang karangalan. Sa paggawa nito, wala silang malay sa sarili nilang tawag sa paglilingkod. Ang kasulatang ito ay nagbibigay diin sa mahahalagang mga hamon. Una, bilang mga tagasunod ni Hesus ng Nazaret, nahaharap tayo sa katulad na tanong nina Santiago at Juan: Nais ba nating uminom sa katulad na kopa ni Hesus? Pangalawa, ang ating paglalakbay bilang mga Kristiyano ay hindi isa sa kapangyarihan, katayuan, o pagkilala. Ikatlo, ang pamumuno ng tagapaglingkod ay higit sa lahat.


               Bilang mga Kristiyano, dapat nating sagutin ang isang pangunahing tanong na tinatanong sa talata 38, "Maaari ka bang uminom sa kopa na iniinuman ko?" Bilang mga tagasunod ni Hesus, kailangan nating tanggapin ang pagdurusa at  mga pasanin ng iba. Ang  pag-ibig sa kapwa at dedikasyon sa Diyos ay mga pangunahin sa ating paniniwala. Maaaring  hindi natin mababayaran ang tunay na  sakripisyo tulad ni Hesus o ang mukha ng parehong paghihirap tulad ng mga anak ni Zebedeo. Gayunpaman, bilang mga tapat na tagasunod ay dapat tayong maging handa na magdusa at magsakripisyo para sa iba.


               Sa banal na kasulatan ang pananaw ng mga alagad ay isang pansariling pag-aalala. Ang katayuan ay kritikal sa pananaw na ito-paggamit ng kapangyarihan sa iba. Tayo rin ay nagiging biktima sa maling turo ng pagnanais na mag-alala nang higit tungkol sa ating sarili kaysa sa paglilingkod sa iba. Bilang mga Kristiyano, kailangan nating kilalanin na ang paglalakbay ay hindi  sa katanyagan kundi isang walang dungis na paglilingkod. Ito ay hindi tungkol sa isang kalamangan ng o ng karangalan ngunit ang pagbibigay ng ating "kalamangan" sa iba. Ang paglilingkod ay napakahalaga hindi lamang sa loob ng iglesya kundi sa ating mga kultura at lipunan sa kabuuan.


               Kung makita natin ang ating mga sarili na nalulungkot dahil sa labis na kaginhawahan at ginulo ng ating mga suliranin at pag-aalala sa sarili, malamang na maari nating ihiwalay  ang ating sarili mula sa mga hindi mapapalad  -mga taong mahihirap (o mas mahirap) at mga taong hindi napapansin. Maaari silang manatiling malayo sa atin, kung hindi nakikita  malayo man o malapit. Maaari tayong maging alipin – walang pakiramdam  sa mga sakit ng  ating mundo. Ang ating pagkakahiwalay mula sa mga taong dukha at mahihirap ay maaaring napakalawak, o maaari tayong maging napakalapit.


               Sa mga talatang ito, tinawag tayo sa paglilingkod bilang mga lingkod at alipin. Ang paglalarawan ni Hesus sa Kristiyanong pamumuno, "ang sinumang ibig na maging dakila   ay dapat  maging lingkod,  at ang sinumang ibig  maging pinuno  ay dapat  maging alipin ng lahat" (mga 43-44) ay mahalaga ngayon katulad noong panahon ni Hesus lumakad kasama ng kanyang mga alagad sa Jerusalem upang magdusa para sa atin.


               Sa araw na ito, sa ating paglalakbay, sumama tayo sa mga naunang mga alagad  habang naglalakad tayo at nakikipag-usap kay Hesus. Tayo ay hindi naiiba sa ating sinaunang mga kasamahan-tulad ng mga anak ni Zebedeo o ng iba pang "10." Maraming mga beses na hindi natin nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ang sundan si Hesus. Hindi natin maunawaan ang kahulugan ng ating pagiging alagad.  Nagpapaligsahan tayo sa  isa't isa. Naging masyadong nag-aalala tayo sa sarili, naghahanap ng katanyagan at karangalan. Gusto nating gamitin ang ating pamumuno sa paraan ng ating mundo sa halip na sa pamamagitan ng paglilingkod. Ang ating listahan ng mga kakulangan at hindi pagkakaunawaan ay maaaring walang katapusan.


               Gayunpaman, ang mga talatang ito ay nagbibigay ng matalinong payo kapag isinama sa iba pang mga kuwento at talinghaga ni Hesus. Sa ating mga kahinaan, pagkukulang, at kakulangan, tinawag tayo ni Hesus sa paglilingkod at patuloy na tutulungan ang kanyang mga alagad (tayo) na madaig ang ating mga kabiguan, at ipinagkakasundo tayo sa ating Lumikha. Habang naglalakad tayo kasama si Hesus, unti-unti nating nauunawaan ang pangunahing tema ng kanyang paglilingkod. Ang ating tawag sa paglilingkod-- ay maglingkod sa ating mga kapwa tao. Ang pagnanais at paghahangad para sa katanyagan, kapangyarihan, at pagkilala ay maling turo sa atin tulad nina Santiago at Juan.


