Saturday, September 28, 2024

LET US PRAY FOR ONE ANOTHER


 Prelude

Hymn of Gathering: Amin A Padas

Scripture Introit: Santiago 5:13-16

Welcome

“Let us Pray for One Another,” ang talata mula sa aklat ng Santiago ay umaalingawngaw mula sa ating punong pinagmulan Community of Christ. Tunay nga na sa araw na ito tayo ngayon ay naka-tipon-tipon upang ipanalangin ang bawat isa. Ang awiting “Let us pray for one another” ay isinulat noon ni David Hyrum Smith at unang inilathala noong 1870.

Ang nagsulat ay ang nababahala ngunit matalinong makata at pintor na bunsong anak nina Joseph at Emma Smith.

Ngayong araw na ito sa ating pagsamba, mapapakinggan natin ang mga salita mula sa awiting ito na puno ng pag-aalinlangan at pagkabahala sa kadiliman, na tingin niya ay nabubuhay na siya sa mga huling araw, at umaasa na lamang sa magandang araw na ipinangako bilang pagpapala sa kaniyang Komunidad.

* “Let us Pray for One Another,” ti paset ti Nasantoan a Surat iti Santiago ket aggalgalangugong manipud iti nagtaudan iti Community of Christ. Pudno nga iti daytoy ng aldaw addatayo a naummong tapno umay tayo ikararag iti tunggal maysa. Ti himno a “Let Us Pray for One Another” ket insurat idi ni David Hyrum Smith ken umuna a naipublish idi 1870.

Ti nangisurat ket ti madandanagan idi a nasaririit a mannaniw ken pintor a buridek nga anakda Joseph ken Emma Smith.

Idi daytoy nga aldaw, intayo mangngegan dagiti sarita manipud iti daytoy a himno a napnoan iti panagdandanag ken dudua iti kasipngitan, nga iti ammona ket abibiag laengen isuna kadagiti maudu-udi nga al-aldaw a mangnamnama laengen iti nasayaat nga aldaw a naikari a kas parabur iti Komunidad nga ayanna.

Sharing of Joys and Prayers Concerns

Moment of Silent Prayer

Call To Worship: Mga Awit/Salmo 124:8

8Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha.

* 8Ti Apo ti tumulong kadatayo, isu a namarsua iti langit ken daga.

Hymn of Praise: “Praise to the Living God”, CCS 8

Opening Prayer

Reading: “Let Us Pray for One Another”

Let us pray for one another
that our minds and hearts may blend
as we grow in love and mercy,
day by day, till life shall end.
We can see how others need us;
may we also dare to say
that in love we’ll share together;
for each other let us pray.

We are walking down time’s vista;
Zion’s banner now unfurled
calls to stewardship of caring
and redemption of the world.
Let us pray that we may ever
sense God’s guidance in the way;
as we try to live for others,
for each other let us pray.

O’er the world the day is dawning
through the Spirit’s light and power
when the people of all nations
sense the challenge of this hour.
That our lives may now be given
to each other in God’s way,
in the name of Christ the Savior,
for each other let us pray.

Prayer for Peace

Scripture for Peace: Marcos 9:50
50Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Maging kagaya kayo ng asin, at mamuhay kayong mapayapa sa isa't isa.”

* 50Nasayaat ti asin; ngem no awanen ti apgadna, kasano ti panangpaapgadyo manen? Maaddaankayo koma iti asin ti pannakigayyem, ket agkakappiakayo.”

Light the Peace Candle.

Statement

Ating iniaalay sa mundo ang isang templo na siyang nakatuon sa pagtataguyod ng kapayapaan, pakakaunawaan, at kagalingan ng ispiritu. Bilang isang sumisimbolo sa kapayapaan ni Kristo, nawa tayo ay maging kumakatawan para sa kagalingan ng bawat isa sa atin.

* Idiay-diaya tayo iti lubong iti maysa a templo a nairanta iti panangisayangkat iti kappia, panagkikinnaawatan, ken pannakapalaing iti ispiritu. Kas mangisimsimbolo iti kappia ni Kristo, datayo koma ket mangibagi iti pannakapaimbag iti tunggal maysa kadatayo.

Healing Prayer of Peace

O dakila naming manggagamot,

Gamutin Mo ang aming mga sugatang puso at pagalingin ang mga nangangamba naming mga isipan. Bigyan Mo kami ng kapayapaan sa aming kalooban at manahan ka sa aming mga kaluluwa. Pagtibayin Mo kami bilang isang malusog mong larawan. Maunawaan nawa namin ang aming mga kahinaan at mapuno kami ng iyong pagpapala sa araw-araw. Ipakita Mo sa amin ang pag-asa sa pagkabuhay na muli at bagong buhay kay Kristo.
Amen.

