Luke 4:14-22
Prelude
Welcome
Gathering Hymn: 578 Jesus Is Calling
Call to Worship
Leader: Ang tawag para sa pagmiministeryo ay tawag para sa lahat.
Congregation: Lahat tayo ay bahagi ng "LAHAT".
Leader: Pinakikinggan natin ang pagtawag ng Diyos mula pa noong unang panahon: kay Moses, Nehemias, Marta at sa atin sa araw na ito.
Congregation: Tinawag tayo upang dalhin sa pagmiministeryo ang Pagtawag ng Diyos sa lahat, hindi sa iilan lamang.
Everyone: Ang pagtawag sa atin para sa pagmiministeryo ay nabubuhay sa ating lahat. Inaanyayahan natin ang lahat.
Welcome Hymn: 46 KANTAAC TI MANNUBBOTCO
Invocation
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Prayer
Mahal naming Panginoon ng lahat ng bansa,
Ang aming mga mata ay nakasara - hindi namin nakikita ang kalungkutan ng mga nakapaligid sa amin.
Ang aming mga tainga ay nakasara - wala kaming malay sa iyak ng mga taong nasasaktan.
Ang aming mga kamay hindi namin maigalaw - hindi man lang kami makapag-alok upang magbuhat, humawak o yumakap.
Ang aming mga puso ay nanlalamig - nag-aalala kaming wala kaming maidudulot na pagbabago.
Gusto naming magbago. Nais naming maging mahabagin bilang iyong mga anak.
Baguhin Mo kami O Panginoon.
Upang maging bukas ang aming mga mata at makita namin ang panga-ngailangan ng aming kapuwa.
Upang maging bukas ang aming mga tainga at handang makinig sa iyong mga anak.
Upang maging abala ang aming mga kamay sa paghahanap ng gawaing masisimulan.
Upang ang aming mga puso ay mag-uumapaw sa pagmamahal sa lahat ng tao.
Baguhin Mo kami mula sa pagiging mareklamo sa pagiging mapagmahal sa paglilingkod. Amen.
Scripture Reading: Luke 4:14-21
Focus Moment
Tayong lahat ay tinawag sa pagmiministeryo. Hindi tayo nag-iisa para dito. Ang buong mundo ay nagnanais at naghihintay upang tumanggap ng ministeryo. Nauunawaan natin na ang pagmiministeryo ay kinakailangang mayroong pagbibigay at pagtanggap. Tayong lahat ay tagapagbigay at tumatanggap. Sa buong mundo, tayong lahat ay nakikibahagi sa ministeryo at tayo din tumatanggap ng ministeryo.
Song of World Wide Mission: "Weave" CCS 327
Message based on Luke 4:14-21
Disciples' Generous Response
Ministry of Music and Body Prayer
"From You I Received" CCS 611
Statement
Nakatatak na sa ating tawag sa pagmiministeryo ang ating pagtugon sa mga biyayang ating natatanggap at ating ipinagkakaloob. Tayo ay tapat na tumutugon, at nauunawaan natin na tayo ay tumatanggap at nagbibigay ng biyaya mula sa Diyos at ng kanyang ministeryo. Ang pagbibigay ay bahagi ng pagtanggap at ang pagtanggap ay bahagi ng pagbibigay.
Muli, sa bahaging ito ng ating pagtugon, pinapaalalahanan tayo na ating sisikaping mai-angkop ang ating mga puso at layunin sa puso at layunin ng Diyos. At ang ating mga kaloob ay higit pa sa halagang malilikom para sa misyon, ito ay bilang simbolo ng ating materyal pasasalamat sa Diyos.
Sa ating bukas palad na pagbabahagi bilang pagtugon, nawa ay makita natin ang lubusang pagbibigay at pagtanggap. Manalangin tayo sa para sa mga biyayang ating tinatanggap at sa ating mga ibibigay.
Blessing and Receiving of Mission Tithes.
Prayer for Ministry
Closing Hymn: Jesus Use Me
Closing Prayer
Postlude