 

Pinakabuod

1.   Ang pagiging alagad Kristiyano ay tinatawag tayo  na ibahagi ang mga pasanin ng iba.

2.   Ang pamumuno bilang lingkod ay mahalaga bilang isang alagad ni Kristo.

 3.  Dapat nating pag-aralan ang magbigay ng anumang “kalamangan” na mayroon tayo sa iba na hindi mapalad.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Ninais mo ba ang kapangyarihan, katayuan, at katanyagan sa loob ng iglesya?

2.   Nainggit ka ba sa likas na katalinuhan ng iba?

3.   Nakikita mo ba na mahirap ang pagbabahagi ng mga pasanin ng iba?

4.   Ipinakita ba ng kongregasyon sa kalapit na pamayanan ang kahulugan ng paglilingkod?

5.   Mayroon ka bang halimbawa ng isang tao na nagpapakita ng isang namumunong lingkod?

6.   Paano naiimpluwensayan ng pagkamakasarili ng isang tao ang kakayahang maging isang lingkod?


 


Karaniwang Panahon


Marcos 10:46–52


Jeremias 31:7-9; Mga Awit 126; Hebreo 7:23-28


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang Ebanghelyo ni Marcos ang pinakamaikli sa apat at inaakala na ito ang naunang nasulat. Ito ay puno ng mga talinghaga at paglalarawan na nagpapakita ng maliwanag at simpleng kapangyarihan ni Hesus bilang Anak ng Diyos na gumagawa ng himala. Sa Ebanghelyo ni Marcos, nakilala ng mga tao si Hesus nang maaga sa kanyang paglilingkod bilang isa na may kapangyarihang magpalayas ng "masamang espiritu" mula sa lalaking nasa sinagoga. Magpapatuloy tayo na basahin ang pagpapagaling sa biyenan ni Simon sa kanyang bahay. Pagkatapos ang buong lungsod ay nagtitipon sa pintuan ng bahay upang pagalingin ni Hesus ang mga maysakit. Ang isang kuwento ng pagpapagaling pagkatapos ng isa pa sa Ebanghelyong ito ay nagpapaalala sa atin na ang kapangyarihan ni Hesus ay kapangyarihan ng Diyos. Ang mga kuwentong ito ay nagpapaalala rin sa atin sa kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay ngayon, at ang kapangyarihan ng Diyos ay ipinapakita sa mga gawain  ng awa.


               Ang pagpapahalaga ni Marcos sa paglilingkod ng pagpapagaling ni Hesus ay nagpapaalala rin sa atin sa pangangailangan ng espirituwal na pagpapagaling sa ating buhay. Kahit  wala tayong lantang kamay  o hindi pisikal na bulag, kailangan natin si Kristo na magdala ng kagalingan sa ating buhay. Tinatawag tayo ng tekstong ito na isipin natin ang  tungkol sa pisikal na karamdaman o kapansanan sa Ebanghelyo ni Marcos bilang tanda ng lahat ng mali sa ating buhay at sa mundo. Si Hesus ay may kapangyarihan upang gawin tayong ganap, upang muling buuin tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, o sa madaling salita, kung magtitiwala tayo sa Diyos. Ang kapangyarihan at pagnanais ng Diyos na pagalingin tayo sa espirituwal ay walang humpay. Ang awa ng Diyos ay walang katapusan.


            Ang pagkabulag ay partikular na sagisag sa tula at banal na kasulatan. Sa Ebanghelyo ni Marcos, ang pagkabulag ay maaaring kumakatawan sa isang pagkabigo na maunawaan o maunawaan ang kahulugan ng paglilingkod ni Hesus. Natagpuan ng mga paham ang kahulugan sa pag-aaral ng mas malaking mga seksyon ng Ebanghelyo ni Marcos. Kahit na mas maikli ang Ebanghelyo ni Marcos at mas maikli kaysa sa iba pa, sinabi ni Marcos ang dalawang kuwento tungkol sa pinagaling ng mga bulag na lalaki (Marcos 8:22, 10:46). Ang dalawang pagpapagaling na ito ay nagsisilbing pananda ng simula at pagtatapos ng isang aralin sa mambabasa. Sa pagitan ng mga pagpapakita ng maawain na kapangyarihan ni Hesus, kumikilos si Hesus sa pagtuturo sa kanyang mga alagad sa pamamagitan ng salita at gawa tungkol sa likas na katangian ng pagiging alagad at tungkol sa layunin ng kanyang paglilingkod. Ang mensahe ay isa sa makapangyarihang pag-ibig at awa at pagsasakripisyo para sa iba. Ngunit paulit-ulit na hindi maintindihan ng mga alagad ni Hesus. Pinapalayo nila ang mga tao na nangangailangan ng tulong. Nagtatalo sila tungkol sa kung sino sa kanila ang pinakadakila.

