Wednesday, August 25, 2021

The Inward and Outward Journey

Labirinth

Prelude

Welcome

Call to Worship Responsive Reading

Leader: Ammotayo nga iti dalan ti panagdalyasat para iti pannakabalbaliw ket adda iti sumrekan ken rumuaran.
ALL: Makimaymaysa tayo koma ngarud iti daytoy a panagdalyasat nga agpaay iti baro a biag.
Leader: Ti dalan nga agturong iti pannakabalbaliw ket isu iti pagnaan dagiti adalan.
ALL: Birukentayo koma iti wagas ti Dios nga isu iti panangiwanwan kadatayo.
Leader: Naayaban tayo tapno aramiden tayo daytoy a panagdalyasat.
ALL: Magnatayo iti dalan iti maysa nga adalan.
—Based on Doctrine and Covenants 161:3d and "Take the Path of the Disciple," by Randall Pratt, CCS 558

Hymn of the Road

“There’s an Old, Old Path” CCS 244/245

Prayer of Praise and Invocation

Response

Scripture Reading: Mark 7:1-8, 14-15, 21-23

Labyrinth Meditation

Mangiwaras kadagiti nai-print a Labyrinth kadagiti makabael a mangaramid iti daytoy nga exercise. Aramiden a nainayad daytoy nga ihersisyo. Babaen iti tammudo, suruten iti linya nga agpauneg iti drawing iti Labyrinth. Kabayatan iti panangaramid iti daytoy nga exercise, maawis iti tunggal maysa tapno panunuten dagitoy sumaganad a banbanag.

Iti panangsurotmo iti linya nga agpauneg babaen kadagiti tammudom, panunutem dagiti banbanag a naaramidmo a saan a maiyannatup kas maysa nga adalan ni Jesu-Krito. Agbalinka koma a sipupudno iti bagim ket panunutem dagiti nasisipnget a paset iti biagmo. Iti yaasideg mo iti tengnga iti Labyrinth, dawatem iti kaadda koma iti Dios kenka uray kadagiti nasipnget a gundaway iti panagbiagmo. Dumawatka iti pamakawanna kadagiti gundaway nga dagiti naisaom ken naaramidmo ket saan a maiyannatup iti kalikagum ta pusom. Iti pannakadanon mo iti tengga, sumardengka bassit ket ikkam iti gundaway iti panangawatmo iti pammakawan kenka iti Dios ken kasta met iti presensiyana. Luktam ta pusom ket awatem iti kaasi ken awan patenggana nga ayat ti Dios kenka.

Ita, mabalinmon iti aginayad a rummuar manipud iti tengnga iti ingka panagdalyasat. Mapansin mo nga iti iru-ruarmo, ket isu met laeng a dalan iti ingka suruten. Riknaem iti pannakapapigsam ken kasta met iti gagar mo iti ingka iruruar. Panunutem nu siasino ti mabalinmo a pangibingayan daytoy a naragsak nga ingka panagdalyasat. Ania ngata dagiti mabalinmo nga aramiden kas paset iti ministrim iti ingka iruruar? Riknaem iti pannakapapigsam iti iruruar mo a sumango iti lubong, tapno ibingay mo dagiti kalikagum ta pusom.

Iti pannakalippas ken ipapanawmo iti Labyrinth, mangidaton ka iti panagyaman iti Dios gapu iti daytoy a kapadasam ken iti sirib ken kapanunutan iti panagbalinmo a kas adalan a mangisay-sayangkat ken agaramid a maiyannatup iti maysa a puso nga addaan isusurot ken Jesu-Kristo. Amen.

Proclamation of the Word

Based on Mark 7:1-8, 14-15, 21-23

Congregational Response

“Humble Yourself” CCS 211

Prayer for Peace

              Light the peace candle. 

Para iti mangidaton iti kararag iti kappia:
Mangidaton iti maysa a kararag iti pannakaipaay iti kinatalna iti kaunggan ken kasta met iti akin-ruar a kababalin tayo.

Disciples’ Generous Response

Statement

Wen, addaan tayo iti ayat iti intayo panangipaay. Sangsangkamaysa tayo iti kinaparabur. Adu dagiti mabalin a wagas iti intayo panangibingay ket siuulimek tayo a mangar-aramid kadagitoy. Mangipaay tayo kas iti panaggaraw iti Espiritu kadatayo. Mangipaay tayo kadagiti bungbunga tayo ken kadagiti mabalin a saan tayon a masapul. Mangipaay tayo kadagiti napapateg nga adda kadatayo.  

