Receive Grace Upon Grace
Prelude
Welcome
Call to Worship
Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,
Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios.
Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.
Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Dios ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!
Hymn of Praise
Invocation
Sharing of Joys and Concerns
Pastoral Prayer
A Reading of Scriptures
Reader 1: John 1:1-5
Reader 2: John 1:14-18
Reader 3: ... Lumapit kayo kay Kristo, at kayo'y maging ganap sa Kanya, kalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng mga makamundo sa inyo, at kung kakalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng makamundo sa inyo, at mamahalin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng lahat ng nasa inyo, ng buo ninyong isipan, at lakas, ang biyaya ng Diyos ay magiging sapat na sa inyo, na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kayo ay magiging ganap kay Kristo, hindi ninyo maikakaila ang kapangyarihang ito ng Diyos. - Moroni 10:29, adapted
Communion Message based from today's scriptures.
Hymn of Preparation "Here at Thy Table Lord" CCS 517
New Year Reflection
Bawat taon ay maaaring maging yugto upang tayo ay magnilay, humingi ng tawad, at baguhin ang ating sarili. Kung kayo ay komportable maaari nating ipikit ang ating mga mata, at sa ilang sandali ng katahimikan, alalahanin natin ang ating naging pangako noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo, at alalahanin kung ano ang ipinangako sa atin ng Ispiritu Santo sa pamamagitan ng sakramento ng kompirmasyon.
Ring the chime to draw people back to the group.
Prayer of Confession
Invitation to Communion
Ang lahat ay inaanyayahan sa hapag ni Kristo o sa ating Komunyon na isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ni Hesu-Kristo sa atin. Sa Community of Christ, ang komunyon ay isa ring pagkakataon kung saan nararanasan natin na muling mapanibago ang ating pakikipagtipan sa Diyos noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo na tayo ay magiging alagad na ipinapamuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may ibang pakahulugan o pagkakaintindi ang mga ibang mananampalataya tungkol dito. Sa ngayon, ang tayong lahat ay inaanyayahan na makibahagi sa hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.
Blessing and Serving of the Bread and Wine
Prayer of Peace
Light the peace candle.
Statement
Sa araw na ito, narinig natin kung papaano iniabot ng Diyos ang kanyang biyaya sa atin, naranasan natin ang kanyang biyaya sa pamamagitan ng Hapunan ng Ating Panginoon, at ipinaalala sa atin na sa ating pagbabalik sa Kanya ay ating mararanasan ang Kanyang pagyakap at kapayapaan.
Ngunit kung yayakapin lamang natin ang mga bagay bagay sa ating sarili at walang pagmamalasakit sa iba na maranasan din nila ang biyaya ng Diyos, kinakalimutan natin ang opurtunidad na maranasan din ng iba ang pagpapala ng Diyos at ang kapayapaang idinudulot nito.
Peace Prayer
Mapagpala Naming Diyos,
Kaytagal na po naming ipinapanalangin ang kapayapaan, at ngayon hiling namin na kami ay tulungan upang makita namin ang maaari naming gawin o maitulong upang ang kapayapaang ito ay maging isang riyalidad o tottoo sa aming mga sarili at sa aming kapuwa. Palawigin mo nawa sa amin ang pagmamahal na itinuro mo sa amin na gaya ng pagmamahal namin sa aming kapuwa, kilala man namin o hindi, upang ang paghahari ng iyong kapayapaan sa mundo ay magkatotoo hanggang sa mga sumusunod pa sa amin. Amen.
Disciples' Generous Response
Statement
Sa pagtitipon natin bilang isang komunidad, ito ang unang linggo ngayong taon ng 2025. Ang taong ito ay tila isang bagong kalendaryo na naman sa atin. Pupunoin natin ito ng mga ibat-ibang gawain tulad ng worship services, special events, mga pagpupulong, klases, mga kawang gawa sa ibat-ibang komunidad at iba pang mga ministeryo.
Isa rin itong oportunidad upang pag-isipan natin kung papaano makakatulong sa pamamagitan ng pinansiyal bilang pagsuporta. Maaaring sa pamamagitan ng pagpapatuloy natin sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon o maaari din namang dagdagan natin pa natin ito. Habang pinag-iisipan natin kung papaano pa tayo tutugon sa tawag ng pagiging bukas-palad natin bilang mga alagad, pag-isipan lang muna natin ang ating mga ibibigay na kaloob ngayon, bakit ka nga ba magbibigay, gaano nga ba ito kadalas, at papaano nga ba ito makaka-bless sa lokal at pandaigdigang ministeryo.
Sa ating pagbubukas ng ating mga puso at pagiging matapang sa pagbabahagi ng ating mga pinansiyal na konribusyon sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang maiabot ang kaniyang awa sa mundo. Sa linggong ito, sa ating pagkikibahagi sa sakramento ng komunyon, ang ating mga kaloob ngayon ay tutugon sa isang pinangungunahan nating misyon na ang Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Ito ang pamamaraan kung papaano lumalago at lumalawak ang pagmamalasakit ng Diyos sa materyal na pamamaraan.
Blessing and Receiving of Oblation
Hymn of the New Year
Closing Prayer
Instrumental Response
Postlude