* O naindaklan a mangngagasmi,

 Paimbagim kadi dagiti nasugatan a puspusomi ket palaingim dagiti sidadanag a panpanunotmi. Ikkannakami koma iti kinakappia kadagiti kaungganmi ket agtaengka koma kadagiti kararruami. Patibkirennakami kas maysa a nasalun-at nga ladawanmo. Maawatanmi koma dagiti pagkapsutanmi ket mapnokami koma iti paraburmo iti inaldaw. Ipakitam koma kadakami iti namnama iti panagungar ken baro a biag ken Kristo.
Amen.

Homily based on James 5:13-20

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading

All who actively engaged in prayer, discussion, and discernment about important issues in the church’s life are commended for your faithful response. Your disciplined effort to open your lives more fully to God’s Spirit in response to the call to be a prophetic people has become a blessing to the entire church… —Doctrine and Covenants 164:1, adapted

Statement

Nararapat din na bigyan natin ng focus sa ating panalangin ang mga pangangailangan sa Community of Christ. Ipinalangin natin ang kagalingan sa loob ng simbahan, sa mga komunidad, at nawa ay mabigyan natin ng buong suporta ang misyon nito sa mga tao sa pailigid at sa ibat-ibang dako ng mundo.

Sa ating DGR, bigyan natin ng focus na ang ating mga puso ay maging angkop sa puso ng Diyos. Ang ating mga kaloob ay higit pa sa pagkakabuo ng budget ng iglesia para sa misyon. Sa pamamagitan ng mga ito, maipapakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos na siyang nagbibigay ng lahat ng meron tayo.

* Masapul met nga ikkantayo iti focus kadagiti kararagtayo dagiti pakasapulan iti Community of Christ. Ikarkararagantayo koma dagiti pannakapalaing iti uneg iti simbaan, kadagiti komunidad ket maikkantayo koma iti naan-anay a suporta dagiti misyonna kadagiti tattao iti aglawlaw ken kadagiti naduma-duma paset ti lubong.

Iti DGR, ikantayo iti focus a dagiti puspusotayo ket maiyannatup iti puso ti Dios. Dagiti datontayo ket saan laeng a napateg tapno mabukel iti budget iti iglesia nga agpaay iti misyon. Babaen kadagitoy, mabalintayo nga ipakita iti panagyaman tayo iti Dios nga isu iti mangipapaay kadagiti amin nga adda kadatayo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn: 186 Let Us Pray for One Another

Closing Prayer

Statement of Benediction

Humayo kayo sa mga lugar na kinakailangan ang inyong pagiging alagad at kayo ang magiging kapayapaan ni Kristo. At sa pamamagitan nito, malalaman ninyo ang mga ibat-ibang paraan kung papaano nabubuo ang isang ispirituwal na komunidad at kung papaano ito nagiging daluyan ng magandang balita ng kapayapaan. Magtiwala kayo sa isang ipinanganak. Manampalataya sa banal na layunin. Magsumikap kayo sa kapayapaan. Amen.  -President Stephen M. Veazy, “Words of Counsel,” April 13, 2019.

* Ingkayo kadagiti lugar a makasapul kadakayo kas adalan ket agbalinkayo kas kappia ni Kristo. Ket babaen iti daytoy, maammoanyo dagiti naduma-duma a wagas nu kasano a mabukel iti maysa nga ispiritual a komunidad ken nu kasano nga agbalin daytoy tapno pagayusan iti naimbag a damag ken kappia. Agtalekkayo iti daydiay a naiyanak. Mamatikayo iti nasantoan a panggep. Ikagumaanyo iti kinakappia. Amen. -President Stephen M. Veazy, “Words of Counsel,” April 13, 2019.

Postlude

ILOCANO:

8 Praise to the Living God

Praise to the living God,
the God of love and light,
whose word brought forth the myriad suns
and set the worlds in flight;
whose infinite design,
which we but dimly see,
pervades all nature, making all
a cosmic unity.

Praise to the living God,
who knows our joy and pain,
who shares with us our common life,
the sacred and profane.
God toils where’er we toil,
in home and mart and mill;
and deep within the human heart
God leads us forward still.

Praise to the living God,
around, within, above,
beyond the grasp of human mind,
but whom we know as Love.
In these tumultuous days,
so full of hope and strife,
may we bear witness to the Way,
O Source and Goal of life.

