8 September 2024
Create a worship center that draws attention to the
contrast of needs in the world. Today’s scripture from James begins by asking
if we are willing to welcome the poor and disadvantaged into our communities.
Items on display could include socks, water bottles, hygiene items, or other necessities
that privileged individuals typically don’t need to worry about access to.
For the Time of Community Practice, gather strips of
paper or fabric, baskets or a loom, pens or pencils. Place the baskets/loom
near the worship center.
Prelude
Welcome
Sa ating pagtitipon sa araw na ito, bigyan natin ng focus
ang mga talata mula sa Santiago 2:1-17, isang bahagi ng banal na kasulatan kung
saan tinatawag tayo upang bigyan ng atensiyon ang pananampalataya at gawain.
Inaanyayahan tayo upang maging bukas sa pagkilos ng Diyos sa ating mga buhay, at
sa tapat na pagtugon natin dito.
Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahon ng pagiging makasarili
at pagmamaangmaangan. Ang ating buhay sa pananampalataya, bokasyon, pamiliya,
kaibigan, libangan at passion ay madalas nakikitang hiwalay na bahagi sa kung
sino tayo. Ito ay madalas katulad din sa ating pagsamba, isang pagkakataon
upang gumising sa presensiya ng Diyos at sa kanyang misyon, sa isang paanyayang
tumugon sa pamamagitan ng paggawa.
Ang pagpapalalim natin ng kaugnayan ng ating pananampalataya
at ng ating mga gawain ay siyang nanatiling hamon sa atin bilang mga
mananampalataya. Papaano nga ba na ang ating pananampalataya ay maiuugnay sa
mga ginagawa ng Diyos sa ating paligid? Papaano nga tayo magiging bukas sa mga
nangangailangan ng pag-ibig ng Diyos at silay maging bahagi din ng ating mga
buhay? Magkaisa tayo at sama-sama sa hamong ito ng ating pananampalataya.
Reading of Two Proverbs: Proverbs 22:1-2
Hymns of Welcome and Praise: “I’m Gonna Live So God
Can Use Me” CCS 581
Responsive Prayer of Invocation and Invitation
Leader: Manalangin tayo.
Sa mga talata mula sa banal na kasulatan sa araw na ito pinapaalalahanan mo
kami na ang “Awa ay nangingibabaw sa panghuhusga.”. Buhay naming Diyos, kami ay
nananalangin sa may malalim pang presensiya ng iyong Ispiritu. Ninanais naming
makita ang aming kapuwa sa pamamagitan ng iyong mga mata. Pinagsisisihan namin
ang mga panghuhusgang nagawa namin sa mga hindi namin kilala at naiintindihan
ang kanilang kalagayan, na maging sila rin ay daladala nila ang imahe ni
Kristo.
People: Nawa ang AWA ay mangibabaw sa PANGHUHUSGA.
Leader: Diyos ng mga nalulungkot, ng mga
nagdurusa sa kanilang pag-iisa mula sa pagtitipon naming ngayon bilang komunidad…
People: Nawa ang AWA ay mangibabaw sa PANGHUHUSGA.
Leader: Diyos ng mga mahihirap at nagsusumikap
upang mabuhay, sa aming pagpapasalamat sa biyaya ng kasaganaan…
People: Nawa ang AWA ay mangibabaw sa PANGHUHUSGA.
Leader: Diyos ng mga hinusgahan, ng mga may
ibang pag-iisip, paniniwala, pamumuhay o may ibang pamamaraan pag-ibig na
pakiramdamdam nila’y hindi sila katanggap-tanggap sa aming santuwaryo…
People: Nawa ang AWA ay mangibabaw sa PANGHUHUSGA.
Leader: Linisin Mo kami Panginoon sa pagbibigay
naming ng hindi makatarungang pabor sa iba.
Buksan Mo ang aming mga mata sa mga hindi naming nakikita.
Itanim Mo ang mga mabubuting buto ng pag-ibig at pagtanggap sa aming mga puso.