               Sa panahong pinagaling  ni Hesus si Bartimeo sa Jerico, ang mga mambabasa ay halos nasa  katapusan na  ng paglalakbay sa ebanghelyo, halos hanggang Jerusalem. Maaaring isipin ng isa na ang mga alagad ay may maraming panahon  upang maunawaan, upang makita ang mensahe ni Hesus. Ngunit kahit si Bartimeo ay sinabihan na tumahimik  nang siya ay humihingi ng kagalingan. Maaaring makabuluhan na si Bartimeo ay agad na pinagaling ni Hesus habang ang bulag na lalaki mula sa Betsaida sa kabanata 8, na hindi pinangalanan, ay mas mahirap pagalingin (tingnan ang Marcos 8: 24-25). Si Pedro ay nagmula rin sa Betsaida, kaya ang unang bulag ay maaaring kumatawan sa mga alagad at kung gaano kahirap  ang mga alagad na "makakita."


 


 


Pinakabuod

1.   Ang kapangyarihan ng Diyos ay naipahayag kay Hesu-Kristo  mapagmahal at maawain.

2.   Nais ng Diyos na magdala ng pagpapagaling sa mundo na nakabatay sa awa ng Diyos.

3.   Minsan ang ating kahinaaan, pagmamataas, kawalan ng tiwala at pananaw ay tanging mga hadlang kung ano ang nais ng Diyos para sa atin.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kailan mo nakita ang awa ng Diyos na kumikilos sa mundo?

2.   Kailan ka napagpala sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga pamamaraan ng Diyos?

3.   Kailan ka napagaling o nakita ang iba na napagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan at awa ng Diyos?

4.   Paano naiiba ang espiritwal na pagpapagaling sa pisikal na pagpapagaling?

5.   Sinusubukan ba nating kunin  ang Diyos na gumawa ng pagtatangi sa atin sa halip na makita natin ang Diyos  na nanaisin tayong maglingkod sa iba na may awa? Paano tayo maging sagisag ng awa ng Diyos na kumikilos  sa mundo?


 


Karaniwang Panhon (Proper 26)


Marcos 12:28–34


Deuteronomio 6:1-9; Mga Awit 119:1-8;


Hebreo 9:11-14


 


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang manunulat ng Ebanghelyo ni Marcos ay ibinahagi ang mabuting balita ang darating na paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng kuwento: isang mabilis na pagsasalaysay tungkol sa buhay, paglilingkod, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus. Ang bagong paghahayag ng Diyos sa  at sa pamamagitan ni Hesus ay ipinaparating sa pamamagitan ng mga kaganapan at mga tauhan. Ang Aklat ni Marcos ay nauunawaan sa pinakamahusay  bilang buo,  nagbibigay ng  balanseng pandinig tungkol sa pagbibigay-diin ni Marcos sa kapangyarihan ng pagpapagaling at  paglilingkod  ni Hesus.


               Bagaman ang teksto sa ngayon ay lumalabas bilang bahagi ng isang masiglang  serye ng mga palitan sa templo, ito ay buo at maaring maibahagi nang epektibo nang walang malawak na impormasyon sa karanasan. Mahalagang tandaan ang diin sa  kultura ng pamayanang (pamilya, lipi, relihiyon) Hudaismo at Kristiyanismo sa unang-siglo, gayundin ang tungkulin at kahalagahan ng templo ng mga Hudyo. Ang pag-ibig sa iyong kapwa katulad ng iyong sarili ay nagdadala ng isang karaniwang kahulugan na nag-uugnay sa pagkakamag-anak, pag-ibig, at pagmamay-ari. Sa unang siglo, mas tama ang kahulugang ibigin ang mga tagalabas tulad ng pag-ibig  mo sa  iyong pamilya o lipi.


               Ang tuon ng tekstong ito ay sa hindi pagkakaunawaan ni Hesus sa mga pampulitika, panlipunan, at panrelihiyon na awtoridad sa araw na iyon. Ang pagsulat kaagad  matapos ang pagkawasak ng templo, ang manunulat ng ebanghelyo ay nahaharap sa mga tanong ng pagkakakilanlan: Ano ang ibig sabihin ng maging isang mabuting Hudyo? Ano ang pangunahin sa ating pagkakakilanlan bilang isang napiling pamayanan ng Diyos?