Blessing Over Our Giving

Our God,

We thank you for those who not only give but live as generous disciples. They even share what they need, so others will not go without. Thank you because we can see your kingdom through them. In Jesus’ name, Amen.

Receiving of Mission Tithes

Hymn of Commitment

“We Are Pilgrims on a Journey” CCS 550

Benediction

Sending Forth

PostludeSermon Helps

Ordinary Time (Proper 17)

 

Mark 7:1–8, 14–15, 21–23

1Lumapit kay Jesus ang mga Pariseo kasama ang ilang tagapagturo ng Kautusan na galing pa sa Jerusalem. 2Nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumakain nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa kinaugalian.

3(Sapagkat ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi muna sila nakapaghuhugas ng kamay ayon sa kaugaliang minana nila mula sa kanilang mga ninuno. 4Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan. Marami pa silang sinusunod na katuruang minana, tulad ng paghuhugas ng mga tasa, pitsel, sisidlang tanso, at mga higaan.) 5Kaya tinanong si Jesus ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa kaugalian.”

6Sinagot sila ni Jesus, “Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat,

‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat ito'y sa bibig at hindi sa puso bumubukal.

7Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.’

14Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin! 15-16Walang pagkain na pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas dito.”

21Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, 22mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. 23Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya.”

Exploring the Scripture

Ang ating texto sa araw na ito ay isang napakagandang halimbawa ng talakayan tungkol sa pakukunwari, kaugalian, at pagtanggap. Una ay nang ang mga Eskriba at Pariseo ay pansinin nila ang mga alagad sa hindi muna nila naghuhugas ng kamay bago kumain, at sinabi ni Jesus sa kanila na tingnan ang nilalaman ng kanilang mga puso “ang mga bagay lumalabas dito ang siyang nagpaparumi sa tao” (v.15), hindi ang mga pumapasok sa isang tao. Mapapansing hindi naman sinasalungat ni Jesus ang mga tradisyon ng Hudiyo sa tekstong ito. Si Jesus mismo bilang isang Hudiyo ay sumusunod sa mga kaugaliang ito. Hindi pinupuna ni Hesus ang kahalagahan ng kanilang mga kaugalian, ngunit ang nais niyang linawin ang mga pamamaraan at Espiritu kung papaano ipinapatupad ang mga ito, kung nawawala ang tunay na pinapahalagahan sa relasyon sa Diyos.

Ito ang isa sa mga katanungang iniiwan ng mga talatang ito sa atin bilang mga Kristiyano. Hinuhusgahan ba natin ang mga ibang tao kung ang kanilang ginagawa hindi naayon sa mga inaakala nating dapat nilang sundin sa mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng kakulangan at sinsiridad sa ating mga sarili. Sa pagpapatuloy Hesus sa iba pang bahagi ng mga talata, ipinapakita niya ang tagus sa pusong paghamon niya sa kung ano ang pinakamahala sa atin. Sa isang malaliman pagtingin sa kalagayan ng ating buhay espirituwal, gumawa tayo ng mga pagbabago kung papaano natin maisasabuhay ang ating pananampalataya sa napaka-kumplikado nating mundong ginagalawan.

May mga ipa bang bahagi ng talakayan sa ating teksto tungkol sa kung ano ang dapat ibibilang at hindi ibibilang. Ang “Unclean” ay kadalasang tumutukoy ito sa mga Hentil, sa siyang mga hindi ibibilang sa komunidad ng mga Hudyo dahil sa hindi sila sumusunod sa kanilang mga kaugalian. Natutulad din ito sa mga mahihirap na siyang hindi makasunod sa mga kaugaliang ito dahil wala silang kakayanan makabili sa mga kinakailangan sa mga tradisyon at kaugaliang ito. Nang magsalita si Hesus upang salungatin ang mga kaugaliang ito, siya ay pumapanig sa mga naaapi at hindi nabibigyan ng halaga o pansin upang masunod lamang ang kanilang mga tradisyun at kaugalian. Ang nais ng Diyos ay ang magkaroon ang lahat ng pagkakataon makipag-ugnay sa kaniya. Wala namang mali sa pamanang tradisyon, hanggat’ ang mga ito ay hindi siyang nagiging dahilan upang pigilan ang pagkakaroon ng magandang relasyon ng bawat isa. Nararapat lamang na pag-aralang mabuti ang mga tradisyung ating kinalakihan kung ang mga ito ay nagdudulot ng hindi magandang ugnayan natin sa ating kapuwa.