186 Let Us Pray for One Another

Let us pray for one another
that our minds and hearts may blend
as we grow in love and mercy,
day by day, till life shall end.
We can see how others need us;
may we also dare to say
that in love we’ll share together;
for each other let us pray.

We are walking down time’s vista;
Zion’s banner now unfurled
calls to stewardship of caring
and redemption of the world.
Let us pray that we may ever
sense God’s guidance in the way;
as we try to live for others,
for each other let us pray.

O’er the world the day is dawning
through the Spirit’s light and power
when the people of all nations
sense the challenge of this hour.
That our lives may now be given
to each other in God’s way,
in the name of Christ the Savior,
for each other let us pray.

Friday, September 20, 2024

SOW PEACE


Prelude

Welcome

Scripture Reading: James 3:13-4:3, 7-8a

Invitation to Worship

Ang ating tema ngayon ay “Magtanim ng Kapayapaan”, batay sa ating leksiyon mula sa banal na kasulatan. Ang focus ng kasulatang ito, at ng ating pagtitipon, ay ang pagtuklas ng isang daan patungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng mas pamamalagi sa presensiya ng banal na karunungan. Sa madaling salita, hinahanap natin ang mas malalim na pag-unawa sa mga kaparaanan ng pagtawag sa atin ng Diyos kung papaano natin ikakatawan ang kapayapaan.

Sisimulan natin ito sa pamamagitan ng paggising sa kapayapaan. Gustong ibahagi ang mga huling talata ng ating bana na kasulatan sa araw na ito mula sa Santiago 4:8a “'Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo.” Ito ay nagpapakita ng isang konsepto o haligi bilang gabay sa mga pagtitipon natin. Sa ating pagsasama-sama sa isang komunidad, papaano nga ba tayo mailalapit sa Diyos? Papaano nga ba tayo magkakaroon ng banal na karunungan na kung saan inaan-yayahan tayong alamin sa ating paglalakbay sa pagiging mga tagasunod ng may kapayapaang si Hesus?

Maaari nating makita at gawin ang isang kapayapaan sa ating mundo kung mananatili tayong gising presensiya ng Diyos sa atin. Sa ating pagsisimula ng papupuri at pagsamba sa araw na ito, nawa ang mga salita mula sa ating Mission Prayer ang siyang magiging pangunahing imbitasyon sa atin sa gawaing kung saan tayo tinatawag ngayon.

Panginoon, saan ako dadalhin ng Iyong Espiritu ngayon?
Tulungan mo akong maging gising ng lubusan at handang tumugon.
Bigyan mo ako ng tapang na sumubok ng mga bago,
at maging pagpapala ng ‘yong  pag-ibig at kapayapaan. Amen.

Hymn of Welcome and Praise

Invocation

Panginoon, saan nga ba kami dadalhin ng ‘yong Espiritu ngayon?
Tulungan mo kami maging gising ng lubusan at handang tumugon.
Sa aming paghahanap sa banal na pagtawag sa amin sa araw na ito nawa kami ay makahinga ng malalim, at makita at maramdaman namin ang nananatiling presensiya ng ‘yong Espiritu.
Bigyan Mo kami ng tapang upang sumubok ng mga bago sa aming komunidad. Sa aming pagtugon para sa kapayapaan, nawa ay maging handa kami upang sagutin ang mga mahihirap na katanungan. Nawa kami ay maging matapang sa mga pagbabago sa amin bilang mga alagad, at makita namin ang mga ibat-ibang hakbang ng pagtawag sa amin upang lumabas. Nawa kami ay maging pagpapala ng pag-ibig at kapayapaan – sa kailaliman ng aming hininga, iniaalay namin ang aming mga sarili, sa pagpapalang ibinabahagi naming sa isat-isa, sa pagnanais naming makilala ang iba, at sa banal na gawain na kung saan kami tinatawag ngayon. Amen.

Sung Response/Ministry of Music: “Lead Me, Lord”, CCS 450

Prayer for Peace

Statement

Araw-araw sa Community of Christ, tayo ay tinatawag upang lumahok sa isang Panalangin para sa Kapayapaan. Ang gawaing ito ay nabubuhay sa lahat ng bahagi ng simbahan bilang isang personal at pang-araw-araw na gawain, isang sama-samang pagsamba at panata, at imbitasyon upang malaman ang mga pamamaraan at nais ng Diyos para sa kapayapaan sa bawat araw.