               Matapos ang serye ng mga tanong mula sa mga Pariseo, Herodyans, at Saduseo, nilayon upang subukin at bitagin si Hesus (Marcos 12: 13-27), ang isang magiliw nakikiisang  eskriba ay lumabas sa kuwento. Tila matapat ang eskriba sa kanyang tanong; ito ay nagsasalita sa puso ng parehong Hudaismo at Kristiyanismo. Tinanong niya, "Alin pong utos ang pinakamahalaga?" (T. 28).


               Ang eskriba ay sumang-ayon sa sagot ni Hesus (mga talata 29-31) at magsisimula tayong tignan ang eskriba bilang tagasunod ni Hesus. Gayunpaman, ang tugon ni Hesus ay dinadala tayo ng mas malalim, "Malapit  ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos" (34). Ang kanyang mga salita ay naghayag ng isang bagay na kulang sa pangako ng eskriba. Ang pagtupad sa pinagkaisahang mga pangunahing teolohikal na punto at "tamang" mga sagot ay hindi sapat. Ito ay kung paano tayo nabubuhay, kumilos, at paano makitungo sa iba at ito ang pinakamahalaga. Ang pag-ibig sa Diyos at pagmamahal sa kapwa ay mga gawa hindi mga panuntunan. Ito ay isang paraan ng pakatao, hindi isang paraan ng pag-iisip.


            Ang palitan sa tagpong ito ay mahalaga para sa maraming mga kadahilanan. Ito ay  inilalagay si Hesus sa tradisyon ng mga propetang sina Isaias, Jeremias, at Amos. Inaangkin nito ang puso ng Hudaismo at hinihila ito sa puso ng Kristiyanismo - pag-ibig sa isang Diyos (monotismo) at pag-ibig sa iyong kapwa. Ito ay lubos na nangangatwiran na ang gawa ng pag-ibig ay higit na makabuluhan kaysa sa anumang panuntunan ng seremonya ("mga handog na sinusunog at mga sakripisyo" [33]). Ito ay malinaw na nakikipag-usap na ang pagsunod kay Hesus ay tungkol sa ating buong buhay: kung paano tayo nabubuhay, ang ginagawa natin, at ang lalim ng ating pag-ibig. Nakahanda ba tayong magmahal hanggang  sa punto ng pagdurusa, maging ang kamatayan? Ang tanong na ito ay binigyang diin sa darating na paghihirap ni Hesus sa krus na magsisimula sa kabanata 14.

 

Pinakabuod

1.     Ang sentro ng ating pagkakakilanlan bilang mga tagasunod ni Kristo ay pag-ibig sa Diyos at kapwa.

2.     Ang pagpili sa pagsunod kay Hesus ay isang pagpili na ginagawa natin sa ating buong buhay; upang tunay na sundan si Hesus ay  tunay na mabuhay sa paraan ni Hesus at maaring mahirap.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.     Sa anong mga paraan pinahihintulutan natin ang seremonya na kunin ang lugar ng pag-ibig, o ang pagsamba tungkol sa gusali ng simbahan sa halip na ang buong buhay natin?

 2.    Paano nakakaapekto sa buhay ng kongregasyon ang pag-ibig sa Diyos at kapwa – na sentro ng ating pagkakakilanlan---?

3.     Paano tayo naihahalintulad sa eskriba? Ano ang kulang sa ating pangako na sumunod kay Hesus?

4.     Paano naging “mahirap” ang pagsunod kay Hesus sa buong buhay mo?

 


Karaniwang Panahon (Proper 27)


Marcos 12:38–44


I Mga Hari17:8-16; Mga Awit 146; Hebreo 9:24-28


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Si Hesus ay pumasok sa templo sa unang pagkakataon sa unang araw pagkatapos ng kanyang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem. Hanggang sa panahong ito, naglingkod siya sa kanayunan. Hindi siya itinuturing na banta ng naghaharing mga Romano o mga pinunong panrelihiyon na sumuko sa mga Romano upang iligtas ang kanilang mga katungkulan sa lipunan. Ngayon na siya ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong panrelihiyon-na natakot sa maraming mga tao-ay sumunod sa kanya at nagsimulang sumubok kay Hesus upang siraan siya.


               Ang kabanata 12 ng Marcos ay nagpapakita ng mga halimbawa kung saan hinarap ni Hesus ang mga lider ng relihiyon sa lugar kung saan inaangkin nila ang kapangyarihan, ang templo. Una hinarap ni Hesus ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga matatanda; pagkatapos ay ang mga Pariseo; at pagkatapos ang mga Saduseo. Sa partikular na kasulatang ito,  hinamon niya ang kanilang pagkabukas-palad. Inilarawan niya hindi lamang ang kanilang kakulangan sa tunay na pagkabukas-palad kundi ang paraan kung paano nila ipinakita ang pagkabukas-palad. Tila  kinukutya niya ang kanilang hitsura habang ipinakita nila ang kanilang tinatawag na pagkabukas-palad. Hinamon niya ang kanilang mga pagkilos para sa pinakamababa sa lipunan, sa kasong ito ang mga balo.