Maaaring napakadali lamang sa atin na tuligsain ang mga Pariseo at makakalimutan nating tayo rin ay may kalupitan sa ating pagtuligsa at madalasan ito naman ay walang kabuluhan. Halimbawa sa kung paaano nating tingnan ang mga magulang na may mga anak na maiingay sa araw ng lingo ng pagsimsimba. Bagamat marami sa atin ang nag-aakalang ang Worship ay kinakailangan ng katahimikan bilang pagrespeto, maaaring sa pamamagitan ng mga talatang ito ay mapapaisip tayo kung ano nga ba talaga ang “worship” para sa atin bago pa man tayo gumawa ng anumang nakakasakit na hakbang para tuligsain ang mga maiingay na bata o ang kanilang mga magulang. Maaaring ang pakakahinto ng ating mga nakaugaliang gawain ay magbibigay sa atin ng pagkakataon upang magkaroon tayo ng mas malalim na pagtuklas sa kung ano talaga ang kahulugan ng “worship” para sa atin na siya nating nakakaligtaan, at tayo ay magpasalamat sa ibat-ibang gulang ng mga kabahagi ng ating kongregasyon.

Halimbawang mayroong isang ministro na hindi sinunod and rituwal ng Community of Christ sa paghahanda ng komuyon, papayag ba tayong iwan ang ating nakagawian, o maapektuhan ba ang pagtanggap natin sa sakramento ng komunyon na siyang naglalapit sa atin sa ating relasyon sa bawat isa at sa ating Diyos? O kaya’y maaaring tayo’y magpasalamat at ipamuhay ang mas malalim na kahulugan ng ating mga rituwal?

Ang teksto ngayon ay nagpapaalala sa atin na mas mahalaga ang paglilinis sa ating mga puso kaysa sa tamang pagsunod sa mga tradisyun at kaugalian. Nawa’y tayo ay patuloy na umunlad bilang mga alagad na nagbibigay papuri sa ating Diyos sa pamamagitan ng ating mga bibig at ng ating mga puso!

Central Ideas

1.       What matters most is what is within a person, the state of one’s heart, where positive and negative intents grow.

2.       We miss the point of our traditions when they are used to exclude or judge others instead of drawing us closer to others and God.

3.       Tradition is not inherently bad, but when it hinders one’s ability to be in right relationship with others, strict adherence deserves a serious evaluation.

Questions to Consider

1.       Have you ever experienced a ritual or tradition that excluded you or someone else?

2.       How is God inviting you, and your congregation, to go deeper and give honor with your hearts?

3.       Is purity of heart more important than strict adherence to tradition?

HYMN

266 All My Days

You know my words before they’re said.

You know my need and I am fed.

You give me life. You know my ways,

my strength, my path, for all my days,

my strength, my path, for all my days.

 

If I should fly beyond the dawn,

the darkness will not overcome.

If I lie down in deepest night,

still you are there, my Lord, my light,

still you are there, my Lord, my light.

 

Our every thought, each word we say,

the whole of time, the present day,

are held within your mighty hand,

too wonderful to comprehend,

too wonderful to comprehend!

 

O mend my heart and free my voice.

From sin released, I will rejoice.

O search me, Lord, my spirit cries,

and let my song of praise arise,

and let my song of praise arise!

Wednesday, August 18, 2021

A Place of Prayer for All People / Lugar Ng Panalangin Para Sa Lahat Ng Tao

 

Worship Suggestions

Prelude

Welcome and Sharing Community

            Ammouncements, Joys and Concerns

Gathering Hymn

            77  UMAY KAYO AMIN

Call to Worship:

              Reader 1: Psalm 84:1-4,
              Reader 2: Psalm 84:10-12

Hymn of Praise

              “Come, Thou Fount of Every Blessing” CCS 87

Invocation

Response

Scripture Reading: 1 Kings 8:1, 6, 10-11, 22-30, 41-43

Prayer for Peace

              Light the Peace Candle.

Iti intayo panangisayangkat ken panangsirmata iti kappia, akaykaysa tayo koma ngarud ngarud iti panangidaton iti kararag nga agpaay iti daytoy.