Ang ating tema ngayon na “Magtanim ng Kapayapaan”, ay inaanyayahan tayo para sa isang intensiyunal at kapayapaang napapaloob sa atin. Ang pananalangin para sa kapayapaan ay makahulugan at nakasasapat, ngunit katulad ng Panalangin para sa Misyon, papaano nga ba ito magiging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay? Papaanong ang gawaing ito ay magiging isang ritmo na siyang gagabay sa bawat paggising natin?

Light the Peace Candle.

Sa ating pagtugon sa pagtawag sa atin upang magtanim ng kapayapaan sa mundo, inaanyayahan ko kayong manalangin tayo.

Prayer

Diyos ng karunungan at kapayapaan,

Alam namin na ang mga kaugalian sa mundong ito ay sumasalungat sa sagradong kaugalian na iyong ninanais para sa amin. Ang aming kultura ay madalas hango mula sa pakikipagkompetensiya, pansarili, metalidad ng kakulangan, at pagdududa sa iba. Ang mga makamundong pagtingin na ito ay nauugnay sa karahasan, panghuhusga, pagdurusa, at pag-uugaling walang pakialam sa kapuwa sa malapit man o malayo.

Ituro mo sa amin ang kapayapaang gagabay para sa iyong ninanais sa kinabukasan. Ilagak mo sa amin ang mga pag-uugaling may pakikisama, komunidad, masagana, at may pagtitiwala sa aming puso at isipan. Gabayan mo kami aming pagbuo ng isang komunidad na siyang magiging simbolo ng isang mas malawak na mundo, nagliliwanag, ipinapakita ang iyong pangitain para sa kapayapaan hindi lamang posible ngunit ito ay totoong naririto sa mundo.

Buksan mo ang aming mundo O Dios. Madalas ang alam namin ay ang kapayapaan ay para lamang sa mga malalayong lugar. Tulungan mo kaming makita na ang kawalan din ng kapayapaan sa aming buhay. Gabayan mo kami upang maiwaksi namin ang mga pag-uugaling nakakasakit sa aming kapuwa. Baguhin mo ang aming mga buhay sa pamamaraan ng ‘yong kapayapaan.

Nawa ay malaman namin na ang karunungan ni Kristo ay mayroon sa bawat pagkakataon. Nawa ay huwag na naming hintayin pa kapayapaan. Sa halip, makita namin na ito patuloy na tumatawag sa amin upang makita sa aming pamumuhay kay Kristo.

Sa kapayapaan ni Kristo. Amen.

Hymn of Peace: “Lord, Make Us Instruments”, CCS 364

Message based on James 3:13-4:3, 7-8a

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7a

7 a. There are many lives waiting to hear the redeeming words of the gospel, or to be lifted from hopelessness by the hands of loving servants.

Statement

Ang imahe ng kasaganaan ay isang bagay na mayroon tayong ibat-ibang pakahulugan. Ang iba sa atin ay nakikita ang mga kaloob na meron sa ating buhay. Yung iba naman, tingin nila mas marami ang meron sa iba keysa sa meron sila. Sa isang mundong punong-puno ng pakikipagkompetensiya at pag-iisip sa kakulangan, ito ay sinasalungat ng isang paniniwala sa kasaganaan at pagpapasalamat, isang kamalayan na kung gagamitin natin ang mga resources na naaayon sa kalooban ng Diyos, may kasapatan sa lahat ng nabubuhay.

Sa pamamagitan ng Disciples’ Generous Response, maaari nating sandalan ang banal na imahe ng kalupaan mula sa napakaganda, masagana at bukas palad. Sa ating pagbabahagi ng anumang meron tayo, isa itong pagpapatotoo sa paniniwalang anumang mayroon tayo ay hindi natin pag-aaari sa halip ito ay sa lahat ng nilikha. Gumagawa tayo ng mga hakbangin patungo sa ninanais ng Diyos na ang lahat ay may kaugnayan, pagmamahal at mapayapang sangkatauhan.

Sa ating pagbibigay ng ating mga kaloob, gamitin natin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang Dios sa napakarami niyang kaloob na tinatanggap natin sa ating buhay. Ang ating mga puso ay lumalagong angkop sa Diyos kung tayo’y nagpapasamat at tapat na tumutugon sa pamamagitan ng pamumuhay sa misyon ni Kristo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tihes

Hymn of Sending Forth

Sending Forth

Humayo kayo at magtanim ng kapayapaan,
Ikalat ang bukas na pagtanggap sa kanino man,
Mapalakas sa banal na karunungan,
Pinapatnubayan ng pagpapahalaga sa bawat isa,
at lumalagong may pangitain sa banal na kapayapaan.
Humayo kayo sa kapayapaan.

Postlude

Popular Posts

Hello more...