               Ang pagkilos ng balo sa kuwentong ito ay nagbibigay ng isang halimbawa  kung paano ang “magbigay ... sa iyong tunay na kakayahan" (Doktrina at mga Tipan 163: 9). Dito ibinigay ng babaing balo ang kanyang kahirapan, ibig sabihin  nagbigay siya sa paraan ng pagbibigay ng Diyos, mula sa kanyang puso. Ang mga eskriba ay nagbigay mula sa kung ano ang natira, o mula sa kanilang kasaganaan. Ang mga eskriba ay ipinagkakait ang kanilang kabutihang-loob. Ipinangaral ni Hesus ang pagsasama ng lahat, kabilang ang mga balo.


               Ginamit din ni Hesus ang pangyayaring ito upang ituro sa atin ang tungkol sa pagkabukas-palad ng Diyos. Ang kabutihang-loob ng Diyos ay biyayang malayang ibinigay  nang walang hinihintay na kapalit (Efeso 1: 6). Ang mga eskriba ay nagbigay ng pagpapala sa balo at sa kanyang uri. Pagkatapos ay nagbigay lamang sila ng sapat upang makita ng iba habang sila ay nagbibigay. Ibinigay ng balo ang lahat na maaari niyang ibigay at ibinigay niya ito nang buong kababaang-loob. Siya ang tumanggap ng kaloob ng pagpapala ng Diyos sa araw na iyon


               Sa Malakias 3:10, nakikita natin ang isang halimbawa ng pagkabukas-palad ng Diyos. Dito nakita muli natin. Ang balo ay dinala ang "buong ikapu" at nagbigay alinsunod sa kanyang tunay na kakayahan. Iyon ang naging dahilan ng Diyos na magbigay ng biyaya ng kasaganaan sa kanya. Sa pamamagitan ng pagkait ng kanilang mga ikapu, ang mga handog ng mga eskriba ay hindi nakapagdulot ng uri ng pagpapala na ibinibigay sa pinakamababa sa lipunan.


               Habang nakaupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng kaloob sa templo, napagmasdan niya ang pagtugon ng mga nilikha ng Diyos sa kabutihang-loob ng Diyos. Nasaksihan niya ang isang tao, na naunawaan ang kanyang kaugnayan sa kanyang mapagmahal na Diyos, pumunta sa isang lugar kung saan siya ay hindi tanggap at kung saan ginamit ng mga pinunong panrelihiyon sa araw na iyon ang kanyang kaloob bilang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Gayunpaman, nagbigay siya dahil alam niya na ang Diyos ay walang aasahan mula sa kanya. Nasaksihan din ni Hesus kung paano kinuha ng ilan ang para sa kanilang Diyos at ginamit ang pangalan ng Diyos upang hamakin ang iba. Sa pagpapakita ng totoong pagpapala  at pagkabukas-palad ng Diyos, si Hesus ay matapang na nanindigan para sa isa na nagpakumbaba kahit sa panganib na ibigay ang kanyang buhay para sa kanyang kapakanan.


Habang nagninilay ka sa banal na kasulatan ngayon, maaari mong isipin ang mga halimbawa ng tunay na pagkabukas-palad sa iyong buhay o sa loob ng kongregasyon o pamayanan. Maaari na ito ay pagkamapagkaloob sa pananalapi, panahon o mga talento, o pagpapaabot ng pagpapala sa iba. Bagaman ito ay maaaring maging isang karaniwang kuwento, ang hamon para sa atin upang magbigay sa ating tunay na kakayahan ay mananatili. Repasuhin ang mga alituntunin ng Bukas Palad na Tugon ng Isang Alagad at isipin ang iglesya at ang mundo kung ang lahat ay magbibigay sa kanilang tunay na kakayahan! Isipin kung ano ang maaaring mangyari sa ugnayan ng isang tao sa Diyos kapag nagbibigay siya  mula sa tunay na pagnanais na ibalik sa Diyos.


 


Pinakabuod

1.   Inaanyayahan at tinanggap ang lahat ni Hesus.

2.   Ang balo ay hindi nagkait subalit nagbigay ayon sa kanyang tunay na kakayahan.

3.   Ang mga eskriba ay ipinagkait ang kanilang pagkamapagkaloob at  nagbigay lamang ng sapat upang makita.

4.   Ang pagpapala ng Diyos ay tinatanggap at ibinibigay nang may kasaganaan kapag ang “buong ikapu” ay dadalhin sa harapan  ng Diyos.

 5.  Ang pagpapala ng Diyos ay para sa lahat.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Kung mamatyagan ni Hesus ang paghahandog sa iyong kongregasyon, ano ang kanyang makikita?