              Prayer

                            Kenka O Dios a mangipapaay kadakami iti kinarag-o,

Kas maysa a komunidad dagiti mangisaysayangkat iti kinakappia babaen iti nagan ti anakMo, adda kadakami iti idadanag gapu kadagiti adda a saan a panagkikinnaawatan iti aglaw-law mi. Ammomi nga iti presensiyam ket masarakanmi iti kinarag-o ken kinatalged. Ket iti ‘yaasidegmi Kenka nga addaan kinapakumbaba, mariknami nga umapay kadakami dagitoy, ket malasinmi a sika laeng iti pagtataudan dagitoy a kinaimbag ken kinapudno. Ngem uray nu adda a mariknami iti kinatalna, saannakami koma a pagsardengen agingga nga adda dagiti kinaawan hustisiya ken saan a pagkikinnaawatan iti aglaw-lawmi. Tignayennakami kadi tapno dagiti sarita a maipanggep iti kappia ket maaramidda koma babaen iti misyonMo. Aramidennakami koma a kas instrumento iti kappiam. Amen.

Hymn of Prayer

Message: A Place of Prayer for All / Lugar iti Pagkararagan Dagiti Amin a Tattao

              Based on 1 Kings 8:1, 6, 10-11, 22-3

Disciples’ Generous Response

              Statement

              Mabalin a mangibingay iti maysa a testimonyo maipapan iti pannakarikna iti parabur ti Dios.

Iti paset iti Disciples’ Generous Response tayo, ket isu manen iti panangi-focus tayo iti kalikagum tayo iti kalikagum iti Dios kadatayo, kasta iti puso tayo iti puso iti Dios.

Iti intayo panangibingay kadagiti daton tayo, daytoy iti gundaway tapno ipaayan tayo iti panagyaman ti Dios gapu kadagiti paraburna kadatayo a kas sagotna. Panunuten tayo koma nu kasano iti isusungbat tayo kadagitoy a parabur ken sagsagotna kadatayo. Laglagipentayo a nu maawatan tayo iti panagayat iti Dios a dagiti paraburna ket ipapaayna nga awan iti subadna, mabalin tayo met iti sumungbat kadagitoy babaen iti intayo panagyaman a babaen iti intayo met panangibingay kadagitoy.

              Blessing and Receiving of Mission Tithes

Hymn of Sending Forth

              172 God Is Calling

Benediction

Response

Postlude

HYMNS

87 Come, Thou Fount of Every Blessing
 
Come, thou Fount of every blessing,
tune my heart to sing thy grace;
streams of mercy, never ceasing,
call for songs of loudest praise.
Teach me some melodious sonnet,
sung by flaming tongues above;
praise the mount—I’m fixed upon it—
mount of thy redeeming love.
 
Here I raise my Ebenezer;
hither by thy help I’ve come;
and I hope, by thy good pleasure,
safely to arrive at home.
Jesus sought me when a stranger,
wand’ring from the fold of God;
he, to rescue me from danger,
interposed his precious blood.
 
Oh, to grace how great a debtor
daily I’m constrained to be!
Let thy goodness, like a fetter,
bind my wand’ring heart to thee.
Prone to wander, Lord, I feel it,
prone to leave the God I love;
here’s my heart, O take and seal it,
seal it for thy courts above.
Amen.
 
172 God Is Calling
 
God is calling through the whisper
of the Spirit’s deepest sighs;
through the thrill of sudden beauties
that can catch us by surprise.
Flash of lightning, crash of thunder;
hush of stillness, rush of wonder:
God is calling—can you hear?
 
God is calling through the voices
of our neighbors’ urgent prayers:
through their longing for redemption
and for rescue from despair.
Place of hurt or face of needing;
strident cry or silent pleading:
God is calling—can you hear?
 
God is calling through the music
of sublime and human arts:
through the hymns of earth and angels,
and the carols of our hearts.
Lift of joy and gift of singing;
days and nights our praises bringing:
God is calling—and we hear!

 

77  UMAY KAYO AMIN
(Come Ye That Love The Lord)

Umaycayo amin,
Nga agayat ti Dios,
Agkantatay’ agtutunos,
Panagdaydayaw ken Jesus,
Nagannat’natan-oc,
Trononat’ nalibnos.

 

Coro:
Agpagpagnatayo, 
Dalan agturong ‘diay ngato,
Diay Sion ayan ti Dios Apo,
Pacasaran ti rag-o.


Adu a tattao,
Dida ammot’ Apo,
Ngem dacay a macaammo
Naganna iracuracyo,
Buyuganyot’ rag-o,
Buyuganyot’ rag-o.

 

Uray payen ita,
A ditay pay dimteng,
Idiay daga namayengmeng,
Mabalinen a say-upen
Ti ayamuomna,
Ti Gloria a taeng.

