Prelude
Community
Share, Care, and Prayer
Lenten
Reading
Ang ating pagkakahiwa-hiwalay
at pagdadalamhati ang siyang bumabago sa atin. Bilang disipulo ng Panginoong
Diyos, isang kaugalian na sa atin ang pagiging tapat, mapagpakumbaba, at laging
umaasa sa maayos na relasyon natin sa Kanya, sa iba at sa mga nilalang.
Nagiging buo tayo dahil sa pagpapanatili nating malusog ang ating relasyon na
siyang nakabatay sa hustisiya, kapayapaan at pagkakaintindihan. Ang magandang
balita ayon kay Kristo ay nagiging sapat na biyaya sa komunidad. Purihin ang Dakilang
Lumikha sapagkat sa pamamagitan Niya may posibilidad ang Shalom para sa lahat.
Buksan natin ang ating sarili at tanggaping ganap ang Shalom ng Panginoon.
Opening
Hymn
Prayer
Scripture Reflection: Ezekiel 37:1-14
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Prayer for peace
Maaari tayong maging bahagi ng panalanging ito sa pamamagitan ng
pagdugtong natin sa mga susunod na talata.
O Banal na Diyos,
patawarin Mo kami sa aming…
Pause
Bukal ng Buhay, patawarin
Mo kami sa aming…
Pause
Nagmamahal sa mga
kaluluwa, baguhin Mo kami sa pamamagitan ng…
Pause
Nagpupunan sa mga puso, baguhin
Mo kami sa pamamagitan ng…
Pause
Pamantayan ng kapayapaan,
pagtibayin Mo kami ng ‘yong…
Pause
Kampeon ng mga nasa
ibaba, pagtibayin Mo kami ng ‘yong…
Pause
Banal Na Lumikha, humihingi
kami ng kapayapaan para aming…
Pause
Mapagpalang Tagapagligtas,
humihingi kami ng kapayapaan para aming…
Pause
Panginoong Diyos na
Makpangyarihan, nagmamakaawa kaming ipagkaloob Mo ang Iyong kapayapaan sa
ngalan ni Jesus.
Pause
Amen.
And amen.
Hymn
25 SICAT, SAPSAPULEC (I Need Thee
Every Hour)
Morning
Message or Reflections
Disciples’
Generous Response
Statement: Ang panahon ng
kwaresma ay patungkol ito sa biyaya at kaloob ng Diyos na Kanyang ipinamalas sa
kaniyang mga nilikha na siya namang ipinagpapasalamat natin dahil sa pagtanggap
natin sa mga ito. Ang Matatag nating mga Prinsipiyo ay makakaugnay sa bawat isa
at ang Bukas Palad mula sa Panginoon ang siyang pundasyon ng mga ito.
Ang ating prinsipiyong
Biyaya at Mapagbigay at ang Patuloy Na Pagkakahayag ay pinagsama upang mailahad
ang bahaging: “Ang Biyaya ng Diyos, ay higit na naipamalas sa pamamagitan ni
Jesu-Kristo, kaloob na walang anumang kapalit”
…Ang Biyaya ng Diyos ay
patuloy na naipamamalas ngayon na tulad noon. …Ipinagkakaloob natin ang lahat
mula sa atin at ang ating mga layunin tulad ng layuning naipamalas kay Jesu-Krito.
…Sa pamamagitan ng may kababaang loob ng bawat isa at ng buong komunidad, tayo
ay nanalangin at nakikinig upang intindihin ang kalooban ng Diyos sa ating mga
buhay, sa ating iglesia, at higit sa lahat sa Kaniyang mga nilikha. …Bukas-palad
nating ibinabahagi ang ating mga pagpapatotoo, mga pag-aari, ministeryo at
sakramento batay sa ating tunay na kakayanan.”
Sa bahagi ng ating Disciples’ Generous
Response, ang focus natin ay ang paghahalintulad natin sa ating mga
layunin sa layunin ng Diyos, paghahalintulad natin ng ating mga puso sa puso ng
Diyos.
Blessing of Mission
Tithes
Hymn
of Transformation
Prayer
of Wholeness
Response
Postlude