All: Nawa ang AWA ay mangibabaw sa PANGHUHUSGA. Amen.
Response
Prayer for Peace
Hymn of Peaceful Preparation “Beauty
from Brokenness” CCS 302
Light the Peace Candle.
Prayer
Diyos
ng kapayapaan,
Madalas, nabubuhay kami na may
makitid na pagtingin sa buhay. Nabubuhay kami sa isang mundong kami rin lang
ang gumawa sa aming mga prayoridad, relasyon, at pang-unawa sa mundo.
Idinadalangin namin na nawa ay
lumawak ang aming pagtingin sa buhay. At habang tinitingnan namin ang aming mga
kaibigan, kapuwa, mga hindi kakilala, at ang planetang ito ay mas higit kaming
nagnanais na magkatotoo nawa ang iyong kapayapaan. Gabayan mo kami sa aming mga
daraanan, at ituro mo sa amin ang landas patungo sa kapayapaan. Amen.
Scripture Reading: James 2:1-17
Message/Small Group Sharing: “Who is My Neighbor?” / Sino
Ang Aking Kapuwa?
Invite
small groups to reflect on these questions. Print or project for all to see.
·
Anu-ano ang iyong mga naging karanasan na siyang
nagpalawak o nagpalawig sa iyong gawain o kakayanan na tumanggap ng iyong
kapuwa?
·
Papaano na ang ganitong gawain nakakaapekto sa
iyong personal na pagiging alagad o disipulo?
·
Papaano na ang ganitong gawain nakakaapekto sa
iyong komunidad?
Disciples’ Generous Response
Scripture Reading: Doctrine and
Covenants 162:7d
Kailangan na ang pagtugon sa pagtawag.
Tingnan ang mga pangangailangan ng iyong kongregasyon, ngunit tumingin din kayo
sa ibang mga malalayong lugar na kung saan dapat naroroon ang iglesia. Bawat
disipulo ay nangangailangan ng Ispiritual na tahanan. Tinawag kayo upang gawin
ang tahanang iyan at pangalagaan, ngunit nawa kayo ay maging pantay sa ibat
ibang ministeryo ng iglesia. Sa pamamagitan nito ang Magandang balita ay aabot
sa mga kaluluwang naghahanap ng lugar na kapahingahan.
Statement
Sa pagkakataong ito, muli tayo ay
inaanyayahan upang tumugon sa mga pagpapala ng ating Diyos sa araw-araw sa atin
sa pamamagitan ng ating ng ating mga kaloob bilang simbolo ng materyal na
pasasalamat sa Kanya.
Blessing and Receiving of Local and
Worldwide Mission Tithes
Hymn of Sending Forth: “Weave” CCS 327
Sending Forth
Humayo kayo mula
sa lugar na ito na may nabagong pagtugon sa paraan ng pag-ibig ni Kristo.
Nawa ay magabayan kayo sa linggong sa inyong paglalakbay sa pamamagitan ng
pakikiisa sa paniniwala na ang lahat ng tao ay mahalaga.
Tumingin pa kayo ng mas malalim sa inyong landas kung papaano ninyo mapapalawak
ang inyong pananaw sa banal na pagtanggap sa inyong kapuwa.
Nawa ay maibahagi namin sa mundo ang sangtuwaryo na aming natagpuan sa piling
ng bawat isa.
Amen.
ILOCANO: Ingkayo
manipud iti daytoy a lugar nga addaan napabaro a panagaramid babaen iti ayat ni
Kristo.
Maidalan kayo koma iti daytoy a dominggo kadagiti panagdalyasatyo babaen iti pannakimaymaysayo
iti panamati nga amin a tattao ket napategda.
Kitaenyo pay iti naun-uneg iti ingakayo panagdalyasat nu kasano a mapalawayo
iti sirmatayo iti ingakayo panangawat a nasantoan iti kaarrubayo.
Sapay koma a maibingaymi iti lubong ti sangtuwaryo a nasarakanmi iti ayan iti tunggal
maysa. Amen.
Postlude