 

Ditay’ ngad’ mamingga,
A mangicancanta,
Nagan ni Jesus nangina,
Rigrigat lipaten ida,
Inton madamdama,
Sumrectay’ diay Gloria.

Ordinary Time (Proper 16)

1 KINGS 8:1, 6, 10-11, 22-30, 41-43


1Ang pinuno ng Israel at ang mga pinuno ng mga lipi at ng mga angkan ng Israel ay ipinatawag ni Solomon sa Jerusalem upang kunin ang Kaban ng Tipan sa Zion, ang lunsod ni David.

6Pagkatapos, ipinasok ng mga pari ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.

10Pagkalabas ng mga pari, ang Templo'y napuno ng ulap; 11kaya't hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

22Pagkatapos nito, sa harapan pa rin ng buong bayan, tumayo si Solomon sa harap ng altar. Itinaas niya ang mga kamay, 23at nanalangin ng ganito:

“Yahweh, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa'y walang ibang Diyos na tulad ninyo. Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong mga alipin; wagas ang pag-ibig na ipinadarama ninyo sa kanila habang sila'y nananatiling tapat sa inyo. 24Tinupad ninyo ang inyong pangako sa aking amang si David; ang ipinangako ninyo noon ay tinupad ninyo ngayon. 25Kaya nga Yahweh, ipagpatuloy ninyong tuparin ang inyong pangako kay David na sa habang panahon ay magmumula sa kanyang angkan ang maghahari sa Israel, kung sila'y mananatiling tapat sa inyo gaya ng ginawa niya. 26Pagtibayin ninyo, Diyos ng Israel, ang mga pangakong binitiwan ninyo sa aking amang si David na inyong alipin.

27“Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo! 28Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin. 29Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang kayo ang maysabi na ang pangalan ninyo'y mamamalagi rito. Sa gayon maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing mananalangin sa lugar na ito.

30“Pakinggan po ninyo ang inyong lingkod at ang inyong bayang Israel tuwing kami'y mananalanging paharap sa lugar na ito. Pakinggan ninyo kami buhat sa inyong tahanan sa langit at patawarin ninyo kami!

41-42“Kung ang isang dayuhan na mula pa sa malayong lugar na nakarinig ng kadakilaan ng inyong pangalan at mga kabutihang ginawa ninyo para sa inyong bayang Israel ay nanirahan sa bayang ito at nagsadya sa Templong ito upang manalangin, 43pakinggan ninyo siya buhat sa langit na inyong tahanan, at ipagkaloob ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa buong mundo ang inyong pangalan at sila'y sasamba sa inyo, tulad ng Israel. Malalaman nilang dito sa Templong ito na aking itinayo, ang inyong pangalan ay dapat sambahin.

Exploring of the Scripture

Pagkatapos ng Exodo mula sa Ehipto, ang mga Hebreo ay gumamit ng isang tolda gaya ng isang Tabernakulo sa ilang o parang bilang naglalarawan sa presensiya ng Diyos sa kanilang paglalakbay. Sa loob nito ay ang Kaban ng Tiban na siya namang naglalaman ng mga kautusan mula kay Moses. Ang Kabang ito ang siyang naging kasa-kasama nila maging sa kanilang pakikipaglaban hanggang sa sila ay manatili sa Canaan, at ito ang siyang naging sentro na sumisimbolo sa kanilang relihiyon. Pagkatapo pag-isahin ni David ang mga tribu, ninais niyang gumawa ng isang permanenting templo upang dito ilalagak ang Kaban upang parangalan ang kaniyang sarili at ang Diyos. Ngunit nangusap sa kaniya ang Diyos sa pamamagitan ni propetang Natan na nagsabi sa kaniya na ang gagawa ng templo ay magmumula sa kaniyang lipi.

Sa bahaging ito ng banal na kasulatan ang pangitaing ito ay ipinagdiriwang ni haring Solomon. Sa pamamagitan ng napakalaking halaga at hirap ng mga taong gumawa, naitayo ang Templo ni Solomon sa gawing hilaga ng lunsod ni David. Marami sa mga historian ang nagsasabing ito na ang pangunahing tagumpay sa paghaharini Solomon. Sa mga huling henerasyon naging maalamat ang yaman ng Templo ni Solomon. Lumawak pa ang naging pagpapahalaga sa Templo. Noong ipinanganak si Hesus, itinayo rin ni Haring Herod ang pangalawang templo, na siyang namang sumisimbolo sa bansa ng mga Hudyo.