2.   Paano tinatanggap ng iyong kongregasyon ang mga pinakamababa sa iyong pamayanan?

3.   Ano ang mga dahilan ng mga ibang tao upang ipagkait ang kanilang pagkamapagkaloob?

4.   Habang tinatanggap natin ang pagkamapagbigay ng Diyos ano ang dapat nating tugon?

5.   Habang sinusuri mo ang mga alituntunin ng Bukas-Palad na Tugon ng Isang Alagad, paano nilinaw ng kuwentong ito ang iyong pankaunawa sa mga alituntuning ito?

 


 


Karaniwang Panahon (Proper 28)


Marcos 13:1–8


Daniel 12:1-3; Mga Awit 16; Hebreo10:11-25


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Ang mga kabanata na nauna sa talatang ito ay matatagpuan si Hesus na matagumpay na pumasok sa Jerusalem, na nagpapakita sa pinakadakilang utos (Marcos 12: 28-31), at pagtuturo sa mga patyo ng templo. Sa buong panahong ito, binigyan niya ng babala ang kanyang mga alagad na huwag ibigin ang karangalan sa kanilang paligid o sundin ang mga bagay na makagagambala sa kanila mula sa kanyang mahalang misyon. At ano ang sumunod nilang ginawa? Nagkomento sila kung gaano kaluwalhati ang mga bato at mga gusali na bumubuo sa looban ng templo!


               Ang ilan sa mga batong ito ay tumitimbang ng mahigit sa 100 tonelada at may sukat na halos 45 piye ang haba. Ang templo at ang mga nakapaligid na mga gusali at mga patyo nito – ay ang sentro ng relihiyon at kultura ng mga Hudyo noong panahon ni Hesus-  nagsilbi rin bilang isang tipan sa kapangyarihan ng Imperyong Romano at bilang kahanga-hangang katuparan ng paglikha. Kahit gaano kalakas ang isang gusali, maaari pa rin itong mawasak: nang wasakin ng mga Romano ang Jerusalem sa panahon ng pagrebelde ng mga Hudyo noong 70 CE, iniwan nilang wasak  ang minsang malaking templo. Ang pagiging tapat kay Kristo ay ang pagtingin sa higit sa itinuturing na katatagan ng mga institusyon, mga gusali, mga bansa, at kumikinang na kayamanan ng mundo. Hindi natin ilalagay ang ating tiwala sa kung saan ay mapahamak o mawala, ngunit sa mensahe ng ebanghelyo at ang Buhay na Salita na kung saan ito itinuturo.


               Ang ilan sa kanyang mga alagad, na nag-isip sa mga salita ng babala ni Hesus tungkol sa templo ay nagpapahiwatig na malapit na ang paghatol ng Diyos, nagtanong kung kailan magaganap ang mga pangyayaring ito. Marami sa nakapaligid sa kanila ang nanghuhula sa katapusan ng mundo, ang isang kaguluhan sa pagitan ng mga planeta kung saan ibabagsak ng mga  matuwid ng Diyos ang mga itinuturing nilang mapang-api at sumasalungat sa mga nais ng Diyos. Naniwala sila na ang isang bagong ayos ng mundo ay darating sa lalong madaling panahon, at ipaalam sa pamamagitan ng mapaminsalang mga kaganapan na nagbigay ng babala sa pagdating nito.


               Ito ay nakakatukso para sa maraming tao sa ating mundo-at sa buong panahon- na  makita ang mga kasalukuyang kalamidad bilang mga palatandaan ng tinatawag na "katapusan."  Sinabi ni Hesus  ngunit "mga digmaan at mga alingawngaw ng mga labanan" (Marcos 13: 7), lindol, taggutom, at iba pang mga panahon ng pagdurusa na ating nararanasan ay hindi nagpapahiwatig ng pagdating ng kaharian ng Diyos sa pagtatapos nito sa mundo. Hindi niya sinabi sa mga alagad ang mga palatandaan na dapat nilang hanapin, ngunit sa halip ay nagbabala sa kanila na magbantay laban sa mga nag-aangkin ng isang pangyayari o serye ng mga sakuna na nagpahiwatig ng katapusan. Kahit na ang popular na Kristiyanismo ngayon ay may gawi na magturo sa mga alagad upang bigyang pansin ang "mga palatandaan ng katapusan," si Hesus ay matatag na sinawata ang gayong haka-haka. Ang mga taong "gumagamit sa [kanyang] pangalan" at nanghuhula ng napipintong pagkawasak ay hindi kumikilos sa loob ng kapangyarihan ng mga turo ni Hesus (v.6). Maraming mga tao ang tumutuon sa mga hula sa katapusan ng mundo, sinabi ni Hesus, ngunit ang kanyang mga alagad ay hindi kasama sa kanila o matutukso upang malihis sa mga landas ng kaguluhan.


