For LOCANO, Click Readmore.
My Grace Is
Sufficient
Communion Service
Prelude
Share and Care
Greetings and Welcome
Magandang araw po ating lahat. Naparito tayo ngayon bilang pagtugon sa imbitasyon
ng biyaya ng Diyos sa atin. Nandito tayo upang hanapin at punan ang lugar na
nakalaan sa atin sa hapag ng Diyos.
Hymn of Calling: “Jesus
is Calling” CCS 578
Call to Worship: Psalm 48:1-2, 8-14
1Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng
Diyos, bundok niyang banal. 2Ang Bundok ng Zion, tahanan ng
Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa
lahat ng bansa nitong sansinukob.
8Sa banal na lunsod
ay aming namasid ang kanyang ginawa na aming narinig; ang Diyos na si Yahweh,
Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya
magpakailanman. (Selah)
9Sa loob ng iyong
templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos. 10Ika'y
pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala
ay makatarungan.
11Kayong taga-Zion,
dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa
hatol niyang tumpak. 12Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat
ng tore doon ay bilangin; 13ang nakapaligid na pader pansinin, mga
muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, 14na
ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay.
Hymn of Praise
Invocation
Response/Music
Ministry
Scripture Reading: 2
Corinthians 12:2-10
Focus Moment
Ang sapat nating lakas para sa ating mga pangangailangan ang siyang pinangako
ng Diyos sa atin. Gaano nga ba kalakas ang ipinangako ng Diyos sa atin na ito? Sapat
ba ito upang mabuhat ang isang mesa, o upuan, o ang isang libro?
Hindi natin kailangang patunayan ang pangakong ito ng Diyos kung kaya
bang mabuhat nito ang mga bagay bagay. Alam at nakikita ng Diyos ang ating mga
pangangailangan at sapat ang kanyang mga biyaya. Sa totoo lang mas lalong
malakas ang kapangyarihan ng Diyos sa panahong tayo’y mahina. Halimbawa, kapag
tayo’y natutuksong gumawa ng isang bagay na hindi natin dapat gawin, at
pakiramdam natin na tayo ay mahina kapag hinindian natin ito, manalangin tayo
upang tulungan tayo ng Diyos. Dito natin mararamdaman ang ipinangako ng Diyos
na kalakasan na kailangan natin at ating mararanasan ang kapayapaan ni Kristo.
Prayer for Peace
Light the Peace Candle.
Prayer
Mapagpalang Diyos,
Tunay na ikaw ay Diyos ng kalakasan at ipinangako Mong kami ay malakasa
sa panahong kami ay mahina. Madalas ang pangako mong ito ay hindi namin
naiintindihan dahil ang alam namin ay gusto mong kami ay manalo sa laban, manalo
sa eleksiyon, manalo sa digmaan – dahil madalas ay idinadalangin namin ang katagumpayan.
Nawa ay gabayan mo kami sa iyong kapayapaan na siya naming idinadalangin. Dalangin
namin na kami ay tulungan mong makita ang mga paraan ng kapayaan at kung
papaano kami mamumuhay dito. Tulungan mo kaming makita ang kalakasan sa panahong
may mga hindi pagkakaintindihan at kawalan ng pagkakaisa. Tulungan mo kaming
makita ang kahalagahan ng bawat buhay maging ito ay kaaway o kakompetensiya namin
sa buhay.
Ito ang aming hiling sa pangalan ng iyong anak, ang prisipe ng
kapayapaan. Amen.
Peace Hymn: Amazing Grace
CCS 19
Sacrament of Lord’s
Supper
Communion Scripture Reading: 1 Corinthians 11:23-26
23Ito ang katuruang
tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y
ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, 24nagpasalamat
at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para
sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” 25Matapos
maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ay ang bagong
tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin
ninyo bilang pag-aalaala sa akin.” 26Sapagkat tuwing kakain kayo ng
tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng
Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito.
Communion Hymn
Communion Message
Invitation
Blessing and Serving of the Bread and Wine
Disciples’ Generous
Response
Statement
Sa loob ng 25 taon, ginagamit natin sa Community of Christ ang katagang “Disciples’
Generous Response” sa pagbibigay natin ng ating mga offerings o kaloob.
Binibigyang diin nito na ating mga kaloob ay bilang pagtugon natin bilang mga
disipulo o alagad sa biyaya at pagiging bukas palad ng Diyos sa atin. Ang
Mission tithes, ay inilalaan para sa lokal at pandaig-digang misyon ng ating
iglesia. Ang mga kontribusyong hindi nakalaan sa kahit ano, tulad sa panahon ng
Communion Sundays, ito ang siya namang tumutulong sa isang Mission Initiative
ng simbahan na Abolish Poverty, End Suffering.
Scripture Reading: Luke 4:18 -19
Sa pagbabahagi natin ng ating mga kaloob, gamitin natin ang pagkakataong
ito upang magpasalamat sa Panginoon sa napakarami niyang biyaya sa atin. Ang
ating mga puso ay tunay na lumalago at nauukol sa Diyos kung tayoy may
pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap natin sa Panginoon.
Blessing and Receiving of Mission Tithes
Closing Hymn
Closing Prayer
Postlude