Ang pakakatalaga ng bagong Templo ni Solomon ay sinimulan sa pamamagitan pagdadala rito sa Kaban ng Tipan mula sa lunsod ni David at inilagak ito sa loob ng santuwaryo. Nagtipon-tipon ang mga Tribo upang saksihan ang prosisyon at pagkakatalaga rito. Ang mga pari ang siyang nagdala ng Kaban. Pagkatapos, ipinasok ng mga pari ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin (rebolto ng mga anghel) napuno ng usok ang lugar na siyang sumisimbolo sa presensiya ng Diyos at nga kaniyang gloria. (v.10-11). Pinaniniwalaan ng mga tao na ang Diyos ay literal na nakatira sa templo at dito na nananatili sa kabanalbanalang lugar na ito.

Ang mga nalalabi pang bahagi ng ating teksto ay ang panalangin ni Solomon sa pagtatalaga sa Templo. Pinapurihan niya ang Diyos at itinuon niya ang panalangin sa naging kasunduan ng Diyos kay David, kung saan ipinangako ng Diyos kay David na manggagaling sa kaniyang angkan ang magiging hari ng Israel magpakailanman. Ipinapakahulugan ni Solomon na ang ibig sabihin nito ay magpapatuloy at hindi mapuputol ang dinastiya muna sa ama niyang si David. Ngunit binanggit din niya ang tungkol sa kondisyun na kinakailangang maging tapat ang mga anak ng Diyos, isang paala-ala maging sa orihinal na kasunduan ng Diyos kay Abraham. (“Ako ang Inyong Diyos, at kayo ang aking bansa”).

Sa bahagi ng talata 27-30, maaaring ito ay naglalarawan din ng kasulatan mula sa Deuteronomio sa kapanahunan ng pagkakabihag mula sa Babilonya. “Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo!”. Sa pamamagitan ni propeta Ezekiel na siyang nagsabi na ang Diyos ay hindi naka-angkla sa iisang lugar, na ang Diyos ay hindi naiwan mula sa Jerusalem. Ngunit sa bahagi ng ating talaga ngayon, ang ideyang ito ay nabanggit mula sa panalangin ni Solomon.

Sa talata ng 1 Mga Hari 8:29-30, ang pangalan ng Diyos ay siyang nananatili sa Dakong Kabanal-banalan (Santuary), at hindi ang Panginoon mismo. Maaaring ang mga tao ay tumawag sa pangalan ng Diyos, kung saan ito ay sa pamamagitan ng katangian at mabuting gawain ng Diyos. Maaaring manalangin at tumawag ang mga tao sa Diyos at sila ay napapakinggan nito. Sa makatuwid dapat ay nalalaman at nauunawaan natin na ang Diyos ay hindi lamang limitado sa iisang lugar o sa isang Templo o gusali.  Ang tekstong ito, ay naglalaan ng pagkakatuwid sa idea sa napakataas pagtingin sa isang Templo, na Diyos ay nanatili sa o matatagpuan lamang sa iisang lugar.

Central Ideas

1.       Ipinagawa ni Solomon ang isang Templong pinapangarap ni David. Ito ang napakahalagang konribusyon ni Solomon.

2.       Inilipat ang Kaban mula sa tolda ng tabernakulo mula sa lunsod ni David sa isang bagong templo, kasama ang mga ibat-ibang lider at mga taong siyang naging saksi sa prosisyon.

3.       Ang paniwala ng mga tao ay literal na ang Diyos ay nanatili sa Dakong Kabanal-banalan ng templo.

4.       Sa mga huling siglo, pinapatunayan ng mga Israelita na ang Diyos ay hindi lamang naka-angkla sa iisang lokasyon at naririnig niya ang kanilang mga panalangin sa kahit saan mang bahagi sila nanalangin.

 

Question to Consider

1.       Sa palagay mo, anu-ano ang mga pinakamahahalagang kontribusyon para sa misyon ni Jesu-Kristo sa pagkakataguyod ng kaharian ng Diyos dito sa lupa?

2.       Papaanong ang Templo ni Solomon ay magiging isang biyaya o panganib sa buhay ng mga Israelita?

3.       Ano ang kahalagan ng ating Templo mula sa Independence, Missouri para sa ating Iglesia at para sa buong mundo?

4.       Paano mo maipaliliwanag na ang Diyos ay maaaring matagpuan sa mga sagradong lugar gaya ng Templo, simbahan, at mga campgrounds, ngunit hindi limitado sa iisang lugar at pagkakataon?

5.       Bakit kinakailangan nating magkapagtalaga ng mga sagradong lugar?


Popular Posts

Hello more...