               Sa halip, tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad na maging tapat sa mensahe na kanyang dala upang ibahagi. Sa susunod na sipi (Marcos 13: 9-13), ipinaaalaala sa atin ni Hesus na ang ating gawain ay ipahayag ang mabuting balita sa lahat ng tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Iyan ang ating misyon. Hindi tayo kakapit sa mga bato sa mga gusali o magtatangkang makaramdam ng kaguluhan sa paligid natin sa pamamagitan ng papapahayag ng mga sakuna bilang katuparan ng mga hula tungkol sa katapusan. Ang pagiging tapat kay Kristo ay upang ipahayag siya  at siya  lamang bilang Bato ng ating pananampalataya at ang katuparan ng ating pag-asa, maging-at marahil, lalo na-sa harap ng pagdurusa.


                Tayo ay makakatanggap ng karagdagang pananaw tungkol sa pagkaunawa ng "katapusan" mula sa Saligan ng Paniniwala ng Community of Christ, na nagsasabing, "Ang kinabukasan ng sangnilikha ay pagmamay-ari ng Prinsipe ng Kapayapaan, hindi sa mga nang-aapi, nangingibabaw, o sumisira. Habang inaasahan natin ang kinabukasan na iyan, itinalaga natin ang ating sarili upang hangadin ang kapayapaan ni Kristo at itaguyod ito. Hindi natin alam ang araw o oras ng pagparito ni Kristo ngunit alam lamang natin na ang Diyos ay tapat "(Pagbabahagi sa Community of Christ, ika-3 ed., 2012, p. 16). Nanatili tayong tapat sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin kay Hesus at sa paghangad ng kapayapaan at pagbabahagi kay Kristo sa iba.


 


Pinakabuod

1.   Ang pagiging tapat sa ebanghelyo ay nangangahulugang inilalagay natin ang panghuling pagtitiwala kay Kristo at sa kanyang misyon, kaysa  mga bagay na walang tigil na makakagambala sa atin  mula sa kanyang mga prayoridad.

2.   Tinuturuan ni Hesus ang kanyang mga tagasunod na iwasan ang pahayag ng pagkaligalig sa kanilang paligid sa halip ay magtuon kung paano nila pangasiwaan ang kanilang mga sarili sa gitna ng kaguluhan.

3.   Dapat tayong makinig at manatiling tapat kay Hesus at sa kanyang mga aral kaysa mabitag sa kung ano ang itinakda ng ating kultura na dapat nating paniwalaan.

 

Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

1.   Ano ang kahulugan sa iyo ang manatiling tapat sa gitna ng pakikibaka sa buhay? Paano naging tapat ang Diyos sa iyo sa panahong ito?

2.   Sa anong mga paraan nakakatulong sa atin ang pamayanan ng mananampalataya upang panatiliin tayo na nakaugnay at nakatuon sa mga bagay na ito na siyang pinakamahalaga?

3.   Anong diin ang inilalagay ng iyong kongregasyon sa pagpapanatili sa inyong gusali sa halip na pagbabahagi sa misyon ni Hesu-Kristo? Nagkakasalungat ba sila kung minsan? Mayroon bang hamon doon?

 


Karaniwang Panahon (Proper 29) Paghahari ni Kristo


Juan 18:33–37


DaniIel 7:9-19, 13-14; Mga Awit 93;


Pahayag 1:4b-8


 


Pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan

               Dumating tayo sa huling Linggo ng taong Kristiyano, na kilala ayon sa kaugalian bilang "Paghahari ni Kristo," o "Kristo ang Hari." Ang taunang paglalakbay kasama si Hesus ay magsisimula muli sa pitong araw. Paano ang teksto sa araw na ito makakatulong sa pagsara ng iba pang taon sa ating buhay Kristiyano? Ano ang maaaring sabihin upang makilala ang pasimula ng pagtatapos at pagsisimula na ngayon ay magsalikop muli?


               Ang isang katotohanan na pumalo sa mambabasa ng talatang ito ay kung paano ang pag-uusap sa pagitan ni Hesus at Pilato, una, isang palitan ng mga tanong: Pilato: "Ikaw ba ang Hari ng mga Hudyo?" Si Hesus: "Tinatanong  mo ba ito para sa iyong sarili, o sinabi ba ng iba sa iyo ang  tungkol sa akin? "Pilato:" Hindi ako Hudyo, ako ba? ... Ano ang nagawa mo? "At sa paglaon," Kaya ikaw ay isang hari? "Sila ay dalawang taong marunong, ang bawat isa ay lider,  may kamalayan na ang isa ay may kakayahan, makapangyarihan. Sinusuri at sinusubok nila ang bawat isa sa maingat at piling mga salita.


               Bilang mga komentarista suriin ang bawat salita ng mga pulitiko at mga pampublikong pigura ngayon, kaya tayong naghahanda ng sermon ay inaanyayahan na bigyan  pansin  ang palitan ng salita sa pagitan ng Hesus at Pilato. Ang kanilang mga salita ay nagpapakita ng malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga halaga at mga alituntunin na huhubog sa buhay ng bawat isa! Maaaring naisin mong suriin si Pilato upang maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng kanyang mga motibo at mga kilos at ng  kay Hesus.


               Ang "hari" at "kaharian" ay hindi sikat sa mga salita sa karamihan ng mundo ngayon, kaya makatutulong upang ipaalala sa kongregasyon na ito ang namumunong halimbawa ng panahon. Ginamit ni Hesus ang karaniwang mga pag-unawa ng  administratibong pagbabalangkas upang anyayahan ang mga tao sa "pabaliktad na kaharian." Inilalarawan ni Hesus ang kapangyarihan bilang paglilingkod sa paghuhugas ng   paa, mga araro bilang mga ginustong kasangkapan ng kapayapaan, mga bata bilang mga guro ng matatanda, at kamatayan bilang daan patungo sa bagong buhay.


                Ang pinakamahalagang pag-uusap ay ang tanong ni Pilato, "Ano ang nagawa mo?" At sagot ni Hesus, "Ako ay dumating ... upang magpatotoo sa katotohanan." Ang layunin ni Hesus ay mabuhay sa mundo. Sa kanyang pamumuhay at pagsasalita ay ipinahayag niya ang isang katotohanan na noon (at ngayon) ay naroroon, ngunit kadalasang nakakaligtaan. Ang katotohanan ay ang Diyos ay naghahari sa lahat ng nilikha at sa lahat magpakailanman. Sa gayong pananaw, ang itinuturing nating napakahalaga sa ating mga bansa, kaharian, at estado ay ipinapakita kung ano ito. Ang mga ito ay naiiba sa isang permanente o matatag na paghahari, na kadalasang pinangungunahan ng mga taong kulang sa pag-intindi sa kinabukasan na ang kapangyarihan at kahalagahan ay mas mababa kaysa paniniwala nila o ang kanilang mga tagasunod. Iyon ay isang katotohanan na nagbabanta sa napakarami. Ang mas malalalim na katotohanan ay kumikislap ng liwanag sa mga baluktot at likas na katangian ng kung ano ang madalas nating ipinapahayag bilang permanente at pangunahin.


               Kinikilala ni Hesus na siya ay isang hari, ngunit isang hari na walang katulad sa isang kaharian (kin-dom) na walang iba pang; isang hari sa isang kaharian hindi sa mundong ito.


 

 

 

 

Pinakabuod

Ngayon ang pangwakas na Linggo ng taong Kristiyano, kilala bilang “ang Linggo ni Kristo ang Hari.” Mahalagang kilalanin ang “pagtatapos” na ito at  simula ng susunod na Linggo.

Ang isang paraan upang maunawaan ang katangian ng Diyos kay Kristo ay upang ipakita ang maliwanag na kaibahan sa pagitan ng mga pamantayan at alituntunin ni Hesus sa pamamagitan ng paninindigan sa kanila laban  kay Pilato.

“Hari” at “kaharian” ay mga kaisipan hindi pamilyar at pinaghihinalaan ng marami sa atin. Ang diin ng sinipi, gayunpaman, ay ang paghahari ng Diyos ay sa katarungan at kapayapaan. Binulag tayo sa katotohanan ng mga kaharian sa mundong ito.

Nabuhay si Hesus sa katotohan ng paghahari ng Diyos. Ipinakita niya ito. Siya ay ang Katotohanan. At inaanyayahan tayo na sundan siya sa pamayanan ng kagalakan, pag-asa, pag-ibig at kapayapaan.

 


Mga Katanungan para sa Tagapagsalita

Paanong “Hari” si Hesus sa iyo? Paano mo ilalarawan ang iyong katapatan kay Hesus sa ibang mga salita at mga paraan?

Ano ang natutuhan mo tungkol kay Hesus at Pilato mula sa kanilang pag-uusap?

 Paano mo itatakda “ang kaharian ng mundong ito” at ang “kaharian hindi sa mundong ito”? Magbigay ng halimbawa ng bawat isa habang pinapag-aralan mo ang mundo sa paligid mo.

Sinabi ni Hesus na dumating siya upang magpatotoo sa katotohanan. Anong katotohanan ang kanyang pinatotohanan?

Anong katotohanan ang ipapahayag mo ngayon? Paano nagpatotoo si Hesus sa katotohanang iyan? Paano ka at iyong kongregasyon magpapatotoo sa katotohanang iyan?


 


 

Popular Posts

Hello more...